Block B: Korean Drama

Noong ika-apat ng Mayo 2017, isinigawa namin, sina Angelo, Aro, Benedict, Carlo, at Dom, ang aming workshop sa Block B ukol sa K-drama sa Pilipinas!


Wow!

Pagplano

Bago ang araw ng workshop, ilang linggo kaming naghanda para dito. Pinasa namin ang aming plano kay Sir Mae, kung saan nakalakip ang aming mga tinalakay at mga ginawa sa workshop.

Isang linggo bago ang workshop, pinadala namin sa mga grupo ang kani-kanilang mga K-drama na isinalin at di-nub para sa aming workshop. Tig-tatlong minuto lamang ang mga haba nito at may sapat na dami ng tauhan para sa bawat miyembro ng grupo. Bumili naman kami ng Korean instant noodles bilang premyo sa magiging pinakamagaling na grupo sa workshop!

Araw ng Workshop

Tinalakay muna namin ang K-drama sa Block B gamit ang sumusunod na presentasyon:

Tinalakay muna namin ang mga katangian ng K-drama. Sinimulan itong i-broadcast sa Korea sa radio, ngunit kalaunan ay sinimulan na ring i-broadcast sa telebisyon. Dumating naman ito sa Pilipinas sa taong 2003 sa GMA, na ang unang ipinalabas ay Bright Girl. Hanggang ngayon sa 2017, ang pumapatok parin ang mga K-drama sa mga Pinoy, at ang pinakapatok na kategroya sa mga Pinoy ay romansa.

Ito ay ilan sa mga K-drama na pinalabas na sa Pilipinas. Ang Boys Over Flowers ay ipinalabas sa ABS-CBN noong 2009. Ipinapalabas naman na ngayon sa parehong channel ang Legend of the Blue Sea, at nakatakda namang ipalabas din doon ang Weightlifting Fairy Kim Bok Joo.


Ayon sa isang artikulo, ang maaaring dahilan ng pagkahilig ng mga Pinoy sa K-drama ay dahil sa masining nitong pagkwento ng istorya. Sa katunayan, mas nakatuon ang mga K-drama sa pagkwento ng istorya kesa sa mismong mga kaganapan sa istoryang iyon.

Nakita naman namin sa isang artikulo, ang mga katangian kung bakit pumapatok ang mga K-drama di lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Ihinambing naman namin ang mga K-drama sa mga teleseryeng Pinoy.

Pagkatapos naming talakayin ang K-drama, sinimulan na namin ang mga pag-dub ng bawat grupo. Ito ang mga di-nub ng mga sumusunod:

          Kenneth, Leila, Mia, at Virg: Descendants of the Sun
          Cam, Cheska, Dale, at Sean: My Girlfriend is a Gumiho
          Ayel, Gianina, Katsee, Sam, at Tricia: Legend of the Blue Sea
          Althea, Esco, Jarie, at Nikki: Boys Over Flowers
          Carla, Kiu, Rosette, at Yanna: Heartstrings

Halimbawa ng naganap na pag-dub ng mga K-drama.

Pagkatapos magbotohan sa klase, itinanghal na pinakamagaling na nag-dub ang grupo nina Althea, Esco, Jarie, at Nikki dahil sa kanilang nakakaaliw na pag-dub ng eksena sa Boys Over Flowers. Napanalunan din nila ang mga Korean instant noodles!


"Sarap!"

Dahil kinulang kami sa oras, dito nalang namin tatalakayin ang isyu ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa ibang kultura.

Ang Xenosentrismo ay ang pagtangkilik ng kulturang hindi atin. Ito ay bunga ng pagkakaroon ng Kolonyalismo sa ating mga Pilipino na kung saan tinatanggihan natin ang mga bagay na may tatak Pilipino at mas handa nating tanggapin at tangkilikin ang mga bagay na hindi sariling atin.

Dahil sa kasaysayan nating lagi tayong sinasakop ng ibang mga bansa (Espanya, Japan, at Amerika), nagiging mas mababa ang tingin natin sa ating mga sarili na tinuturing natin na mas maganda ang kultura, mga kaugalian, at mga tradisyon ng ibang mga bansa. Iniisip din natin na mas mahina tayo sa ibang bansa dahil sa mga karahasan na naranasan natin sa ating mga mananakop. Noong mga panahon tayo ay sinakop ng mga Kastila, wala pa tayong konkretong kultura bilang isang bayan kaya mas madaling naipasok ng ating mga mananakop ang kanilang mga kultura at tradisyon at mas madali natin itong natanggap sa ating lipunan.

Naipapalaganap din ng ating media ang ganitong pagiisip. Madalas na ipinapakita sa ating media na ang mga mapuputi, matatangkad at matatangos lamang ang mga ilong ang itinuturing magaganda/pogi.  At dahil dito, para sa ating mga Pilipino, maaring ang tingin natin sa mga taong maiitim, hindi matatangkad at mga pango ang ilong ay mga pangit. Dahil sa xenosentrismo, nababawasan ang pagtangkilik ng ang ating kultura, musika, literatura, at ang ating mga sining dahil mas tinatangkilik ng mga Pilipino kung ano ang meron sa ibang mga bansa. Isa ding epekto ay ang emigration o ang paglipat ng ibang mga tao sa bansa para doon na tumira. Dahil dito, nawawalan tayo ng mga magagaling na mga manggagawa, na maaaring magpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Nawawala din ang kahulugan ng pagiging isang Pilipino dahil sa mas lalong pagtangkilik ng mga Pilipino sa kultura ng ibang mga bansa.

Kung dati ang kolonyalismo ay nagagawa sa paraan ng pag sakop sa isang lugar, ngayon ay gumagamit na ng "soft" na kapangyarihan kung saan nagiging makapangyarihan ang isang bansa sa kultural na paraan, tulad ng "Hallyu" ng South Korea. Dati ang pag-iisip sa makakanluranin ay bilang ang dapat na huwaran. Ngayon naman sa Asia, lumalaganap ang Orientalismo o ang pag tingin na na ang mga Asyanonong bansa ay mas mataas. Isa sa nangunguna rito sa pananaw ng iba ay ang Korea, sa pagitan ng kanilang pagpapalaganap ng kultura sa kabuuhan ng mundo.

Iba't iba ang epekto ng kolonyalismo at xenocentrismo. Sa ekonomikal na perspektibo, nawawalan ng benta ang mga produkto ng mga Pilipino. Kasabay, lalong bumababa ang pagtingin ng mga Filipino sa kanilang produkto at Kultura. Dahil dito, paunti-unting nawawala ang kultural na identidad ng mga Filipino.

Ang mga K-drama ay mga teleseryeng galing sa Korea na tuluyang sumisikat sa Pilipinas simula pa nung 2003. Isang rason kung bakit naakit ng mg K-drama ang mga Pinoy ay dahil sa mga kwentong tinatalakay ng mga ito, pati na sa mga pagkakagawa nito, dahil mas maganda ang mga ito kaysa sa mga Pinoy na teleserye. Bagamat man nakikilala nating mga Pilipino ang kulturang Koreano sa mga K-drama, minsan ay nakakalimutan ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga Pilipinong gawa. Naaapektuhan tuloy ang industriyang pang-telebisyon ng mga Pilipino ng kolonyalismo at xenosentrisismo na maaring maapektuhan din ang iba pang mga aspekto ng pamumuhay Pilipino, tulad sa mga produkto at turismo.

Konklusyon at Rekomendasyon

Ang mga K-drama ay masasabing malakas ang epekto sa mga Pilipinong manonood, at patuloy pa itong lumalaki sa lalong pagdagsa ng mga Koreanong impluwensya sa Pilipinas. Sa aming palagay, maraming maaaring tunguhan ang pagkakaroon ng mga K-drama sa Pilipinas. Isang maaaring mangyari ay mas lalo pang sumikat ang mga K-drama at tuluyan nang matanggal ang mga orihinal at magagandang mga Pinoy na teleserye. Kung puro K-drama nalang ang mayroon, maaaring matabunan ang mga Pinoy teleserye na di hamak na mas maganda sa mga karaniwan na teleserye at di na makikilala ang husay ng Pinoy sa paggawa ng mga teleserye, pero mukha naman mahirap itong mangyayari. Isang mas mabuting patutunguhan ay ang pagkakaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan ng mga Filipino at mga Koreano sa industriyang pang-telebisyon at maari pa ito ay magkaroon ng kolaborasyon sa mga TV network na Koreano at Pinoy at makabuo sila ng magagandang mga papanoorin. Isa pa ay mas gagandahan ng Pinoy na producer sa paggawa ng kani-kanilang teleserye para pumantay naman sila sa kalidad ng mga K-drama o pati mga kanluraning teleserye para masasabing kakaiba at kapaki-pakinabang manood ng mga Pinoy na teleserye.

Tungkol sa paksa, inirerekomenda namin sa mga manonood na matuto silang humusga sa mga pinanonood nila. Dapat ay may kwenta at makabuluhan ang mga pinapanood para mas lumalim ang pagkaintindi natin sa mga bagay-bagay. Dapat din ay maging responsable tayong manonood at makinig sa mga patnubay sa mga palabas at marunong umintindi sa palabas at sa mga gumagawa nito.

Tungkol naman sa workshop, maaari pang talakayin ang iba pang mga aspekto ng kulturang Koreano. Isang magandang talakayin ay ang K-Pop na isa ring maimpluwensiyang genre sa musika. Maliban rito, maaari din talakayin ang mga teleserye ng iba pang mga kultura o ang kabaliktaran: ang estado ng mga Pinoy na teleserye sa ibang bansa.

Maraming salamat!

Sanggunian

Ainslie, M. J., Lipura, S. D., & Lim, J. (2017). Understanding the potential for a Hallyu “backlash” in Southeast 
          Asia: A case study of consumers in Thailand, Malaysia and Philippines. Kritika Kultura, (28). 
          doi:10.13185/kk2017.02805
Ambag, A. T., Baslot, T. A., Celeste, C. T., Eltagon, J. M., & Namocatcat, J. P. (2016, May 17). The effects of 
          colonial mentality on the Filipino culture. Retrieved from 
          https://arndreblog.wordpress.com/2016/05/17/the-effects-of-colonial-mentality-on-the-filipino-
          culture/ 
Bacon, C. (2016, April 19). Why Korean dramas are popular. Retrieved from 
          https://reelrundown.com/movies/Korean-Wave-Why-Are-Korean-Dramas-Popular
Bernabe, D. (2015, August 14). The Philippines: An identity crisis. Retrieved
          http://www.reinventmag.com/girls/the-philippines-an-identity-crisis
Bissonnette, H. (2015, May 11). 10 Filipino teleseryes aired in international television. Retrieved from 
          http://talent.ph/blog/10-filipino-teleseryes-aired-in-international-television/ 
Edris, A. (2017, January 18). Why Filipinos love Korean dramas. Retrieved May 14, 2017, from
          http://www.definitelyfilipino.com/blog/why-filipinos-love-korean-drama/
Esperanza, K. (2016, July 15). The current state of Korean Drama programming on Philippine TV. Retrieved 
          from https://daebakphilippines.wordpress.com/2016/07/15/the-current-state-of-korean-drama-
          programming-on-philippine-tv/
Global 'hallyu' fans swell to 35 million in 86 countries. (n.d.). Retrieved from 
          http://m.koreatimes.co.kr/phone/news/view.jsp?req_newsidx=196383 
Hicap, J. (2009, September 06). Korean dramas continue to captivate the PhilippinesRetrieved from          
          http://www.koreatimes.co.kr/www/news/nation/2009/09/117_51344.html
Hong, E. (2014). The birth of Korean cool: How one nation is conquering the world through pop culture        
          Picador. pp. 167. 
How ABS-CBN teleseryes are called in other countries. (2016, December 29). Retrieved from 
          http://abscbnpr.com/how-abs-cbn-teleseryes-are-called-in-other-countries/
Huang, X. (2009). ‘Korean Wave’ — The popular culture, comes as both cultural and economic imperialism in 
          the East Asia. Asian Social Science, 5(8). doi:10.5539/ass.v5n8p123
Igno, J. A., & Cenidoza, M. C. (2016). Beyond the “fad”: Understanding Hallyu in the Philippines. 
          International Journal of Social Science and Humanity, 6(9), 723-727. doi:10.7763/ijssh.2016.v6.740
K. (2016, September 18). K-drama series – An overview of the key features and popularity of Korean dramas
          Retrieved from https://koreancultureblog.com/2016/09/18/k-drama-series-an-overview-of-the-key-
          features-and-popularity-of-korean-dramas//
Korean drama of the Philippines. (n.d.). Retrieved from 
          http://research.omicsgroup.org/index.php/Korean_drama_of_the_Philippines
Kim, H. (2016, February 2). Surfing the Korean Wave: How K-pop is taking over the world. Retrieved May 14, 
          2017, from http://www.mcgilltribune.com/a-e/surfing-the-korean-wave-how-k-pop-kpop-is-taking-
          over-the-world-012858
Lasado, J. R. (2014, December 18). The Filipino colonial mentality. Retrieved from 
          http://definitelyfilipino.com/blog/the-filipino-colonial-mentality/
Lee, C. (2012, July 22). Global popularity of Korean language surges. Retrieved from 
          http://www.koreaherald.com/view.php?ud=20120722000212 
Patag, K. J. (2016, June 03). 10 favorite Koreanovelas. Retrieved from 
          http://www.spot.ph/entertainment/56200/our-10-favorite-koreanovelas
Pe, R. (2014, May 30). 'Teleserye' boom, boon to marketers. Retrieved from 
          http://business.inquirer.net/171701/teleserye-boom-boon-to-marketers
Pinoy soap operas a big hit from China to Africa. (May 13). Retrieved from http://asianjournalusa.com/pinoy-
          soap-operas-a-big-hit-from-china-to-africa-p8778-67.htm
Pinoy teleserye gaining renewed popularity in Indonesia. (2016, December 19). Retrieved from 
          http://news.pia.gov.ph/article/view/1141481972759/feature-pinoy-teleserye-gaining-renewed-
          popularity-in-indonesia 
Santamaria, C. (2012, September 19). Korean 'Hallyu' and the Pinoy invasion. Retrieved from 
          http://www.rappler.com/entertainment/12681-hallyu-growing-in-ph
Studying the Pinoy's fascination with Korean telenovelas. (2006, May 16). Retrieved from 
          http://pcij.org/blog/2006/05/13/studying-the-pinoys-fascination-with-korean-telenovelas
Why Korean dramas are eating Pinoy telenovelas alive. (n.d.). Retrieved from 
          http://www.tahonews.com/why-korean-dramas-are-eating-pinoy-telenovelas-alive/

Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon

Block C: Indie Films