Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon
Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon
Esguerra, Flandes, Mangcucang
Pagtalakay sa Paksa
Esguerra, Gabrielle Angelica
Flandes, Jose Raphael
Mangcucang, Anton
Mga Sanggunian
Willoughby, C. A. (1972). The guerrilla resistance movement in the Philippines: 1941-1945. Vantage Press.
Esguerra, Flandes, Mangcucang
Daloy ng Presentasyon
Pagpapakilala
Pagpapakilala
Nagpakilala ang mga miyembro ng grupo. Si Rafael ay kumilos bilang isang
sundalong Hapon na nagsasalita sa Nihonggo. Si Gabrielle naman ang naging tagasalin
sa Tagalog upang magkaintindihan sa klase.
Kon’nichiwa! Watashitachiwa gurupu hachinindesu.
Magandang hapon sa inyong lahat, kami ang pangkat walo.
Nihon jidai no anata no gengo no rekishi ni tsuite oshiete ikimasu.
Tuturuan namin kayo tungkol sa kasaysayan ng iyong wika sa panahon ng Hapon.
Mini Game
Ang presentasyon ay nagsimula sa babala na bawal gamitin ang wikang Ingles.
Nagkaroon ng tatlong (3) grupo na may tig-limang (5) miyembro at dalawang (2) grupo na may tig-anim (6) na miyembro. Ibinihagi ang mga sumusunod na mekanika para sa mini game na ito:
- Bawat grupo ay mayroong 15 na puntos sa simula ng presentasyon.
- Mababawasan ng 1 puntos ang isang grupo kung magsasalita ito sa Ingles.
- Hindi maaaring makakuha ng premyo kapag naubusan ng puntos.
Eigo o hanasu koto wa dekimasen.
Bawal gamitin ang wikang Ingles.
Film Viewing
Isang bidyo tungkol sa kasaysayan noong panahon ng mga Hapon ay ibinahagi sa klase. Pinakita rin ng bidyo kung paano sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas.
Watashitachi ga anata no tame ni yōi shita kono bideo o miru.
Panoorin ninyo ang aming hinandang bidyo.
Pagmamartsa
Ang mga estudyante ay pinamartsa patungo sa back lobby, kung saan sila pinamartsa sa
isang lugar habang sinabihan ng mga katunayan noong panahon na iyon. Ang impormasyon
ukol dito ay ipapaliwanag sa Pagtalakay sa Paksa.
Daremoga tachiagatte, senaka no robī ni kōshin suru
Lahat tayo’y magsitayo at magmartsa patungo sa back lobby
Paglalaro sa Back Lobby
Batay sa impormasyon na ibinahagi, lumikha ang grupo ng mga katanungan para sa mga estudyante. Nagkaroon ng isang laro alinsunod sa mga mekanikang ibinahagi sa klase:
- Pipili ang bawat grupo ng isang (1) miyembro na ipipiring gamit ang isang panyo.
- Pipili rin ang grupo ng dalawang (2) miyembro na magsisilbing gabay sa nakapiring na miyembro.
- Hindi maaaring hawakan ang nakapiring na miyembro. Dapat siyang gabayan gamit ang salita lamang.
- Ang nakapiring na miyembro ay dapat makarating sa isang lugar sa back lobby para sa bawat tanong na ipapasagot. Ang unang makarating sa lugar na tinukoy ay unang sasagot.
- Ang grupo na makakakuha ng pinakamaraming puntos ay bibigyan ng Green Tea KitKat.
Mga Tanong at Sagot
- Tanong: Saan naganap ang Death March?
Sagot: Bataan
- Tanong: Bakit tinawag na gintong panahon ng wikang Pilipino ang panahon ng
mga Hapon?
Sagot: Sinuportahan ng mga Hapon ang Paglinang ng Tagalog, kaya maraming
nalikha noong panahon na iyon
- Tanong: Ano ang itinakdang opisyal na wika noong panahon ng mga Hapon?
Sagot: Tagalog at Nihonggo
- Tanong: Ano ang mahabang pangalan ng KALIBAPI?
Sagot: Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan
- Tanong: Ano ang naging layunin ng KALIBAPI?
Sagot: Mapabuti ang edukasyon
Mapaunlad ang kabuhayan sa Pilipinas
- Tanong: Ano ang naging papel ng Ordinansa Militar Blg. 2?
Sagot: Japanese Education Policy
- Tanong: Ano ang kasabihan ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere?
Sagot: Ang Asya ay para sa Asyano
Ang Pilipinas ay para sa Pilipino
Pagtalakay sa Paksa
Watawat ng Japan noong taong 1942
(http://www.imperialgermans.com/images/japan%20flag.png)
Sa buwan ng Enero, 1942, sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas. Naganap ang pagbobomba ng Pearl Harbor sa Hawaii at binomba na rin ang Pilipinas. Nang dumating ang mga Hapon, pinamartsa nila ang mga sundalong Amerikano at Pilipino na kanilang nabilanggo patungong Camp O’Donnell. Dahil sa mga karahasang idinulot ng mga Hapon, inutos ni Manuel Quezon ang mga lokal na opisyal na puntahan ang Maynila at kausapin ang mga Hapon upang magkaroon ng kasunduan.
Bataan Death March
(http://origins.osu.edu/sites/origins.osu.edu/files/Nat%20Guard%20Bataan.jpg)
Ang naging motibo ng mga Hapon para sa pagsasakop ng Pilipinas ay ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Ang kasabihan ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay “Ang Asya ay para sa Asyano” at “Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino”. Ninais ng mga Hapon na palayain ng mga bansa sa Asya mula sa kontrol ng mga bansang kanluran.
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
(https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/e3/
Greater_Asian_Co-prosperity_sphere.png)
Ang naging pangulo sa panahon ng Hapon ay si Jose P. Laurel. Siya ang pinili ng mga Hapon para maging puppet president. Ang kanyang naging papel ay sumunod sa kahilingan ng mga Hapon. Itinatag ang Philippine Executive Commission at ang naging lider nito ay si Jorge B. Vargas. Sa komisyong ito, nabuo ang iba’t ibang mga ordinansa. Isa sa mga ito ay ang Ordinansa Militar Blg. 2 at ang itinatag nito ay ang Japanese Education Policy na naglalaman ng iba’t ibang patakaran para sa edukasyon ng mga Pilipino. Itinatag naman ng Ordinansa Militar Blg. 13 ang Nihonggo at Tagalog bilang pambansang wika.
Noong Hunyo 24, 1942, itinatag ang Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan o ang KALIBAPI. Ang layunin nito ang mapabuti ang edukasyon at mapaunlad ang kabuhayan ng Pilipinas. Ang pinakamahalagang layunin nito ay palaganapin ang wikang Tagalog.
Kalibapi
(http://www.watawat.net/images/KALIBAPI-SEAL-IMAGE.jpg)
Dahil sa pagbabawal ng paggamit ng wikang Ingles, napilitang gamitin ang wikang Tagalog ang mga Pilipino. Ang bunga nito ang masiglang talakayan tungkol sa wika. Marami sa mga Pilipino ay natutong magsulat at magsalita ng wikang Tagalog. Nagkaroon ng gintong panahon ang wikang Tagalog mula rito. Isang tanyag na maikling kwento ay ang Lupang Tinubuan na sinulat ni Narciso Reyes. Ito ay tungkol sa paglalakbay ni Danding sa probinsya ng kanyang ama. Isa namang publikasyon na tanyag ay ang Liwayway Magasin.
Gintong Panahon ng Wikang Tagalog
(https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhPKLFzfz9X7ClUliAyYh3eK3X-1hMdFPIOymPW9Ce2cOI8v7fKXMYqVbKHkFycvWwUUXJs3A06OigBxp-zKE6eP7L7XcVSHFJymZPW5zJzNlhtANGJWl31xZ2Ri7ZtuhymEz6uA4OU05Y/s1600/1.jpg)
Biswal na Presentasyon
Panganganinag
Esguerra, Gabrielle Angelica
Ang panahon ng mga Hapon ay mahalaga sa kasaysayan ng wikang FIlipino.1 Sa halip, ito ay tinuring gintong panahon ng wikang Filipino.2 Ayon kay Gosiengfiao (1966), isa sa mga layunin ng mga Hapon ay muling buhayin ang dating kultura ng Pilipinas bago dumating ang Espanya at Amerika.3
Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay nagtaguyod ng pag-iisip na ang Asya ay para sa Asyano, at ang Pilipinas ay para sa Pilipino.4 Sa gayon, ninais ng mga Hapon na tanggalin ang impluwensiya ng mga Kanluraning bansa sa Pilipinas.5 Sinuportahan nila ang paglinang ng Tagalog.6 Ang Executive Order Blg. 134 ay nagdeklara na gamitin ang Tagalog bilang basehan ng nasyonal na wika (Espiritu, 2015).7 Ang paggamit ng wikang Tagalog at Nihonggo ay ginawang opisyal sa pagpasa ng Ordinansa Militar Bilang 13 (Javier, 1975).8 Sa aking pagbabasa, nalaman ko na nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa wika noong panahon na ito.9 Dahil kasama sa layunin ng mga Hapon ang pagbabawal ng wikang Ingles, maraming Pilipinong manunulat na napilitang matutong lumikha sa Tagalog.10 Upang magamit ang Tagalog bilang opisyal na wika, halos isang libong salita sa Tagalog ang nilikha.11 Ito ay binigyang patnubay ng KALIBAPI o ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipino (Javier, 1975).12 Ang pagsuporta sa Tagalog ay tumulong sa pagpapabuti nito bilang isang wika.13 Dumami ang mga taong marunong magsalita at lumikha sa wikang Tagalog, at ito'y nabigyan ng nararapat na halaga.14
Ang motibo ng mga Hapon ay umikot sa kanilang ideya tungkol sa Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.15 Ninais ng mga Hapon na kilalanin ang kulturang Oriental na, sa kanilang palagay, ay mas nararapat sa Pilipinas kumpara sa kulturang Amerikano.16 Ang Asya ay para sa Asyano, ika nga nila.17 Binigyan ng diin ang pagbabawal sa mga kagamitang nagtuturo ng wikang Ingles, tulad ng mga libro.18 Ang propagandang ito ay tumulong sa pag-usbong ng mga pagbabagong nais ipakilala ng mga Hapon.19 Ang mga nakasanayang gawi ng mga Pilipino sa gobyerno, ekonomidad, industriya, at sibilisasyon ay sinubuking baguhin ng mga Hapon (Gosiengfiao, 1966).20 Nagkaroon rin ng pagbabago sa mga aspetong sining at musika.21 Pinaniwalaan kasi ng mga Hapon na ang puso ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay dapat magmula sa kultural na relasyon at pagkakahawig ng mga bansang ipinagkaloob.22 Sa kasaysayan ng wikang Filipino, ang mga motibo na ito ay naging sanhi ng paglinang ng Tagalog.23
Alam nating lahat na sa kasalukuyan, ang wikang Ingles ay kinikilala pa rin sa ating bansa.24 Kahit pinagbawalan ang paggamit ng wikang Ingles sa panahon ng Hapon, malakas pa rin ang naging impluwensiya nito sa pagsasalita natin ngayon.25 Sa halip nito, ang paglinang ng wikang Tagalog noong panahon ng Hapon ay dapat bigyan ng halaga dahil noon sinimulan ang paggamit ng Tagalog sa araw-araw na buhay.26 Dahil dito, napagaralan ang Tagalog at sa paglipas ng panahon, nabuo ang wikang Filipino.27
Ngayon, naisama na sa opisyal na kurikulum ang pag-aaral ng wikang Filipino.28 Ayon kay Espiritu (2015), mas napabuti ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas dahil ito ay mas madaling gamiting panturo kumpara sa Ingles.29 Dapat nating bigyan ng nararapat na halaga ang sarili nating wikang Filipino.30
Flandes, Jose Raphael
Ang pagsasakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay nagdala ng mga negatibo at positibong kalalabasan para sa bansa.1 Negatibo dahil sa kahirapan na idinulot ng mga Hapon sa ibang mga Amerikano at Pilipino, lalo na sa simula ng okupasyon ng mga Hapon.2 Ito ay makikita sa Death March na kung saan ipinalakad ng mga Hapon ang mga Amerikano at Pilipinong sundalo at ang mga sibilyan sa Bataan papuntang Camp O’Donnell.3 Naging biktima ang aking lolo rito at nagpapasalamat ako na hindi siya sinaktan ng mga sundalong Hapon.4 Napakalala ang ginawa ng mga Hapon na sundalo sapagkat may mga ginahasang babae sa Death March.5 Halos walang binigyang respeto ang mga Hapon sa kanilang mga biktima rito.6 Positibo naman dahil sa kanilang paglinang ng wikang Tagalog na naging basehan ng wikang pambansa sa kasalukuyang panahon.7 Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Inggles sapagkat ito ay isang dayuhang wika na hindi naaakit para sa identidad ng mga Pilipino.8
Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay isang proyekto ng mga Hapon na nagbibigay diin sa identidad ng mga bansa sa Asya.9 Nais nilang ikonekta ang mga bansa sa Orient at sinasabi nila na ang mga taong nasa Orient ay mula sa isang dugo (Espiritu, 2015).10 Dahil dito, tinulong ng mga Hapon ang ating bansa sa paghahanap ng sariling identidad.11 Napakabuti ng ginawa ng mga Hapon, kahit tatlong taon lamang ang kanilang okupasyon, malakas ang epekto ng kanilang mga ginawa.12 Ang naging wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog, habang Nihonggo naman ang opisyal na wika ng Asya (Javier, 1975).13 Isinagawa ito dahil sa Institute of National Language at ang papel nito ay pag-aralan at piliin ang wikang pambansa (Espiritu, 2015).14 Ikinailangan ng mga Hapon na turuin ang wikang Nihonggo at ang wikang Tagalog sa mga paaralan.15 Ang wikang Tagalog naman ay mas binigyang diin kumpara sa wikang Nihonggo sa pagtuturo.16 Ang kinailangan ay ang simpleng kaalaman ng wikang Nihonggo (Espiritu, 2015).17 Nakatulong naman ito sa pagunawa ng mga Pilipino at ng mga Hapon.18 Kung hindi ito tinuro, maaari na magkaroon ng aksidente dahil sa maling akala ng mga Hapon.19 Maraming mga uri ng libro ang naging instrumento ng pagtuturo ng Nihonggo at Tagalog.20
Dahil sa proyektong ito, nalaman ko ang kahalagahan ng panahon ng mga Hapon.21 Dati, hindi ko naunawa ang kahalagahan ng ginawa ng mga Hapon, ngunit iba na ang aking paningin sa panahong ito.22 Ang mga batas na itinatatag ng mga Hapon ay naging sanhi ng “Gintong Panahon ng Tagalog”.23 Maraming mga uri ng panitikan ang nalikha sa wikang Tagalog.24 Umunlad ang wikang Tagalog, lalo na ang kanilang identidad.25 Ang mga pagbabago na idinala ng mga Hapon ay nagsimula ng mga positibong kaganapan na naaayon sa pagunlad ng, sa kasalukuyan, wikang Filipino.26 Kumpara sa mga naunang sumakop ng Pilipinas, hindi naging pokus ng mga Hapon ang pagpataw ng kanilang kultura sa kultura ng mga Pilipino.27 Sa kasalukuyang panahon, mas gusto ng mga kaedad ko ang paggamit ng wikang Inggles.28 Hindi ito tama dahil hindi ito nakakatulong sa sarili nating identidad.29 Lahat tayo ay may papel sa pagkamit ng layuning ito.30 Nararapat na ibigay ang wikang Filipino ng pambansang importansya dahil sinasalamin nito ang ating identidad at kalinangan.31
Mangcucang, Anton
Ang okupasyon ng mga Hapon sa Pilipinas ay isang panahon ng kahirapan at kalupitan.1 Ngunit masasabi rin na napakahalagang panahon ito para sa wikang Filipino.2 Ito’y dahil sa panahong ito ay itinakda ng mga Hapon na ang tanging wika na maaring gamitin ay Nihonggo, Tagalog atbp. wikang Filipino.3 Ito’y nagsimula ng tinatawag na gintong panahon ng wikang Filipino.4
Ito’y dahil sa hangarin ng mga Hapon para sa buong Asya.5 Sa pamamagitan ng kanilang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay gusto nilang mapurga ang impluwensya ng mga bansang galing Europa at mga Amerikano.6 Hinangad nilang mapalaya ang pag-iisip ng mga bansang Asyano mula sa mananakop nilang galing Europa at Amerika.7 Kahit maganda ang ideya, hangarin, at nagawa ng Prosperity Sphere, ito parin ay masasabing nagpalakas ng posisyon ng mga Hapon sa buong Asya.8 Nagmula ang bagong Republika ng Pilipinas sa pangangailangan ng gobyerno ng bansa.9 Noong tinakas ng mga Amerikano ang ating pangulong si Manuel Quezon ay ipinalit ng mga Hapon si Jose P. Laurel.10 Siya’y isang puppet president at ang kanyang mga itinakdang mga polisya ay buhat ng pag-uutos ng mga Hapon.11 Ang mga ordinansang ito ay higit na nakatulong sa hangarin ng Prosperity Sphere sa Pilipinas.12 Noong itinakda na opisyal na wika ang Tagalog at Nihonggo ay ipinagbawal na ang ibang wika, lalo na ang Ingles.13 Kasunod nito ang muling pagbukas ng mga paaralan.14 Ang tanging wikang kanilang ginamit sa pagturo ay ang wikang Tagalog.15 Mas natuto ang mga Pilipino na magsulat at magsalita ng Tagalog.16 Dahil dito’y mas dumami ang mga gawang panitikan noong panahon ng Hapon.17 Sinimulan rin ng gobyerno ang KALIBAPI upang mas mapabuti ang lipunan at kabuhayan ng mga Pilipino.18 Isa sa kanilang pangunahing proyekto ay ang mas maipalaganap ang wikang Filipino.19 Dahil sa pagdami ng gumagamit ng Filipino, kasabay ng mahigpit na pagbawal sa wikang Ingles ay nagbago ang kultura noong panahon ng Hapon.20 Mas naging katangi-tangi at nabawasan ang impluwensiya ng gawang Europa sa panitikan at sining ng bansa.21 Higit na nalinang ang kagalingan ng mga manunulat na Pilipino sa pag-gamit ng kanilang sariling wika.22
Ang impluwensya ng panahon ng Hapon sa ating bansa ay makikita sa pag-gamit ng Filipino sa paaralan.23 Bago ang okupasyon, ang tanging ginagamit sa paaralan ay Ingles o Español.24 Dahil sa kanila, ginamit ang wikang Filipino noong kanilang panahon at mas ginagamit ito sa kasalukuyan.25 Hindi na gaanong ginagamit ang wikang Ingles sa opisyal na gawain ng gobyerno.26 Simula rin ng panahon ng Hapon ay kinilala na ng buong mundo ang wikang Filipino.27 Hindi lamang ito wika ng masa, ito ang wikang pambansa.28 Maraming nagawang masama ang Hapon noong tayo’y sinakop nila, ngunit kung wala sila ay baka di na natin kinilala ang ating sariling bansa.29 Ang Asya ay para sa Asyano, at ang Pilipinas ay para sa Pilipino.30
Mga Sanggunian
Eata, B. (2016, August 22). The Japanese Occupation. Retrieved October 09, 2017, from https://prezi.com/pslkdrbajm6f/the-japanese-occupation/
Espiritu, C. (2015, April 29). Filipino Language in the Curriculum. Retrieved from
http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-disseminationscd/langu
ge-and-translation/filipino-language-in-the-curriculum/
Felucci, B. (2015, December 11). Kasaysayan Ng Wikang Pambansa. Retrieved October 09, 2017, from https://documents.tips/documents/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-
566b26951b980.html
[gilbertoy69]. (2008, Hulyo 28). Japanese Invasion of the Philippines 1941 [Video File] Nagmula sa http://youtu.be/ssSDELFWdYc
Goodman, G. K. (1988). The Japanese occupation of the Philippines: Commonwealth sustained. Philippine Studies, 98-104.
Gosiengfiao, V. (1966). The Japanese Occupation: "The Cultural Campaign". Philippine Studies,
14(2), 228-242.
Ikehata, S., & Jose, R. T. (Eds.). (1999). The Philippines under Japan: Occupation policy and
reaction. Ateneo de Manila University Press.
Javier, M. C. (1975). Japanese cultural propaganda in the Philippines. Asian Studies, 13(3),
53-57.
Kawashima, M. (1996). The records of the former Japanese army concerning the Japanese
occupation of the Philippines. Journal of Southeast Asian Studies, 27(1), 124-131.
Marocjos, Medina, & Miguel. (2009, January 27). Panitikan sa Panahon ng Hapones. Retrieved October 09, 2017, from https://www.slideshare.net/menchu25/panitikan-sa-panahon-
Ng-hapones-presentation
McCoy, A. W. (1980). Southeast Asia Under Japanese Occupation (No. 22). Yale University
Southeast Asia Studies.
Panahon ng Hapon. (n.d.). Retrieved October 09, 2017, from https://pinoypanitik.weebly.com/
panahon-ng-hapon.html
Tarling, N. (2001). A sudden rampage: the Japanese occupation of Southeast Asia, 1941-1945.
University of Hawaii Press.
Willoughby, C. A. (1972). The guerrilla resistance movement in the Philippines: 1941-1945. Vantage Press.
Comments
Post a Comment