Block G - KWF: Espanya
Truth, Excellence, Service
Block G 10 Oktubre 2017
Aurellano, Buñag, Cruz, J. Dokyumentasyon
Block G - Kasaysayan ng Wikang Filipino: Espanya
Daloy ng Presentasyon
Sa araw ng presentasyon, nauna ang leksyon ukol sa paksa ng grupo, Kasaysayan ng Wikang Filipino sa panahon ng mga Kastila. Pagkatapos ay nakibahagi ang mga estudyante sa laro kung saan sila ay binigyan ng listahan ng mga salita sa Filipino at kinakailangan nilang piliin ang mga hiram na salita mula sa wikang Kastila.
Pagtatalakay sa Paksa
Noong panahon ng pre-kolonyal may labimpitong letra ang ating alibata, tatlo ang patinig, labing-apat ang katinig. Ang alibata ay tagapagbadya ng mga nasulat na kaisipan ng mga ninunong Pilipino. Ipinag-utos ng Haring Felipe II ng Espanya noong 1594 para sa ikdadali ng pag-aaral at pagkaunawa sa wikang Pilipino mga lubusang naipino na hatiin ang kapuluan sa apat ayon sa mga orden na naririto sa Pilipinas. Ang mga misyonaryong ito ang lubusang nag-aral ng wika sa kanilang nasasakupan. Ayon kay Phelan (1955)nahati ang mga Augustinian at Heswita sa buong Kabisayaan; sa mga Dominiko, nagawi ang lalawigan ng Pangasinan, Cagayan kasama na ang pag-aaral ng wikang Instik. Ang mga Franciskano ay tinalaga sa Katagalugan.
Panganganinag
Panganganinag ni Aurellano
Ang panahon ng Kastila ay panahon ng malaking pagbabago para sa ating kultura at wika. Ang ating wika, pamamaraan ng pagsusulat, kultura, paraan ng pamumuhay ay lahat nagbago. Dinala ng mga mananakop ang iba’t ibang kagamitan, ideyolohiya ay sa kalaunan, iba pang mananakop. Isa sa mga bagay na ito ay ang wika. Ginamit nila ang wika bilang kagamitan sa pang-aapi at pananakop sa atin. Sinira at yinurakan nila ang mga paraan natin ng panunulat at wika upang ipamukha na sila ay nakatataas sa atin. Kahit gusto man ng mga hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila ang mga Pilipino noong panahong iyon, ito ay tinutulan ng mga tunay na nasa kapangyarihan noon, ang mga prayle. Masasabi na hindi ito ginawa ng mga prayle upang hindi natin matapatan ang kapangyarihan na naibibigay sa kanila ng pananalita ng Kastila. Ngunit pwede rin sabihin na ang gustong pagturo ng wikang Kastila sa atin ay isang ring paraan ng pananakop sa atin. Sa pagturo sa atin ng wikang banyaga, tayo ay napapailalim pa rin sa bansang pinanggalingan nito, tulad ng pagtuturo ng Inggles sa kasalukuyang panahon. Tinutulan lang ng mga prayle ang pagtuturo na ito dahil ito lamang ang talagang bagay na nagiiba sa kanila mula sa atin. Pero kahit na nandyan ang mga balakid na ito, napagtagumpayan pa rin natin ang ating pagaalsa.
Isa pa sa mga ginamit ng mga Kastila sa kanilang pananakop ay ang paraan ng pagsulat. Ang sarili nating paraan ng pagsulat, ang Baybayin, ay halos nabura sa kasaysayan ito’y noong sinubukang sirain at kalimutin ng mananakop. Ipinilit nilang isulat natin an ating mga salita gamit ang Abecedario sa simula at kalaunan, ang Alpabetong Romano. Ang mga alpabetong ito ay ipinilit sa atin at unti-unting nakalimutan ng karamihan ang ating sariling Baybayin. Sinira at kinalimot ang mga kasulatan na nasa Baybayin at kasama ng mga kasulatan na ito ay ang kaalaman natin tungkol sa pamumuhay natin dati. Dito sa aspetong ito ng pananakop ay tayo’y halos lubusang nasakop. Kung hindi lamang sa mga ilang etnikong grupo na hindi masyado naabot ng mga misyonaryo at ang iilang mga artifact, ay kumpleto nang naglaho ang Baybayin. Sa kabutihang palad, ang Baybayin ay unti-unting sumisikat sa mga kabataan sa kasalukuyan. Kahit mas naakit sila sa kagandahan ng itsura nito, kaysa sa historikal na importansya nito, mahalaga pa rin na ito’y nagagamit at naaalala sa kasalukuyang panahon.
Hindi lamang kasamaan ang dala ng mga Kastila noong sinakop nila tayo. Mayroon ding mga bagay na bitbit nila noong sila’y dumating ng ginawa nating sariling atin. Isa sa halimbawa ng mga ganito ay ang mga hiram na salita. Ang mga hiram na salita na ito ay unti-unting naging ating. Ang mga salitang tulad ng mesa, pandesal, at mechado ay mga salitang sumisimbolo na ng ating pagkapilipino. Kahit may bahid sila ng Kastila ay tunay na silang mga salitang Pilipino.
Sa kabuuan, maraming dalang kasamaan ang mga Kastila noong dumating sila dito, ngunit mayroon ding kakaunting mabuting naidulot ito sa atin. Naapektuhan man ng matindi ang mga wika natin, nagkabuklod-buklod naman ang Pilipinas bilang isang bansa. Isang mahalagang bagay na alalahanin at ipasa ang mga kaalamang ito sa mga sumusunod na henerasyon.
Panganganinag ni Buñag
Sa kasulukuyang panahon makikita natin na buhay pa rin ang kasaysayin natin sa ating wika. Ito ay madaling makita sa ilan sa mga salita na ginagamit natin hanggang ngayon katulad ng sibuyas, palda, kuneho, at asukal. Ang mga salitang ito ay hiram lamang natin at galing sa wikang Kastila. Ang mga pagbabago sa wika natin ay maidudulot sa paraan kung paano naganap yung mga pangyayari noong panahon ng mga Kastila. Kahit na mayroon na tayong sariling natatanging wika sa iba’t-ibang rehiyon at alpabeto hindi natin naiwasan ang mga impluwensya ng Kastila. Dito natin makikita kung gaano ka makapangyarihan ang wika dahil ginamit ng mga Kastila ang wika bilang estratehiya upang sakupin ang Pilipinas. Napansin nila na bawat rehiyon may ibang wika, ginamit nila ito para sa kanilang kalamangan. Dahil nga hindi magkapareho ang mga wika sa iba’t ibang lugar, nahirapan makipagkomunikado ang mga katutubong Pilipino. Dahil dito, nadalian ang mga Kastila na sakupin tayo sapagkat nahirapan tayong magtulutulungan at magkaisa sa una dahil sa problema ng pakikipagkomunika. Dito makikita ang konsepto ng ‘divide and conquer.’ Sa una nahirapan ang mga Pilipino labanin ang mga Kastila dahil magkahiwahiwalay tayo, pero sa paglipas ng panahon unti-unting nagkaisa ang bansa at tinubos natin ang ating sariling bayan.
Ngayon, malakas pa rin ang epekto ng wika. Minsan ay ginagamit ito ng mga tao upang diskriminahin ang isang tao o grupo ng mga tao. Isang halimbawa nito ay kapag pinapahiya o pinapasama ang loob ng mga tao ang isang indibidwal na hindi marunong mag Ingles.
Kilala ang mga prayle bilang ang mga masasamang tao na umabuso ng kanilang kapangyarihan, ngunit kung hindi dahil sa kanila, magiging mas malala pa yung estado ng ating wika ngayon. Makikita sa pag-aaral ni Mendoza (n.d.) na maraming hari at maykapangyarihang gumawa ng mga panukalang may layunin na paturuan ng Kastila ang mga katutubo sa Pilipinas. Subalit, tinutulan ito ng mga prayle dahil ayaw nilang malaman ng mga katutubo ang mga iniisip at sinasabi nila. Dahil dito, naimpluwensya ang ating wika ng malaki pero sa kabilang bahagi hindi tayo naging isang kolonya ng Espanya katulad ng ibang mga lugar na sinakop ng mga Kastila.
Bukod sa mga impluwensya sa ating wika, marami din tayong naranasang pagbabago sa ating alpabeto. 16 Bago dumating yung mga Kastila, ang ginagamit noon ay Baybayin. Pagdating ng mga Kastila pinakilala nila sa atin ang Abecedario, at sa huli ay ang Alpabetong Romano (Yenbehold, 2015). Unti-unting bumago ang mga titik na ginamit natin, dahil dito nagkaroon tayo ng mga pagbabago sa palatitikan. Katulad sa mga sinabi ni Jose Rizal (1899) na maraming titik at patinig na hindi natin kailangang gamitin dahil wala tayong mga salita na gumagamit ng mga titik na ito katulad ng ce, ci, at iba pa. Sa aking palagay, ang dahlian kung bakit naging hindi mabisa yung palatitikan ay dahil ang isang alpabeto ay kinaugalian ng wika. Ang ibig sabihin nito ay iiba ang alpabeto ng isang kultura base sa kanyang katumbas na wika. Ang mga titik na bumubuo sa isang alpabeto ay ang mga titik na kailangan at ginagamit lamang sa mga salita ng iyong wika. Noong pinalitan ang Baybayin hindi isinaalang ng mga Kastila ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa wikang Kastila. Hindi tinuro ng mga prayle ang Kastila sa mga katutubo samakatuwid walang silbi ang mga alpabeto na pinakilala at pinagamit sa atin.
Sa huli, napapansin ko na sa buong kasaysayan, ang wika ay nanatili bilang isang makapangyarihang bagay na maaaring makipaghiwalay o pagsamahin ang isang bansa. Kaya kailangang alalahanin ng lahat na ang wika ay dapat hindi maliitin.
Panganganinag ni Cruz, J.
Maraming taon ang iniuukol natin sa pag-aaral ng kasaysayan ng ating bansa. Karamihan sa mga taong ito ay inilalaan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Hindi maaring balewalain lamang ang tatlondaang taon ng paghahalo ng kultura ng ating mga bansa. Pero, sa dami ng mga taong ito, masasabi kong ngayon ko lang tunay na naintindihan ang naging kalagayan ng wika natin sa panahon ng mga Kastila. Hindi ko inaakalang ang mga prayle pala ang mismong nag-aral ng mga bernakyular na wika. Dito makikita kung gaano katalino ang Espanya sa kanilang pamamaraan ng pananakop. Naglaan sila ng oras at hirap sa pagtuto ng mga wika ng ating bansa at matagumpay na nakamit ang mga puso ng mga Pilipino. Hindi nila tayo tinuruan ng wikang Kastila sapagkat mabibigyan tayo ng mas maraming kapangyarihan bilang bansa. Kung natutunan natin ang wikang Kastila, mas magiging pantay tayo sa mga Espanyol at bilang mananakop, hindi ito matalinong stratehiya. Kung titignan, ang mga hari ng Espanya ay interesadong turuan ang mga katutubo ng wikang Kastila. Kasama sa mga plano ang pagtatayo ng paaralan para sa layuning ito. Ngunit, tinutuluan ito ng mga prayle. Dahil dito, makikita natin kung gaano katalino at pati na rin, makasarili ang mga prayle.
Nakakatuwa makita ang mga pinag-aralan natin sa unang quarter ng Filipino sa ating kasaysayan at kasalukuyan. Ang wika nga ay tunay na repleksyon ng kultura ng isang lugar. Makikita sa mga hiram na salitang Kastila sa ating kasalukuyang wika ang malakas na impluwensya at epekto ng pagkakasakop sa atin. Hindi lang sa konkretong mga bagay tulad ng imprastraktura sa Maynila naoobserbahan ang tatlondaang taon ng pananakop kundi pati sa sinasalita nating wika!
Katulad ng sinabi ko kanina, ngayon ko lang natutunan ang mga bagay na ito ukol sa ating wika noong panahon ng mga Kastila. Nasisiyahan ako na itinuturo pa rin ang kasaysayan kahit sa lebel ng mataas na paaralan sapagkat ang dami-daming kailangan matutunan tungkol sa ating bansa. Mahirap matutunan ang kahit kalahati ng kaalaman na ito. Ngunit, kahit paunti-unti ay dapat nating pinaglalaanan ng oras. Dapat ay binibigyang-pansin natin ito dahil ang kasaysayan natin ang makapagbibigay sa atin ng ating katauhan. Sa patuloy na pagtuto lang natin makikilala ang ating tunay na sarili.
Mula sa baybayin, naging abecedario ang alpabeto. Sa totoo lang, nakakalungkot na sa kasalukuyan ay limot na ito at kaunti nalang ang nagtatangkang matutunan ito. Sa baybayin natin makikita na hindi naman natin kailangan ang mga Espanyol para makalikha ng sarili nating sistema. Ngunit, sa husay nga ng stratehiya ng mga prayle sa kanilang pananakop, nagawa nilang mailayo tayo sa sariling atin. Ang abecedario ang naging alpabetong Romano na ginagamit hanggang ngayon. Sa ibang aspeto, masaya na rin ako na nakakasabay tayo sa ibang mga bansa dahil ito ang gamit nating alpabeto. Pero, iba pa rin talaga ang magkaroon ng isang bagay na matatawag mong iyo. Malakas ang naging impluwensya ng mahigit tatlondaang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ngunit kasaysayan na iyon. Ang mahalaga ngayon ay isulat nating mga Pilipino ang kwento na gusto nating mabasa ng mga sumusunod na henerasyon.
Listahan ng mga Sanggunian
Amparado, R. (2016). Kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng mga kastila [Powerpoint
slides]. Retrieved from https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-sa-panahon-ng-mga-espanyo
Gomez-Rivera, G. (2001) The evolution of the native Tagalog language. Retrieved from
http://www.webcitation.org/5rhjRPCO9
Mendoza, R. (n.d.). Kasaysayan ng pambansang wika: Panahon ng Espanyol at panahon ng
Amerikano, 1(1), 1-7
Pamatin, A. (n.d.) Kasaysayan ng wikang filipino. Retrieved from
http://www.academia.edu/7593747/Kasaysayan_ng_wikang_filipino
Tiryakian, E. (1958). The prestige evaluation of occupations in an under developed country: The
Philippines. American Journal of Sociology, 63(4), 390-399.
doi: https://doi.org/10.1086/222262
Yenbehold. (2015). Kasaysayan ng alpabetong pilipino. Retrieved from
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/kasaysayan-ng-alpabetong-pilipino.html
Comments
Post a Comment