Block E - KWF - Barayti at Baryasyon
Flores, Ralph Alexander T. Malaluan, Robbie Paul P. Jorge, Michael Gregory II N. A. Daloy ng presentasyon - detalyadong iskedyul ito o pagkakasunod-sunod ng mga naganap sa araw ng presentasyon Sinimulan ng pangkat ang presentasyon sa pamimigay ng mga kopya ng liriko ng mga awiting “Ako ay May Lobo” at “Bahay Kubo”, subalit ito ay nakasulat sa Beki (“Aketch ay mai Lobing”, “Valer Kuberch”). Kinanta ito ng klase. Matapos nito ay sinimulan na ng pangkat ang pagtuturo tungkol sa barayti at baryasyon. Tinalakay ang iba-ibang mga barayti ng wika: dayalek, sosyolek, idyolek, domeyn, jargon, pidgin, creole, at rehistro. Napag-usapan rin ang mga dahilan ng baryasyon ng wika: heograpikal, sosyolohikal, at okupasyonal. Subalit hindi nabanggit ng pangkat, itinuro ng guro sa klase na ang baryasyon ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng barayti sa wika. B. Mga Impormasyon - pagtatala ng lahat ng mga impormasyon na ibinahagi sa presentasyon. mistula itong online hand-outs. siguraduhing naka-in...