Block B: Pagkain


Paksa: Pagkain
Isyu: Malnutrisyon
Talakayan: (nakabase sa ipinaskil na powerpoint presentation)
  1. Kahulugan ng Pagkain
  2. Bakit Tayo Kumakain
    1. Karanasan
    2. Kultura
    3. Kaibigan at pamilya
    4. Kasiyahan
  3. Kahulugan ng Malnutrisyon
    1. Pagkasobra ng payat o emaciation
    2. Labis na katabaan o obesity
  4. Malnutrisyon sa Pilipinas
    1. Mga Estatistika
  5. Masustansiyang Pagkain
    1. Tips Para sa Healthy Eating
    2. Food Pyramid
    3. Healthy Eating Food Plate


Aktibidad/Workshop
Materyales:
  1. Pagkain Para sa mga Estudyante
    1. Banana Bread
    2. Chocolate Revel Bars
    3. Chicken Lollipops
  2. Pagkain Para sa Laro
    1. Honeydew
    2. Ampalaya
    3. Liver spread
    4. Ubas
    5. Prunes
    6. Itlog
    7. Tokwa


Gawain:
  1. Laro
    1. Hulaan ang Pagkain
      1. Magkakaroon ng tatlong pangkat na kailangan gumawa ng tatlong linya.
      2. Maglalagay ng tatlong upuan sa harap ng mga linya.
      3. Ang unang nasa linya ay uupo sa upuan at lalagyan ng takip sa mata.
      4. Ipapakain siya inihandang pagkain.
      5. Mag-uunahan ang mga manlalaro sa paghula ng ipapakain sa kanila.
      6. Ang mauna sa paghula ay makakatanggap ng isang puntos para sa kanilang pangkat.
      7. Magsasalitan ang manlalaro sa susunod na manlalaro sa kanilang pangkat.
      8. Ang pagkat na may pinakamaraming puntos ay mananalo at ang unang makakain ng pagkaing dala ng grupo.
*Kasama sa paghahanda ng grupo ay ang pagtanong sa klase kung ano ang pagkain na bawal sa kanilang dahil sa relihiyon o allerhiya. Ito ay ibinilang sa pagpili ng pagkaing ibibigay at pagkaing kasama sa laro.


Iskedyul:
  Pangatlong UB; Biyernes, Mayo 12, 2017
  • 11:35 - 11:45 nu Pagtalakay sa Katangian and Pananagutan ng Mananaliksik
  • 11:45 nu - 12:00 nh Pagtalakay sa Pagkain at Malnutrisyon
  • 12:00 - 12:15 nh Aktibidad
  • 12:15 - 12:25 nh Pakain at Paglilinis
Ipapaalam:
  1. Gamit

> Speaker (para sa bidyo) *hindi natuloy ang bidyo dahil sa kakulangan sa oras. Kung nais
mapanood, i-click ang link (bidyo na salita). Kasama ito sa pagtalakay dapat namin ng halaga ng pagkain sa kultural na identidad.
> LCD Projector (mahahanap sa silid-aralan)
  1. Lugar
> SHB 303
Sanggunian:


  1. Tungkol sa Mananaliksik
    1. Antonio, L.F., Alejo, C. T., Astorga, E. R., Mangahis, J. C., & Nuncio, E. M. (2015).
      Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik (2nd ed., pp. 225-229). Quezon
      City: C & E Publishing, Inc.
    2. Austero, C. S., Mateo, E. C., Abueg, L. K., Suguran, T. S., Sitjar, S. A., & Abueg,
      E. R. (2008). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik (Binagong
      Edisyon, pp. 219-220).
    3. Ballenger, B. (1999). The curious researcher: a guide to writing research papers
      (2nd ed., pp. 105-154). Boston, MA: Allyn & Bacon, Inc.
    4. Bernales, R. A., Abenilla, G. G., Acaylar, D. A., Bernat, P. S., Cruz, M. A. F.,
      Gonzales, E. S., Hortelano, M. R., Mabilin, E. R., Macaya, L. T., & Olores,
      E. G. (2009). Pagbasa, pagsulat, pananaliksik (pp. 171-174). Malabon City:
      Mutya Publishing House, Inc.
    5. Marquez, S. T., Jr. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa
      pananaliksik (pp. 140-141). Quezon City: Sibs Publishing House
    6. National Committees for Research Ethics in Norway. (2006). Guidelines for
      research ethics in the social sciences, law and the humanities. Oslo,
      Norway: De nasjonale.


  1. Mga Balita
    1. Aquino, N. (2016). National survey: Chronic malnutrition in PH worst in 10 years.
      Retrieved from http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/130046-
      Philippines-chronic-malnutritio
      n
Binalita dito ang resulta ng isang survey na naganap sa Pilipinas tungkol sa malnutrisyon. Importanteng malaman sa aming workshop sa kung gaano kasama na ang sitwasyon ng malnutrisyon sa Pilipinas. Makakatulong din ito sa introduksyon ng aming workshop.
    1. Garcia, P. (2016). Malnutrition in the Philippines costs P328-B yearly. Retrieved
      From http://cnnphilippines.com/news/2016/08/31/save-the-children-
      Malnutrition-philippines.html
Binalita dito ang nawawalang sahod o earnings sa Pilipinas nang dahil sa malnutrisyon. Importante ito para sa aming workshop para sa introduksyon, at para makuha ang interes ng estudyante habang kami ay umuulat. Makikita din ng  mga  estudyante ang importansya sa kung bakit kailangan ilutas na ang malnutrisyon.
    1. Gavilan, J. (2015). 2015 global index: PH hunger malnutrition problem ‘serious’.
      Retrieved from http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/110803-
      global-hunger-index-2015-philippines-serious
Binalita dito ang sitwasyon ng Pilipinas tungkol sa malnutrisyon kumpara sa ibang bansa. Makakatulong ito sa aming ulat para makita kung gaano kalaki na ang problema ng malnutrisyon sa Pilipinas. Nakakadagdag din ng kredibilidad ito sa aming ulat.
    1. Geronimo, J. Y. (2016). 12M stunted children in ASEAN live in PH, Indonesia -
      report. Retrieved from http://www.rappler.com/science-nature/life-health/
      127603-asean-report-nutrition-security
Binalita dito ang tungkol sa epekto ng malnutrisyon sa dalawa sa mga bansang taga-ASEAN: Ang Pilipinas at Indonesia. Sa dalawang bansang ito sa Asya ang may pinakamaraming kaso ng malnutrisyon. Importante ito para maipakita ang epekto ng malnutrisyon sa Pilipinas sa ibang mga bansa.
    1. Jaymalin, M. (2016). Candidates urged: Address hunger, malnutrition. Retrieved from: http://www.philstar.com/headlines/2016/04/25/1576601/candidates
-urged-address-hunger-malnutrition
Binalita dito ang tungkol sa paghihingi ng hakbang patungo sa paglutas ng malnutrisyon sa mga nangangampanyang mga kandidato para sa Pilipinas. Mahalaga ito sa introduksyon ng aming workshop dahil pwede namin itong magamit na  pruweba na nagsasabing malala ang gutom at malnutrisyon sa Pilipinas. Makikita din ang rason kung bakit gustong malutas ang malnutrisyon dito.
    1. Pasion, P. (2016). 1 in 3 Filipino kids still malnourished, stunted – study. Retrieved from http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/141134-philippines
      -children-malnutrition-stunting-study
Makikita sa balitang ito ang estatistika sa kung saan ilan sa ilang mga batang Pilipino ang gutom. Mahalaga ito para sa introduksyon namin bago pumunta sa outreach para maipakita sa mga  estudyante ang kung bakit mahalaga tumulong sa mga batang delikado sa malnutrisyon. Pwede rin ito maging parang “thinking question” para sa kanila para makapag-muni-muni sila.
    1. Perez, A. (2016). UNICEF: Obesity in PH jumps 400%. Retrieved from:
      http://cnnphilippines.com/news/2016/03/31/unicef-obesity-in-ph.html
Ginamit ito para mapakita ang isa pang aspekto ng malnutrisyon sa Pilipinas - ang
sobra sa nutrisyon. Makikita dito ang estatistiko ng obesity sa bata.
    1. Rodriguez, F. (2016). PH fails to halve child malnutrition within 25 years. Retrieved
      from http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/123425-philippines-
      Millennium-development-goals-child-malnutrition
Makikita sa balitang ito na kahit na sinubukang lutasin ng Pilipinas ang malnutrisyon, hindi pa rin sapat ang mga ginagawa ngayon para dito. Mahalaga ito para sa pagwakas ng aming workshop. Dito ay pwede namin tanungin sa mga estudyante ang tungkol sa ano kaya ang hakbang na pwede gawin para malutas ang malnutrisyon sa Pilipinas.


  1. Estatistika at Impormasyon
    1. Department of Health. (2011). 2011-2016 National Objectives for Health, Health
      Sector Reform  Agenda Monographs [PDF]. Retrieved from: http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/publications/noh2016.pdf
Inilista ng DOH ang kanilang mga nais makamit na bagay mula 2011 hanggang
2016. Kasama dito ang iba’t ibang programang pangkalusugan at kasalukuyang
lagayan ng mga mamamayang pilipino at mga iba’t ibang sakit.
    1. Department of Health. (n.d.). Infant and young child feeding (IYCF). Retrieved from: http://www.doh.gov.ph/infant-and-young-child-feeding
    2. Department of Health. (n.d.). Micronutrient program. Retrieved from: http://www.doh.gov.ph/micronutrient-program
    3. Food and Nutrition Research Institute. (2014). 8th National Nutrition Survey
      [PDF]. Retrieved from: http://122.53.86.125/NNS/8thNNS.pdf
Nilalaman ng dokumentong ito ang mga ulat mula sa pagsusuri na isinagawa
noong 2013 hanggang 2014. Inihayag ang mga natuklasan ukol sa populasyon
tulad ng mga mayroon Anemia, Diabetes, Hypertension, pati narin mga overweight at underweight. Iniulat rin ang porsyento ng participasyon sa mga programa ng gobyerno, tulad ng Programang Pantawid ng Pamilyang Pilipino
    1. Gupta, P. (2012). Philippines: A community-based approach to reducing malnutrition among young children [PDF]. Retrieved from: http://www.arnec.net/wp-content/uploads/2014/07/Philippines-A- Community-based-Approach-to-Reducing-Malnutrition-Among-
Young-Children.pdf
    1. Inter-Agency Regional Analysts Network (2016). Socio-economy of Chronic
      Malnutrition in the Philippines: A preliminary key trends analysis by 2030
      [PDF]. Retrieved from:http://www.iris-france.org/wp-content/uploads/2016/
      07/Socio-Economic-of-Social-Malnutrition.pdf
Sinusubukan nitong papel na magbigay konteksto ukol sa kondisyon ng
kalusugan sa pilipinas. Kabilang sa ilang dahilan na naibigay ng papel na ito ay
ang kakulangan sa pera para sa edukasyon, pagtaas ng patisipasyon ng mga
kababaihan sa pagttrabaho, pagtaas ng bilang ng mga informal settlers, atbp.
    1. Save the Children Philippines. (2016). Cost of hunger: Philippines [PDF]. Retrieved from: https://www.savethechildren.net/sites/default/files/Cost%20of%20
Hunger%20Philippines_FINAL_23August2016.pdf
Nagbibigay impormasyon ang dokumentong ito sa epekto ng gutom sa Pilipinas. Makakatulong ito sa pagdagdag ng kredibilidad sa mga iuulat namin. Nakakapagbigay din ito ng kaalaman tungkol sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon sa paksa ng gutom at malnutrisyon.
    1. Save the Children. (n.d.). Sizing up: The stunting and child malnutrition problem
      in the Philippines [PDF]. Retrieved from:
      http://reliefweb.int/sites/reliefweb.int
      /files/resources/Save-the-Children-LahatDapat-Sizing-Up-the-stunting
      -and-child-malnutrition-problem-in-the-Philippines-Report-September
      -2015.pdf
Makakatulong ito sa aming workshop dahil mas ispesikong nakalaan ang report na ito para sa Pilipinas. Mas makakapagbigay alam ito sa mga uulat para magkaroon ng mas maraming kredibilidad ang kanilang sinasabi. Mas makakadagdag ng kaalaman din ito tungkol sa sitwasyon ng malnutrisyon sa Pilipinas.
    1. United Nation’s Children’s Fund (UNICEF). (2016). Global Nutrition Report: From
      promise to impact, ending malnutrition by 2030 [PDF]. Retrieved from:
      https://data.unicef.org/wp-content/uploads/2016/06/130565-1.pdf
Makakatulong ito sa aming workshop sa pamamagitan ng pagbigay-alam sa mga estudyante na may plano ang buong mundo para sa malnutrisyon. Isa ito sa mga pangunahing gustong magampanan ngayon ng UNICEF. Ito din ay para malaman ang ibang mga hakbang na ginagawa ngayon ng UNICEF para umayos ang nutrisyon sa buong mundo.
    1. United Nation’s Children’s Fund (UNICEF). (n.d.). Goal: Eradicate extreme
      poverty and hunger. Retrieved from: https://www.unicef.org/mdg
      /poverty.html
      .
Makakatulong ito sa aming workshop dahil makakabigay alam sa mga estudyante ito na importante na matugunan ang malnutrisyon at isa ito sa pinakamalaking problema ngayon para sa mga bata.
    1. United Nations Children's Fund. (2015). Prevention and treatment of severe acute malnutrition in East Asia and the Pacific [PDF]. Retrieved from: https://www.unicef.org/eapro/UNICEF_EAPRO_SAM_consultation_
2015_report.pdf
Makakatulong ito sa aming workshop dahil makakapagbigay alam ito sa mga estudyante sa kung ano ang ginagawa ngayon ng UNICEF para sa malnutrisyon sa karatig na bansa sa Asya at Pasipiko. Mahalaga ito para mas magkaroon ng kredibilidad ang aming sinasabi. Makakapagdagdag din ito sa maiuulat namin.


D) Tungkol sa Pagkain
  1. Almerico, G. M. (2014). Food and identity: Food studies, cultural, and personal
    identity. Journal of International Business and Cultural Studies, 8, 1.
Ginamit ito upang matalakay ang epekto at kahalagahan ng pagkain sa pag-iisip ng
mga tao. Dito rin namin nabasa ang papel ng pagkain sa kultural na identidad ng
isang bansa. Kasama ito sa pagtalakay ng sekundaryong rason kung bakit
kumakain ang mga tao.
  1. Beening, J. (2015). 11 animals that feast together. Retrieved from
    http://blogs.sandiegozoo.org/2015/11/19/11-animals-that-feast-together/
Ginamit ito upang matalakay ang mga hayop na katulad ng mga tao dahil
kumakain rin sila ng magkasama.
  1. Healthy Ireland. (n.d.). Healthy food for life: The food pyramid guide to every day
food choices for adults, teenagers and children aged five and over [PDF
file]. Retrieved from:
https://www.healthpromotion.ie/hp-files/docs/HPM00796.pdf
Pinapakita dito ang pamamaraan sa kung paanong pwedeng kumain ng balanse. Makakatulong ito sa aming grupo para sa pagbigay ng tips para makakain ng tama at sa pagbigay alam sa mga estudyante sa aming pag-uulat.
  1. Harvard University School  of Public Health. (2011). Healthy eating plate & healthy eating pyramid. Retrieved from: https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/healthy-eating-plate/
Pinapakita dito ang Healthy Eating Plate & Healthy Eating Pyramid na naglalahad ng kung ano dapat ang itsura ng plato ng isang taong kumakain para masigurado na balanse ang kanyang diyeta. Makakatulong ito sa amin dahil magagamit namin ito sa pagbigay ng tips sa kung paano kumain ng masustansiya.
  1. Illawarra Shoalhaven Local Health District. (2014). Healthy food for babies and
Pinapakita dito ang mga recipe na masustansiya para sa mga bata at sanggol. Magagamit namin ito sa paglahad ng makakadagdag din ito ng impormasyon sa aming ulat tungkol sa paghanda ng pagkain.
  1. Lawrence, R., Segal, J., & Segal, M.A. (2017). Healthy eating: Simple ways to
    plan, enjoy and stick to a healthy diet. Retrieved from:
    https://www.helpguide.org/articles/healthy-eating/healthy-eating.htm
Nagbibigay ito ng mga payo para sa pagpipili ng maayos ant masustansyang
pagkain. Nakakatulong ito sa aming pag-uulat para tama ang aming minumungkahi
sa aming mga kamag-aral tungkol sa maaaring gawin para kami ay maging mas
Malusog.
    g) Reece, J. B., & Campbell, N. A. (2011). Campbell biology. Boston: Benjamin
Cummings / Pearson.
        Dito namin kinuha ang kahulugan at deskripsyon ng pagkain para sa aming
       Pagtalakay. Dito rin namin nakuha ang pangunahing rason kung bakit kumakain
       ang mga organismo.


    


Handout tungkol sa Pagkain at Malnutrition


Katangian at Pananagutan ng Mananaliksik


Ayon sa mga gawa nila Antonio et al. (2015), Austero et al. (2008), Marquez (2016),  at Bernales et al. (2009), mayroong mga katangian na dapat makikita sa isang mabuting mananaliksik. Mahahanap ito sa kanyang paggawa at sa mismong kinakalabasan ng kanyang pananaliksik. Nakalista rito ang iba sa mga mahahalagang katangian:


  1. Masipag/masigasig - Maraming trabaho na ginagawa ang isang mananaliksik, kaya kailangan ng sipag para matapos lahat ng ito.
  2. Matiyaga - Ang mga proseso ng pananaliksik ay hindi mabilis at madali kaya kinakailangan na matiyaga ang mananaliksik.
  3. Masinop - Sa pananaliksik ay nangangailangan ng mga kagamitan at kayamanan upang maisagawa ang mga metodo upang makuha ang impormasyon at kadalasang mahirap magkaroon nito kaya importante maging masinop ang mananaliksik.
  4. Maingat - Ang pagiging maingat ay tutulong sa maayos ang pagkuha ng impormasyon at masiguro na mapagkakatiwalaan ang mga binanggit na impormasyon sa pananaliksik.
  5. Masistema - Ang mananaliksik ay dapat masistema upang organisado ang mga ginagawa upang maging maayos ang mga prosesong gagawin at hindi maaksaya ang oras at mga kayamanang nilalaan sa pananaliksik.
  6. Mapamaraan - Sa pananaliksik may mga pagkakataong nangyayari ang mga hindi inaasahan kaya dapat mapamaraan ang mananaliksik upang maitaguyod ang pananaliksik.
  7. Kritikal - Ang mananaiksik ay dapat kritikal upang masuring mabuti ang mga pag-aaral na ginawa ng ibang mananaliksik at upang malaman ang impormasyon mapagkakatiwalaan.
  8. May pananagutan - Ang mananaliksik ay dapat may pananagutan sa mga gawain niya upang maayos at organisado ang mga proseso ng pananaliksik.


Pananagutan ng Mananaliksik
  1. Pagsunod sa etika
    1. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang pantao ng iba, katulad ng kalayaan at katahimikan. Maaring ito ay sa pagkuha ng impormasyon mula sa ibang tao kung saan dapat may konsento nila bago simulan ang prosesong ito (National Committees for Research Ethics in Norway, 2006).
  2. Pag-iwas sa plagyarismo
    1. Sinasabi nito na dapat bigyan ng tamang pagkilala ang mga pinakuhanan ng impormasyon, datos, o ideya. At hindi paggamit ng mga sinabi, termino o ideya nang walang karampatang tala.
    2. Ayon kay Ballenger (1999) at National Committees for Research Ethics in Norway (2006), nnagagawa ito sa paghingi ng permiso ng manunulat ng akdang gagamitin, paglagay ng pangalan ng manunulat pati ang taon ng paglathala ng datos, paglagay sa bibliograpiya ang kumpletong listahan ng ginamit na datos, at pagkilala ang ideya ng awtor kung gagamit ng panipi o tuwing paglagay ng ideya sa iyong sariling salita.


Pagkain


  1. Ano ang pagkain?
Sa larang ng agbuhay o byolohiya, palaging ginagamit ang salitang pagkain. Ang pagkain sa isang hayop ay maaaring hindi pagkain sa iba, dahil iba-iba rin ang kailangan ng bawat organismo. Ang karaniwan sa lahat ng itinuturing pagkain ay ito ang pinagkukunan ng enerhiyang kailangan ng mga organismo para mabuhay (Reece & Campbell, 2011). Mula doon, masasabi rin natin na ang pagkain ay nagsisilbing “imbakan” ng isang anyo ng enerhiya. Kapag ito’y kinain, iniiba ng ating katawan ang uri ng enerhiyang ito sa anyong magagamit natin sa ating araw-araw na pamumuhay.


  1. Bakit mahalaga ang pagkain?
    1. Pangunahing dahilan
Kumakain tayo dahil kailangan nating mabuhay. Kailangan ng ating katawan ng enerhiya (Fox, n.d.). Ito ang pangunahing rason kung bakit tayo kumakain - kasi ang pagiging busog at ang pagkakaroon ng nutrisyon ay pangangailangan para sa buhay. Ngunit hindi ito lamang ang totoong dahilan kung bakit tayo kumakain. Kung ganun ang sitwasyon, kontento na dapat ang mga tao na kumain ng dahon ng halaman sa may gilid o kaya’t prutas ng puno sa tabi-tabi. Pero hindi ito ang ginagawa natin! Bakit kaya?
    1. Iba pang dahilan
Kung mapapansin natin, halos lahat ng nabubuhay dito sa mundo ay kumakain. Ngunit napansin niyo ba na tayo lang ang kilalang organismong sadyang nagluluto ng ating pagkain (Fox, n.d.)? May mga sekundaryong kahalagahan ang pagkain dahil dito. Kapag niluto at maingat na pinaghahandaan ang pagkain, nagagawan natin ng malikhaing bersyon ang lasa at itsura pagkaing iyon.


KULTURA - Dahil sa iba’t ibang paraan ng pagluluto at klase ng pagkain na
mayroon sa buong mundo, ang pagkain ay nasasama sa kultural na identidad ng
isang bansa o lugar (Almerico, 2014).
Isang halimbawa nito ay ang hilaw na isda. Kung ikaw ay nakatira sa
Hapon, maaaring ang una mong maiisip ay ang sushi. Kung ikaw naman ay
Pilipino, maaaring ang inuugnay mo sa ideyang ito ay ang kinilaw o kilawin na ating
bersyon naman ng hilaw na isdang kinakain. Pareho lamang ang payak na
konsepto ng pagkaing ito, ngunit may pagkakaiba pa rin ang dalawang halimbawa
dahil magkaiba ang kultura at karanasan ng mga tao sa bawat bansang iyon.  Isa
pang halimbawa nito ay ang pag-uugnay natin sa isang bansa o kultura ang isang
pagkain. Ang spaghetti ay inuugnay sa Italya. Ang dimsum ay inuugnay sa Tsina.
Ang adobo ay inuugnay sa Pilipinas. Ang pagkain ay nasasama sa kultural na
indentidad ng bansang iyon.
    
INTERAKSYON - Sinasabi rin na ang pagkain ay bahagi ng ating interaksyon
kasama ang ibang tao. Kagaya ng ibang mga hayop katulad ng leon o unggoy,
Madalas tayo kumain nang kasama ang ating pamilya o mga kaibigan
(Beening, 2015). Para sa ibang hayop, siguro ito ay likas na ugali lamang o
instinct. Sa mga tao, nagiging paraan ito para makasama natin ang ating pamilya
at kaibigan, kaya ito rin ay nagiging dahilan kung bakit tayo kumakain.


EMOSYON - Maaari rin nating iugnay ang emosyon sa pagkain. Karaniwan na
maraming nakakaramdam ng tuwa kapag kumakain sila
(Fox, n.d.). May mga pananaliksik rin na nagsasabi na
ang ating pinipili na pagkain ay representasyon ng ating nararamdaman
(Almerico, 2014). Isang halimbawa nito ay ang
pagpili natin ng mas “sosyal” na pagkain o ang paghanda natin ng malaking piyesta
kapag mayroong ipinagdidiwang. Dahil sa mga kaganapang ito, nakararamdam
tayo ng labis na tuwa, naaapektuhan ang ating plano sa pagkain. Kapag tayo
naman ay nalulungkot o nalulunod sa maraming gawain, maaaring lumalakas ang
kagustuhan nating kumain ng paborito nating pagkain o  comfort food dahil
nagbibigay ito ng kasiyahan o kaginhawahan sa atin.


Malnutrisyon


  1. Ano ang malnutrisyon?
    1. Kahulugan - Galing sa mismong salita, ang unlaping “mal” ay nangangahulugang “mali”. Mula dito, makikita natin na ang kahulugan ng malnutrisyon ay ang pagkakaroon ng maling nutrisyon sa katawan ng isang tao.
    2. Klase/Anyo - Ayon sa World Health Organization o WHO (2005), ang malnutrisyon ay maaaring nas anyo ng (1) kakulangan sa nutrisyon o (2) sobra sa nutrisyon. Mas madalas na ginagamit ang konsepto ng kakulangan sa nutrisyon sa mga estatistikang nakikita sa mga balita.
    3. Sanhi - Ang dalawa sa mga pangunahing sanhi ng malnutrisyon ay ang hindi sapat na pagkain at tubig, at mga sakit. Ito ay naaapektuhan ng kondisyon ng tirahan ng tao, bigat ng populasyon doon, at ang pagkakaroon ng sapat na programang pangkalusugan galing sa gobyerno o iba pang organisasyon.


  1. Kalagayan ng malnutrisyon
    1. Sa Pilipinas
Noong 2015, ang chronic malnutrition rate para sa mga batang edad dalawa pababa ay 26.2% ayon sa isang survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) at Department of Science and Technology (DOST) at ang bilang na ito ang pinakamataas sa nakalipas na sampung taon (Aquino, 2016).


Ayon sa isang magkasamang pag-aaral ng UNICEF at ASEAN, nakita na nagkaroon ng dagdag na 400 porsyento sa mga batang edad 5 pababa mula noong 1992 hanggang 2013 (Perez, 2016).  Makikita sa pag-aaral na ito na ang malnutrisyon ay maaaring manggaling din sa pagkain ng sobra at hindi lang sa kakulangan ng pagkain.


  1. Paano iwasan ang malnutrisyon?
    1. Mga Halimbawa ng Programa
      1. Ang organisasyon na Save the Children Philippines ay sinimulan ang proyekto na Community Management of Acute Malnutrition (CMAM) upang tumulong na mabawasan ang malnutrisyon at magbigay ng maternal care gamit ang kamalayan sa publiko, tamang nutrisyon, at mga ibang solusyon. Ipinakilala na ito sa National Capital Region (NCR) simula sa Lungsod ng Navotas pagkatapos ang implementasyon nito sa Visayas at Mindanao (Aquino, 2016).
      2. Ang Kagawaran ng Kalusugan ay nilunsad ang Infant and Young Child Feeding (IYCF) noong 2002 kasama ang World Health Organization (WHO) at United Nations Children's Fund (UNICEF) upang mapaganda ang nutrisyon at kalusugan ng mga bata edad tatlo pababa at sa kalaunan ay mabawasan ang mga kamatayan ng sanggol (Deparment of Health, n.d.)
      3. Isa pa ang Micronutrient Program sa mga nilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan kung saan nilalayon nitong mabawasan ang mga problema ukol sa nutrisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas magandang daan sa murang tulong sa kalusugan lalo na sa mga grupong apektado o mataas ang pagkakataong maapektuhan ng malnutrisyon (Department of Health, n.d.).


    1. Food Pyramid
Ipinapakita ng Food Pyramid kung gaano karami ang dapat kainin sa iba’t ibang klase ng pagkain para maging balanse at masustansiya ang diyeta ng isang tao. Nakahati sa anim na bahagi  na nagbibigay ng saklaw ng nutrisyon at enerhiya na kinakailangan para sa sapat na kaulusugan.


Prutas at gulay ang laman ng pinakamalaking bahagi ng Food Pyramid, kaya ito ang dapat kainin ng pinakamarami. Ang siryals, tinapay, patatas, pasta at kanin ay ang susunod na bahagi sa kalakihan. Marami ang kailangang kainin dito para mapanatili ang enerhiya at para gumana ang katawan. Ang gatas, yogurt, keso at isda naman ang nasa susunod na bahagi, na sinusundan ng karne, patani, itlog at mani. Ang pinakahuling bahagi ng Food Pyramid ay ang mga matatabain, mantikain at matatamis na pagkain, na dapat kainin ng kaunti lamang at hindi araw-araw.
a420b2f82464a35fb4ec164fc579f93a.jpg

    1. Healthy Eating Food Plate
Ang Healthy Eating Food Plate ay gawa ng mga eksperto sa nutrisyon sa Harvard School. Ginawa ito para maresolba ang kakulangan sa gawa na MyPlate ng U.S. Department of Agriculture. Nakahati sa apat ng bahagi ang Healthy Eating Food Plate, sa kung saan ang pinakamalaking bahagi ay para sa gulay, na sinusunod ng masustansiyang protina. Sinusunod naman nito ang prutas, at pagkatapos ay ang mga bigas, tinapay at iba pa. Nakalagay ito sa plato sa paraan ng sa kung ano dapat ang itsura ng iyong plato para masasabi mong balanse ang iyong kinakain. Ang masustansiyang mantika (tulad ng olive at canola oil) ay dapat gamitin, at nararapat na iwasan ang mantikilya. Ang tubig naman ay dapat inumin ng madalas, at nararapat  iwasan ang masyadong matatamis na inumin.
HEPJan2015-1024x808.jpg

    1. Tips Para Makakain ng Masustansiya
      1. Para sa mga Sanggol at Maliit na Bata
        1. Para sa 0-6 buwan ang gulang, nararapat na ang breast milk ang palaging ipainom sa sanggol.
        2. Para sa mga 6-12 buwan ang gulang, nararapat  na isimula ang pagpakain ng solid na pagkain. Dapat iwasan ang masyadong mataba o matamis na pagkain. Gatas ang nararapat na ipainom.
        3. Para sa 12 at pataas na buwan ang gulang, nararapat na ipakain na ang ihinahanda para sa pamilya at ang full  cream na gatas.
      2. Para sa mga Bata:
        1. Importante ang almusual para makapokus ang bata sa eskwela.
        2. Importante din ang meryenda dahil marami ang gawain sa eskwela.
        3. Nararapat na gawing masustansiya ang tanghalian ng mga bata.
        4. Ang hapunan ay dapat kinakain kasama ang pamilya at nararapat na masustansiya at mas magaan din sa tiyan.
        5. Ang tubig at gatas ay ang pinakamagandang inumin para sa mga bata.
      3. Maghanda ng sariling pagkain.
Nakakasigurado ito na masustansiya at makakain mo at mapaplano mo rin ang lahat ng makakain mo kung ikaw mismo ang gumawa ng pagkain mo.
      1. Gawin ang tamang pagbabago.
Huwag madaliin ang pagbabago sa pag-kain at gawing pakonti-konti lang pagbabago para masanay ang katawan sa bagong lifestyle mo.
      1. Gawing simple ang pagkain.
Huwag gawing masyadong komplikado ang pagkain na kinakain para hindi mapagod sa paghanda nito.
      1. Basahin ang mga tatak sa pagkain.
Siguraduhin na nakakabuti ang mga nasa laman ng pagkaing kinakain.
      1. Uminom ng maraming tubig.
Minsan, akala mo lang na gutom ka pero uhaw ka lang pala. Madalas ay halos parehas ang pakiramdam ng dalawa.
      1. Huwag magmadaling kumain.
Mas mabilis magutom ang taong mabilis kumain kumpara sa taong mabagal kumain.
Konklusyon at Rekomendasyon


  1. Lagom
Ang pagkain ay masustansiyang bagay na gustong kainin o inumin ng mga tao o hayop na ginagamit din ng mga halaman para mas lumaki pa at mabuhay. Ang pangunahing rason kung bakit tayo kumakain ay dahil kailangan natin ito para mabuhay at para makakuha ng enerhiya at lakas. Ang iba pang dahilan sa kung bakita tayo kumakain ay ang mga sumusunod: 1) karanasan ng pag-kain ng di-karaniwang pagkain,  2) pagpakita ng kultura, 3) interaksyon sa iba at 4) emosyon na nararamdaman natin sa pagkain. Malaki ang isyu ng malnutrisyon o maling nutrisyon sa katawan sa Pilipinas. 26.2% na ang chronic malnutrition rate para sa mga 0-2 taong gulang sa Pilipinas. Tumaas din ng 400% ang mga sobrang timbang na mas bata sa 5 taong gulang. Maaring labanin ang malnutrisyon at kumain ng masustansiya sa pamamagitan ng pagsunod sa Food Pyramid at sa Healthy Eating Plate. Nararapat din na isunod ang mga tips ng pag-kain ng tama at piliin ang mga tamang pagkain na kainin para mas maging balanse ang diyeta.

  1. Opinyon ng Grupo
Sa tingin namin, nakakaligalig ang mga estatistiko ng malnutrisyon sa Pilipinas, lalo na tungkol sa mga bata ang mga ito. Ang malungkot dito ay hindi naman ito kasalanan ng bata, dahil wala silang malakas na kontrol sa pagkain na kayang ibigay sa kanila ng kanilang magulang. Isang senyas at palatandaan ito para sa gobyerno at ibang organisasyon na kailangan ng mga pangmatagalang programa na matutugunan ang suliraning ito. Mahirap malutas ang problema ng kahirapan, pero sana ay malimita ang epekto nito kagaya ng malnutrisyon.
Sa ating lipunan, napansin rin namin na napakamali ang paglalagay ng mahal na presyo sa pagkakaroon ng malusog na katawan. Hindi tama na ang mga may sapat na pera lamang ang pwedeng magkaroon ng maayos na kalusugan. Hindi ba dapat karapatan ito ng lahat ng tao? Ngunit nakikita namin na pinagkakakitaan lamang ito ng ibang tao. Maganda sana kung lahat ng tao ay may oportunidad na kumain ng masustansyang pagkain.
Para sa amin, hindi sapat ang ginagawa ngayon ng gobyerno at ng ibang institusyon para malutas ang malnutrisyon. Nakakatulong ito, ngunit para maging pang-matagalan ang paglutas sa malnutrisyon, dapat mas bigyan pa ito ng priyoridad at  dapat hindi mawala ito sa isip ng mga taong may kapangyarihan na baguhin at sitwasyon ng malnutrisyon sa Pilipinas.


  1. Mga Mungkahi  
Napakaswerte ng marami sa atin sa komunidad ng Pisay dahil halos lahat tayo ay may kaya namang kumain ng masustansyang pagkain. Ang pangunahing mungkahi ng aming grupo ay sana maging maingat tayo sa ating pinipiling pagkain. May opportunidad tayong pumili ng tamang pagkain, kaya sana nagagawa natin ito para maging maayos ang
ating kalusugan. Isa pang mahalagang payo ng aming grupo para sa sarili niyong kalusugan ay kailangan alalahanin na iba ang pagiging malusog sa pagiging mapayat o kaya naman batak. Hindi naman masama na gustuhin ang mga iyon, ngunit sana naman na ang pangunahing rason kung bakit tayo kumakain ng tama ay para sa ikabubuti ng ating kalusugan.
Sa Pisay, madalas na hindi tayo makakain ng tama dahil sa sobrang daming gawain at inaatupag sa eskwela. Marami sa atin ay kung hindi labis ang pagkapayat, sobra naman ang timbang dahil nawawalan din tayo ng oras para makapag-gawa ng pisikal na gawain at dahil madalas fast food o junk food ang nakakain natin. Ngunit dahil nga na marami sa atin ay may pribelehiyo at nakakakain ng tama, dapat piliin natin ang kung ano ang makakabuti para sa atin. Hindi maaaring dahilan ang kakulangan sa masustansyang pagkain!
Para sa amin, ginagawan naman ng paraan ng Pisay ang problemang ito. Palaging may mga senyas at infographic  na nakapaskil sa klinika ng paaralan, at pinaghahandaan talaga ng curriculum rin ang PEHM o Pisikal na Edukasyon, Health, at Musika. Sinusuri rin ng mabuti ng administrasyon ng Pisay ang pagkain na binebenta sa cafeteria. Pinagbawalan rin ang pagbebenta ng junk food! Mula dito, nakikita namin na ang malaking bahagi na lang na kailangan para magkaroon tayo ng malusog na katawan, bilang mag-aaral ng Pisay, ay ang disiplina para piliin ang tamang pagkain.

Bilang iskolar naman ng bayan, maganda rin na bigyang-pansin ang malnutrisyon,
lalo na sa pananaliksik. Siguro ngayon, hindi madaling makaisip ng suliranin para sa
problema ng malnutrisyon sa mga mahihirap. Sa nakaraan, mayroon kakaiba at simpleng
proyekto na maaaring gamitin para makatulong sa mga sanhi ng malnutrisyon. Isang
halimbawa nito ang water filter na ginawa ng mga nakatatandang estudyante ng Pisay.
Kung magagamit ito sa lipunan, isa itong tulong sa mga taong hindi nakakakuha ng malinis
na tubig na pang-inom. Ang mga pananaliksik na tulad nito ang maganda sanang gawin.
Dahil alam na natin ngayon ang suliranin ng malnutrisyon sa ating bansa, mahusay kung
may magagawa tayo tungkol dito!

Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon