Block E: Ang Wikang Filipino noong Panahon ng mga Amerikano



download.jpg


Medrano, Edward Joseph
Villaluna, Kinn
Revillo, Rachel

   


Laro
Ang klase ay hahatiin sa tatlo, at maglalaro ng pass the message. Ngunit ang laro na ito ay may twist. Ang grupo ay maghahanda ng mga pangungusap at kinakailangan itong ipasa sa huling tao na nasa linya. Ang iba rito ay bawat tao ay dapat nilang isalin ang pangungusap sa Ingles at balik sa Filipino. Parang tao 1 ay bibigyan ng Filipino na pangungusap at kailangan niya ipasa ito sa tao 2 na Ingles at kailangan niya ipasa ito naman sa tao 3 na Filipino etc.


Pagtatalakay sa mga Paksa


Maikling Kasaysayan
Kinikilala ito ng unang Komisyon na ipinadala ni Pangulong McKinley sa mga pulo ng Pilipinas na ang isang wika na sinasalita at nauunawaan sa buong kapuluan. Ipinaliwanag niya na mahalaga para sa pag-unlad ng mga Pilipino at ang kanilang pag-unlad sa sibilisasyon. Isinasabi niya na kailangan ng isang pambansang pananalita, at hindi maraming mga katutubong wika. Maraming mahahalagang seleksyon ng malaking kahalagahan ang ginawa ng mga kombensiyon, komisyon, at mga komite; ang mga porma ng pamahalaan ay nagpasya, ipinahayag ang mga digmaan, ang mga hangganan ay naayos, ang mga populasyon ay inilipat, ang mga dictum ng commerce na binibigkas.


Ang Pulitika ng Wikang Panturo
  1. Wikang Opisyal o Bernakular?
  2. Ingles o Filipino?


          Bilang isang asignatura ang Filipino ay hindi ugat ng maraming isyu. Ngunit ang nakababahala dito ay ang pagiging mas ‘priority’ ng Ingles sa Filipino.


  1. Tatlong yunit lamang ang kailangan ayon sa panukalang pagbabago sa Programa ng Masaklaw na Edukasyon
  2. Siyam na yunit ang kailangan sa Ingles


Ingles parin ang laganap na ginagamit upang ituro ang iba’t ibang aralin sa paaralan.


Naaapektuhan sa paggamit ng Ingles :


  1. Pedagogical
  2. Sosyolohikal
  3. Politikal


Ayon sa bagong artikulo na nilabas ng GMA News:


“Sa ilalim ng House Bill No. 5091 na inihain ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo,  nais ng mambabatas na mahasa at mapahusay pa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusulat at magsasalita ng dayuhang wika.”


Dito malinaw na maipapakita na ang wikang Ingles ang pinapalakas sa mga paaralan.


House Bill No. 5091
Nais nitong:
  1. Simula grade 3 gamitin ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo sa asignaturang Ingles, Sipnayan, at Agham
  2. Sa sekondarya(high school) hindi dapat bababa sa 70% ng oras ang ginagamit para gamitin ang Ingles.


House Bill No. 5397 (Parañaque City Rep. Eric Olivarez)
  • Para palakasin din ang paggamit ng Ingles sa pangunahin, sekondarya at pati narin sa kolehiyo.


Ayon sa Business English Index(BEI) isang pag-aaral na ginawa ng Global English ang nagsasabi na ang Pilipinas ang isa sa mga bansang nakakuha ng mataas na iskor na mataas sa 7.0 sa 76 na bansa na kumuha nito.


Ngunit bakit natin pinapalakas pa ito kung ang ibig sabihin nito ay ang paghina ng sarili nating mga wika?


Kasalukuyang nilalabanan naman ito ng Komisyon ng WIkang Filipino (KWF).


  • Nakasaad sa Saligang Batas ng Filipino na ang sariling wika ay dapat linangin, payabungin, at pagyamanin.
  • Sabi sa UNESCO na nagsasaad na ang patakarang pang-edukasyon na ang mga bata, lalo na ang mga nasa mababang baytang ay mas matututo sa kanilang sinasalitang wika sa halip na banyagang wika


Epekto ng Wikang Panturo
  1. Pagkatuto, kung sa simula pa lang ay nahihirapan na intindihin ang wikang ginagamit sa pagtuturo
  2. Tinatanggap lamang ang mga kaalaman, hindi nag ‘promote’ ng critical thinking.
  3. Palaasa sa metodolohiya at mga teorya. Hindi nagpapaunlad sa mabisa at malayang pag-iisip.


Layunin ng Amerika
  1. Pinalaganap ang kanilang wika noon upang maikalat ang kanilang ideolohiya at masira ang demokratikong proseso ng bansa.
  2. Nagbunga ng di pagkapantay-pantay
  3. Third largest English speaking country, ngunit hindi naman masabi ang mga nais ipahayag
  4. Hindi man halata, ngunit naiimpluwensiya nila ang kultura ng ating bansa, maging sa mga produkto o mga pagkain na binibili. Ex. Mc Donalds, Starbucks, Nike, TV shows etc.


Wika ng Naghaharing Uri


Maliban sa komunikasyon, isang malakas na kakayahan rin ng wika ay ang gamit nito sa pulitika. Ito rin ay nagsisilbing instrumento ng kapangyarihan at pagmamanipula ng mga tao.


Gaya ng paggamit ng wika ito rin ay maaaring piliin. Katulad ng wikang Ingles bilang panturo, resulta ito ng kagustuhan at hindi ng pangangailangan.


Kakayahan sa Wika
Kasanayan sa Wika
Kaalaman sa istraktura ng wika at ng mga batas sa paggamit nito.
Paggamit sa wika na maiintindihan ng iba.Nakapokus sa epektibong paggamit nito.


Lahat ng tao ay may kakayahan at kasanayan sa wikang kanyang ginagamit. Ngunit kung ito ay hindi ganoong ginagamit sa paaralan maaaring may pagkukulang sa isang aspeto maging kakayahan o kasanayan. Ito ay importante sa literasi, kaya dapat pahalagan din ang sariling mga wika.


Pag-agaw ng Amerikano sa kapangyarihan ng Bansa
  • Nahadlangan ang pagkatuto ng karamihan
  • Edukado, mayaman at kaalyado ng Amerikano ang marunong mag Ingles
  • Gamit ingles sa kontrata, marami ang nalalamangan
  • Karaniwang tao sa pakikilahok sa gobyerno


Benevolent Assimilation(lagumin ang pag-iisip at kultura ng Pilipino)
  • Walang pambansang wika noon kaya madali nila tayong naimpluwensiya
  • Hindi natuto ang lahat ng ingles dahil hindi naabot
  • Nagkaroon ng elit, mayayaman at bihasa sa ganoong wika


Hanggang ngayon ang wikang Amerikano parin ang ginagamit at tinitingala.


Mga isyu sa ilalim nito:
  1. Inferiority Complex
  2. MTB-MLE
  3. Pagtangkilik sa lokal na Produkto
  4. Edukasyon
  1. Biswal na Presentasyon


Ang pangkat ay gagamit ng PowerPoint Presentation. Gagamit rin ng ilang mga papel at props upang epektibong maihayag ang nais at mas maging kaakit-akit sa mga tagapakinig.


  1. Panganganinag


(Villaluna)
Ang Pilipinas ay isang bansang nagtataglay ng napakaraming wika, ngunit isa rin sa mga nakikipagbakbakan na wika ay ang Ingles. Ito ay ibinahagi sa atin ng Amerika noong tayo ay kanilang sinakop. Nais lang ba nilang tayo ay turuan? O mayroon silang tinatagong layunin kung bakit nila pinalaganap ang wikang ito sa atin. Ang Pilipinas ay ang isa sa mga bansang  pinakamagaling gumamit ng Ingles, gayunpaman hindi tayo maituturing na maunlad. Ito ay dahil hindi ang pagiging ‘Americanized’ o globally competitive ang basehan ng kaunlaran. Ang ginagamit ngayon sa mga paaralan bilang pangunahing panturo sa mga asignatura tulad ng agham, sipnayan, at iba pa ay Ingles. Katulad na lamang na dahil sila ang mas gusto ng malalaking kumpanya. Sila rin ang mga taong natututunan ang mga asignatura na mahihirap dahil alam nila ang midyum na ginagamit gaya ng Bilogy, Physics, o Chemistry. Hindi ba ito nakapagtataka na tayo ay mga Pilipino ngunit ang ilan sa atin ay hindi magkaintindihan na dahil sa ‘language barriers’. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na matuto dahil may ibang wika na ginagamit tayo. Para sa akin, ang wika ay dapat nagpapatatag sa atin at nagkakaisa sa isang bansa ngunit bakit ito nakabubuo ng mas marami pang pagkakaiba. Tayo ay patuloy paring kinokontrol ng Amerika gamit ang kamay na hindi natin nakikita. Dahil ginagamit natin ang kanilang wika, ginagamit narin natin ang likas na kultura na dala nito. KIta naman ito sa lahat ng impluwensiya nito sa buhay natin. Maging ito ay sa produkto na ating tinatangkilik, mga palabas na ating pinapanood at mga taong ating iniidolo.
Dahil sa mga nasabi maraming isyu ang binubunga nito. Una ay ang pagkakaroon ng Inferiority Complex ng mga Pinoy. Nakalulungkot lamang niya para sa akin na kahit matagal na panahon pa tayong nasakop ay hanggang ngayon ay nakatali parin tayo gamit ang kanilang mga latigo. Tayo’y lubog parin bilang isang lahi. Nakakatawa nga na mayroong ilang parin ang paggamit ng sariling wika kapag nakikipagtalastasan sa mga nagiingles. Para saakin ang lahat ng ito’y dapat mabura. Hindi ko naman isinusumpa ang Ingles ngunit dapat mawalan na lamang ng dibisyon ang dalawa at hindi ito pagmulan ng seperasyon. Ikalawa ay ang paglimit ng pagkatuto. Dahil ang Ingles na ang naatasang gamit sa mga paaralan, ang mga nahihirapan o mga ginagamit lamang ay mother tongue ay nalilimitahan ang maaaring matutuhan o maintindihan. Sa tingin ko ay dapat maging pantay, at mas gamitin ang ating sariling wika sa paglinang ng mga kasanayan. Dahil ito ang nagdadala ng sarili nating pagkakakilanlan at kultura. Sa paggamit nito ay parnag dala dala mo narin ang sariling mong bayan. Sa huli dapat nating ipagmalaki ang ating wika at huwag ikahiya. Gawin itong simbolo ng ating lahi dahil sa pamamagitan nito ay winawasak na natin ang lahat ng kadena na nakabit sa atin ng mga dayuhan.
Sa lahat ng mga hakbang ng gobyerno upang mapaunlad o masira ang ating wika, ang isa sa pinakaimportante na maaaring gawin ay magkaroon ng paninindigan. Bilang mga mag-aaral at iskolar ng bayan, may tungkulin kaming ipaglaban ang sa tingin namin ay tama at makabubuti sa ating lipunan. Huwag magpabulag at magpaalipin sa mga gapos ng gobyerno, dayuhan at maging ng mga sariling nakasanayan dahil tayo’y nag-aaral upang paunlarin ang ating bansang Pilipinas.  


(Revillo)
Ang Pilipinas ay isang bansa na may krisis sa pagkakakilanlan. Sa dami nang bansa na sinakop ang Pilipinas, ang pinakamalaking pagbago ng pagsakop ng America ay ang wikang Ingles. Ito ang iginagamit sa pagturo at sa mga araw-araw. Dahil dito, sobrang iba ang tingin ng mga Pilipino sa isa’t isa. Ipinapares ang wika na ito sa yaman at sa gaano kalayo ang napuntahan at illustrado mo. Ang malaking nakababahala dito ay ang mga taong marunong pa mag Ingles ay siya pa ang nagkakaroon ng mas malaking pagkakataon sa buhay. Kapag fluent ka sa Ingles o mas edukado ka sa wika na iyon, mas “mataas” ka na. Para sa akin, dahil mawala na ang dibisyon na ito at magsama nalang tayo bilang isa. Ngunit, masaya ako na ang tingin ng ibang bansa sa atin ay madali lang makipagkomunidad dahil sa global language. Sa medya at sa telebisyon, ipinapakita ang mga Pilipinong umuunlad dahil nasa ibang bansa.
Minsan ang wika na ito ay isinasama na sa wikang Filipino kahit ito ay hindi bilang isa sa mga opisyal na wika sa bansa. Ngunit di natin kayang sisihin ang Amerika dahil tayo rin hanggang ngayon sa gobyerno at iba pa na ipinapagamit ng striktong Ingles bilang instrumento ng pagturo. Katulad noong panahon ni Pangulong Arroyo na nagdeklara na striktong Ingles lang dapat sa paaralan. Kaya mas maraming estudyante ngayon ay mas marunong magsalita ng Ingles dahil sa kasanayan ng noong bata pa lamang.
Bilang isang iskolar ng bayan, responsibilidad ko na tulungan na mas umunlad ang bansa ukol sa mga bagay na ito. Di na alam ng Pilipinas ang sarili niyang identity at nawawala na ang mga tao na iniisip na kailangan pa ito. Dahil ginagamit natin ang kanilang wika, ginagamit narin natin ang likas na kultura na dala nito. Kita naman ito sa lahat ng impluwensiya nito sa buhay natin. Maging ito ay sa produkto na ating tinatangkilik, mga palabas na ating pinapanood at mga taong ating iniidolo.


(Medrano)
Ingles ay ang wikang lipana saan mang lupalop ng daigdig. Kinikilala
ito bilang global language kung kaya’t ito ang pangkaraniwang bukambibig ng sinumang indibidwal. Ngunit dahil sa pag-usbong ng wikang Ingles dito sa Pilipinas, unti-unting nakalilimutan ang halaga ng sarili nating wika. Nang sakupin tayo ng mga Amerikano, inimplementa ang libreng edukasyon para mga mamamayang Pilipino, ngunit kaakibat nito ang striktong paggamit ng Ingles bilang wikang panturo. Naging laganap din ito sa pamamahala ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na base sa Executive Order 210 (2003), Ingles ang gagamiting pangunahing wikang panturo sa mga asignaturang sipnayan, agham, atbp. Ang batas na ito ay naglalayong mas mapainam ang pagpasok ng mga Pilipino sa mga minimithi nilang hanapbuhay sa pamamagitan ng paghahasa sa mga tao na maging matatas sa wikang Ingles.


Sa panahon ngayon, ang Pilipinong bihasa sa wikang Ingles ay
tinitingala bilang isang taong mataas ang pinag-aralan. Nakalulungkot mang isipin ngunit mababa talaga ang pagtingin sa wikang Filipino ngayon. Naging stereotype na rin na kung Filipino ang ginagamit bilang wikang pakikipagtalastasan, pampublikong paaralan ang pinanggalingan ng isang estudyante. Pribadong paaralan naman kung Ingles. Ang halimbawang ito ay isa sa mga naging bunga ng Ingles sa ating bansa. Nagkaroon ng hirarkiya sa lipunan nang maipakilala ang wikang Ingles sa kapuluan.


Hindi masamang gamitin ang wikang Ingles sa pagtuturo, lalo na sa
larangan ng pananaliksik dahil may mga salita talagang mahirap isalin sa wikang Filipino. Ang paggamit ng Ingles ay isang paraan upang mas malinang ang kaalaman ng bawat isa, ngunit nagiging hadlang lamang ito sa pag-unlad kapag nagkaroon na ng balakid sa lipunan. Hindi wika ang nagdidikta sa estado ng buhay ng isang tao sapagkat malaya tayong gamitin kung ano mang wika ang nakasanayan natin.


Naging impluwensya rin ng mga dayuhan ang colonial mentality. Hindi lamang paggamit ng wikang Filipino ang ating nakaliligtaan; mas tinatangkilik pa natin ang mga tatak banyaga kaysa sa sarili nating mga produkto.


Gaano man kalayo ang narating natin sa buhay, lagi nating isaisip na
kailangan nating balikan ang wika ng lupang pinanggalingan. Ang wikang Filipino pa rin ang nagsisilbi nating pagkatao bilang mga Pilipino. Ang wika ay ang pundasyon upang mahubog ang pagkatao ng isang indibidwal. Ang taong bihasa magsalita ng kanyang wika ay tinitingala bilang isang taong may kumpyansa sa sarili. Ang wika ay hindi dapat ikinakahiya, bagkus, ito dapat ay ipinagmamalaki sapagkat isa ito sa mga bagay na naglalarawan sa atin bilang Pilipino. Nakikilala tayo bilang isang bayan dahil sa wikang Filipino.


Listahan ng mga Sanggunian


Cruz, I. (2013, August 29). Filipino and English. Retrieved from Philippine Star Global:
ipino-and-english


Domingo, D. R. (2016). Content Area Effectiveness: English vs Filipino Medium of Instruction. PEOPLE: International Journal of Social Sciences, 2(1).


Jimenez, F. (2017, August 16). TALAKAYAN: Filipino o Ingles. Ano ang dapat gamitin sa pagtuturo sa paaralan? Retrieved from GMA News
Authority: http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/621945/filipino-o-ingles-ano-ang-dapat-na-gamitin-sa-pagtuturo-sa-mga-paaralan/story/


Malicsi, J. (n.d). Philippine English: A case of language drift. Retrieved
from: http://www.ritsumei.ac.jp/acd/re/k-rsc/lcs/kiyou/pdf_22-1/RitsIILCS_22.1pp29-58_MALICSI.pdf


Office of the President of the Philippines. (2003). Executive Order Nos. : 201 – 300. Manila : Malacañang Records Office.


Yule, E. S. (1925). The English language in the Philippines. American Speech,
1(2), 111-120.





Mga Larawan


download.jpgdownload (1).jpg
download (2).jpgdownload (3).jpg

download (5).jpgdownload (6).jpg

Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block C: Indie Films