Block B: Extrajudicial Killing
Magandang araw!
Kami si Althy Cendana, Uriel Escobido, Jarie Quanico, at Nikki Valdez ng Block B at ito ang aming Pinal na Papel para sa Filipino 5 ukol sa aming ginawang workshop.
Ang aming workshop ay tungkol sa extrajudicial killings na nagaganap sa ating bansa ngayon. Ito ang napili naming isyung pagusapan dahil ang aming common interes ay ang larong "One Night: The Ultimate Werewolf" at maaari silang maikumpara sa isa't isa. Ito ay isang laro na gumagamit ng mga baraha at parang RPG na rin. Para sa aming worksop, isinalin namin ito sa Filipino.
Maaaring basahin sa baba ang aming plano. :)
Maaaring basahin sa baba ang aming plano. :)
Plano Para sa Workshop
Paksa
Paglalaro ng One Night: The Ultimate Werewolf. Ito ay aming napili dahil sa tingin namin ay masaya itong laro at gusto naming ipabahagi ito sa klase.
Ano nga ba ang "One Night"?
Ano nga ba ang "One Night"?
Kinuha mula sa https://boardgamegeek.com/boardgame/147949/one-night-ultimate-werewolf |
Ito ay orihinal na naggaling sa Bezier Games at may aktwal na baraha para dito ngunit pag naglaro kami ay ibang baraha nalang ang ginagamit namin.
Ang One Night ay nagsimula sa larong Mafia na gawa ni Dimitry Davidoff. Ito ay isang laro kung saan ay mabibigyan ka ng isang "role" na gaganapin. Kung nakuha mo ang 'mafia' ay kailangan mapatay mo ang mga 'villager' at kung ikaw ay 'villager' ay dapat mahanap mo kung sino ang kasama sa 'mafia'. Ang larong One Night ay halos ganoon din pero mayroong kang mga 'werewolf', 'villager', at iba pang roles tulad ng 'robber' at 'tanner'. Halos pareho lang ang mekaniks ng One Night at Mafia; layunin ng bawat grupo na hindi mamatay. Isa pang importanteng tao sa paglaganap ng One Night ay si Andrew Plotkin na isang manunulat ng interactive fiction.
Maaaring panoorin sa baba kung paano maglaro ng One Night at maaari din tingnan ang iba't ibant mga link sa aming sanggunian para sa mas maraming impormasyon.
Isyu
"Extrajudicial Killings" sa Pilipinas at ang Epekto nito sa Lipunang Pilipino
![]() |
Kinuha mula sa http://www.philstar.com/headlines/2016/08/19/1615091/un-urges-government-stop-extrajudicial-killings |
Ito ay isang mahalagang isyu ngayon sa kasalukuyang administration ni PDU30. Maraming balita ukol rito at naisip namin na appropriate siyang i-relate sa paksang aming napili. Para sa mas maraming impormasyon, tingnan ang "Handout" na seksiyon ng post na ito. :)
Mga Natalakay
Iprinesenta namin sa aming mga kaklase ang resulta ng aming pananaliksik. Narito ang sinundan naming balangkas:
- Layunin ng Pananaliksik
- Ano ang war on drugs?
- Ano ang kalagayan ng war on drugs sa ibang bansa?
- Ano ang kasalukuyang tala ukol sa war on drugs sa Pilipinas (demograpiko)?
- Ano ang extrajudicial killing at bakit ito nangyayari?
- Ano ang mga epekto ng extrajudicial killing sa ating bansa?
- Ano ang pananaw ng mga mag-aaral na nagsaliksik ukol dito?
Narito ang link ng PPT na ginamit namin. Ito rin ay makikita sa apendiks sa baba.
Aktibidad
Para sa aming aktibidad, kami ay gumawa ng isang tutorial video kung paano maglaro ng Isang Gabi: Ang Tunay na Taong Lobo at ipinakita namin sa klase:
Sunod naman naming ginawa ay igrinupo ang klase at ibinigay sa kanila ang mga baraha na amin ring ginawa. Ang bawat baraha ay may tatlong kopya para magkaroon ng tig-isa ang bawat grupo.
Likod ng Baraha |
Harap ng Baraha para sa Bruha |
Harap ng baraha para sa Mapagpanggap |
Pagkatapos ay sinimulan na ang laro. Bilang gabay, isinalin namin ang app na "One Night: The Ultimate Werewolf". Ito ay may nakarecord na boses na nagsasabi kung sino na ang sunod na gigising at kung ano ang pwede niyang gawin. Rinecord din namin ito at ipinarinig sa mga kaklase para sa laro.
Magkatapos nito ay aming iniugnay ang laro at ang isyu para sa aming mga kaklase. Madalas pag nag naglalaro ng One Night ay magkakaroon nalang ng rebelasyon sa dulo ng laro ago magbotohan kung sino ang papatayin. Dahil sa malapit na matapos ang oras at kailangan na bumoto ng mga tao, may isang tao na hindi makakadepensa sa sarili at bigla nalang papatayin nang wala siyang masasabi. Tulad lang ng EJK.
Mga Kaganapan
Narito ang iskedyul na aming sinundan para sa workshop:
7:30-7:40nu Paghahanda ng mga Materyales
7:40-7:55nu Diskusyon Ukol sa EJK at Pagtuturo ng Laro
7:55-8:20nu Paglalaro ng One Night: Ultimate WerewolfHandout
Narito ang aming nahanap na impormasyon ukol sa isyu na nakabalangkas. Ito ang nagsilbing gabay sa aming pagpresenta.
Impormasyon Ukol sa Isyu
- Layunin ng Pananaliksik
![]() |
Kinuha mula sa flaticon.com |
“The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.” - Good at Scates (1972)
Pangunahing Layunin: Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao.
Mga Tiyak na Layunin (Gelsugon, 2015):
- Makatuklas ng bagong datos at impormasyon hinggil sa isang batid nang penomina.
- Mabigyan ng bagong interpretasyon ang isang lumang ideya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang anggulo, perspektiba at pananaw ukol rito.
- Maglinaw ukol sa isang pinagtatalunang isyu sa isang komunidad, sa mga institusyon at sa bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mga batayan na makatutulong sa pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
- Hamunin ang isang tanggap na na katotohanan o ideya.
- Patunayan ang pagkabalido ng isang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay o pahayag gamit ang mga makatotohanang datos.
- Mabigyan ng historikal na perspektiba ang isang senaryo.
- Upang makahanot ng mga solusyon sa mga suliranin ng bayan na hindi nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga umiiral na teknik at pagdebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
- Matugunan ang kuryosidad ng mananaliksik.
Anu-ano ang mga layunin namin sa pananaliksik ukol sa extrajudicial killings (EJK)?
- matugunan ang aming kuryosidad ukol sa EJK
- makapagbigay ng mga opinyon at interpretasyon ukol sa EJK na mayroong malalim na batayan
- maintindihan at maliwanagan sa isyu
- magkaroon ng historikal na pananaw sa isyu ng EJK
- sana makakita ng mga kasagutan sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas
- War on Drugs
- Ano nga ba ang War on Drugs? Ang War on Drugs ay isang kampanya na sinimulan ng pangulong Duterte sa kanyang pagakyat sa pwesto noong June 30, 2006. (Human Rights Watch, 2017)
- Sa kampanyang ito, pinapalakas at pinagtuunan pa lalo ng mga pulis ang paghuli sa mga taong may kinalaman sa droga katulad ng mga drug pusher at mga drug lord.
- Ang pagkakaroon ng war on drugs ay naging isang malaking issue hindi lamang sa Pilipinas, kungdi sa UN dahil sa marahas na pagpapatupad ng kampanya at sa dami ng bilang ng nabiktima nito, marami ay hindi pa tiyak na napapatunayang may asosasyon sa droga. Bukod ba dito ay ilang mga namatay ay sinasabing hindi dahil sa mga operasyon ng mga pulis at dahil sa mga vigilante - na tinatawag ngayon na Extrajudicial killings.(Mateo, 2017)
- Kalagayan ng War on Drugs sa Ibang Bansa? (Drug war sa Columbia at Mexico.)
- Kasalukuyang Tala Ukol sa War on Drugs
Mula sa kaliwa: PNP Chief Dela Rosa at P. Duterte Kinuha mula sa http://news.abs-cbn.com/news/08/15/16/pnp-chief-on-martial-law-sink-or-swim-im-with-duterte |
Ipinatigil ni Pangulong Duterte noong January 30 2017 dahil mayroong mga pulis na nasangkot sa pagdakip at pagpatay sa ilang mga South Korean businessman at ipinatuloy noong February 27. Ayon naman sa Kalihim ng DOTC, Andanar, bumaba ang crime volume ng 9.8 % simula ng nagkaroon ng #WarOnDrugs.
Narito ang kasalukuyang tala ng mga namatay mula sa PNP (Philippine National Police) (July 1, 2016- January 31, 2017).
Kategorya
|
Numero
|
Kabuuang bilang ng mga namatay #WarOnDrugs
|
7, 080
|
Pinaghihinalaang mga drug personalities (patay)
|
2, 555
|
Mga namatay ngunit iniimbestigahan pa
|
3, 603
|
Mga nabiktima na iniimbestigahan pa
|
922
|
Narito naman ang mga tala sa mga operasyon ng PNP.
Kategorya
|
Numero
|
Operasyon ng mga pulis
|
50, 428
|
Mga naarestong drug personalities
|
64, 269
|
Mga sumuko (pusher)
|
79, 349
|
Mga sumuko (user)
|
1, 110, 113
|
Narito ang tala ng PNP ukol sa extrajudicial, vigilante-style, or unexplained killings (January 9, 2017).
Kategorya
|
Numero
|
Mga namatay sa labas ng operasyon
|
4, 146
|
Iniimbestigahan pa
|
3, 271
|
- Extrajudicial Killing
- Ang salitang extrajudicial ay mula sa ugat na salitang judicial, at nangangahulugang labas sa normal na proseso na nagaganap sa hukuman. Ang extrajudicial killing ay tumutukoy sa pagpatay sa isang tao ng hindi dumadaan sa due process. Sa madaling salita, hindi pa napapatunayan sa hukuman na nagkasala ang pinatay.
- Tinuturing na paglabag ng karapatang pantao ang extrajudicial killings dahil sa pagtanggal ng pagkakataon ng isang tao na maipagtanggol ang sarili laban sa mga hinala sakanya. Isang magandang halimbawa ng extrajudicial killing ang naganap kay Michael Siaron, isang pedicab driver na pinatay ng hindi pa kilalang tao. (Katigbak, 2016)
- Sinasabi ng Commision of Human Rights na ang bilang ng mga namatay sahil sa mga di kilalang vigilante ay hindi pa nararanasan ng komisyon simula ng ito’y itaguyod noong 1987. (Cayabyab, 2016)
- Ang sagot naman ni Presidente Duterte tungkol dito ay ito ay ang pagpatay ng mga kriminal sa kapwa nila kriminal. (Ranada, 2016) Ang pagiisip na ito ng mismong pangulo ng ating bansa ang maaring dahilan kung bakit marami ang naglalagay ng hustisiya sa kanilang sariling kamay, at kung bakit mayroong extrajudicial killings na nagaganap.
![]() |
Inaanyaya ni P. Duterte na bigyan pansin ng mga sundalo at pulis ang human rights noong June 1, 2017. Kinuha mula sa http://www.japantimes.co.jp/news/2016/08/14/asia-pacific/reports-of-extrajudicial-drug-killings-to-be-investigated-philippines-tells-u-s/ |
- Epekto ng Extrajudicial Killing sa Pilipinas
- Bumaba ang crime rate ng 32%
- Ekonomiya
- Naiilang ang mga investors sa EJK. Hindi sila sigurado kung ligtas ang business environment dito and kailangan daw nila ng tiwala sa batas at proseso ng administrasyon at gobyerno.
- Mula sa average growth rate ng ekonomiya ng Pilipinas sa huling administrasyon na 6%, hindi pa naaabot ng PIlipinas ang potensyal niya. Dahil sa EJK, baka umunti ang mga investors.
- Hindi ligtas na kapaligiran
- Madalas na may mahahanap na mga patay na katawang nagsasabing “drug pusher ako wag tularan”. Maraming nagbabalala na mag-ingat pag nasa labas dahil baka maging biktima ng EJK.
- Nahahati na rin ang mga Pilipino sa dalawang grupo: ang mga sumasangayon sa war on drugs at ang mga hindi.
- Kahit online, may cyberbullying na nagaganap sa pagitan ng dalawang grupong ito.
- Pagkawala ng tiwala sa mga lider
- Nakasuhan na si Duterte sa International Criminal Court ng isang abogadong nagsasabing dati siyang kasama sa Davao Death Squad
- Ang tatlong kailangan para sa isang “crime against humanity” ay:
- Maraming pinapatay
- Mga sibliyan ang namamatay
- Alam ng pumapatay na pumapatay siya ng maraming sibilyan
- At lahat ng ito ay naamin na ni Duterte. Maaaring matanggal siya sa posisyon niya pag nagkaroon ng trial habang siya ay pangulo at mas lalong magkakagulo sa Pilipinas.
Ang International Criminal Court Kinuha mula sa https://humanityunited.org/africa-and-the-international-criminal-court-moving-the-narrative-forward/ |
Mga Reaksyon
Narito naman ang mga masasabi ng aming mga kaklase ukol sa aming workshop!
Bilang isang manlalaro ng orihinal na laro nito na "One Night Werewolf", ang refreshing laruin ng isang Filipino version haha. Ang effort pa ng cards niyo haha samin normal cards lang 😀. -Anonymous
Maganda ang workshop na isinagawa ng grupo. Nagustuhan ko ang magagandang grapiks na ginamit sa mga card at ang translated na voiceover. Napaka involved rin ng grupo sa pag sasagawa nito. -Filadelfo Diaz
Masaya! Kawili-wili! Kakaiba! -Virgie Garcia
Nagustuhan ko ang paggamit nila ng kanilang laro upang mabigyan kami ng munting ideya sa nagaganap na mga EJK sa Pilipinas. Nasiyahan din ang aming grupo dito so yun good job! 😀 -Carlo Belen
Masaya naman yung aktibidad na ipinagawa sa amin. Nakapaglaro na ako niyo dati ngunit medyo nahirapan ako ngayon dahil ito'y nakasalin sa Filipino. Pero all-in-all, maganda yung experience 🙂 -Cheska Reyes
Masaya yung laro, pero siguro maaari pang magkaroon ng mas malinaw na pagkakaugnay sa napiling paksa ng grupo na tungkol sa EJK. Pero naiintindihan naman namin na mahirap humanap ng aktibidad na kaugnay ng paksang ito so good job pa rin 😊 -Leila Aban
Masaya ang workshop tungkol sa EJK dahil kahit marami na akong nabalitaan tungkol dito, may mga natutunan din akong bago tulad ng sa sitwasyon ng Drug War sa ibang bansa. Masaya din ang kanilang aktibidad at nakakatuwa ang kanilang mga ginamit na props at rule video. Sa kalahatan, mahusay talaga ang kanilang workshop. -Rosette Racela
Naging makabuluhan at masaya ang workshop na ginawa ng grupo. Natutunan ng block namin kung paano laruin ang one night at kasabay nito ang isyu ukol sa ejk. Mas maganda sana kung nabigyan ng sapat na oras ang paglaro ng nasabing laro. -Kenneth Austero
Naitalakay ng workshop ang kahalagahan ng pagsasaliksik. Sila ay naghanap ng isang isyu at ito ay kanilang sinaliksik. Ang kanilang laro naman ay may kaugnayan din sa isyu at kaming lahat ay nagenjoy. -Angelo Bonotan
Nakakatuwa kasi habang pinapaliwanag nila yung mga panuto ng kanilang laro, mauugnay mo na kagad yung isyu nila na EJK! Masaya yung laro at talagang pinaghandaan pa nila kasi mayroon silang bidyo at voice recording, at sobrang gandang cards. Sayang nga lang kasi malabo yung audio nung mismong aktibidad na pero buti na lang may isang miyembro ng grupo sa bawat pangkat para magabay kami. -Yanna Fusingan
Konklusyon at Rekomendasyon
Sa palagay namin ay hindi epektibo ang War on Drugs na nagaganap sa Pilipinas sa pangmatagalan at hindi dapat ito ipagpatuloy. Sa kasalukuyan mas maraming negatibong epekto ang nakikita. Dapat bigyan pansin nalang ang rehabilitasyon ng mga drug users. Imbis na gumawa ng ligtas na lugar para sa kabataan at mamamayan, ang kabila ang nagagawa. Kung hindi ito epektibo sa ibang bansa na mas may kaya kaysa sa atin, paano tayo makakasiguro na magiging epektibo siya para sa atin?
Para naman sa aktibidad na workshop, nais naming sabihin na masaya gumawa ng ganito kung hindi kami nagmamadali. Dahil siguro sa kasama siya halos sa hell week, nahirapan ang mga iba na gumawa. Rinerekomenda namin na para sa workshop ay magkaroon ng iba't ibang deadline para sa presentasyon at sa iba pa.
Sanggunian
ABS-CBN News. (2016,
July 25). ‘Unsettling’ killings could weigh on economy: S&P. ABS-CBN News. Retrieved from http://news.abs-cbn.com/business/07/25/16/unsettling-killings-could-weigh-on-economy-sp
Brodzinsky, S. (2016). After 30 years
on the frontline, Colombia looks beyond the failed war on drugs. Retrieved from
https://www.theguardian.com/world/2016/apr/18/colombia-united-nations-assembly-war-on-drugs
Bezier Games (2013). One Night Ultimate
Werewolf. Retrieved from https://www.fgbradleys.com/rules/rules2/OneNightUltimateWerewolf-rules.pdf
Bueza, M. (2016). In Numbers: The Philippines'
War on Drugs. Retrieved from http://www.rappler.com/newsbreak/iq/145814-numbers-statistics-philippines-war-drugs
Butuyan, J. R. (2016,
August 15). Extrajudicial killings as crime against humanity. Inquirer.net. Retrieved from http://opinion.inquirer.net/96518/extrajudicial-killings-crime-humanity
Cayabyab, M.J. (2016,
August 24). CHR: Extrajudicial killings in Duterte War on Drugs
‘unprecedented’. Inquirer.net Retrieved from http://newsinfo.inquirer.net/809292/chr-extrajudicial-killings-in-duterte-war-on-drugs-unprecedented
CNN Library. (2017). Mexico drug war
fast facts. Retrieved from http://edition.cnn.com/2013/09/02/world/americas/mexico-drug-war-fast-facts/
GeekDad. (2017). One Night Ultimate
Werewolf Is a Howling Good Time. Retrieved from https://geekdad.com/2014/03/one-night-ultimate-werewolf/
Katigbak, T. (2016,
August 10). No to extrajudicial killings. Philstar Global. Retrieved
from http://www.philstar.com/opinion/2016/08/10/1611958/no-extrajudicial-killings
Okui, A. (2013). One Night Werewolf.
Palatino, M. (2017). Duterte's War on
Drugs in the Philippines: By the Numbers. Retrieved from http://thediplomat.com/2017/01/dutertes-war-on-drugs-in-the-philippines-by-the-numbers/
Robertson, M. (2010). Werewolf: How a
parlour game became a tech phenomenon. Retrieved from http://www.wired.co.uk/article/werewolf
Romero, A. (2016). Duterte's Drug War
Lowered Crime Rate, Palace Says. Retrieved from http://www.philstar.com/headlines/2016/08/14/1613405/dutertes-drug-war-lowered-crime-rate-palace-says
Sheehan, G. (2017). Measuring One Night
Ultimate Werewolf & the expansions. Retrieved from https://www.bleedingcool.com/2017/03/31/measuring-one-night-ultimate-werewolf-expansions/
Sta. Ana III, F. S.
(2016, August 22). The killings and the impact on investments and growth. Business World Online. Retrieved from http://www.bworldonline.com/content.php?section=Opinion&title=the-killings-and-the-impact-on-investments-and-growth&id=132276
Un, H. (2017). Why I’ll happily play
One Night Ultimate Werewolf again. Retrieved from https://www.kotaku.com.au/2017/03/why-ill-happily-play-one-night-ultimate-werewolf-again/
Zahariev, B. (2014, August 8).Werewolfes
tips and Strategies. Retrieved from https://rpggeek.com/thread/1215483/werewolfes-tips-and-strategies
Apendiks
Mga larawan ng baraha:
Powerpoint na ginamit:
https://docs.google.com/presentation/d/1yZZKAbFoqwpjIxyrpfrRyl9gcnUL_bRK7FQYDff7vBw/edit?usp=sharing
Paano nga ba Maglaro ng Isang Gabi: Tunay na Lobo? (video):
https://youtu.be/hl677nBFR2k
Comments
Post a Comment