Block C: Indie Films
Ginanap ang workhop na ito noong ika-12 ng Mayo sa Music Room. Nanood ang Block C ng mga sumusunod na Indie Film
Isang music video ng Saving Sally
Ang Painting ni Tatay
Taya
At isang youtube video:
WOTL Make Your own Indie Film Part 1
Plano
- Paksa: Pinoy Indie Films
- Isyu: Kulang ng Suporta ang Filipino Indie Films
- Talakayan:
- Ang kasaysayan ng Filipinong sine
- Pag-usapan ang mga pagkakaiba ng Indie at Mainstream Films
- Pag-usapan ang napiling isyu at ibalik sa konteksto ng isang Pisay Iskolar
- Diskurso tungkol sa pangkasalukuyang estado ng pelikula sa Pilipinas
- Aktibidad/Workshop:
- Manunuod ng Filipino Indie Films
- Suriin ang napanood na pelikula
- Diskurso tungkol sa pangkasalukuyang estado ng pelikula sa Pilipinas
- Materyales:
- Projector
- Speakers (para sa laptop)
- Laptop na nilalaman ng mga Pelikula
- Powerpoint
- Videos
- Iskedyul:
7:10nu - 7:15nu - Ang kasaysayan ng Filipinong sine
7:15nu - 7:20nu - Pag-usapan ang mga pagkakaiba ng Indie at Mainstream Films
7:20nu - 7:30nu - Pag-usapan ang napiling isyu at ibalik sa konteksto ng isang Pisay
Iskolar
7:30nu - 7:50nu - Manunuod ng Filipino Indie Films
7:50nu - 7:55nu - Suriin ang napanood na pelikula
7:55nu - 8:00nu - Diskurso tungkol sa pangkasalukuyang estado ng pelikula sa Pilipinas
Lagom
- Matagumpay na tinalakay ng grupo ang isyung nais nitong suriin, ang kakulangan ng suporta para sa mga Filipino indie film. Nagbigay ang pangkat ng dagliang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng sine sa Pilipinas at nagpakilala ng mga tanyag na mga direktor ng Filipino indie films. Sumunod, nagpalabas ang grupo ng excerpt mula sa isang kilalang indie film at ilang mga maikling indie films na gawang Pilipino. Sa huli, nagpalabas din ang pangkat ng isang kwelang bidyo na nagbibigay ng gabay sa paggawa ng sarili mong indie film.
Konklusyon
- Mula sa pananaliksik, nalaman ng grupo na ang dahilan sa likod ng kakulangan ng suporta para sa mga Filipino indie films ay ang pagtrato o ugali ng mga Pilipino tungo sa mga ito. Maraming mga posibilidad ang tinitignan ng pangkat. Una, maaaring dahil sa colonial mentality nagmumula ang hindi pagtangkilik sa mga film na gawang lokal. Pangalawa, ang katangian ng mga indie film ay hindi angkop para sa karaniwang masa ng Pilipino dahil sa mga sensitibong paksa na nais nitong siyasatin. Huli, maaaring kulang ang suporta sa indie film dahil nais ng tao na kumawala o kaya’y tumakas mula sa realidad ng buhay. Ang kasiyahan o katatawanan na hinahanap ng manunuod upang guminhawa ang pakiramdam ay maaaring hindi makuha mula sa indie film dahil nga sa klase ng mga paksa na tinatalakay nito.
Rekomendasyon
- Para sa mga workshop na nais talakayin ang isyu ukol sa pagsuporta sa Filipino indie films, iminumungkahi ng pangkat na magsagawa ng aktibidad kung saan susubukin ng mga takapakinig na gumawa ng sarili nilang indie film. Sa paraang ito, mas maiintindihan nila ang hirap sa paggawa ng maartistikong film at mas mapapahalagahan nila ang mga film na gawang indie.
- Mabuti rin kung makapag-iimbita upang magsalita ang isang lokal indie film direktor upang mas mabigyan kaalaman ang proseso ng paggawa ng film.
- Maari rin magbigay ng survey ukol sa kanilang kaalaman tungkol sa isyu at ang kanilang opinyon tungkol dito
HANDOUT
INDIE FILMS
Balanon, buenviaje, Decena, Kim, Nabor
Balanon, buenviaje, Decena, Kim, Nabor
Ano ba ang isang Indie Film?
Ito ay:
- Mga pelikulang hindi gawa ng mga malalaking “film studios”
- Nasusundan ang kagustuhan ng direktor at napagyayaman ang “artistic value” dahil hindi nangangailangan ng mga kompromiso sa paggawa ng pelikula
- Hindi profit-driven yung pelikula
Kasaysayan ng Indie Films
- Enero, 1897 nang lumabas ang “Espectaculo de Pertierra - El Kronofotografo” (del Mundo, 1999)
- La Conquista de Filipinas (1912)
- Unang Pilipinong palabas
- Gawa ng mga Tsinong negosyante
- Ilang mga tanyag na Filipino indie filmmaker:
- Conde, G. De Leon, Avellana, Brocka, Bernal, M. De Leon at Diaz
- Ilang halimbawa ng indie films:
- Gnegis Khan
- Hele sa Hiwagang Hapis
- Anak Dalita
- Pisay the Movie
Mainstream Media
Mga Halimbawa:
- Televised News
- Sporting Events
- Broadway Musicals
- Blockbuster Movies
- Talkshows
Mainstream Movies
Ito naman ay gawa ng mga studios at mas malaking kompanya. Madalas ay maraming special effects at maraming ‘fantastic’ na elemento.
Ilang mga studio:
Disney, Pixar, Marvel Cinematic Universe, Paramount, Dreamworks
Ilang mga western films:
- Harry Potter franchise
- Star Wars franchise
- Cars
- Pixels
- Avengers
- Suicide Squad
Pangkasalukuyang Estado ng Indie Films: MMFF 2016
- Ang walang palabas sa MMFF ng 2016 ay mga indie films lamang
- Dismayado si Vic Sotto dahil dito at sinabing “kawawa naman ang mga
bata” - Ngunit, maraming Pilipino ang natuwa sa kinalabasan ng MMFF 2016
MMFF 2016
- Ang Babae sa Septic Tank 2
- Seklusyon
- Sunday Beauty Queen
- Oro
- Saving Sally
- Die Beautiful
- Vince, Kath & James
- Kabisera
Konklusyon
Bilang mga Pilipino, tangkilikin ang atin:
Tanggalin ang nakuhang at nakasanayang colonial mentality
Tanggalin din ang crab mentality na tinatangkilik ang popular lamang
Manuod ng pelikula dahil sa istorya, karakter at sinematograpiya
Bilang mga Pisay Iskolar, isaisip muna ang bansang nililingkod:
Isaisip ang Pilipinas muna
Buuin ang pag-iisip na ang kailangan gawin ay para sa bayan
Simpleng bagay, pero pakaunti-unting mababaon sa utak
Buuin ang pag-iisip na ang kailangan gawin ay para sa bayan
Simpleng bagay, pero pakaunti-unting mababaon sa utak
SANGGUNIAN
- Sanggunian:
BALANON
del Mundo, C. (1999). Philippine cinema: an historical overview. Asian Cinema, 10(2), 29-66.
Tinatalakay nito ang kasaysayan ng sinehan sa Pilipinas, mula noon pang unang pagpapalabas ng pelikula sa bansa. Marami rin itong impormasyon tungkol sa iba’t-ibang henerasyon ng mga direktor at mga uri ng mga pelikula na ginawa sa Pilipinas. Inilalahad din nito ang naging epekto ng mga malalaking pangyayari sa kasaysayan sa produksyon ng mga pelikula sa lipunan. Magagamit ito upang mabigyan ng background ang Filipino films.
Enriquez, A. (2013). Indie films stake Philippine cinema claim. BBC News. Retrieved 19 April
2017, from http://www.bbc.com/news/world-asia-24427927.
Isinasaad sa artikulong ito kung bakit dumadami ang produksyon ng mga independent films or “indie” films sa Pilipinas. May nilalaman itong mga interview ng ilang indie filmmakers tungkol sa kanilang mga karanasan sa paggawa ng indie films. Binibigyan-diin nito ang problema na hinaharap ng mga indie filmmakers, lalo na sa pondo at pagtangkilik sa kanilang mga produkto. Magagamit ito sa pagtalakay tungkol sa kakulangan ng suporta para sa mga indie filmmakers sa Pilipinas.
Garcia Jr, L., & Masigan, M. C. (2001). An in-depth study on the film industry in the Philippines. Retrieved November, 5, 2015.
Ipinapakita nito ang kahalagahan ng film, maging sa ekonomiya man o lipunan. Malalaman din mula rito ang struktura ng industriya ng film sa Pilipinas. Tinatalakay din ang isyu ng piracy at ang trabaho ng mga iba’t-ibang institusyon sa pagpapalaganap ng mga pelikula sa bansa. Magagamit ito upang mas maintindihan ang kabuuan ng industriya ng film sa Pilipinas.
Tioseco, A. (2007). Shifting agendas: the decay of the mainstream and rise of the independents
in the context of Philippine cinema. Inter‐Asia Cultural Studies, 8(2), 298-303.
Nililista nito ang mga natatanging Filipino indie filmmakers na nagkamit ng iba’t-ibang parangal, nasyonal man o internasyonal. Isinasaad din dito ang impluwensya ng makabagong teknolohiya tulad ng High Definition Digital Video sa paghimok sa mga bata o mga beteranong direktor na gumawa ng indie film. Malalaman dito ang kasalukuyang pagsisikap ng iba’t-ibang mga organisasyon sa pagpapalaganap ng Filipino indie films.
BUENVIAJE
Campos, P. F. (2013). Early Cinema History and the Emergence of “Filipino” Film. Plaridel,
10(1), 83.
Itinatalakay ng pag-aaral na ito ang kasaysayan ng Pilipinong industriya ng pelikula at kung paano umusbong ito sa kasalukuyang estado. Dito tinatalakay kung ano nga ba ang pinaka-unang pelikula na ginawa ng isang Pilipino at kung paano inimpluwensyahan ng Espanya, Amerika at Hapones ang industriya. Kinakailangan ito sa aming workshop dahil sa diskusyon, tatalakayin namin ang kasaysayan ng industriya ng Pilipinong pelikula. Makakatulong ang pag-aaral na ito dahil binibigay na niya ang karagdagang impormasyon upang mas madali ang paggawa ng workshop at presentasyon.
Gancio, M. K. (2015). Philippine Contemporary Regional Cinema: A Narrative Analysis
of Regional Filmmakers’ Accounts on the Re-emergence of Regional Films in
the 21st Century.
Itinatalakay ni Gancio sa kanyang pag-aaral ang mga pananaw ng pitong (7) filmmaker mula sa iba’t ibang rehiyon at kung ano nga ba ang kanilang estado ukol sa pag-unlad nito. Para sa mga filmmaker, nakikita nila na patuloy pa ang pag-usbong ng mga indie film lalo na ang mga rehiyonal na pelikula dahil pakaunti-unting tinatangkilik na ito ng mga Pilipino. Ilinahad din nila ang mga problema ng ganitong mga pelikula tulad ng pinansyal na limitasyon, personal na mga isyu at pulitika na nananatili sa tatlong bahagi ng filmmaking (produksyon, promosyon, distribusyon). Ito’y mahalaga sa workshop dahil tinatalakay na ng pag-aaral ni Gancio ang mga pangunahing mga problema na hinaharap ng mga indie o rehiyonal na filmmaker. Ang mga isyung hinaharap na ipinakita ng pag-aaral ay mas lalo pang tatalakayin ng grupo at ipapaloob o ibabalik sa isyung kulang ng suporta ang mga indie films.
Jopson, T. L. A. (2014). Silent Assault: Multilevel Censorship as Media Repression in the
Philippines. Philippine Social Sciences Review, 65(2).
Ang pag-aaral na ito ay tinatalakay ang isyu ng represyon o censorship ng media at kung paano ito nagiging problema lalo na sa mga independent media practitioners tulad ng mga filmmakers ng indie films. Ilinalahad ni Jopson sa kanyang pag-aaral ang state censorship galing sa batas ng gobyerno at militar, pati na rin ang self-censorship dahil sa pressure na nakukuha galing sa industriya ng media. Importante ito sa aming workshop dahil gusto rin naming ipakita ang isa pang isyu kung bakit nahihirapan sa distribusyon ang mga indie filmmakers. Kapag hindi nila nagagawan ng paraan ang censorship, mawawala talaga ang suporta ng mga Pilipino sa pelikulang ito dahil hindi nila malalaman na may nagawang pelikula. Kailangan malaman muna ng mga tao na may nagawang pelikula ang mga indie filmmakers para mabigay nila ang hinihinging suporta.
Valera, I. E. Perceived Status of the Filipino Film Industry: Implications for Media Education.
Sa pag-aaral na ito ni Valera, pinapakita niya ang pangkasalukuyang estado ng industriya ukol sa Pilipinong pelikula. Dito natin makikita na tinatangkilik nga ang mga indie films dahil sa kagandahan at pagkakaiba nito sa mainstream films. Pinapakita sa pag-aaral na kaya pa ring itaguyod ang industriya gamit ang pagturo at ang paglabas ng impormasyon sa pangkaraniwang Pilipino. Importante ang pag-aaral na ito para sa workshop dahil pinapakita nito ang kagandahan ng indie films at kung bakit ba dapat tangkilikin ang mga ito. Ilinalahad ni Valera ang bawat punto ng indie film at filmmakers kung bakit ba sila nasa industriyang ito at bakit pa nila ipinagtutuloy ang ito kahit na mas mahina ang suporta: dahil ito ang kanilang pasyon at tunay na minamahal nila ang kanilang ginagawa.
DECENA
Baumgärtel, T. (2011). Imagined communities, imagined worlds: Independent film from South
East Asia in the global mediascape. Transnational Cinemas,2(1), 57-71.
Mayroong impormasyon tungkol sa indie films sa South East Asia. Nagbigay ng description tungkol sa indie films sa SEA na maaring ibahagi sa presentation. Maliban sa ibang bansa tulad ng Singapore at Malaysia, tinalakay rin ng papel na ito ang Pilipinas. May impormasyon din tungkol sa popularization ng mga indie films.
Fuentes, G. G. N., & Reyes, R. C. (2015). The Perception on Indie Films of Selected Intramuros
Based Audiences. International Journal of Social Science and Humanity, 5(1), 145.
Nagbigay ito ng magandang background tungkol sa indie films ng Pilipinas na maari ring gamitin sa aming presentation sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa indie films sa Pilipinas. May survey rin sa papel na ito na tinignan kung sino sino ang nanonood ng indie films. Nakita sa survey na mas maraming babae ang nanonood ng indie films. Nagbigay rin ang papel ng mga rason kung bakit nanonood ang mga tao ng indie films.
Newman, M. Z. (2009). Indie culture: In pursuit of the authentic autonomous alternative. Cinema
Journal, 48(3), 16-34.
Magbibigay kami ng kasaysayan ng indie films sa simula ng presentation. Ngunit hindi ito tungkol sa Pilipinas, binigay ng papel ang historya ng indie films. Nagbigay rin ito ng mga descriptions na maari ring gamitin sa pag-define ng indie films.
Tzioumakis, Y. (2013). ‘Independent’,‘Indie’and ‘Indiewood’. American Independent Cinema:
Indie, Indiewood and Beyond, 28-40.
Sa pagtalakay ng isyu sa indie films, maari ito gamitin. Binigay ng papel na ito ang ilang mga problema ng indie films tulad ng budget. Tinalakay din ng papel ang unti-unting pagiging uso ng indie films.
KIM
Crane, D. (2014). Cultural globalization and the dominance of the American film industry:
cultural policies, national film industries, and transnational film. International journal of
cultural policy, 20(4), 365-382.
Tinatalakay ng artikulong ito ang impluensiya ng kulturang Amerikano sa buong daigdig sa loob ng mga pelikulang ipinapalabas niya. Ipinapakita na ang USA ay isang “Super Producer” ng mga pelikula, at gumagawa ito ng higit pa sa 25 na pelikula bawat taon. Sa mga ibang bansa na sinuri ng pananaliksik na ito mas uso pa ang mga “Hollywood films” sa mga lokal na pelikula.
Rampal, K. R. (2005). Cultural imperialism or economic necessity?: The Hollywood factor in the
reshaping of the Asian film industry. Global Media Journal, 4(6).
Sinusuri ng pananaliksik na ito ang mga implikasyon ng paglalawak ng “Western Media” sa ibang parte ng mundo, katulad ng Asia. Tumitingin ito sa mga malaking impluensiya ng Kanluraning bansa sa telebisyon, Internet, at pelikula ng ibang mga bansa. Halata na epekto ng “Hollywood Culture” ay ang pagkaiba ng istilo at paksa ng mga bagong pelikula sa mga bansa sa Asia.
Baumgärtel, T. (Ed.). (2012). Southeast Asian Independent Cinema: Essays, Documents,
Interviews (Vol. 1). Hong Kong University Press.
Ang aklat na ito ay nagbibigay ng mga detalye tungkol sa pag-angat ng “Independent Cinema” sa Southeast Asia. Dahil mas mura at mas madaling makuha ang mga bagong digital na teknolohiya, mas maraming lokal na pelikula na maipapalabas sa Asia. Kabilang sa mga bansang umaangat sa paggawa ng cinema ay ang Singapore, Indonesia, at ang Pilipinas.
Campos, P. F. (2011). The Intersection of Philippine and Global Film Cultures in the New Urban
Realist Film. Plaridel, 8(1).
Inilalarawan ng papel na ito ang pagbabago ng Pilipinong cinema sa paglipas ng panahon. Tinatalakay ang pagpapalit-palit ng paksa ng mga “indie film” at implikasyon nito sa konteksto ng daigdig. Mas nakatitig ang bagong pelikula sa realismo at pag-unlad.
NABOR
Tofighian, N. (2008). José Nepomuceno and the creation of a Filipino national consciousness.
Film History: An International Journal, 20(1), 77-94.
Itinatalakay ng papel na ito ang kontribusyon ni Jose Nepomuceno sa paggawa ng komunidad sa kolonial na panahon ng Pilipinas. Gumamit siya ng mga “independent films” para bumuo ng solidaridad sa mga taong Pilipino. Ang mga pelikula na ito ay nagpapakita ng Pilipinong tradisyon, pamumuhay, at kultura at nakasulat sa wikang Filipino.
Fernandez, D. G., & Hernandez, T. C. (1977). THE EMERGENCE OF MODERN DRAMA IN
THE PHILIPPINES (1898-1912).(Philippine Studies Working Paper No. 1).
Itinatalakay ng pag-aaral na ito ang kasaysayan ng drama sa Pilipinas. Dito nakalaan ang pag-usbong nito noong panahon ng okupasyon ng Kastila sa Pilipinas at ang panahon bago pa dumating ang mga Kastila. Dito sa panahon bago dumating ang mga Kastila, ang moro-moro o kumedya ang pinakapopular na paglahad sa entablado. Mahalaga ito para sa aming workshop dahil tinutukoy nito ang kasaysayan ng pelikula noong ilinalahad pa lamang ito sa entablado. Dito namin makukuha ang impormasyon upang magkaroon ng maayos at tamang diskusyon sa klase sa aming workshop.
Cabanes, J. V. A. (2014). Multicultural mediations, developing world realities: Indians, Koreans
and Manila’s entertainment media. Media, Culture & Society, 36(5), 628-643.
Ang pag-aaral ni Cabanes noong 2014 ay naka-ukol sa media ng Pilipinas at kung paano ito naglalahad ng masamang o negatibong diskurso sa mga Indian at Korean. Ang kasalukuyang sistema ng paglaan at pagkalap ng impormasyon ukol sa source material ay hindi maayos kaya nagmimistulang masama ang pagrepresenta ng mga taong ito. Mahalaga ito sa aming workshop dahil pinapakita nito ang kasalukuyang nangyayari sa paglaan ng media tulad ng pelikula. Layunin namin na maipakalap ang impormasyon hindi lamang sa kasaysayan kundi sa kasalukuyang kondisyon ng media sa Pilipinas.
Campos, P. F. (2015). The Politics of Naming a Movement: Independent Cinema According to
the Cinemalaya Congress (2005-2010). Philippine Humanities Review, 13(2).
Ang papel na ito ay nagtatalakay ng pulitika kasangkot sa pagpapangalan sa “contemporary indie movement” ng Pilipinas. Sinusurian dito ang mga transcript ng congress proceedings tungkol sa pelikulang mapili sa “Cinemalaya Film Festival”. Mahalaga dito ang mga paksa ng pelikula at mga impluensiya nito sa kulturang Pilipino.
Comments
Post a Comment