Posts

Showing posts from May, 2017

Block B: Calligraphy at Watercolor Workshop

Image
Pagtuturo ng Basics ng  Watercolor Painting at Calligraphy Isinagawa nina Gaw, Jimenez, Lim, Ramirez, at See Noong ika-11 ng Mayo 2017, ilang mga estudyante mula sa Block B ay nagsagawa ng isang workshop ukol sa watercolor painting at calligraphy para sa kanilang mga kaklase. Ang mga estudyanteng ito ay sina Samantha Gaw, Gianina Jimenez, Patricia Mae Lim, Mariel Ramirez, at Katrina See. Bilang isang proyekto sa Filipino 5 ay nagsama-sama sila upang ibahagi ang kanilang taglay na pagmamahal sa sining at kasanayan rito sa ibang tao. Ilang linggo bago ang nakatakdang araw ng presentasyon ay nagsimula nang maghanda ang grupo sa paraan ng pagpupulong sa ilang klase ng Filipino 5, kung kailan nila ginawa ang konseptuwalisasyon ng workshop at tinalakay ang mga detalye nito. Napagdesisyunan na ang magiging paksa ay ang watercolor painting at calligraphy . Nangangahulugang ang grupong ito na binubuo ng mga malikhain at talentadong indibidwal ay magtuturo ng 'basics&

Block C: Pagsusugal at Video Games

Image
Pag-uugali ng mga Mag-aaral sa Paglalaro at Panonood ng mga Pampaligsahang Laro Gawa nina James Nicolas Albia, Dan Mark Restoles, at Serge Alec Rivera ng Block C Noong ika-3 ng Mayo, taong kasalukuyan, sa Samsung Smart Classroom ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham, isinagawa ang paglalaro ng mga mag-aaral ng Block C ng Naruto Shippudden Ultimate Ninja Storm 4  at ng Bingo . Ang dalawang larong ito ay may malaking kaibahan sa teknolohiyang ginamit at sa uri ng paglalaro nito. Ngunit may mga paksang nasasakop ng dalawa: parehas ay pampaligsahan at maaaring magamit bilang instrumento ng pagsusugal. Nagsimula ang aktibidad na may pormal na pagkakaayos sa paglalaban para sa video games at sa mga maglalaro ng bingo , ngunit hindi nasunod ang patakaran sa video games at kung sino na lang ang gustong maglaro ang makakagamit. Dahil din sa lag na nararanasan sa pagpapalabas ng laro sa widescreen , ay nadismaya ang ilang mag-aaral dito. Kasama ang komplikadong mga patakaran pa

Block C: #PisaySay

Image
Kauna-unahang #PisaySay, isinagawa sa MPPA Gawa nina Berza, Dela Cruz, Gomez, Magnaye, at Rivera ng Pangkat C Noong Mayo 22, ginanap ang pinakaunang #PisaySay sa Pangunahing Kampus ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham (MPPA), isang panayam at palihan para sa mga Iskolar ng Bayan na may temang “Ang Pag-aaral ng Agham, Matematika, Teknolohiya, at Wika sa Pilipinas.” Ang programang ito ay binuo ng mga panayam ng iba’t-ibang mga ekspertong sa temang ito, at ang mga ito ay inimbitahan ng guro sa Filipino na si G. Mark Lopez at ng iba pang mga miyembro ng Sangay ng Filipino sa paaralan. Sa araw ng #PisaySay, nagsimula ang preparasyon noong 7:30 ng umaga pa lamang. Nag-pulong ang komite ng #PisaySay na pinamumunuan ng mga estudyante ng Grade 11 na sina Mikhaela Berza, Aaron Dela Cruz, Francine Gomez, Lorenzo Magnaye, at Katrina Rivera kasama si G. Lopez. Ito ay upang ihanda ang iba’t-ibang mga materyales na kailangan para sa programa, katulad na

Block D: OPM

Image
Ang Kasalukuyang Estado ng OPM Ferrer, Navarra, Villaluz Block D Isyu: Patay na nga ba ang OPM? Talakayan: I. Kahulugan ng OPM II. Mga Halimbawa ng OPM III. Kasalukuyang Estado ng OPM IV. Mga Halimbawa ng “Bagong” OPM Aktibidad/Workshop: Pang-musikang Workshop I. Magpapatugtog kami ng mga kanta II. Huhulaan ng klase kung OPM ang kantang iyon o hindi III. Demonstrasyon ng formula sa paggawa ng mga pop songs Materyales: Laptop Projector Speakers MIDI Keyboard Iskedyul: 8:00nu-8:10nu - Pagtalakay sa Paksa/Introduksiyon 8:10nu-8:40nu - Pagtalakay sa Isyu at Pagsasagawa ng Aktibidad 8:40nu-8:50nu – Paglalagom/Paglilinis Ano ang kahulugan ng OPM? Original Pilipino Music / Original Pinoy Music Popular music ballads 1970s Pilita Corrales, Victor Wood, ASIN 1980s Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Gary Valenciano 1990s Eraserheads, Smokey Mountain, Rivermaya Ayon sa ilang mga sanggunian, ang O