Block D: Pagpapahalaga sa Pagkaing Pinoy



                                                                                                                                                                
PAGPAPAHALAGA SA PAGKAING PINOY
Malnutrisyon sa Pilipinas
                                                                                                                                                                                                                         
      
I. INTRODUKSYON SA PAKSA

A.  Malnutrisyon sa Pilipinas

           A. Dahilan kung bakit may malnutrisyon sa Pilipinas: 
  1. Kakulangan sa pera upang bumili ng masustansiyang pagkain
  2. Kakulangan ng kaalaman ukol sa malnutrisyon
  3. Kakulangan ng pagbibigay halaga sa kabuluhan an pagka-importante ng pagkain ng masustansiyang pagkain
B. Epekto ng malnutrisyon sa mga Pilipino, lalo na sa kabataan:
  1.  Kulang sa kalusugan
  2.  Hindi sila nakakain ng sapat at sa tamang panahon
  3.  Kulang sa sustansya ang mga kinakain
  4.  Payat ang mga bata
C. Maaring solusyon sa malnutrisyo
      1. Mas murang pagkain na kayang bilhin ng masa
      2. Mas masustansiyang pagkain na kung kainin,sapat ang mga bitaminang makukuha mula dito.
      3.  Diseminasyon ng impormasyon ukol sa malnutrisyon at ang mga epekto nito
II. PLANO SA WORKSHOP
 
A. Magiisip ang grupo kung ano ang lulutuin   
        1. Maghahanap ng kompromisa sa pagiging mura at masustansiya ng pagkain
B. Ihahanda ng grupo ang pagkain
        1. Lulutuin ng grupo ang pagkain
        2. Gagawa ng bidyo
        3. Ipapakita kung paano ihanda ang mga kasangkapang kailangan
        1. Ipapakita nito kung paano na lulutuin ang pagkain sa bahay.
        2.  Gagawa ng handout: makikita dito ang recipe ng lulutuing pagkain at
          ang mga importanteng detalye na itinalakay tungkol sa pagkaing Pinoy at malnutrisyon.
      1.  Kakainin ng klase ang pagkain
         C. Materyales:
      1. Projector
      2. Handouts ukol sa malnutrisyon
      3. Nakahandang pagkain
      4. Mga mangkok at kubyertos
      5. Sigasig at saya!

          D. Iskedyul
                       8:50 - 8:52    Diseminasyon ng handout at paghanda ng presentasyon
                       8:52 - 9:10    PPT Presentasyon tungkol sa Malnutrisyon
                       9:10 - 9:20    Pagpapakita ng bidyo ng recipe
                       9:20 - 9:35    Pagpapakita at pagkain ng tapos na produkto
                       9:35 - 9:40    Paglilinis ng klase

                       *Ang buong presentasyon ay tatagal ng 50 minuto (1 period)

III. LAGOM, KONKLYUSYON, AT REKOMENDASYON 

A. Lagom

Sa pangkalahatan, ang malnustrisyon ay isang problemang nararanasan ng napakaraming mamayang Pilipino. Maaaring ito ay dahil sa ilang mga dahilan tulad ng pagkulang pinansyal na kakayahan o di kaya’t kakulangan ng kaalaman tungkol sa tamang pag-alaga ng sariling katawan pag dating sa nutrisyon. Kahit alin man sa mga ito ang masabi nating dahilan ng malnutrisyon, pareho parin ang mga masasamang epekto nito sa mga tao, tulad ng paghihina ng katawan dahil sa kakulangan ng tamang mga mineral at bitema ng katawan at pag-”stunt” rin ng paglaki at kakayahang mag-isip. Masasabi natin na ang malnutrisyon ay nakakaepekto, hindi lamang sa mga pisikal na aspeto ng isang tao, kundi sa mental, sikolohikal at emosyonal na rin. Ngunit, kaya namang maresolba ang problemang ito sa pamamagitan ng pagkalat ng impormasyon ukol dito at pagmumungkahi ng mga pamamaraan ng pagresolba nito tulad ng mga masustansyang at murang pagkain.

B. Konklusyon

Ayon sa aming pananaliksik, ang malnutrisyon ay isang napakalaking problema na bumubunga sa madaming mga iba’t ibang paraan. Ngunit, kaya itong maresolba at mapigil kung tugunan natin ito bilang isang bansa.

C. Rekomendasyon

Rekomendasyon (para sa workshop):
  1. Gawin ang bidyo sa wikang Filipino para mas-angkop sa asignaturang pinaggagawan nito
  2. Pwedeng gumawa ng pagkain mas hindi karaniwan upang may matutunang bago ang mga nanonood

IV. PRESENTASYON


















V. Link Para sa Orihinal na Bidyo na Ginawa


Naghahanap ka ba ng putahe na mura, masustansya, at masarap? Panoorin mo ang instruksyonal bidyo na ito para malaman kung paano magluto ng sinangag! Ang sinangag ay hindi isang tiyak na uri ng pagkain, kundi isa itong pamamaraan ng pagluluto. Ubusin mo ang leftovers mo sa pagluto ng sinangag!

https://www.youtube.com/watch?v=f_765cJXgk4

 BONUS! - Sneak peek sa pag set-up ng kamera at pagtaga ng mga gulay para sa aming instruksyonal na bidyo :)





VI. SANGGUNIAN

Rappler. (2016). 1 in 3 Filipino kids still malnourished, stunted – study. Retrieved from http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/141134-philippines-children-malnutrition-stunting-study
Mula sa balitang ito, makakalap ang grupo ng mga statistiko tungkol sa kasalukuyang estado ng malnutrisyon sa bansa. Makakakuha rin ng impormasyon ang grupo ukol sa mga epekto ng malnutrisyon sa mga bata ngayon. Magagamit ang mga impormasyong ito upang matanto ng mga mag-aaral ang nangyayari sa ating kabataan ngayon.

Rappler. (2016) National survey: Chronic malnutrition in PH worst in 10 years. Retrieved from http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/130046-philippines-chronic-malnutrition
Mula sa balitang ito, malalaman ng grupo na ang malnutrisyon ngayon ay higit sa nakaraang sampung taon. Malalaman rin na may nagagawang proyekto ang isang organisasyon upang matugunan ang problema. Magagamit ang balitang ito sa presentasyon upang magpakumpara ang malnutrisyon noon at ngayon, at kung paano ito nasusulusyunan.

Independent. (2017). FILIPINO FOOD: WHERE TO EAT IT AND HOW TO MAKE IT. Retrieved from http://www.independent.co.uk/life-style/food-and-drink/filipino-food-where-to-eat-it-and-how-to-make-it-a7643726.html
Makikita mula sa balitang ito kung paano narating ng pagkaing Pinoy ang mga ibang bansa. Makikita rin dito kung paano nagagawa ang mga pagkaing ito tulad ng liempo at adobo. Magagamit ito upang patunayan ang angking sarap ng pagkaing Pinoy na kinasasarapan ng iba’t ibang lahi.

Independent. (2017). THE FILIPINO COOKBOOK: RECIPES FROM SWEET SOY PORK TO FRIED RICE NOODLES. Retrieved from http://www.independent.co.uk/life-style/food-and-drink/recipes/the-filipino-cookbook-recipes-from-sweet-soy-pork-to-fried-rice-noodles-a7639991.html

Makikita dito kung paano naluluto ang ilang lutuing Pinoy. Kumpleto ito ng mga kasangkapan na kailangan, kung gaano katagal lulutuin, at iba pa. Magagamit ito upang makakuha ng inspirasyon ang grupo at pati na rin ang mga mag-aaral tungkol sa maaring maaluto na mula sa ating kultura.

CNN. (2016). Malnutrition in Philippines costs ₱328-B yearly. Retrieved from http://cnnphilippines.com/news/2016/08/31/save-the-children-malnutrition-philippines.html
Mahalaga ang sanggunian na ito sa aming gagawing proyekto dahil magbibigay ito ng pwersa sa amin na ipaglaban ang mga layunin ng grupo-ang malabanan ang malnutrisyon. Itong artikulong ito ay patunay na hindi lang social and humanitarian ang nilalabanan namin na mga negatibong impluwensiya, kundi ekonomik rin. Ang artikulo rin na ito, maliban sa nagbibigay pwersa sa amin, ay karagdagang patunay rin na mahalaga ang aming layuning gawin sa workshop.

Mahalaga ang sanggunian na ito dahil ito ang nagpapatunay sa problemang gusto naming talakayin: malnutrisyon sa Pilipinas. Idinidiin rin nitong artikulong ito ang kahalagahan ng workshop na aming gagawin dahil ang problema na aming nakita, ay napagkaalaman namin na nagiging mas malala pa. Kung wala kaming gagawin, ay nalalagay sa palanganin ang nutrisyon ng mga Pilipino.


Nerdfitness. (2017). Help! I’m Poor But Want to Eat Healthy!. Retrieved from https://www.nerdfitness.com/blog/cheap-and-healthy-food/
Ang sanggunian na ito, kahit hindi spesipikado sa pagkain na tatalakayin o lulutuin ng grupo, ay isang mahalagang grupo ng impormasyon parin. Ito ay dahil sa kahit anong pagkain na aming mapagtatantuang lutuin, ay dapat masunod nito ang mga alituntunin na napapaloob sa artikulong ito. Maaring mura nga ang gagawin naming pagkain, pero kung hindi ito susunod sa tips ng artikulo, ay walang bisa ito dahil hindi nito napropromote ang long-term na goal ng aming workshop-na ang matulungan ang mga mahihirap.

Livestrong. (2015). Poor Man's Diet Plan. Retrieved from http://www.livestrong.com/article/374655-poor-mans-diet-plan/
Mahalaga ang artikulong ito sa workshop na aming gagawin dahil ito ang nagbibigay ng nutritional framework sa anumang putaheng aming mapagtatantuang lutuin at ihanda. Ito ay magbibigay ng pagkakataon para sa grupo namin na magkaroon ng kompromiso sa kung mura at widespread ba ang pagkaing magagawa namin at kung ito ay masustansya at sustainable. Samakatuwid, mahalaga ang artikulong ito dahil kung hindi ito masusunod, ay walang halaga ang pagkain namin, kahit mura man ito.

Philippine Star. (2016). 4 M Pinoy kids stunted due to malnutrition. Retrieved from http://www.philstar.com/metro/2016/01/26/1546364/4-m-pinoy-kids-stunted-due-malnutrition
Maitutulong sa workshop ang artikulo na ito dahil ipinapakita niya ang trend at statistics ng malnutrititon sa Pilipinas noong 2015. Ipinapakita rin nito ang halaga ng nutrisyon sa buhay ng mga tao, at nagiging isang signifcance para sa workshop. Sinasabi rin nito na kailangan magkaroon ng mas madaming programa ang gobyerno para maitulong ang populasion.

Kalusugan. (n.d.). Malnutrisyon – Problema ng Kahirapan sa Pilipinas http://kalusugan.ph/malnutrisyon-problema-ng-kahirapan-sa-pilipinas/
Ipinapakita sa artikulo nito ang isang analysis ng epekto ng malnutrisyon sa pilipinas at kung bakit kailangan na gawa ng solusyon ang problema nito

DWIZ. (2016). Malnutrisyon sa bansa tumindi ayon sa FNRI survey. Retrieved from www.dwiz882am.com/index.php/malnutrisyon-sa-bansa-tumindi/
Makikita dito ang halaga ng isyu ng malnutrisyon dahil nakikita ang kasalukayan na epekto at ang ongoing na trend ng malnutrisyon.

MedicalNews. (2011). Malnutrisyon: Isang balangkas sa pangangalaga ng kalusugan na pinakamalapit. Retrieved from www.news-medical.net/news/20110207/2698/Filipino.aspx
Ipinapakita dito ang malnutrisyon sa ibang bansa katulad ng Australia para magkaroon ng parallel ang sitwasyon dito sa Pilipinas. Nabibiay rin nito ng impormasyon tungkol sa malnutrsyon

Food and Drugs Authority. (2014). Consumer Tips on Healthy Eating (FDA Advisory 2014-001)Retrieved from http://www.fda.gov.ph/attachments/article/130171/FA2014-001%20-%20Consumer%20TIps%20on%20Healthy%20Eating.pdf
Ang sanggunian na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang uri ng pagkain, paano pumili ng pagkain na bibilhin, at kung paano magtabi ng pagkain sa isang maayos na paraan.

Food and Drugs Authority. (2013). Managing Food Leftovers to Ensure Food Safety (FDA Advisory)Retrieved from http://www.fda.gov.ph/attachments/article/128594/Advisory_Food_Leftovers.pdf
Ang sanggunian na ito ay may mga payo at babala tungkol sa maayos na pagtabi ng pagkain.


Department of Health. (2012). Holiday Food Safety TipsRetrieved from http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/publications/2012-0015%281%29_0.pdf
Ang mga Filipino ay masayahin. Sila ay mahilig sa mga pagdiriwang kung saan marami ang pagkain at hindi limitado ang mga tao sa kinakain nila. Ang sanggunian na ito ay nagbibigay ng mga payo tungkol sa pagkakain at pagtatabi ng mga pagkain na kinakain sa panahon ng bakasyon.

National Nutrition Commission. (n.d.). Malnutrisyon, target na mapababa sa Rehiyon UnoRetrieved from http://www.nnc.gov.ph/regional-offices/region-i-lupangilocos/1412-malnutrisyon-target-na-mapababa-sa-rehiyon-uno
Ang artikulo na ito ay nagtatalakay sa malnutrisyon sa Rehiyon Uno, mga statistik tungkol dito, at kung paano ito matutulungan o masosolusyonan.

NGC. (2016). 2016 Nutrition Month Materials. Retrieved from http://www.nnc.gov.ph/downloads/2016-nutrition-month-materials
Ito ay isang pagtitipon ng mga materyales ukol sa Nutrition Month. Kasama dito ang jingle ng month, mga materyales na naglalarawan sa espesyal na buwan na ito, at ang pinal na report sa nangyaring Nutrition Month.

AdoptionNutrition. (n.d.). Philippines - Adoption NutritionRetrieved from adoptionnutrition.org/nutrition-by-country/philippines/
Kumpara sa mga ibang karaniwang pagkain ng ibang mga bansa sa Asia, ang pagkaing Filipino ay mas mataas sa “total fat, saturated fat at cholesterol”. Marami ring mga “health condition” na malaganap sa Pilipinas na tungkol sa nutrisyon tulad ng “lactose intolerance, tuberculosis, intestinal parasites, malaria at Hepatitis B”.

Nutrition and Consumer Protection. (2010). Nutrition country profiles: Philippines summary - FAORetrieved from http://www.fao.org/ag/agn/nutrition/phl_en.stm
Ang “Protein-energy malnutrition” (PEM) at ang  “micronutrient deficiencies” ang pangunahing dahilan ng malnutrisyon sa Pilipinas. Ang mga ito ay bunga ng maraming mga sanhi na maaaring pisikal, sosyal, economical at iba pa. Ang ekonomik na condisyon ng Pilipinas ngayon ay mas nakalalala pa ng sitwasyon dahil dumadami ang Pilipinong hindi makabili ng masustansyang pagkain.

FAOUN. (2017). Nutrition country profiles: Philippines summary - FAORetrieved from http://www.fao.org/nutrition/education/food-based-dietary-guidelines/regions/countries/philippines/en/
Nakasaloob sa sangguniang ito ang ilan sa mga mungkahing pwedeng sundin upang alagaan ang iyong kalusugan lalo na pag dating sa pagkain. Nakabase ito sa “food pyramid” kung saan nakalaan ang mga iba’t ibang klaseng pagkaing kailangan nating kainin araw-araw.

Superkidsnutrition. (2013). 5 Ways to Make Filipino Dishes Healthier | SuperKids Nutrition. Retrieved from www.superkidsnutrition.com/5-ways-to-make-filipino-dishes-healthier/
Pinapakita ng sangguniang ito kung paano gawing mas masustansya ang pangkaraniwang pagkaing Pilipino sapagkat ito ay madalas na mataas sa “fat at sodium”. Sinasabi ng sangguniang ito na madali lamang ito gawin kung gumamit ng mga masustansyang “substitute” sa mga karaniwang kasangkapan na ginagamit ng Pilipino tulad ng “soy sauce, white rice” at matabang karne.

  


Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block C: Indie Films