Block C: #PisaySay


Kauna-unahang #PisaySay, isinagawa sa MPPA
Gawa nina Berza, Dela Cruz, Gomez, Magnaye, at Rivera ng Pangkat C

No automatic alt text available.

Noong Mayo 22, ginanap ang pinakaunang #PisaySay sa Pangunahing Kampus ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham (MPPA), isang panayam at palihan para sa mga Iskolar ng Bayan na may temang “Ang Pag-aaral ng Agham, Matematika, Teknolohiya, at Wika sa Pilipinas.”

Ang programang ito ay binuo ng mga panayam ng iba’t-ibang mga ekspertong sa temang ito, at ang mga ito ay inimbitahan ng guro sa Filipino na si G. Mark Lopez at ng iba pang mga miyembro ng Sangay ng Filipino sa paaralan.

Sa araw ng #PisaySay, nagsimula ang preparasyon noong 7:30 ng umaga pa lamang. Nag-pulong ang komite ng #PisaySay na pinamumunuan ng mga estudyante ng Grade 11 na sina Mikhaela Berza, Aaron Dela Cruz, Francine Gomez, Lorenzo Magnaye, at Katrina Rivera kasama si G. Lopez. Ito ay upang ihanda ang iba’t-ibang mga materyales na kailangan para sa programa, katulad na lamang ng mga gamit sa entablado, mga pagkain para sa mga manonood at mananalita, at iba pa.

Nagsimulang magparehistro ang mga estudyante noong 8:30 ng umaga. Pagdating ng 9:30 ng umaga, nagsimula na ang programa. Ito ay pinangunahan ng Pambungad na Pananalita ni Bb. Joy Aguila, ang puno ng Sangay ng Filipino.

Ang panayam ni G. Mark Quinto
Pagkatapos nito ay nagsimula na ang mga panayam. Ang unang tagapagsalita ay si G. Mark Quinto ng Kabataan Partylist. Nagsalita siya tungkol sa estado ng edukasyon sa Pilipinas ngayon. Binanggit niya ng mga statistiks tungkol sa pagkukulang ng mga facilidad, silid-aralan, mga guro at gamit mismo para sa pag-aaral ng mga Filipinong estudyante. Nag-emphasize siya sa kinakailangan ng mga magaling na mangagawa rito so bansa para umunlad ang bansa at ang edukasyon. Sinimulan niya ang kanyang presentasyon tungkol sa estado ng edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa kalagay ng mga Pilipino ngayon. Nagbigay siya ng mga halimbawa at datos tungkol dito.

Ang panayam ni G. Mark Ayuste
Sumunod naman si G. Mark Ayuste na kabilang sa grupo na AGHAM - Advocates of Science and Technology for the people. Para sa kanyang pagbahagi ukol sa kasalukuyang estado ng science, technology, engineering at mathematics sa Pilipinas, ay ipinakita niya muna ang konteksto ng STEM sa Pilipinas. Ang isang pangunahing punto niya rito ay ang kawalan ng industriya sa Pilipinas, kaya’t nagiging export-oriented ang ating ekonomiya. Ang naging resulta naman nito sa larangan ng pag-aaral ay ang pag-usbong ng tinatawag na Tech Voc sa kolehiyo. Ang Tech Voc ay isang track na inooffer ng karamihan ng mga unibersidad kung saan tinuturuan ng skills ang mga manggagawang i-eexport sa ibang bansa pagkatapos ng kolehiyo. Mula rito, nagpakita rin siya ng ilang statistiks ukol sa galing ng mga estudyanteng Pilipino sa paksang STEM. Kaya’t ang pagtatag ng mga industriya ng applied sciences (gaya ng pag-gawa ng kompyuter imbes sa pag-gawa ng mga kompyuter chips lamang) ay ang magiging solusyon para sa pagpokus sa STEM ng gobyerno, unibersidad, at mga estudyante. Bilang karagdagan, ayon kay G. Mark Ayuste, ang pinaka-epektibong paraan ng pag-bahagi ng mga siyentipikong research sa masang Pilipino, na isyu ng karamihan ng mga research projects ng mga estudyante ng Pisay, ay ang pakikisalamuha sa mga grupong ito.

Ang panayam ni Dr. David Michael San Juan
Si Dr. David Michael San Juan naman ay isang asosiyeyt propesor sa De La Salle University at pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino. Tinalakay ni G. San Juan ang iba’t-ibang mga batas sa Pilipinas patungkol sa paggamit ng Filipino imbes na Ingles, at ikinumpara ang mga ito sa mga batas na iginigiit ang paggamit naman ng Ingles imbes na Filipino. Matapos nito’y nagpakita siya ng ilang mga datos tungkol sa “literacy rate” ng mga Pilipino. Idinagdag niya rito ang mga naranasan ng mga gurong nagturo gamit ang “Mother Tongue” kung saan mas nadalian ang mga ito sa paggamit na lamang ng Filipino kaysa sa mga dialekto sa pagturo. Ayon kay G. San Juan, ang mga mag-aaral na mismo ang pumipilit na Filipino na lamang ang kanilang gamitin sa pagturo dahil ito rin ang naririnig nilang ginagamit sa mga palabas sa telebisyon. Sa kanyang pagtatapos, muling iginiit ni G. San Juan ang kahalagahan ng pagturo, pagkatuto, at paggamit ng Filipino sa iba’t-ibang aspeto ng buhay.

Nagkaroon ng panandaliang break mula 12:10 hanggang 12:45 ng hapon para sa tanghalian. Nabigyan ang mga mananalita ng libreng pagkain bilang pasasalamat sa kanila.

Ang panayam ni Dr. Benjamin Mendillo
Ang panghuling mananalita ay si Dr. Benjamin Mendillo, na nagsalita ukol sa estado ng pagsasalin ng wika sa Pilipinas. Sa simula ng kanyang diskurso, ibinanggit niya ang benepisyo ng pagiging tagasalin: ang kita na mahigit kumulang Php 3,000 bawat pahina ng pagsalin, depende sa dokumentong isasalin. Ngunit, idinagdag niya rin rito ang pagkawala ng pagsasalin sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng mga pumipili sa kursong ito kaya’t dalawa na lamang silang nakapagtapos nito sa Pilipinas. Sa kanyang pagtatalakay ng mga maari at hindi maaring gawin sa pagsasalin ng mga teknikal na dokumento. Isang halimbawa nito ang pagsasalin ng mga salitang “jargon” o mga salitang “field specific”. Nagbigay pa si Dr. Mendillo ng iba pang mga halimbawa ng mga teknikal na dokumentong sinasalin. Matapos nito’y tinalakay niya ang pangkasalukuyang kalagayan ng pagsasalin ng Filipino, kung saan pinaranas niya sa mga mag-aaral ang kahirapan ng pagsasalin at kakulngan nito.

Mula sa mga ibinahagi ng mga mananalita, kailangang solusyunan ng gobyerno ang mga isyu ukol sa estado ng edukasyon, lalo na ng STEM, sa Pilipinas. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-implementa ng mga patakaran na angkop sa mga isyu ng ating lipunan, gaya ng pagiging export-oriented ng bansa. Sa paksa ng Wikang Filipino naman, iginiit ng parehong tagapagsalita ang kahalagahan ng wikang Filipino sa ating bansa sa panahon kung saan minamaliit ito kumpara sa Ingles. Sa paksang pagsasalin, pilit na ibinubuhay ang unti-unti nang nawawalang sining ng pagsasalin kung saan iniiwan ang responsibilidad ng kinabukasan nito sa mga iskolar ng bayan.

Bilang konklusyon, masasabi na naging matagumpay ang unang #PisaySay dahil sa maraming mahahalagang mga kaalaman na nakuha ng mga estudyante mula rito, at dahil na rin naging maayos ang daloy ng aktibidad na ito.

Para sa mga susunod na #PisaySay, inirerekumenda ang mas maagang paghahanda para rito. Ito ay para mabawasan ang mga paghahandang ginagawa sa mismong araw ng aktibidad. Maliban dito, ito ay para na rin magkaroon ng mas maayos na pagkakaintindi ang bawat komite ng kanilang mga responsibilidad sa mismong aktibidad.

Ang mga manonood kasama ang mga mananalita

Ang mga miyembro ng komite ng #PisaySay

Maaaring makita ang kopya ng plano para sa aktibidad na ito sa ibaba.

Kopya ng Plano

Miyembro:

Komite para sa Publisidad
  1. Mikhaela Berza (Pinuno)
  2. Yz Cadigoy
  3. Jasper Refuerzo
Komite para sa Programa
  1. Aaron Dela Cruz (Pinuno)
  2. Marla Abao
  3. Aro Ramos
Komite para sa Dokumentasyon
  1. Francine Gomez (Pinuno)
  2. Jay Lopez
  3. Janina Navarra
Komite para sa mga Logistik
  1. Lorenzo Magnaye (Pinuno)
  2. Alyanna Fusingan
  3. Raphael Villaluz
Komite para sa Pagpaparehistro
  1. Katrina Rivera (Pinuno)
  2. Ardee Perando
  3. Raffy Santiago
Paksa: #PisaySay: Panayam at Palihan para sa mga Iskolar ng Bayan

Isyu: Kabuluhan ng Pag-aaral ng Agham, Matematika, at Teknolohiya sa Pilipinas

Talakayan:
  1. Estado ng Edukasyon sa Pilipinas
  2. Estado ng STEM sa Pilipinas
  3. Estado ng Kursong Filipino sa Pilipinas
  4. Pagsasaling Wika
Materyales:

Para sa Publisidad
  1. 1 Tarpaulin
Para sa Pagpaparehistro
  1. 3 Lamesa
  2. 2 Upuan
  3. 8 Form para sa Pagpaparehistro
  4. 8 Panulat
  5. 8 Folders
Para sa Programa
  1. 3 Mikropono
  2. 1 Upuan
  3. 1 Lamesa
  4. 2 Projectors
  5. 2 Laptops
  6. 1 Podium
  7. 1 White Screen
  8. 1 Whiteboard
  9. 1 Whiteboard Marker
  10. 1 Whiteboard Eraser
  11. 6 Sertipiko ng Pasasalamat
  12. 6 Bote ng Tubig
  13. 6 Tinapay
  14. 6 Tokens
  15. 10 Premyong Pang-Raffle
  16. 6 Tanghalian ng mga tagapagsalita
Iskedyul:
  1. Welcome: Hosts
  2. Pambungad na Pananalita: Bb. Christine Joy Aguila, Puno - Sangay ng Filipino
  3. Pagpapakilala sa Panauhang Pandangal 1: Hosts (para kay G. Mark Quinto)
  4. Estado ng Edukasyon sa Pilipinas: G. Mark Quinto
  5. Panayam
  6. Raffle
  7. Pagpapakilala sa Panauhang Pandangal 2: Hosts (para kay G. JM Ayuste)
  8. Estado ng STEM sa Pilipinas: G. JM Ayuste
  9. Panayam
  10. Raffle
  11. Pagpapakilala sa Panauhang Pandangal 3. Hosts (for Dr. David Michael San Juan)
  12. Estado ng Kursong Filipino sa Pilipinas: Dr. David Michael San Juan
  13. Panayam
  14. Raffle
  15. Lunch
  16. Raffle
  17. Pagtatanghal ng mga Isinaling Materyal
  18. Pagpapakilala sa Panauhang Pandangal 4: Hosts (for Dr. Benjamin Mendillo)
  19. Pagsasaling Wika: Dr. Benjamin Mendillo
  20. Panayam
  21. Raffle
  22. Pangwakas na Pananalita: Mark Anthony Lopez
  23. Philippine Science High School Hymn

Comments

Popular posts from this blog

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon

Block E: Iba't ibang Susing Salita

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT