Block B: Calligraphy at Watercolor Workshop
Pagtuturo ng Basics ng Watercolor Painting at Calligraphy
Isinagawa nina Gaw, Jimenez, Lim, Ramirez, at See
Noong ika-11 ng Mayo 2017, ilang mga estudyante mula sa Block B ay nagsagawa ng isang workshop ukol sa watercolor painting at calligraphy para sa kanilang mga kaklase. Ang mga estudyanteng ito ay sina Samantha Gaw, Gianina Jimenez, Patricia Mae Lim, Mariel Ramirez, at Katrina See. Bilang isang proyekto sa Filipino 5 ay nagsama-sama sila upang ibahagi ang kanilang taglay na pagmamahal sa sining at kasanayan rito sa ibang tao.
Ilang linggo bago ang nakatakdang araw ng presentasyon ay nagsimula nang maghanda ang grupo sa paraan ng pagpupulong sa ilang klase ng Filipino 5, kung kailan nila ginawa ang konseptuwalisasyon ng workshop at tinalakay ang mga detalye nito. Napagdesisyunan na ang magiging paksa ay ang watercolor painting at calligraphy. Nangangahulugang ang grupong ito na binubuo ng mga malikhain at talentadong indibidwal ay magtuturo ng 'basics' ng mga kasanayang ito sa klase. Ang napagplanuhang workshop ay may kasabay na diskusyon ng napapanahong isyu sa Pilipinas na may kinalaman sa paksa, at ang napiling isyu ay ang kalagayan ng sining sa Pilipinas, in partikular ay kung pinapahalagahan ba ito, kung paano, at kung ano ang persepsyon ng sambayanan dito.
Nagsimula ang aktibidad na inihanda ng grupo sa ganap na 7:10 ng umaga noong Huwebes na iyon sa isang maikling talakayan ukol sa katuturan ng mananaliksik. Nakalap nila ang mga impormasyong ito mula sa sarili nilang pananaliksik at nasa ibaba ang listahan ng sanggunian. Nabanggit ng grupo na ang mananaliksik ay taong naghahanap, nagsisiyasat, at nagsusuri ng datos ukol sa partikular na paksa Siya ay nakaka-ambag sa pangkalahatang kaalaman, at ang pagiging obhektibo, mapanuri, at sistematiko ay ilan sa mga mahahalagang katangian ng mananaliksik.
Upang simulan naman ang diskusyon ng isyu na kalagayan ng sining sa Pilipinas, binigyan muna ng malawak na depinisyon ang sining. Ito ay nakasaad sa larawang nasa itaas. Masasabing mahalaga ang sining sapagkat malaki ang iniaambag nito sa ating pambansang identidad, sa pamamagitan ng paglalarawan ng ating kultura, paniniwala, pag-iisip, kasaysayan, atbp. Ang sining ay maroon ring pang-ekonomiyong kontribusyon na umaabot sa 5.44% ng ating Gross Domestic Product o GDP.
May iba't ibang anyo o larangan ng sining, katulad na lang ng musika, teatro, pagsasayaw, pagguhit, pagpinta, arkitektura, at iba pa. Ilang halimbawa ng likhang sining ang mga nasa ibaba na mga larawang ipininta ni Fernando Amorsolo at ni Juan Luna.
May iba't ibang anyo o larangan ng sining, katulad na lang ng musika, teatro, pagsasayaw, pagguhit, pagpinta, arkitektura, at iba pa. Ilang halimbawa ng likhang sining ang mga nasa ibaba na mga larawang ipininta ni Fernando Amorsolo at ni Juan Luna.
Palay Maiden ni F. Amorsolo (1920) |
Spoliarium ni Juan Luna (1884) |
Napakaraming Pilipinong may natatanging galing sa mga iba't ibang larangan ng sining na nabanggit. Ang mga ito ay tinatawag na mga "Pambansang Alagad ng Sining" para sa kanilang mga respektibong larangan. Halimbawa na nga sina Fernando Amorsola at pati na rin si Vicente Manansala para sa pagpipinta. Sina Nick Joaquin, N.V.M. Gonzalez, at Virgilio Almario rin ay mga Pambansang Alagad ng Sining na kinikilala para sa Literatura.
Bukod sa pagkakaroon ng mga itinuturing na Pambansang Alagad ng Sining ay may mga batas pang nakalaan para sa promosyon, proteksyon, at pagpapahalaga ng sining sa bansa. Ilan sa mga batas na ito ay ipinaliliwanag sa sumusunod na larawan:
Maaaring matanto mula sa mga batas na ito na may pagpapahalaga ang gobyerno sa sining, ngunit sapat na ba ito? Ano nga ba ang persepsyon ng gobyerno sa sining? At bukod sa kanila, ano ang paningin ng kabuuang lipunan sa sining at mahalaga ba ito sa atin?
Una, sa gobyerno, naipakita nga na mayroong mga batas ngunit tila kulang pa ang mga ito. Halimbawa, hindi nabibigyan ng mga scholarship o sapat na tulong pinansyal ang mga nais kumuha ng mga kursong tulad ng Fine Arts sa kolehiyo. Maaaring ito ay dahil tunay na napakarami pang ibang isyu at problema sa Pilipinas na mas kailangang tuunan ng pansin ng gobyerno, kaya hindi nila nagiging prayoridad ang pagpapahalaga sa sining. Dahil dito, kulang ang nailalaan nilang pondo at ginagawang proyekto para rito.
Una ay binigyan sila ng mga materyales at practice sheets na may marka ng mga letrang kanilang kokopyahin upang magkaroon ng kasanayan sa calligraphy. Ipinaliwanag ni Gianina ang mga kailangang malaman para magawa ito, halimbawa: dapat diinan pa ang paghawak sa brush pen tuwing ang guhit ay pababa para maging mas makapal ito, habang dapat ay hindi madiin ang hawak tuwing pataas ang guhit para maging manipis lamang.
Pagkatapos nilang gawin ang mga ito ay ipinakita naman ni Katsee ang apat na paraan o teknik na pinakamadalas ginagamit sa pagpinta gamit ang watercolor. Ito ay ang wet on dry, wet on wet, dry on wet, at dry on dry.
Sa wakas, oras na para gamitin ng mga estudyante ang naituro sa kanila. Pinasubok sila ng grupo na gamitin ang watercolor painting at calligraphy sa iisang likhang sining. Tunay na kahanga-hanga ang kanilang mga nagawa sa limitadong oras na natira sa klase. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga ito.
Maaaring suriin ang ginamit na PPT sa link na ito: https://docs.google.com/presentation/d/1ibZUnFhp-BrAAxBLF6-w9RY-bxcCxcTovzndEWkPiEw/edit?usp=sharing
Makikita sa link na ito ang kopya ng pinal na plano: https://docs.google.com/document/d/1KsA8SJZCSh3zrLIPKNcKWzCGuNVx4pLQmDcC2lH9rjI/edit?usp=sharing
Makikita sa link na ito ang kopya ng pinal na plano: https://docs.google.com/document/d/1KsA8SJZCSh3zrLIPKNcKWzCGuNVx4pLQmDcC2lH9rjI/edit?usp=sharing
Mga Sanggunian
Alay Sining. (2006, August). Kalagayan ng sining at kultura (State of culture and the arts). Retrieved from https://www.scribd.com/doc/106646979/Kalagayan-Ng-Sining-at-Kultura-State-of-Culture-and-the-Arts
Art Radar (2011, September 21). Contemporary art funding in Asia: 5 top posts.Retrieved from http://artradarjournal.com/2011/09/21/list-of-top-art-radar-posts-in-xyz-topic/
Bausenhardt, J. (2016). Resources [Web log post]. Retrieved from http://juliabausenhardt.com/resources/
Bugbee, L. (2016). The beginner’s guide to modern calligraphy. The Postman’s Knock. Retrieved from https://thepostmansknock.com/beginners-guide-modern-calligraphy/
Coyle, J. (2016, January 26). Learn brush lettering - 8 basic strokes for brush calligraphy. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=9fmjCi6Cb_o
Del Prados, F. (2014, May). State of the Philippine Creative Industries. [PPT] Mula sa http://industry.gov.ph/wp-content/uploads/2015/05/8th-TID-Ms.-Del-Prados-Presentation-on-Creative-Industries.pdf
Harris, D. The art of calligraphy. (1995). London: Dorling Kindersley.
JetPens PenPal. (2016, October 25). Watercolor calligraphy for beginners. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=y6-mKO9W4yA
Lumbera, B. L. (2004, January 5). In focus: Decentering Philippine art and culture. Retrieved from http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/decentering-philippine-art-and-culture/
Manila Bulletin. (2017, April 24.) This week in arts and culture. Manila Bulletin. Kinuha mula sa http://lifestyle.mb.com.ph/2017/04/24/this-week-in-arts-and-culture-5/
National Commission for Culture and the Arts. (2015, May 13). Philippine cultural education program. Retrieved from http://ncca.gov.ph/philippine-cultural-educational-program-pcep
National Commission for Culture and the Arts. (2016, April 12). Philippine statistics authority adopts the PH cultural statistics framework. Retrieved from http://ncca.gov.ph/philippine-statistics-authority-adopts-ph-cultural-statistics-framework
Official Gazette of the Philippines. (n.d.). List of National Artists of the Philippines. Kinuha mula sa http://www.gov.ph/lists/national-artists-of-the-philippines/
Official Gazette of the Philippines. (n.d.). List of National Artists of the Philippines. Kinuha mula sa http://www.gov.ph/lists/national-artists-of-the-philippines/
Official Gazette of the Philippines. (n.d.). Pabatid: Ang orden ng mga pambansang alagad ng sining. Retrieved from http://www.gov.ph/pabatid-ang-orden-ng-mga-pambansang-alagad-ng-sining
Parramon’s Editorial Team. (1997). Learning to paint in watercolor. Barcelona: ES. Barron’s.
[PearFleur]. (2015, March 1). Watercolor Quick Tips and Tricks!. [Video file]. Mula sa https://www.youtube.com/watch?v=swMx54iFhLU
Pitcher, C. Watercolor painting for dummies. (2008). Indianapolis, IN: Wiley.
Poe, Grace L. (2015, May). An Act Providing for an ‘Artist’s Welfare Protection and Information Act’, and Providing Funds for the Purpose. Mula sa http://www.senate.gov.ph/lisdata/2126818072!.pdf
Quirino, K. (2010). The role of art and culture. Filipino Artists in New Zealand Inc.Retrieved from: https://filipinoartistsnewzealand.wordpress.com/2010/11/03/the-role-of-art-and-culture/
Santiago, K. S. (2016, August 20). The situation of arts and culture. The Manila Times. Kinuha mula sa http://www.manilatimes.net/the-situation-of-arts-and-culture/281039/
Thorpe, M.S. (2013, September). Modern calligraphy. New York, NY: St. Martin’s Press.Williams, R., Anderson, D. M., Turner, E. G., Brown, T. J., Nash, R., & Barbour R. (2016). Calligraphy. Encyclopaedia Britannica. Retrieved from https://www.britannica.com/art/calligraphy
Comments
Post a Comment