Block F - Iba't Ibang Susing Salita

TRUTH, EXCELLENCE, SERVICE

Cafe, Hiyo Cruz, Emmanuel Marcelo, David    
11-F



** Ang aming ginamit na presentasyon ay matatagpuan sa link na ito: https://docs.google.com/presentation/d/1syKILR6b6X0Jzfyo6Cyj24nIwIlur6gJ5g91X8upyKc/edit?usp=sharing subalit nakalagay na rin ang mga slides sa ilalim ng blog na ito

** Ang ginamit din naming mga komik para sa pagtatalakay ay matatagpuan sa mga susunod na teksto


A. Daloy ng presentasyon


Isang maulan na umaga ng Setyembre ay nakaabang ang tatlong estudyanteng handang magpresenta tungkol sa kanilang itatalakay na mga susing salita. Habang tumatagiktik ang ulan mula sa madilim na langit, inihahanda nila ang kanilang mga kagamitan upang sila’y mainam na makapagpakita ng presentasyon. Ang ibang estudyante ng klase ay unti-unting nakakatulog dahil sa malamig na hangin at kaantok-antok na kapaligiran sa loob ng silid. Nagsimula ang grupo sa kanilang presentasyon at iginiit ang gagawing laro upang mas maunawaan ang kanilang mga sasabihin. Sa pagtalakay ng mga panuto ng laro ay nabuhayan ang mga nagsisipagtulugang mga mag-aaral. Nakasabi na may magbubunot na miyembro ng grupo mula sa isang boteng naglalaman ng kanilang mga bilang sa klase. Kung sila ang nakuha ay kinakailangan nilang magbasa ng tula. Ang pamamaraan ng pagbasa ay ididikta ng mabubunot nila sa isa pang boteng naglalaman ng iba’t ibang paraan ng pagsaad ng tula. Dalawa ang kukunin sa bawat tatalakaying konsepto. Sa labis na takot, inis at antisipasyon ng bawat estudyante sa klase na baka sila ang matawag ay nagsigisingan ang lahat.


Unang tinalakay ng grupo ay ang mahalagang konsepto ng Mother Tongue. Nagbunot ang isang miyembro mula sa bote at nakuha ang mga bilang na 6 at 22. Nagbunot ang unang estudyante sa pangalawang bote at napili ang papel na naglalaman ng mga salitang “katulad ng buntis na manganganak.” Sinasaisip ng estudyante ang takot na namamayani sa kanyang loob dahil sa hiya ng pagsaad ng tula na parang buntis. At kanyang binasa:


Mother Tongue ang pinaka-una
Na natutunang linggwahe
Ng matatanda noong sila’y bata
Ito ang gamit nila sa pagsabi
Ng kanilang pinakaunang salita
Kung nakuha man nila ito sa hele
O sa mga talakayan ng iba
Sa pagsasalita nila ito’y naging parte”


Hiyawaan ang mga estudyante--marami ang napahanga sa kabilib-bilib na pagbabasa, habang ang iba’y tawang-tawa. Ang mga malulungkot at nagagalit na estudyante noong una’y nagiging mas interesado na sa tinatalakay. Ang nabunot naman ni bilang 22 ay ang “pabebe.” Binasa nito ng ganoon ang tula subalit namuno ang hiya sa kanya at hindi masyadong napahanga ang iba niyang mga kaklase. Ngunit kahit ganoon, ay hindi siya nilait sapagkat nagawa pa rin niya ang hinihingi na pagbabasa.



Pagkatapos ay nagbigay ng masigabong palakpakan ang mga estudyante para sa mga nagtula. Ngayon nama’y itinalakay ng mga miyembro ng grupo ang ibig sabihin ng Mother Tongue upang mas maintindihan ng mga estudyante ang kanyang halaga sa pagkakatuto ng mga bata at madaling komunikasyon. Pagkasaad nito ay ipinakita naman ng grupo ang nagawa nilang mga komiko para mas maintindihan ng mga estudyante ang praktikal na paggamit nito sa totoong buhay.


Sumunod ang pangalawang susing salita, “monolinggwalismo.” Nagbunot ang mga miyembro at nakuha ang bilang na 4 at 25. Ang nabunot ng nauna ay ang “katulad ni sir Mae”, habang nabunot naman ng isa ay ang dramatikong pagbabasa. Binasa ng nauna ang tula at nabighani si sir Mae sapagkat halos kaparehas ang kanyang pagtutula sa mga manerismo ni sir Mae. Natuwa ang klase at napahanga din sa kanya. Ang pangalawang nagtula naman ay nahiya sa simula. Subalit, pagbasa niya ng tula ay mas tumaas ang kanyang kumpyansa sa sarili at mahusay na naisaad ang tula. Isang masigabong palakpakan na naman.


“Ang monolinggwalismo
Ay gumagamit ng isang wika
Sa diskurso’t dayalogo
Kaya’t di makaunawa ang iba
Pag isang linggwahe lamang ang saulo
Katulad nitong halimbawa:
I don’t know Filipino
Because i’m not Filipina”


Pagkatapos ang mahusay na pangalawang pagtatanghal ay itinalakay naman ng grupo ang konseptong monolinggwalismo. Isinaad nila kung ano ito at bakit hindi ito mainam sa ating kompetitibong lipunan. Sinabi rin nila ang kaibahan ng unilinggwalismo sa monolinggwalismo at kung saan ito ginagamit. Katulad ng sa unang pagtatalakay, ay gumamit din ang grupo ng komiks para sa madaling pag-uunawa sa konsepto.



Natapos ang pagtalakay rito at sumunod naman ang “bilinggwalismo.” Bunot nanaman ang grupo ng dalawang magaaral at nakuha ang mga bilang na 13 at 28. Nakuha nila ay ang pagbasa ng “katulad ng white girl,” habang ang isa naman ay “natatae.” Tawanan ang lahat ng malaman ang mga pamamaraan na ito at hindi makapaghintay sa kanilang pagtutula. Nang binasa ng dalawa ang naatasang tula sa nabunot na pamamaraan ay parehong nakakatawa’t nakakabighani ang kanilang pagsasalita sapagkat hindi pa nakikita ang ganoong potensyal sa kanila. Lahat ay napanganga at nagsipagpalakpakan muli.


“Ang Bilinggwalismo
Ay gumagamit ng dalawang wika
Kaya’t kayang makisosyo
Sa magkaibang kultura
Ngunit naiiba ito sa konyo
Parang itong halimbawa:
I know how to speak Filipino
At alam ko din wika sa Amerika”


Muli nanamang tinalakay ng grupo ang bilinggwalismo at igniit ang kanyang importansya sa Pilipinas sapagkat ito ang gustong gamiting pamamaraan ng ating DEPED sa pagtututo ng mga Filipinong estudyante. Sinasabi din na naiiba ang ganitong tipo ng susing salita kaysa multilinggwalismo sapagkat gumagamit lamang ang bilinggwal na mananalita ng dalawang wika. Kagaya ng nakaraan, ay nagpakita muli ng komik ang grupo para makita kung paano ito ginagamit sa totoong buhay.

Sa puntong ito ay buhay na buhay na ang talakayan at bawat estudyante dahil sa mga nakabibighaning pagtatanghal. Sumunod naman ang pagtatalakay ng “multilinggwalismo.” Kumuha nanaman ng dalawang mga tutula ang mga miyembro at nakuha ang 15 at 21. Babasahin nila ang tula sa pamamaraang, “habang nagmumumog,” at “inis na bata.” Inaakala ng klase na hindi nila maayos na maisasaad ang mga tula dahil sa kahirapan ng nabunot na pamamaraan. Subalit, matindi ang hiyawan sa kanilang pagpresenta dahil hindi pa nakikita ng kapwa nilang estudyante ang makulit na aspeto na iyon ng kanilang sarili. Palakpakan at tawanan ang lahat.


“Ang Multilinggwalismo
Ang pinakamainam na paraan
Ng pag-usap sa iba’t ibang tao
Dahil mas magkakaunawaan
Kung mas maraming wika ang nasasaulo
Kaya’t mahusay kung di isa lamang natututunan
Ito ay isang ehemplo:
English is, like, so common
Tres idiomas que conozco
Ay mas maganda kaysa isa lang”


Nagpresenta muli ang grupo ukol sa multilinggwalismo at inisaad ang mga magagandang dulot ng kaalaman sa maraming wika lalo na sa kasalukuyang kompetitibong kalagayan ng mundo. Nagpakita muli ng komiks ang grupo para sa mainam na pagkakaunawa.



Ang huling tinalakay ng grupo ay ang Code Switching. Isang kakaibang konsepto na hindi masyadong kilala ng mga estudyante. Huling bunot na ng grupo at nakuha ang mga bilang ng 18 at 7. Ang pamamaraan na naatasan sa kanila ay ang “katulad ni sir Vlad” at ang “normal (bonus)”. Tawang-tawa ang klase sa unang pagtatanghal dahil sa mga kakaibang manerismo na ginawa ng mag-aaral na hindi nalalayo ngunit di masyadong kaparehas sa gurong ito. Habang ang huling nagtula naman ay kinainisan ng lahat dahil nakuha niya ang gustong mabunot ng lahat. Subalit, wala namang away ang naganap at natapos ang laro sa magandang kawakasan.


“Ang Code Switching
Ang pagpapalit-palit ng wika
Kaya ang mga nagsasabing
Ito’y bilinggwalismo ay di tama
Pagkat ay pagsasabayin
Tulad nitong halimbawa:
He’s like so magiting
And she’s like so nakakaawa
He saved her from the pating
And she was very masaya kaya”


Sa huling beses ay nagtalakay muli ang grupo. Isinaad nila ang mga mahahalagang gamit ng Code Switching at ang madalas na paggamit nito sa buong mundo, lalo na sa Pilipinas, dahil sa dumaraming gumagamit ng konyo sa pangaraw-araw na pagsasalita. Nagpakita muli ng komik ang grupo para mas maintindihan ang gamit ng konsepto.



Nagwakas ang pagtatanghal ng maligaya. Makikita ang matutuwang ekspresyon sa mukha ng mga estudyanteng sa simula’y nagsisipagtulugan at antukan. Masaya ang grupo sapagkat nakuha nila ang kanilang nninanais na resulta sa pagpresenta.


B. Mga Impormasyon -


  1. Monolinggwalismo
    1. Ito ang pagkakaalam/ abilidad na makapagsalita at makagamit ng isang wika lamang sa pagdidiskurso’t pakikipagtalastasan sa iba (Amparado, 2016).
    2. Iba ito sa unilinggwalismo; ang unilinggwalismo naman ay mas political.
      1. Halimbawa ng unilinggwalismo ay sa maliit na rehiyon sa may Belgium sa Europa (Costa & Dutt, 2013)
    3. Halimbawa ng monolinggwalismo ay ang komportableng paggamit ng Filipino sa araw-araw


  1. Bilinggwalismo -
    1. Ito ang pagkakaalam/ abilidad na makapagsalita at makagamit ng dalawang wika lamang. (“Bilinggwalismo”, n.a.; Casai, 2016)
    2. Ito ay ginagamit sa halos lahat ng paaralan sa bansa upang mas mapalawak ang mga naiintindihang wika ng mga estudyante at hindi lamang ang kanilang Mother Tongue (Amparado, 2016).
    3. Isinulong din ang batas noong Hulyo 19, 1974, na ang Pilipinas ay dapat magkaroon ng sistema ng bilinggwal na edukasyon (Amparado, 2016).
    4. Halimbawa ng bilinggwalismo ay ang komportableng paggamit ng Ingles at Filipino sa araw-araw


  1. Multilinggwalismo-
    1. Ito ang pagkakaalam/ abilidad na makapagsalita at makagamit ng higit sa dalawang wika (Amparado, 2016)
    2. Sa mundo, mas marami na ang nakakapaggamit ng multilinggwal na sistema kaysa monolinggwal .(“Multilinggwalismo”, n.a.)
      1. Isa sa mga posibleng dahilan nito ay ang pataas na pataas na kompetisyon sa ekonomiya, lipunan at iba pang aspeto sa mundo.
    3. Halimbawa ng multilinggwalismo ay ang komportableng paggamit ng Ingles, Filipino at Espanol sa araw-araw


  1. Mother Tongue -
    1. Ang mother tongue ay ang unang wika na ginagamit ng isang tao/tinuturo sa unang paaralan: ang bahay (Merriam-Webster Dictionary, n.a.)
    2. Mainam na makakapag-aral ang isang bata (lalo na kapag siya ay nasa baitang 1-3) sa linggwaheng Mother Tongue sapagkat ito ang pamamaraan na komportable siya at mas maraming kaalaman ang kanyang mauunawaan (DEPED, 2013)
      1. Isinusulong na din ito ng DEPED
    3. Halimbawa ng Mother Tongue ay ang mga katutubong taga-Ilocos na unang natutunan ang Ilocano bilang wikain kaysa iba pang linggwahe


  1. Code-Switching -
    1. Ito ang pagpapalit ng paggamit ng wika (Nordquist, 2017).
    2. Iba ito sa paghiram ng wika mula sa ibang linggwahe, sapagkat ang hinihiram na mga salita ay nagiging parte na talaga ng ating wika at hindi na maisasaad na pandayuhang linggwahe lamang siya (Thompson, 2013).
    3. Mas kilala din ito sa mga temang “code mixing” o “code shifting”
    4. Marami ding mga posibleng dahilan kung bakit nagcocodeswitch ang tao, isa rito ay ang dahil kinaugalian ito sa kanilang bansa o dahil may gusto siyang ilihim sa ibang mga nakikinig (Thompson, 2013).
    5. Halimbawa ng Code Switching ay ang paggamit ng Ingles at Filipino ng sabay sabay sa pagdidiskurso.


C. Panganganinag


Panganganinag ni Cruz
(1)  Sa iba’t ibang uri ng susing salita na ating tinatalakay ay pinakasumasang-ayon ako sa mga konsepto ng bilinggwalismo at multilinggwalismo, sapagkat ang kaalaman sa maraming wika ay magbibigay sa atin ng ‘edge’ sa ibang mga bansa.(2) Subalit, sa paggamit ng mga ito ay hindi natin dapat kalimutan ang sarili nating wika, di katulad ng kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan kung saan mas namamayani ang paggamit ng Ingles at kinatitingalaan ito kumpara sa paggamit ng Filipino.


(3) Ayon kay Wilfrido V. Villacorta, importante ang pag-aaral ng Ingles upang maaari tayong makipagsabayan sa pandaigdigang paligsahan, subalit sa prosesong ito, ay huwag sanang mapawalang-bisa ang paggamit ng sariling wika. (4) Ito’y sapagkat ang ating sariling linggwahe ang isa sa mga natatanging nagbubuklod sa lahat ng tao sa ating bansa. (5) Marahil ay isa na lamang ang wika sa mga tanging pamamaraan ng pagkakaisa sa ating kasulukayang lipunan.(6) Maliban pa rito, marami ding mabuting naidudulot ang paggamit ng unang wikang natutunan sa pagkakatuto at pagtatanggap ng mga impormasyon. (7) Sinasabi ng manunulat na mas mainam ang pagkakaunawa sa ibinigay na teksto o paksa ng isang tao, kung ito’y nakasaad sa kanyang pinakaunang linggwahe o Mother Tongue. (8) Sa parehas na dahilan ay mahalaga pa din ang paggamit ng wikang pambansa  sa kompetitibong lipunan sapagkat mas magkakaintindihan ang lahat ng tao sa bansa ukol sa mga suliranin ng iba’t ibang aspeto tulad ng ekonomiks. (9) Hindi naman niya iginigiit na dapat ipagbawal ang pag-aaral ng Ingles sa eskuwelahan, at hindi din niya sinasabing dapat mas mababa ang kalidad ng pagtuturo ng linggwaheng ito. (10). Subalit, ang inilalahad niya ay dapat magkasingpantay lamang ang pagtuturo at pag-aaral sa mga wikang ito, upang magkapareho ang mga opinyon at pagtingin sa mga ito.


(11) Naniniwala ako sa sinasabi ni Villacorta tungkol dito, sapagkat nagsisimula ang lahat sa pagkakaturo ng mga bagay noong bata pa ang mga tao. (12) Ang pagkakakilala nila sa kanilang wika ay labis na naiimpluwensiyahan ng paaralan at ng mga turo sa kanilang mga pamilya, sapagkat ang mga institusyong ito ang nagsasabi kung ano ang maganda at hindi maganda, at kung ano din ang bawal at maaaring gamitin. (13) Kung ating aaysusin ang pagtuturo ng dalawang linggwaheng ito at ipakikilala sila sa mga bata bilang magkasing pantay lamang ang antas ay hindi ito maguudlot ng mababang pagtingin sa ating wikang pambansa. (14) Kaya't para sa akin ay kinakailangan ang malalalim na rebisyon ng mga batas na ipinatutupad sa mga eskuwelahan ukol sa kurikulum ng mga asignaturang Filipino't Ingles, sapagkat marami sa mga paaralan sa kasulukuyan ay nagbibigay ng diskriminasyon sa ating pambansang wika.


(15) Sa pagsusulat naman ni Ma. Theresa V. de Villa ay inilahad niya ang kasaysayan ng mga kurikulum ukol sa pinag-aaralan na mga linggwahe sa bansa. (16) Iginiit niya na naniniwala ang marami sa mga Amerikanong namumuno noon na epektibo ang paggamit ng bilinggwal na sistema sa paaralan sapagkat mas mainam na makakakalap ng impormasyon ang mga tao kung ang kanilang katutubong wika ang gagamitin. (17) Subalit, naiba ang nais na maipatupad ng mga Amerikano dahil sa mungkahi ni Frank White na Ingles lamang ang maaaring gamitin. (18)  Pero pagkatapos ng pamumuno niya ay ibinalik muli ang pagtuturo sa mga katutubo sa kanilang sariling linggwahe. (19) Ang ganitong pamamaraan ng pagturo ay nagkaroon ng mabuting dulot sa pagsapit ng Ikalawang Digmaan sapagkat sa pagsunog ng mga hapon ng ating mga libro’t teksto na nakasaad sa Ingles ay nanatili ang mga gamit panturo ng katutubong wika. (20) Pagkaraan ng panahon ay maraming mga pag-aaral ang ginawa upang tunay na masabing ang katutubong wika ang pinakamainam na pamamaraan ng pagkakatuto, lalo na sa mga batang nasa ikaunang grado hanggang ikaapat na grado. (21) Dumaan pa ang mas matagal na panahon, at sa oras na ito’y labis na ang pag-unlad ng mundo at kinakailangan na nating makisabay sapagkat kung hindi’y mababaon tayo sa kahirapan. (22) Kaya’t noong 1974 ay ipinasa ang batas na gamitin ang bilinggwal na sistema sa lahat ng mga paaralan para una’y makahabol tayo sa ibang bansa gamit ang Ingles, at pangalawa’y mapreserba natin ang malagong kultura ng Pilipinas gamit ang Filipino.


(23) Sa aking palagay ay kahit na isinakop tayo ng mga Amerikano ay mayroon din silang mabuting naidulot sa lipunan. (24) Ang kanilang paniniwala na ang paggamit ng bilinggwal na sistema ay mabuti ay nakapagpalago sa ating lipunan sa kasulukyang panahon. (25) Masasabi na ang paggamit ng Ingles at Filipino sa pangaraw-araw na gawain at pagtuturo ng mga wikang ito sa parehong pamamaraan ay ikabubuti ng Pilipinas. (26) Subalit, ang nangyayari sa ating bansa ay mas nakakalamang ang naunang linggwahe kaysa sa katutubo nating wika dahil sa mga persepsyon na ang Ingles ay ang “wika ng mayayaman at matatalino.” (27) Kung tatanggalin lamang natin ang ganitong pag-iisip at isasakatuparan ang pantay na pagtuturo’t pagkakatuto ay mas uunlad pa ang bansa natin at makasasabay pa tayo sa ibang mga bansa, at sabay nito’y mabibigyan natin ng nararapat na halaga ang mayaman na kultura ng Pilipinas.


(28) Sa mga binasa kong mga teksto, at sa aking pagsasaliksik para sa presentasyon ay nakabuo ako ng aking sariling opinyon ng pinakamainam na sistema ng mga linggwahe para sa mga tao sa ating bansa. (29) Naniniwala ako na mahusay ang bilinggwal na sistema dahil sa isinaad na mga kadahilanan. (30) Pero ang ibig sabihan ng temang ito ay dapat magkasingpantay lamang ang pagtrato sa Ingles at sa Filipino, at mas lalo na dapat na walang lamang ang naunang wika sa ating katutubong linggwahe. (31) Masasabi ko din na ang paggamit ng Mother Tongue ay mas angkop sa ating bansa sapagkat malalaki ang pagkakaiba ng mga wika sa Pilipinas na umaabot ng mas marami sa 170 ang mga wikain rito. (32) Sa ating arkipelagong lupa ay hindi madali ang paggamit lamang ng Filipino sapagkat naiiba siya sa una talagang natututunan ng mga taong malayo sa pinagmulan ng Filipino. (33) Naniniwala din ako na ang paggamit ng multilinggwal na sistema ay angkop lamang kung hindi naikokompromisa ang pagtatrato sa ibang wika. (34) Maliban pa dito ay mas ikabubuti ng tao kung multilinggwal na sistema ang kanyang gagamitin sapagkat mas makakakonekta siya sa mas maraming populasyon ng tao kaysa sa kung dalawa lamang ang kanyang nalalamang linggwahe. (35) Pero sa lahat ng mga ito, naniniwala ako na dapat huwag natin kalimutan ang ating pinagmulan. (36) Ang ating mother tongue ang nagbigay sa atin ng kakayahan na makaunawa noong tayo ay bata pa, at kung aalipustahin lang natin ito ay hindi natin binibigyan ng nararapat na importansya at respeto ang una nating ginamit na midyum. (37) Kaya’t para sa akin, huwag dapat natin kalimutan ang ating pinagmulan at mas palaguin pa ang ating katutubong wika sapagkat maraming mga bata na gumagamit ng kaparehas na linggwahe ay makakapagpakinabang rito para sila’y mas matuto at makaunawa. (38) Dapat nga ay ipamalas pa natin ang ating katutubong wika sapagkat ito ang simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang mga Filipino. (39) Huli sa lahat, huwag din nating isakripisyo ang una nating natutunang pamamaraan ng pakikipagtalastasan sapagkat ito ang naging midyum natin para sa mas mainam at malinaw na komunikasyon sa iba.


Panganganinag ni Cafe
(Malapit ang topic na ito sa puso ko dahil ako ay galing sa probinsya tapos ng-aaral sa malayong lugar.1 Nakikita ko ang aking mother tongue bilang isang bagay na nag-connect sa akin sa tahanan ko.4 Nung nakita ko kung ano ang topic namin, naging excited ako.3 Haha.)

Isang malaking isyu sa Pinas ngayon ay ang pagkahalaga ng Ingles laban sa mga iba’t ibang wika na unang nakita naman sa bansa natin.4 Mahirap ang pag solve nito dahil maraming magkaibang kultura dito sa bansa.5 Ito ay dahil sa pagkahiwalay ng mga rehiyon natin bago dumating ang mga Espanya sa Pilipinas.6 Dahil nito, maraming iba’t ibang nafo-form na lenggwahe sa Pinas.7 Sa pagkaisa natin sa rebolusyon, nag-emerge ang pagka-bilinggwal (o multilinggwal) natin.8 Importante ang pag-aaral nito kung gusto natin hahanapin ang identity natin bilang isang bansa.9 Ang problema nito ay kung paano natin ire-reconcile ng mga iba’t-ibang mga kultura natin.10 Mas mahirap din ito gawin dahil, ayun nga, naging mas prevalent ang Ingles sa mga talastasan natin.11 Dapat bigyan natin ng halaga  ang mother tongue. Ito ang pinakaunang tinuturo sa atin at ang basis ng cultural identity natin.12 Ang lenggwahe kasi ay integral sa kultura ng tao kasi ito ang ginamit natin upang makipag-connect sa ibang tao.13 Kung makalimutan natin ang katutubong wika natin, para nang nakalimutan din natin ang roots natin bilang isang Filipino.14 Dapat hindi tayo magpa-westernize hangga’t sa hindi na natin maalala ang kung saan tayo nanggaling.15

Isa ring dapat natin gawin ay ang pag-accept at pagdiwang  sa identity natin bilang isang diverse na bansa.16 Hindi tayo magkakaisa kung hindi ito natin i-acknowledge.17 Kung matanggap na natin ito, dun na tayo makapagsimula na mag-unite.18 Mahalaga ang bilinggwalismo at multilinggwalismo dahil naging mas madali ang komunikasyon between sa mga iba’t ibang ethnic group sa Pilipinas.19 Mas mahirap kung wala tayong paraan upang mag-usap.20 Kung isa lang rin na wika ang i-acknowledge natin, ma-erase ang isang malaking bahagi ng bansa natin.21 Kaya nga medyo naging hesitant ako sa unilinggwalismo.22 Ito ay nag-promote lamang ng divide sa isang bansa.23

(Ang isa ring interesting na bagay para sa akin ay ang code-switching.24  Dito kasi nakita kung anu-ano ang mga wika na ginagamit palagi ng isang tao.25 Isa rin siyang unique na phenomenon na limitado sa mga taong bilinggwal o multilinggwal.26)

In conclusion, dapat natin ipaghalaga ang bilinggwal at multilinggwal na kultura natin.27 Dapat ipaghalaga din natin ang katutubong wika natin dahil ito ang basehan ng cultural identity natin.28 Dapat din nating maalala na isa tayong diverse na bansa ayun sa wika at iba pa, dahil Filipino naman tayong lahat.29 Kung makalimutan natin ang mga ito, parang nakalimutan nalang natin ang pagka-Filipino natin.30


Panganganinag ni Marcelo
Malaking isyu ng Pilipinas ngayon ang maayos na komunikasyon. Madalas, hindi napapahayag ang mga gustong masabi ng isang tao sa kanyang mga kausap. Ito ay dahil napakaraming mga isla sa Pilipinas, kaya dumami ang mga wika na ginagamit ng mga tao. Isa pang dahilan ay ang edukasyon na nakuha ng mga tao. May mga taong tinuruan ng Ingles at may mga taong hindi. Mayroon din mga taong mas malawak ang bokabularyo kaysa sa iba. Dito pumapasok ang mga susing salita sa wika. Upang maging maayos ang komunikasyon sa isa’t isa, kinakailangan na malaman muna kung ano ang alam ng taong kausap. Kaya ba niya mag bisaya, tagalog, o baka naman Ingles? Pwede rin namang hindi gaanong kalawak ang bokabularyo ng isang tao. Dapat din na alalahanin na may mga tao na monolinggwal at mayroon din hindi. Maaari rin namang mga bilinggwal at multilinggwal sila. Magkakadiprensya ang mga ito sa mga pwedeng gamitin na mga salita sa komunikasyon.


Kailangan maging tugma ang mga magagamit na salita sa pagitan ng mga tao. Ibig sabihin, kapag kaya ng dalawa magsalita ng bisaya, bisaya ang gagamitin na wika para sa komunikasyon. Hindi pwede ang gagamit ng Ingles ang isang tao ngunit kaya lang ng isa ay ang tagalog. Kapag walang wikang alam ang parehong tao na magkatulad, hindi sila makakapag-usap ng maayos.


Maaari rin na higit sa isang wika ang naiintindihan ng mga nag-uusap. Dito pwedeng pumasok ang code switching. Madalas, may mga salitang nasa isang wika na wala sa iba, at dahil dito nagiging mahalaga ang code switching sa komunikasyon. Kapag hindi na alam ng isang tao ang salita sa isang wika, maari silang mag “switch" papunta sa iba para masmadali ang pagpahayag ng ideya at masmaiintindihan ng kausap ang gustong sabihan ng nag-uusap.


Bakit nga ba importante ang maayos na komunikasyon? Kailangan ito upang umunlad ang bansa. Ang mga alam ng isang tao na maaaring mag-ambag sa kabutihan ng, sabihin natin, Pilipinas, ay walang silbi kapag hindi naipasa ang impormasyon sa masa ng maayos.


Ako ay nakakarelate sa di-maayos na komunikasyon dahil hirap ako mag-isip ng mga salita at makaintindi ng mga salita. Bilang isang bilinggwal at isang manggagamit ng code switching, marami akong hindi nalalaman na mga salita sa dalawang wika na alam ko. Dahil dito, may mga oras kung saan hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ng isang tao. At dahil din sa maliit kong bokabularyo, hirap akong magsalita sa isang wika ng tuluyan. Madalas akong mag code switch dahil dito.


Ang maayos na komunikasyon ay importante para sa magandang daloy ng impormasyon sa pagitan ng mga tao. At dahil dito, nagiging importante ang mga susing salita sa wika. Kapag hindi naging maayos ang komunikasyon, mahihirapang kumalat ang kaalaman sa maramihan at ang pag-unlad ng isang bansa ay tatagal o maaaring huminto.


** Ang mga nagbasa ng karagdagang artikulo para sa panganganinag ay si:
Emmanuel Cruz

Mga slides na ginamit para sa presentasyon:










** Ang mga nawawalang komiks sa presentasyon ay makikita sa parte ng maikling kuwento ng blog na ito.

D. Listahan ng mga sanggunian



Amparado, R. (2016). Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, at Multilinggwalismo. Retrieved from
https://www.slideshare.net/mobile/RainierAmparado/monolinguwalismo-bilingguwalismo-at-multilingguwalismo


Casal, F. (2017). Bilinggwalismo. Retrieved from


Department of Education. (December 2013). K to 12 curriculum guide: mother tongue. Retrieved
From
http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/Final%20Mother%20Tongue%20Grades%201-3%2001.21.2014_.pdf


Dutt, A.K. & Costa, F.J.(Eds.) (1992). Perspectives on Planning and Urban Development in
Belgium. Netherlands: Springer.


Labitigan, R. D. (2013). Tagalog-English code-switching: issues in the nominal domain
(Unpublished master's thesis). Yale University. Retrieved from
http://ling.yale.edu/sites/default/files/files/alumni%20senior%20essays/Labitigan%2C%20Lorenzo%20-%20Senior%20essay.pdf


Mother tongue [Def. 1]. (n.d.). Merriam-Webster Online. In Merriam-Webster. Retrieved from


Nordquist, R. (2017, April 24). Code Switching (Language). Retrieved from
https://www.thoughtco.com/code-switching-language-1689858


Takdang Aralin PH. Bilinggwalismo - Kahulugan at Halimbawa. (n.d.). Retrieved from
https://takdangaralin.ph/bilinggwalismo-kahulugan-at-halimbawa/


Takdang Aralin PH. Multilinggwalismo - Kahuluhan at Halimbawa. (n.d.). Retrieved from
https://takdangaralin.ph/multilinggwalismo-kahulugan-at-halimbawa/


Thompson, M. (2013, April 13). Five Reasons Why People Code-Switch. Retrieved from

http://www.npr.org/sections/codeswitch/2013/04/13/177126294/five-reasons-why-people-code-switch

Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block C: Indie Films