Block E - KWF - Barayti at Baryasyon

Flores, Ralph Alexander T.
Malaluan, Robbie Paul P.
Jorge, Michael Gregory II N.

A. Daloy ng presentasyon - detalyadong iskedyul ito o pagkakasunod-sunod ng mga naganap sa araw ng presentasyon
Sinimulan ng pangkat ang presentasyon sa pamimigay ng mga kopya ng liriko ng mga awiting “Ako ay May Lobo” at “Bahay Kubo”, subalit ito ay nakasulat sa Beki (“Aketch ay mai Lobing”, “Valer Kuberch”). Kinanta ito ng klase.
Matapos nito ay sinimulan na ng pangkat ang pagtuturo tungkol sa barayti at baryasyon. Tinalakay ang iba-ibang mga barayti ng wika: dayalek, sosyolek, idyolek, domeyn, jargon, pidgin, creole, at rehistro. Napag-usapan rin ang mga dahilan ng baryasyon ng wika: heograpikal, sosyolohikal, at okupasyonal. Subalit hindi nabanggit ng pangkat, itinuro ng guro sa klase na ang baryasyon ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng barayti sa wika.
B. Mga Impormasyon - pagtatala ng lahat ng mga impormasyon na ibinahagi sa presentasyon. mistula itong online hand-outs. siguraduhing naka-intext citation ang mga pinagkuhaan ng impormasyon
Liriko ng mga awit, hango sa Wikipedia (Swardspeak, w.p.)
AKETCH AI MAY LOBING
VALER KUBERCH
Aketch ai may lobing
Flylalou sa heaven
Witchels ko na nasightness
Jumutók lang pala
Sayang lang ang anda
Pinang buysung ng lobing
Kung lafangertz sana
Nabusóg pa aketch
Valer kuberch, kahit jutey
Ang julamantrax denchi,
Ay anek-anek.
Nyongkamas at nutring,
Nyogarilyas at kipay.
Nyipay, nyotaw, jutani.
Kundol, fyotola, kyupot jolabastrax
At mega join-join pa
Jobanos, nyustasa,
Nyubuyak, nyomatis, nyowang at luyax
And around the keme
Ay fulnes ng linga.

C. Panganganinag - ito ang magmimistulang paglalagom at konklusyon ng presentasyon. indibidwal na gawain ito ng bawat miyembro ng grupo. pagbatayan ang rubrik ukol sa kahilingan na ito
RALPH - Dati pa akong interesado sa linggwistika, kahit na hindi ako gaanong ka-pamilyar sa mga salitang teknikal noon. Bilang ako'y nahilig sa pag-arte simula pa noong ako'y maliit na bata, palagi ko nang pinag-aaralan kung paano magsalita ang iba-ibang mga tao, o ang kanilang idyolek, upang sila ay aking magaya nang mahusay. Isinasaulo ko ang kanilang mga natatanging pamamaraan ng pananalita - ang mga salitang kanilang madalas na pinipili, ang kanilang mga "catchphrase", ang mga maliliit na pagkakaiba sa kanilang pagbigkas. Hanggang ngayon nga ay kaya ko pa ring gayahin ang tawa ni Goofy mula sa Disney Channel. Kaya ngayon, mas nauunawaan ko at nabibigyan ng halaga ang mga naging pagtalakay sa barayti at baryasyon. Maliban sa idyolek, mayroon ding mga dayalek, sosyolek, jargon, pidgin, creole, at rehistro. Karamihan nito'y nakikita, naririnig, at nababasa ko na dati pa man kahit 'di ko alam ang tawag. Ako ang nagbigay ng halimbawa ng dayalek para sa aming presentasyon: sa mga mas liblib na bahagi lang ng Rizal ko naririnig ang salitang "urong" na tumutukoy sa paghuhugas ng pinggan. 'Di naman ganoon kalayo ang Tanay mula sa Maynila, pero nagkakaroon na agad ng mga pagkakaiba sa wika. Habang palayo nang palayo mula sa isa't isa'y dumarami ang mga pagkakaiba. Nakikita at naririnig ko rin ang iba-ibang mga sosyolek. Gumagamit ang mga Pilipino ng "inyo" imbis na "iyo" upang magbigay galang sa mga nakatatandang kausap. 'Di ko maintindihan ang rasyunal sa paggamit ng panghalip na mas "malayo" at ang relasyon nito sa respeto, pero ginagamit ko rin ito. Pati sa pagtawag sa magulang ay nakaaapekto ito. Subalit 'di lamang ang katayuan sa lipunan ang makababago nito, makikita na marami sa mga mas nakaaangat sa lipunan ay nagsasabi ng "mommy" o "mama" mula sa Ingles o Kastila, samantalang mas madalas ang "Nanay" sa mga Tagalog lamang ang kinasanayan dahil sa estado sa lipunan.

Siguro'y hindi gaanong nakakapukaw ng atensyon ang paksang ito para sa iba, pero nakikita ko ang halaga at kasiyahan dito. Napakalaki ng papel ng wika sa ating lipunan. Sa mga salitang ginagamit ng bawat tao, makikita natin ang tingin nila sa mundo. Makikita rin natin ang kanilang relasyon sa kanilang kapwa sa kung paano sila makipag-usap. Kahit na maliliit na bagay lang ang inaaral sa barayti't baryasyon ay may silbi pa rin ito sa lipunan. Sana ay marami pang mga ganitong paksa sa mga susunod na aralin. Interesado ako sa pag-aaral ng mga dahilan sa pagsasalita ng tao kahit na sila mismo'y 'di nila alam ito. Napalalawak natin ang kaalaman ng mga tao. Magkakaroon ng mas klarong pagkakaunawaan sa lipunan. Mas mapagbubuklod-buklod natin ang Pilipinas. Mula sa talakayang ito ay marami akong natutunan. Kasama na doon ang dapat na pagtanggal ng diskriminasyon base sa pamamaraan ng pananalita ng isang tao. Maikita natin na maraming mga maaaring makaapekto dito. Dapat ay 'di natin husgahan ang mga tao base lamang sa mga salitang kanilang ginagamit o ang kanilang punto. Sa halip, dapat nating bigyang pansin ang kanilang gustong sabihin.

BOBET
Ang paksang natalakay at naibahagi namin sa klase ay ang Barayti at Baryasyon ng Wika. Sa Ingles, pareho silang magkaparehas ng salitang ugat ang dalawang salita, ngunit malaki ang kaibahan ng kanilang mga kahulugan. Ang barayti ay ang mga iba’t ibang uri ng isang bagay samantalang ang baryasyon naman ang mga pagbabagong nagaganap sa isang bagay. Sa wika, ang barayti ay nagbubunga galing sa baryasyon. Ito ay dahil ang baryasyon na may pagbabagong heograpikal, sosyolohikal, at okupasyonal ay nakakaapekto sa kung sino ang bumubuo ng mga grupo ng mga tao. Sunod, bumubuo na ngayon ang mga barayti ng wika dahil magkatulad ang mga tao, kaya’t bumubuo sila ng kanilang sariling sistema ng pananalita. Halimbawa, ang paghihiwalay ng mga pulo ng Pilipinas ay bumuo ng iba’t ibang wika at dayalekto sa mga iba’t ibang rehiyon.
Sa aking naoobserbahan sa aking mga naranasan o sa napanoog na balita sa telebisyon, maaaring magkaroon ito ng negatibong mga epekto ang barayti sa aking sarili at ang komunikasyon sa loob ng bansa.
Noong ikapitong baitang lamang ako sa PSHS-MC, di pa ako gaanong bihasang magsalita sa Tagalog. Bilang isang taga-salita ng Cebuano, mahirap magsalita nang malumay dahil ang mga salitang Cebuano ay binibigkas nang maragsa. Minsan din ay di ko alam kung Tagalog o Bisaya ang isang salita dahil sila ay magkalapit. Ito ay ilan sa mga dahilan kung bakit ako nahirapang makipag-usap at makipaghalubilo sa ibang mga kaklase dahil mahahalata ang aking paraan ng pagsasalita. Ngayon, hindi na masyadong halata na Cebuano ako kapag nagsasalita ako sa Tagalog dahil limang taon na akong nandito sa paaralang ito. Naranasan na rin ito ng ibang kong mga kaklase na galing sa Visayas at Mindanao at lumipat sa Manila upang makapag-aral sa PSHS-MC
Ang Pilipinas ay isang kapuluan kung saan ang mga tao ay hiwa-hiwalay sa isa’t isa. Dahil dito, nagkaroon ng mga iba’t ibang mga grupo ng tao at bumuo sila ng sarili nilang wika, kultura, at mga tradisyon na tangi lamang sa kanila. Sa kasalukuyang panahon, kilalang problema ang tunggalian ng Bisaya at Tagalog na nagbunga sa kaibahan ng kultura at wika. Hindi sang-ayon ang mga Bisaya na maging Tagalog ang maging pambansa wika dahil mas marami ang populasyon ng Bisaya. Hindi rin nagkaroon ng representasyon ang mga Bisaya noong itinatag ang Tagalog bilang pambansang lenggwahe. Nakikita dito na dahil sa barayti ng wika, nagkaroon ng ganitong kalaking problema sa loob ng bansa.
Ang Pilipinas ay isang popular na lugar na pinupuntahan ng mga turista galing ibang bansa. Ang mga banyaga ay sumusubok na magsalita sa Filipino upang mas maintindihan sila ng mga lokal na tao. Subalit, minsan sila ay naiinis dahil hindi marunong magsalita ng Ingles ang kanilang kausap na lokal kaya’t maaari itong sanhi ng tunggalian. Nakikita rin ito sa mga tunggalian sa pagitan ng dalawa o mas marami pang mga bansa. Dahil sa kakulangan ng pagkakaunawaan, nagkakaroon ng salungatan sa pagitan ng mga bansang ito.
Marami din naman itong benepisyo katulad ng pagkakaroon ng mayaman na kultura at wika. Sa rehiyon Northern Mindanao, kung saan ako nakatira, mayroong mga tribung Maranao na nakatira malapit sa amin. Nakikita ko ang kanilang impluwensiya sa mga unibersidad kung saan sumasayaw sila sa tugtugin ng Maranao at lumilikha ng mga sining ng tribo. Kada taon, naglulunsad sila ng mga konsyerto kung saan itatanghal nila ang kulturang Maranao. Dahil sa mga pagsisikap nila, mas malawak ang kaalaman ng mga tao sa lungsod at mas napanatili ang kanilang kultura. Ang pagkakaroon ng barayti ng wika at kultura ay nagbibigay ng buhay at kagandahan sa isang pook katulad ng nangyari sa rehiyon namin, kaya’t nakakabuti ang iba’t ibang uri ng wika.

MICK
Ang grupo ko ay nag-tanghal ng isang presentasyon ukol sa Barayti at Baryasyon ng Wika. Sinimulan namin ang aming presentasyon sa pagpapakanta ng mga kantang “Ako ay may Lobo” at “Bahay Kubo”, ngunit ang mga kantang ito ay naka salin sa Beki.
Pagkatapos ng gawaing ito, sinimulan na namin ang totoong presentasyon. Para sa Barayti ng Wika, hinati namin ang paksang ito sa walo: ito ay ang dayalek, sosyolek, idyolek, domeyn, pidgin, creole, register, at jargon. Pagkatapos nito, tinalakay namin ang Baryasyon ng wika, kung saan nag-iiba ang paraan ng pagsalita ng bawat tao  base sa tatlong sanhi: heograpikal, sosyolohikal, at okupasyunal. Pagkatapos sa aming mga paliwanag sa mga paksang ito at sa pagsagot ng mga tanong ng klase, ang aming susunod na layunin ang pag-gawa ng documentasyon.
Ngayong na-lagom na ang aming pagtatanghal, tutuloy na ako sa aking panganganinag ukol sa paksang aming tinalakay. Ang una kong pag-uusapan ay ang pagkanta ng klase ng “Ako ay may Lobo” at “Buhay Kubo” sa Beki. Sa katotohanan, hindi ko alam kung matatawa ako sa mga isinalin na liriko o mapapa-iyak sa pagbigkas ng mga salita. Nakikita dito ang totoong nangyayari sa bawat wika sa mundo. Bawat tao ay may kanya-kanyang interpretasyon ng bawat salita, pantig, at talata, pati na rin ang kanyang pagpapakahulugan sa paraan ng pagsabi niya sa mga salitang ito. Bawat tao ay kakaiba, at kailangan nating magbigay-galang sa bawat kagustuhan at kilos nila.
Susunod naman ang Barayti ng wika. Sa aking pag-iintindi, ito ang paghahati ng mga paraan ng pagsalita ayon sa walong partisyon na naka-lagay sa taas. Para sa akin, ang Barayti ng wika ay katulad ng heograpiya ng Pilipinas. Dahil sa napakaraming mga bulubundukin, umunlad ang bawat dayalekto nang isa-isa. Nagbunga ito sa napaka-makulay na kaibhan ng legguwahe sa Pilipinas. Dahil sa pagkaka-iba ngayon ng mga wikang ito, naging sari-sari rin ang ating kultura.
Sa wakas, Baryasyon ng wika naman ang pag-uusapan. Kumpara naman sa Barayti, kung saan doon naka-hati ang bawat lengguwahe, ang baryasyon naman ang paraan ng pagbigkas at pagsalita. Dahil sa napaka-laking saklaw ng baryasyon, ang bawat tao ay may kanya-kanyang lugar sa nagmimistulang lalagyan ng baryasyon. Ang iba’t-ibang kombinasyon ng tatlong salik ng baryasyon -- ang heograpiya, sosyolohika, at okupasyon -- ang pinagmulan ng bawat estilo ng pagsalita ng bawat tao. Dahil dito, nakikita ko na ang kakayahan ng baryasyon ng wika bilang estilo ng pagsalita ay kayang mabuhay dahil lamang sa ebolusyon ng wika. Dahil sa mga pagbabago sa isang wika, may bagong mga ekspresyon at salita, may bagong mga paraan ng paggamit ng letra at pantig, kaya lumalawak rin ang baryasyon ng ating wika. Nakikita ito sa mga umuusbong na paraan ng pagsalita, tulad ng jejemon, bekimon, at iba pa. Ang isang panganib na nakikita ko dito ay ang diskriminasyon ng tao base sa mag taong nagsasalita ng mga paraan ng pagsalitang ito, katulad ng bekimon at mga homoseksuwal, kung saan nalagay sa masamang ilaw ang mga homoseksuwal. Kung bukang-isip lang ang tao, ang diskriminasyon ay hindi magiging sagabal sa ating ebolusyon bilang isang lipunan.
Para sa wakas ng aking repleksiyon, gusto ko lang sabihin na ang wika ay ang ating pangunahing paraan ng komunikasyon. Kung napabayaan natin ang pag-alaga sa mga wika ng mundo, baka maging limitado ang ating pagpapahayag ng ideya sa kinabukasan. Dahil dito, aalis na ako, kasama ang aking mensahe na kailangan nating protektahan at alagaan ang mga wika ng mundo.


D. Listahan ng mga sanggunian - APA format
Nordquist, R. (2017). “Language variety (sociolinguistics)”. Retrieved on 14 September, 2017, from https://www.thoughtco.com/language-variety-sociolinguistics-1691100
Geronimo, J. V. (n.d.). “Varayti at varyasyon ng wika very final”. Retrieved on 14 September, 2017, from https://www.slideshare.net/IamLaurenMayne/varayti-at-varyasyon-ng-wika-very-final-11

Constantino, P. (n.d.). “Ang Varayti ay Varyasyon ng Wika: Historiya, Teorya at Praktika”. Retrieved on 14 September, 2017, from https://www.scribd.com/doc/95741095/Ang-Varayti-at-Varyasyon-Ng-Wika

Langgoy. (n.d.). “Varyasyon ng Wika”. Retrieved on 14 September, 2017, from

Alamin at Siyasatin ang lalim ng Linggwistiks. (n.d.). “Mga Varayti at Varyasyon ng Wika (Heyografikal, Sosyal at Okufasyunal)”. Retrieved on 14 September, 2017, from

Andrada, J. (2014). “Rejister ng wika at mga domeyn pangwika”. Retrieved on 14 September, 2017, from https://prezi.com/-tx1j7yroiza/rejister-ng-wika-at-mga-domeyn-pangwika/


Evaluator
Jorge
Flores
Malaluan
Jorge
5
5
5
Flores
5
5
5
Malaluan
5
5
5


Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon