Block F: KWF-Rebolusyon
1. Daloy ng Presentasyon
- Mahiwagang paligsahan
Ang klase ay gagawa ng limang grupo na may 5-6 na miyembro bawat grupo.
Sila ay mangangalang grupo Pangasinan, Zambales, Ilocos, Tarlac at Nueva Ecija
- Unang Gawain: Mga mahahalagang tao sa panahon ng rebolusyon.
Lugar: Silid-aralan
Panuntunan:
- Pipili ng isang kinatawan ang bawat grupo bawat tanong.
- Ang mga napili ay tatayo sa harap ng klase sa isang pila.
- Ilalagay ng mga nakatayo sa harap ang kanilang kanang kamay sa kanilang mga baba.
- Sasabihin ang tanong at ang unang magtaas ng kanang kamay ay ang unang may pagkakataon sumagot ng tanong.
- Kung tama ang sagot, mayroong isang punto ang kinabibilangang grupo.
- Kung mali ang sagot, pabilisan ulit magtaas ng kamay at sumagot ang mga ibang mga kinatawan.
Mga tanong at sagot:
- Tanong: Sino ang Ama ng Rebolusyong Pilipino?
Sagot: Andres Bonifacio
- Tanong: Sino ang unang pangulo ng Pilipinas?
Sagot: Emilio Aguinaldo
- Sino ang kinikilala bilang “utak ng Katipunan”?
Sagot: Emilio Jacinto
- Sino ang “lakambini ng Katipunan”? Ang palayaw niya ay Aling Oryang.
Sagot: Gregoria de JesĆŗs
- Sino ang tinatawag sa pangalang Tandang Sora?
Sagot: Melchora Aquino
- Pangalawang Task: Mahalagang Literatura na humantong sa Rebolusyon
Lugar: Back lobby
Panuntunan:
- Ang bawat grupo ay bibigyan ng mga pira-pirasong mga papel na kailangan nila ipagdikit dikit at makabuo ng isang imahe
- Kapag mabuo ang imahe, kailangan sabihin kung ano ito at magbigay ng kaunting impormasyon dito.
- Ang grupo na unang makabuo ng imahe ay magkakaroon ng 3 puntos.
- Ang pangalwang grupo na makakabuo ng imahe ay magkakaroon ng 2 puntos.
- Ang pangatlong grupo na makakabuo ng imahe ay magkakaroon ng 1 puntos.
Ang mga imahe na ibubuo ng mga grupo:
- Ikatlong Task: Sigaw sa Pugadlawin
Lugar: Back Lobby at Field
Panuntunan:
- Ang bawat grupo ay pipili ng 4 na kinatawan.
- Ang apat na miyembro ng grupo ay magkakawing ng kanilang mga braso sa siko habang nakatalikod.
- Kailangan nilang sabay sabay na pumunta sa field at hanapin ang biak-na-bato (kung nasaan si Cholo).
- Ang unang grupo na makarating sa biak-na-bato ay may 3 puntos.
- Ang pangalawang grupo na makarating sa biak-na-bato ay may 2 puntos.
- Ang pangatlong grupo na makarating sa biak-na-bato ay may 1 puntos.
B. Ang paguulat.
Ngayo’y tapos na ang mga laro, ang grupong nangasiwa ng laro ay
mag-uulat na tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino sa panahon ng Rebolusyon
habang inuugnay ang larong naganap sa paksang ito.
2. Pagtalakay sa Paksa
Simula:
Ang Rebolusyon o Ang Himagsikan
- Panahon ng pananakop ng espanyol
- Nagsimula Agosto 1896 nang madiskubre ng espanyol ang Katipunan
- Paglalaban ng mga Pilipino upang mapasaatin ulit ang ating bansa at mapatumba ang mga espanyol na namuno at nagpahirap satin nang higit sa 300 na taon
Katipunan
- “Katastaasang Kagalanggalangang Katipuanan ng mga Anak ng Bayan”
- Itinatag ni Andres Bonifacio
- Ang mga layuning ito ay binuo ng tatlong tema: pampulitika, sibika, at moral.
- Sa layuning pampulitika, hinangad ng Katipunan na palayain ang Pilipinas mula sa mga Espanyol. Isasagawa ito sa pamamagitan ng armadong himagsikan tungo sa pagbuo ng isang bansang malaya.
Nasyonalismo - Ang namunong prinsipyo sa rebolusyon
- “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" - Dr. Jose Rizal
- Lubos na pagmamahal sa sariling bansa
- Humuhubog sa sariling pagkakakilanlan ng pilipino
- Kilusang Propagandista
- Ubusbong dahil sa pagbitay sa tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza)
- Ang mga sining na nagpapahayag ng kritisismo sa pamumuno ng mga kastila, pangaabuso ng gobyernong kolonyal
- Ilan sa mga kilalang kasapi nito ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at sina Juan at Antonio Luna
Ang mga mahahalagang panitikan sa panahong rebolusyon:
Diariong Tagalog (1882)
- Unang pahayagang Pilipino na nakasulat sa Tagalog
- Ginawa ito ni Marcelo del Pilar noong 1882
- Nagtatalakay rin sa pagmamalabis at pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang pinamumunuan
- ang unang naglathala ng mga kaisipang nag-uudyok ng reporma sa pamahalaan at tumuligsa rin sa pang-aabuso ng mga prayle.
- Tumatagal ng limang buwan lamang
La Solidaridad
- February 15, 1889 to November 15, 1895
- Pilipinong ilustrado
- Nasa wikang espanyol
- tumatalakay sa reporma ng Pilipinas
- Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at sina Juan at Antonio Luna
Ang kalayaan
- Ang pahayagan ng Katipunan
- Kinalat ito sa iba’t ibang kalapit na probinsya at nakatulong ito sa paglaki ng pwersa ng Katipunan mula 300 naging 3000 (Agoncillo, 1977)
- Pinakita lang nito na nagkakaintindihan ang mga tao sa sariling wika at pwede ito gamitin para isulong ang interes ng mga tao. Yun nga lang, isang copya lang ng Kalayaan ang na imprenta at nakalat. Nalaman agad ng mga Kastila ito at nagpasya ang Katipunan na tigilin na ang proyekto.
- Ang nakababatid ng wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
- Dalawa sa mga pinaka sikat na nobela ni Rizal maaaring sabihing na dalawa sa mga pinakaimpluwensyal na libro para sa rebolusyon
- Nagtatalakay sa ugali ng mga prayle at mga namumunong Kastila
Ang saligang-batas:
Saligang Batas ng Biak-na-Bato 1897
- Unang pagsisikap upang magkaroon ng opisyal na wikang gagamitin ng lahat ng Pilipino sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas
- “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.” (Saligang Batas ng Biak-na-Bato, 1897)
- Ang pagpili ng Tagalog ay bunga ng pagkakaisa ng damdamin ng Pilipino dahil sa mga akdang sinulat sa wikang Tagalog noong panahon ng propaganda
- Pinatibay ng pagkakaisang ipinamalas ng KKK ang paniniwala na ang daan sa pagkakaroon ng kasarinlan ng mga Pilipino ay isang wikang pambansa
3. Biswal na Presentasyon
4. Panganganinag
Paolo Fernandez:
Ibinabahagi ng kasaysan ng wikang Filipino ang kahalagahan ng wika sa pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Ang wika natin ay kultura, identidad, katalinuhan, pagkakaisa, at kaluluwa. Nang dumating ang mga Kastila, sinira nila ang wika ng ating mga ninuno. Makikita natin sa kasaysayan ng wikang Filipino: Rebolusyon ang pagbuo ng pagkakaisa sa ilalim ng iisang wika; Wikang Pambansa.
Maraming taon ko nang pinag-aaralan, bilang estudyante, ang kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila. Kilala ko ang mga iba’t ibang mga bayani na nagbigay buhay para sa Inang Bayan. Ang ating kasaysayan ay puno ng literatura na nanghihikayat ng pagkakaisa at ng rebolusyon. Ngunit sa lahat ng aking pinag-aralan, ngayon ko lang natutuhan ang kasaysayan ng ating wika at ang kahalagahan ng pagpili nito sa panahon ng paghihimagsik.
Marahil narinig ko lang ito at hindi ko na maalala, o hindi lang masyadong itinuro noong elementarya pa lamang ako, sapagkat ngayon lang tumatak sa aking isipin ang 1897 republika ng Biak-na-Bato. Mayroon na palang saligang batas na nagsasabi na ang Tagalog ang opisyal na wika ng mga Pilipino, bago pa man ang panahon ni Quezon noong 1946. Ayon sa artikulo walo ng saligang batas ng Biak-na-Bato: Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.
Ang rasyonal kung bakit pinili ang Tagalog ay hindi katulad ng mga rason noong panahon ng mga Ingles. Ang pagsisikap na magkaroon ng pambansang wika, o wikang opisyales na gagamitin ng mga Pilipino, ay hindi pag-oorganisa ng ibang bansa. Pilipino ang mga pumili sa wikang ito. Mga Pilipinong galing sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, at nagsasalita ng iba’t ibang wika. Sila ay galing sa Pangasinan, Zambales, Ilocos, Tarlac at Nueva Ecija. Pinili nila ang Tagalog bilang isang simbulo ng pag-iisa, at pagbuo ng isang estado na hiwalay sa Espanya; ang Republiko ng Pilipinas.
Bagama’t hindi nagtagal ang Republiko ng Biak-na-Bato, ito’y isang mahalagang punto sa pagbuo ng ating bansa. Ito’y naging posible sa pamamagitan ng pagpupulong ng mga kakayahan ng maraming indibidwal at grupo. Ang mga rebolusyonaryo, miyembro ng KKK, at ang mahahalagang manunulat, sila’y nagkaroon ng iisang layunin; ang pagkaroon ng pagkakakilanlan. Naganap ito dahil sa mga literatura na isinulat noong panahon ng propaganda.
Bagama’t hindi nagtagal ang Republiko ng Biak-na-Bato, ito’y isang mahalagang punto sa pagbuo ng ating bansa. Ito’y naging posible sa pamamagitan ng pagpupulong ng mga kakayahan ng maraming indibidwal at grupo. Ang mga rebolusyonaryo, miyembro ng KKK, at ang mahahalagang manunulat, sila’y nagkaroon ng iisang layunin; ang pagkaroon ng pagkakakilanlan. Naganap ito dahil sa mga literatura na isinulat noong panahon ng propaganda.
Sa kasalukuyan, kahit na mayroon tayong pambansang wika, mayroong conflict tungkol dito. Ito’y dahil hindi raw ito ang wika na ginagamit ng karamihan sa atin. Ang mga Amerikano pa ang nagbigay ng ideya na magkaroon ng Wikang Pambansa. Nakakalungkot isipin na ang bagay na dapat nagpapakaisa sa atin ay naging isang rason para mahiwalay pa tayo bilang mga Pilipino. Ang wikang pambansa ay dapat maging simbulo ng ating pagkakaisa. Subalit para maiwasan ang diskriminasyon, kailangan din nating magbigay ng kahalagahan sa iba’t ibang wika ng ating kababayan.
Sa aking palagay, ang pagpili ng Tagalog sa panahong rebolusyon ay mas angkop kesa sa pagpili nito noong panahon ng Ingles katulad ng sinabi ko kanina, ito’y Pilipino. Ito’y dahil sa pagkakaisa. Mas mayroong kabuluhan ito sa ating pagiging Pilipino kung ito’y ituturing na pagiging opisyal na wika. Ang pagpili ng isang wika na magiging hakbang sa pagiging isang sariling bansa.
Pocholo Resurreccion:
Sa pagsasaliksik na ginawa ng grupo namin tungkol sa panahon ng rebolusyon, nakita ko kung ano ang tunay na importasya ng wika. Naipakita sa panahon na ito na ang wika ay di lamang nagdadala ng mga ideya kundi pati ang mga damdamin, mga prinsipyo, inspirasyon, at pagasa. Ang wika, na nagdadala ng mga bagay na iyon, ay may sobrang lakas na impluwensya sa mga tao na kaya nitong magsimula ng apoy ng rebolusyon.
Bago magsimula ang rebolusyon, ang panahong nanguna at nagbigay daan para dito ay ang kilusang propagandista. Sa kilusang ito, hindi lamang munting mga letrang pinagsama-sama ang mga salita ng mamamayan ng Pilipinas. Ang mga Pilipino ay minamaltrato ng mga Kastila sa panahon na ito. Nababatid ng lahat sa naninirahan sa Pilipinas sa panahong ito na ang mga Kastila ay nagmamalabis ng kanilang kapangyarihan at sobrang dami na ang napupuno dito. Dahil dito napakarami ang gumamit ng mga salita bilang mga sandata upang atakihin ang mga mananakop na ito. Ang mga sandatang ito ay nakarating sa iba’t-ibang panig ng pilpinas at ito ay nabasa ng halos lahat ng mga Pilipino. Ang mga nakabasa ay sa malamang ay sumasang-ayon sa mga salita ng mga propagandista at sila rin ay nagkaroon din ng magkatulad na hangarin. Ang hangaring ito ay ang paglaya ng Pilipinas sa malulupit na Kastila.
Upang mapalaya ang bansa natin sa mga Kastila, kinakailangan ng pagkakaisa. Kailangan magkaisa ang lahat ng Pilipino na bumuo ng isang bansa na pareparehas ang layunin at gusto makamit. Isa mga bagay na nasa ilalim ng pagkakaisa, ay ang pagkakaroon ng isang wika bilang isang bansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Ang pagkaroon ng iisang wika ay nagpapatibay ng pagkakaisa ng isang bansa. Pagkakaisa ng pagkatao, kultura, mga ideya, at mga prinsipyo.
Sa talumpati ni Rep. Sy-Alvarado, sinalaysay niya ang ilang mga pangyayari sa Pilipinas mula sa pananakop ng mga Kastila hanggang ang pagtatag ng unang republika. Ang isang bagay na sinabi niya na tumatak sa akin ay ang ideya na “Ang mga pangyayaring naganap at nabuo ang sumulat ng ating kasaysayang lumikha ng mga bayani at martir, ng mga mandirigma at paham, ng mga makata at siyentipiko, at ng mga manunulat at artista. Sila ang mga ninunong nagpinta ng ating kultura’t kabihasnan at nagtustos ng init ng apoy sa maraming pag-aalsang sumiklab sa mga lansangan at nagbigay ng sigabo at inspirasyon sa mga kilusang naghangad, nanghingi at nagsulong ng mga pagbabago sa lipunang Pilipino. Ang bawat kabanata ay isang antas ng pag-unlad mula sa pinagsumundang yugto at ang bawat hakbang ay isang peregrinasyon patungo sa itinadhanang hantungan.” Ang rason kung bakit ito tumatak sa akin ay kasi nabuksan niya ang ang paningin ko sa Pilipinas. Kung titignan natin ang ating mga sarili, marami na tayong mga napagdaanang mga bagay, maging masaya man o malungkot, sa ating buhay simula nang tayo’y ipanganak. Ang mga karanasang ito ay ang rason kung bakit tayo ay kung ano tayo ngayon. Ang Pilipinas ay katulad din natin, nadaan na ito sa pananakop ng maraming mga bansa at ilang beses na siyang nawalan ng pagkakakilanlan dahil sinubukan ibahin ito ng mga iba’t ibang bansa at pinilit ang mga Pilipino na kalimutan ang nakaraan. Maaaring mayroon ngang mga nakakalimot ng nakaraan ng bansa natin pero hindi mawawala ang kasaysayan na ito. Sa dami-dami ng mga karanasan ng ating bansa, hindi dapat kalimutan ito dahil kailangan ito para maintindihan at malaman kung ano ang mga bagay na gumagawa sa atin bilang isang Pilipinas. Katulad nga ng sinabi ni Rep. Sy-Alvarado na marami na ang nakalimot na sa Enero 23, 1899 ideneklara ang unang republika ng Pilipinas ngunit ngayo’y gusto niya itong kilalanin ng lahat ng tao dahil karapat-dapat naman talaga ito kilalanin at ipagdiwang na araw. Dapat tayo lahat ay may katulad na pagiisip ni Alvarado dahil kung pabayaan nalang natin ang nakaraan natin at puro pagpapatuloy nalang tayo sa kinabukasan hindi tayo magkakaroon ng oportunidad na matututo sa kasaysayan natin at mamangha sa mga pangyayari kung paano nabuo at naging bansa at tunay na estado ang Pilipinas na minamahal natin ngayon.
Sa pag-uugnay nito sa aralin sa wika ngayong kapat, alam natin na ang Tagalog ang basehan ng wikang Filipino na ginagamit natin ngayon ngunit hindi lagi naging ganun ang kaso. Sa pagtingin natin sa ating kasaysayan malalaman natin na iba’t-iba at hati pa tayong mga Pilipino sa mga wikang ginagamit. Ang pagaaral ng kasaysayan ng wika at kung ano ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagkakaroon ng iisang wikang pambansa ay isang magandang halimbawa ng paghahalaga sa kasaysayan ng atin bansa. Sa pag-alam natin ng mga bagay na ito, itinuturing natin na karapat-dapat na mahahalaga ang mga pangyayaring ito sa pagkapilipino nating lahat. Karapat-dapat lang na tangkilikin natin at ipagmalaki natin ang ating pagiging Pilipino at mahalin natin ang Pilipinas dahil ang dami nang napagdaanan ng ating Inang Bayan para sa atin, kaya dapat lang magpasalamat tayo sa lahat ng ito.
Nadine Colina
Ang wika, sa panahon ng rebolusyon, ay may mahalagang papel sa naging tagumpay ang rebolusyon sa Pilipinas. Bago ang rebolusyon, walang identidad ang mga Pilipino. Nasira ng mga Kastila ang kultura natin at ang wika natin. Maraming Pilipino walang sariling wika at hindi natagumpay ang mga maliit na rebolusyon nila dahil hindi sila nagiisa. Ang pagsulat sa wikang Tagalog sa mga rebolusyonaryong panitikan ay nagbuklod ng mas maraming Pilipino sa layunin ng rebolusyon. Sa tingin ko, kung patuloy silang nagsulat sa Espanyol ang mga rebolusyonaryong panitikan, hindi magtatagumpay ang rebolusyon. Ang mga panitikan katulad ng La Solidaridad at Noli me Tangere ay nasulat sa wikang Espanyol. Hindi lahat ng Pilipino sa panahon iyan ay sakop sa madla nito. Maraming propagandista sa Pilipinas ay mga mayayaman. Pero ang mahalaga sa rebolusyon ay ang mga masa. Ang pagsulat ng mga panitikang propagandista sa wikang Filipino ay mahalaga dahil naintindihan ang mga Pilipino ang kanyang sariling wika. Ito’y gumising sa mga damdamin ng Pilipinong gusto ng kalayaan. Gumising ang nasyonalismo sa bawa’t Pilipino. Ang nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino ay ang namunong prinsipyo sa rebolusyon. Ang pambansang wika ay may kakayahan magkaisa ng isang bansa.
Sa pagtatatag ng unang republika ng Pilipinas, “Ang wikang tagalog ay siyang mananatiling wika ng Republika.” Sa 1897 konstitusyon ng biak-na-bato, pinili nila ang nagiging iisang wika ng Pilipinas. Kailangan ng bagong republika na ito ang isang wika na magiisa ng mga mamamayan nito. Kailangan ito para mabuo ang identidad ng mga mamayang Pilipino.
Sa panahon ngayon, mas ramdam mo ang pagmamahal sa bayan sa mga talong naguusap gamit ang sariling wika nila. Ang paggamit ng Filipino sa sining ngayon o kahit araw-araw lang sa bahay, ay nagbibigay buhay sa kultura natin. At kung nasa ibang bansa ka, at narinig mo ng isang tao nagsasalita sa wikang Filipino, marahil ikaw ay kumportable na makipagusap sa kanya. Ang wika ay makapangyarihan. Pwede siya mag-unite ng mga tao hindi kilala ng isa’t isa. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang wikang pambansa natin sa pahalagahan ng ating kultura. Ang pag-uusap sa Filipino ay nagbigay ng paraan sakin magpakita ng mahal sa aking bansa at nagtulong sa pakikipagusap ko sa mga kaklase ko. Ang pag-aaral ng Filipino at ang kasaysayan natin ay nagturo sa akin magmahal ng sariling kultura at bansa.
Ramdam parin ang mga epekto ng kolonyalismo ngayon. Maraming tao ay hindi gusto magsalita sa Filipino. Ito ay dahil na nasiraan ng identidad namin ng mga Kastila o mga Amerikano. Sinabi ni Jose Rizal na “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Kailangan ipagkita ang pagmahal ng sariling wika sa mga kapwa nating Pilipino.
Sa pagtatatag ng unang republika ng Pilipinas, “Ang wikang tagalog ay siyang mananatiling wika ng Republika.” Sa 1897 konstitusyon ng biak-na-bato, pinili nila ang nagiging iisang wika ng Pilipinas. Kailangan ng bagong republika na ito ang isang wika na magiisa ng mga mamamayan nito. Kailangan ito para mabuo ang identidad ng mga mamayang Pilipino.
Sa panahon ngayon, mas ramdam mo ang pagmamahal sa bayan sa mga talong naguusap gamit ang sariling wika nila. Ang paggamit ng Filipino sa sining ngayon o kahit araw-araw lang sa bahay, ay nagbibigay buhay sa kultura natin. At kung nasa ibang bansa ka, at narinig mo ng isang tao nagsasalita sa wikang Filipino, marahil ikaw ay kumportable na makipagusap sa kanya. Ang wika ay makapangyarihan. Pwede siya mag-unite ng mga tao hindi kilala ng isa’t isa. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang wikang pambansa natin sa pahalagahan ng ating kultura. Ang pag-uusap sa Filipino ay nagbigay ng paraan sakin magpakita ng mahal sa aking bansa at nagtulong sa pakikipagusap ko sa mga kaklase ko. Ang pag-aaral ng Filipino at ang kasaysayan natin ay nagturo sa akin magmahal ng sariling kultura at bansa.
Ramdam parin ang mga epekto ng kolonyalismo ngayon. Maraming tao ay hindi gusto magsalita sa Filipino. Ito ay dahil na nasiraan ng identidad namin ng mga Kastila o mga Amerikano. Sinabi ni Jose Rizal na “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Kailangan ipagkita ang pagmahal ng sariling wika sa mga kapwa nating Pilipino.
5. Listahan ng mga Sanggunian
Almario, V. S. (1998). SI RIZAL AT ANG WIKA NG KALAYAAN. MALAY, 15(1), 1-1.
AƱonuevo, R. (n.d.). Kasaysayan. Retrieved from http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
Constantino, R., & Constantino, L. R. (1975). A History of the Philippines. NYU Press.
Honra, A. (2016). Wika sa panahon ng rebolusyong pilipino. Retrieved from
https://prezi.com/cc_mosnyuprj/wika-sa-panahon-ng-rebolusyong-pilipino/
Ignacio, R. (1958). Diksiyonaryo ng wikang Pilipino. Samar Publishing Company.
Jacoblaneria. (2011). Kasaysayan ng wika, wika sa kasaysayan. Retrieved from
http://definitelyfilipino.com/blog/kasaysayan-ng-wika-wika-sa-kasaysayan/
La Solidaridad. (n.d.). In Wikipilipinas. Retrieved from
http://en.wikipilipinas.org/index.php/La_Solidaridad_(newspaper)
Richardson, J. (2017). The light of liberty: Documents and studies on the Katipunan, 1892-1897.
Yearbook of the Association of Pacific Coast Geographers, 79.
Salazar, J. T. (2016). Introduksyon. Katipunan ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino.
SCPS. (2016). Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng rebolusyong pilipino.
Retrieved from https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong-pilipino
Wika at panitikan. (2012). Retrieved from
http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/wikang-filipino.html
6. Mga Larawan
Comments
Post a Comment