Block D: Otaku Desu

Block D | Refuerzo, Tiamson, Mingala, Reyes, Hernandez, Perando

Paksa:
Ang Kultura ng “Otaku” sa Pilipinas

Isyu:
Ang pagtanggap sa mga panibagong kultura kagaya ng kulturang “Otaku”

Talakayan:
  1. Ano ang mga “Otaku”
  2. Depinisyon ng “Otaku”
  3. Saan nanggaling ang kulturang “Otaku”
  4. Mga aspeto at ehemplo ng kulturang “Otaku” sa Pilipinas
  5. Ano ang pagtingin ng mga tao sa “Otaku
  6. Ano nangyari sa kultura ng “Otaku” sa Pilipinas

Aktibidad:
“Ang Pakikibahagi sa Kulturang Otaku”
  1. Ang klase ay magbobotohan para makapagpili ng “Anime” na papanoorin nila
    1. Ang mga Pwede nilang mapanood ay:
      1. Kuzu no Honkai, isang drama na palabas tungkol sa mga estudyante na nahihirapan sa kanilang pagmamahal.
      2. Psycho-Pass, isang aksyon na palabas tungkol sa mga pulis ng isang “Dystopia” na Japan.
      3. KonoSuba, isang komedya tungkol sa isang dating “Otaku” na namatay at nabuhay muli sa isang panibagong mundo.
  2. Ang grupo ay manghihingi ng mga boluntaryo sa klase
  3. Ang mga boluntaryo as sasabak sa isang “Anime Personality Quiz”
  4. Ang mga boluntaryo rin ay sasabak sa isang “Anime Singing Contest”

Materyales:
  1. Projector
  2. Laptop
  3. Speakers

Iskedyul:
7:10nu - 7:20nu
Introduksyon sa Kulturang “Otaku” (Talakayan I - III)
7:20nu - 7:45nu
Pakikibahagi sa Kulturang “Otaku” (Talakayan IV)
7:45nu - 7:55nu
Pagtalakay sa Isyu ukol sa mga “Otaku” (Talakayan V - VI)
7:55nu - 8:00nu
Paglagom at Pagwakas
Impormasyon:

Ryan Sly Hernandez:
(Isyu)
    Patuloy ang paglaganap ng anime movies sa mga mall at ito ay isang hudyat na dumadami na ang mga taong may interes sa anime, na tinatanggap na ito ng mga sinehan. Ibinalita ni Melegrito (2017, Marso 24) na isa sa mga mainit-init na tinanggap na anime movie na “Sword Art Online: Ordinal Scale” ay nag sold-out sa kaniyang premiere night. Hindi naging balakid sa pagdayo ang mga tao kahit inannounce ang premiere ng movie dalawang araw bago ito lumabas. Isang pinakahihintay din na anime movie ang “Koe no Katachi” o sa ingles ay tawag na “The Silent Voice” na ipinalabas sa sinehan simula noong Abril 15, 2017. Ayon kay Melegrito(2017, Abril 11), ang koe no katachi ay nagtamo ng mahigit JP¥2.3 bilyon(mga PHP1.04 bilyon) sa kabuuang benta.

    Kahit may pagkakaiba ang mga taong mahilig sa anime at sa mga “otaku” ang pagdami ng mga anime movies sa ating bansa ay sumisimbolo na hindi na kakaiba na ang isang taong mahilig sa anime.


(Interes)
Para sa “anime personality quiz”ang pook-sapat na ito ang gagamitin: https://www.quotev.com/quiz/2902103/What-Dere-Type-are-you. Ito ay tinatawag na “dere types” dahil lahat ng mga ito ay may “-dere”  sa dulo. Ayon kay Magulick (2017, Pebrero 17), mayroong 14 na dere types pero itatalakay ko ang pinakasikat na mga “dere types”. Ang pinakauna ay ang “tsundere” at ang isang indikasyon nito ay kapag nagpapalit sila ng pakikitungo sa pagitan ng pagiging marahas sa kaniyang minamahal at ang pagiging “love-struck”. Ang pangunahing indikasyon ay ang madalas na pagpalo at pagiging mahiyain kapag pinupuri ng kanyang minamahal.
Ang kagilas-gilas na “tsundere” ay madalas nakikita hindi lamang sa anime kundi sa mga karakter sa mga palabas at telenobela. Para malaman ang iba pang dere types, basahin na lamang ang artikulo ni Magulick.

Jasper Refuerzo:
(Isyu)
    Ang Tholons (2008, Mayo) ay naghayag ng isang artikulo ukol sa mga rason kung bakit ang Pilipinas, kahit ito ay nanguna sa pakikisama sa industriyaito, ay hindi pa rin nangunguna sa industriya ng Animasyon. Kahit na maraming mga anime, palabas, at sine ay natrabauhan ng mga Pilipino, kagaya ng One Piece ng TOEI Animation Studio, nangungulang pa rin tayo sa posibleng malaking industriya sa Pilipinas.
    Nakapaskil sa forums ng MyAnimeList - isang kinikilalang website para sa forums at arikbo ng Anime at Manga - ang isang post na sinimulan ng tao na tinatawag na “AkumaHomura”. Ang post na ito ni “AkumaHomura” (2014, Mayo 30) ay tungkol sa mga opinyon ng mga tao kung bakit may diskriminasyon sa mga nanonood ng anime at sa pagkuha ay nagkaroon na ng 88 na mga sagot. Ang mga sagot ay umiiba pero ang pangunahing sagot na lumalabas ay ang Anime ay nakikitang bilang isang palabas na pambata o pornograpiya.

(Paksa)
    Ang artikulo ni Rodriguez (2012, May 19) ay nagtatala ng mga pangyayari sa pagitan ng Pilipinas at Japan tungkol sa palapit Philippines-Japan Friendship Month. Ito rin ay nagtala ng mga kwento ng mga tao sa kanilang pag-mahal sa kultura at bagay galing sa Japan. Pati ang Embassy ng Japan sa Pilipinas ay naghihikayat sa mga tao na sumali sa “Anime Singing and Cosplay Contests” nila. Nakikita rin na hindi Anime at Manga lamang ang mga nagugustuhan ng mga tao kung hindi ang mga bagay kagaya ng JPop, pagkain, at laro.
Ang “Best Girl Contest” o “Waifu Wars” ay isang taon-taong labanan ng mga babaeng karakter galing sa mga Anime. Ito ay pinagbobotohan ng mga tao sa isang “sub-reddit” na /r/anime. Ito ay pinapamagitan ng mga iba’t ibang tao sa komunidad ng /r/anime, at noong Hulyo 2016 ang wakas ng “Best Girl Contest” ay pinamagitan ni “Shaking087” (2016, Hulyo 04). Ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga “Otaku” sa kanilang mga paborito at minamahal na mga karakter o ang kanilang “Waifu”.

Ardee Perando:
(Isyu)
    Nakapaskil sa Quora - isang kinikilalang website kung saan pwede magpaskil ng tanong at sasagutin ng mga may-alam - ang isang tanong ni Arpit Banerjee (2015, Abril 17) na: “Why don't most people like anime?”. Marami ang sumasagot ngunit ang pinaka-suportadong sagot ay tungkol sa tamang pagpili sa Anime. Maraming Anime ay may kalidad na pwedeng siyang tawaging isang masining o kahanga-hangang palabas, ngunit mas mas marami ang mga Anime na nagbibigay ng masamang imahe sa ibang anime. Kasing dami rin ang mga tao ang nakakakita sa mga hindi masining na Anime kaysa sa mga nakakakita sa mga masining na Anime.
    Nakapaskil sa Amino - isang kinikilalang website at app para sa mga “smartphone” kung saan pwedeng magpaskil ng sariling mga “blog post”, mga sulat, at iba pa - ang isang “post” ni “Maybird” (2015, Oktubre 05). Nilatha niya ang kaniyang mga nakikita sa mga iba’t ibang mga website na mayroong mga marahas na mga tao na nangaabuso sa mga tao na nanonood lamang ng anime, tinatawag silang mga “Weeaboo”. Ang mga “Weeaboo” ay isang grupo ng mga tao na nagkaroon ng isang “fetish” o isang himaling para sa lahat ng bagay tungkol sa Anime. Ngunit may mga tao na sinasama lahat ng mga nanonood ng mga Anime sa grupong iyon.

(Paksa)
    Sa isang artikulo na ginawa ni Isaac Hunt (2014, Oktubre 17) para sa kanyang “media group” na PJ Media, nilatha niya ang 6 na rason kung bakit may mga tao na hind gusto sa mga Anime. Ang mga rason ay iba’t iba kagaya ng paglagay ng “Filler” o ang mga bahagi ng Anime na pampuno lamang ng oras o sa paglagay ng “Fanservice” o ang paglagay ng mga sekswal na imahe para sa manonood. Iba’t iba  ang mga rason kung bakit marami ay hindi gusto manood ng Anime, pero si Isaac Hunt ay dinetalye lamang, para sa kaniya, ang mga pangunahing rason.
Ang “Fansubs” o ang pagsalin ng mga Anime sa ingles o ibang lengguwahe ng mga tao, kahit na wala pa itong pormal of opisyal na pagsalin galing sa mga orihinal na gumawa ng Anime na iyon. Ang artikulo ni Geoge Phillips (2003, Hunyo 9) ay tumitingin sa legalidad ng mga “Fansubs”. Unang una, ang mga “Fansubs” ay karaniwang gumagamit ng mga hindi legal na kopya ng mga orihinal na Anime na kanilang isasasalin. Pero kung legal ang kopya nila, dinedebate kung ang “Fansubs” ay legal dahil ito ay isang deribatibong palabas at pwedeng sabihing “Free Use” ito. Pero sa artikulo ni Phillips, sinasabi niya na sa batas ng Japan, ang pag-gawa ng “Fansubs” ay hindi legal.

Reich Tiamson:
(Isyu)
Nakikita sa Quora - isang crowd sourced online website - ng isang tanong na “Why is Anime Imported in the Philippines? galing kay Selywn Alejupan (2016, September 25). Mayroong limang taong na nagsagot sa tanong nito, at in general, nagconcur sila sa sagot na ito ay dahil kulang na kulang ng local film industry sa pagawa ng mga bago o mas komplikadonh ideya tulad ng mga ipagpakita ang mga anime at ibang klaseng media na galing sa ibang bansa. Takot silang magawa nito o magconceptualize nito dahil sa hirapan at gastos. Mas madaling at mas safe na pagawa nalang sila ng mga simpleng drama, trahediya o komedya tulad ng mga nakita sa lokal na media. Sa mga mas komplikadong genre tulad ng science-fiction at detective shows, mas madaling magdub at maglagay nalang sila ng mga subtitles sa media na taga-ibang bansa tulad ng anime o western media. Hanggang ngayon, kahit na (Medium, 2016, December 30) ang Pilipinas ay ang pangalawang bansa na may maraming napanood ng anime sa likod ng Japan, sinabi ng Philippine Daily Inquirer (2016, September 27) na isa pa lang ang anime na galing sa mga pinoy, ang Barangay 143, na prinoproduce in collaboration sa isang Hapon na company, at ito ay ipinagawa sa 2016 lang mismo kahit nandito ang anime since yung 1970s.

(Paksa)
Isang artikulo na ipinapost ng user “kami_nomi” sa MyAnimeList (2016, Pebrero 14), isang website para sa mga discussions at reviws ng ibat ibang tao na may gusto sa anime, ay tulad sa limang reasons bakit mahilig ang mga tao sa anime. Ang mga reasons nito ay una, yung self-identification sa yung tema ng mga anime na hindi itong madaling makita sa ibang klase ng media tulad ng mga western media. Mahirap panoorin ng isang bagay pag wala kang koneksyon sa mga tao sa kwento o pagsobrang layo ang mga mangyayari sa mga tingin mo dapat nangyayari. Pangalawa ay escapism, at yung tatlo pang reasons niya ay naka-linked dito. Sa anime, kaya mong ipag-dive sa iba’t ibang munod at sa iba’t ibang kwento na sobrang iba sa normal buhay ng isang tao. Nasa ibang kwento ka tulad ng isang aklat. Mas malinaw ito sa anime kaysa sa mga western na movies at mga tv shows dahil sa mga techniques na ginamit nila para sa storytelling. Pangatlo ang mga visual effects. Pwede itong makita sa mga mas mataas na budget ng anime tulad ng Sword Art Online:Ordinal Scale. Pangapat at panglima ay yung characters at story. Isang magandang anime ay kinukuha ng atensyon mo at ilagay mo sa loob ng kwentong na nagawa nila. May pake ka sa anumang nangyari sa mga characters at sa kwento. May grip nila sa emosyons mo. Kinakain ka ng sistemang ginawa ng mga nagsulat at naganimate ng anime.

Hans Mingala:
(Isyu)
Ayon kay Cruz(2014, August 18), isang problema sa pagiging isang “otaku” ay ang pagiging masyadong “obsessed” sa mga bagay na kaugnay sa pagiging isang otaku. Isang halimbawa niya ay ang pagpapakamatay ng isang batang apat napung taong gulang dahil namatay si Itachi Uchia, ang paborito niyang karakter sa anime na Naruto. Isa pang halimbawa ng pagpatay ng apat na lalaki sa isang tao dahil sila daw ay umanong tagahanga ng anime na “Death Note”. Sa artikulo na isinulat ni Cruz(2015, December 16), ipinapakita naman dito na ang ibang mga otaku ay pinaglalaban ang kanilang mga karapatan na maging isang otaku ngunit ang iba ay masyadong aggresibong lumaban na nagiging kahiyahiya ito sa mga otaku mismo.
(Paksa)
Ayon sa artikulong ~Otaku in Me~ (2013, April), ang mga “otaku” ay isang grupo ng mga tao na mahilig sa midya ng Hapon kagaya ng anime, manga, cosplay atbp. Dahil sa ganitong asal ay inaakala ng maraming tao hindi sila na iintindihan na wala silang mga kwenta at salot sa lipunan dahil wala silang inatupag kundi yun lang. Pero ayon din sa artikulong ito na maraming positibong epekto ang pagiging isang otaku gaya ng: pag paparami ng kaibigan, pagtuto ng kultura at lenguaheng hapon, at pagtaas ng kaalaman sa sining. Itong mga positibong epekto na ito ay mas nakakarpekto sa mga otaku kaysa sa mga negatibo, gaya ng pagiging violente, pagmamaliit sa kanila atbp., dahil mas kaunti ang mga otaku na namumurble dito ngunit sa tingin pa rin nila ay minamaliit parin sila ng lipunan.  Ngunit ayon kay Magnus (2011, September 22) ay matagal ng hindi na minamallit ang mga otaku dito sa Pilippinas at lalo pang umuunlad ang kulturang otaku.






Sanggunian
Alojipan, S. (2016, September 25). Why is Anime Imported in the Philippines?. Nakuha Abril 18, 2017 sa https://www.quora.com/Why-is-anime-imported-in-The-Philippines
AnimeMotivation. (2016, December 30). Top 25 Countries with the Biggest Anime Fans, According to Google Trends. Nakuha Abril 18, 2017 sa https://medium.com/anime-motivation/top-25-countries-with-the-biggest-anime-fans-according-to-google-trends-8e07c0a6c1e4
AkumaHomura. (2014, Mayo 30). Discrimination against anime and anime fans [Post 1]. Nakapaskil, Abril 18, 2017, sa https://myanimelist.net/forum/?topicid=1190457
Banerjee, A. (2015, Abril 17). Why don't most people like anime? Nakuha Abril18, 2017, sa https://www.quora.com/Why-dont-most-people-like-anime
Bayle, A. (2016, September 27). Japanese TV Network to Produce Anime for the Philippines. Nakuha Abril 18, 2017 sa http://entertainment.inquirer.net/202559/japanese-tv-network-to-developed-an-anime-for-the-philippines
Cruz, K. (2015, December 16). Discrimination Against Otaku Culture: KenesuKurusu’s Thematic Anime-Related Discussion (T.A.R.DIS). Retrieved April 19, 2017, from http://www.thebuttonsmashers.com/2014/05/discrimination-against-otaku-culture-heartunderblades-thematic-anime-related-discussion-t-a-r-dis/
Cruz, S. (2014, August 18). Being Too Much of an Otaku: A Feature Article. Retrieved April 19, 2017, from https://www.academia.edu/8053823/Being_Too_Much_of_an_Otaku_A_Feature_Article
Phillips, G. (2003, Hunyo 8). Legality of Fansubs. Nakuha sa http://www.animenewsnetwork.com/feature/2003-06-08/3
Hunt, I. A. (2014, Oktubre 17). 6 Reasons Why People Avoid Anime. Nakuha April 18, 2017, sa https://pjmedia.com/lifestyle/2014/10/17/6-reasons-why-people-avoid-anime/2/
Kami_Nomi. (2016,Pebrero 14). 5 Reasons Why People Love Anime. Nakuha April 18, 2017 sa https://myanimelist.net/featured/1406/5_Reasons_Why_People_Love_Anime__Interview_with_Industry_Professionals
Magulick, A. (2017, Pebrero 19). The 14 Popular Dere Types in Every Anime. Nakuha    Abril 18, 2017, sa                                    http://goboiano.com/the-14-popular-dere-types-in-every-anime/
Maybird. (2015, Oktubre 5). Anime Fan vs. Weeaboo - The Difference. Nakuha April 18, 2017, sa http://aminoapps.com/page/anime/8024071/anime-fan-vs-weeaboo-the-difference
Melegrito, J. (2017, Marso 24). SOLD OUT ONLINE: Full House for the Sword Art Online:     Ordinal Scale premiere in Manila. Nakuha Abril 18, 2017, sa https://www.animepilipinas.com/2017/02/22/sold-out-online-sword-art-online-premiere-manila/
Melegrito, J. (2017, Abril 11). Pioneer Films scraps "A Silent Voice" April 15 playdate.     Nakuha Abril 18, 2017, sa https://www.animepilipinas.com/2017/04/11/pioneer-films-scraps-silent-voice-april-15-playdate/
Rodriguez, F. (2012, Mayo 19). Filipino fascination with Japan goes beyond 'kawaii' Nakuha Abril 18, 2017, sa http://www.rappler.com/move-ph/5601-filipino-fascination-with-japan-goes-beyond-kawaii
ShaKing807. (2016, Hulyo 04). Best Girl Part 3: Saltdust Crusaders!! ZA FINALS!! • r/anime. Nakuha April 18, 2017, sa https://www.reddit.com/r/anime/comments/4r9hja/best_girl_part_3_saltdust_crusaders_za_finals/
The Rise of Philippine Otaku Culture – My rushed academic paper. (2011, September 22). Retrieved April 19, 2017, from https://www.google.com.ph/amp/s/ambivalen.wordpress.com/2011/09/22/the-rise-of-philippine-otaku-culture-my-rushed-academic-paper/amp/
Tholons. (2008, Mayo). The Philippine Animation Industry Landscape. Nakuha sa http://www.tholons.com/nl_pdf/150508_philippine_Animation_Industry.pdf
~Otaku in Me~. (2013, April). Retrieved April 19, 2017, from http://janediannegaylican.blogspot.com/2013/04/research-paper-discrimination-of-otaku.html?m=1

Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block C: Indie Films