Block C: Boodle Fight
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEizyoo7jqUIHtg7NU_zaFkwR9jH1l17Q_ki-WhHkpC_9OU-JsKvBfzqdq6GbnGEljT5JI1A7Ul5cw5I16_LhOpQPVRYM-MH45F2OmwzklHMVsy2xIioU1r70lvczJjpQnlBvjpn47t9BFD1/s320/boodle+fight.png)
Sa pagpili ng paksa para sa aming workshop, sa dalwang salita lamang umikot ang aming mga ideya - pagkain, marami. At ano pa ba ang pinka-Pinoy na gawain na may kinalaman sa pagkain nang marami? Edi Boodle Fight!
Nagsaliksik ang aming grupo ukol sa mga kasalukuyang kaalaman uko sa boodle fight. Sinuri namin ang mga nakalap na impormasyo at dalawang bagay ang aming napag-alaman: Ang boodle fight ay 1) isang katangi-tanging gawain na sumasalamin sa agrikulturang paraan ng pamumuhay at 2) isang mabisang tagapag-sulong ng pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino.
Nagsaliksik ang aming grupo ukol sa mga kasalukuyang kaalaman uko sa boodle fight. Sinuri namin ang mga nakalap na impormasyo at dalawang bagay ang aming napag-alaman: Ang boodle fight ay 1) isang katangi-tanging gawain na sumasalamin sa agrikulturang paraan ng pamumuhay at 2) isang mabisang tagapag-sulong ng pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino.
Tatalakayin ng mga sumusunod na seksyon ang mga naging pagpaplano, implementasyon, talakayan, at repleksyon sa aming workshop.
Pagpaplano
- Paksa: Boodle Fight
- Isyu: Pagbabalik Tanaw at Pagpapahalaga sa Kulturang Boodle Fight
- Talakayan
- Kahulugan ng boodle fight
- Pinagmulan/Kasaysayan ng boodle fight
- Mga Pagdiriwang na may boodle fight
- Tamang asal/ugali sa pagsali sa boodle fight
- Kasalakuyang kalagayan ng boodle fight sa bansa
- Aktibidad
- Talakayan
- Kainan
- Paglilinis
- Materyales
I. Para sa talakayan
- Projector
- Powerpoint presentation
II. Pasa sa handaan
- mahabang mesa
- sariwang dahon ng saging
- Pagkain (barbeque, kamatis, itlog na pula, kanin, corned tuna, palitaw)
- hinawan/hugasan ng tubig
- transparent plastic gloves
- basurahan
- Iskedyul
Ika-16 ng Mayo 2017, 11:45nu.
11:15nu - 11:45nu - Paghahanda ng mga Pagkain (Jonel, Juancho, at Lenard)
11:45nu - 12:00nh - Talakayan
12:00nh - 12:30nh - Kainan
12:30nh - 12:45nh - Pagliligpit ng mga Pinagkainan
Talakayan / Nilalaman ng Workshop
Kahulugan
Ang “boodle fight”, kung isasalin sa pinakaliteral na paraan, ay nangangahulugang kaguluhan ng maraming tao. Hindi man nalalakip ng saling ito ang buong diwa ng boodle fight,, isa naman itong tumpak na paglalarawan. Ang boodle fight, sa katunayan, ay isang malaking pagsasalo-salo ng maraming tao sa iba’t ibang pagkaing inihanda sa dahon ng saging na inilatag sa mahabang mesa. Bukod pa rito, ang boodle fight ay isa ring uri ng kamayan (walang kubyertos).
Kasaysayan
Wala mang pangunahing sanggunian na tumatalakay sa kasaysayan ng boodle fight, marami ang nagsasabi na nagmula ito sa militar ng Pilipinas. Nakasanayan na ng mga sundalo ang pagkakamay at hindi paggamit ng plato upang mas magamit nila ang kanilang oras sa mas mahahalagang gawain. Sa aming hinuha, ang katagang “boodle fight” ay ang siyang naging paglalarawan ng mga sundalong Amerikano sa nasabing gawain ng mga sundalong Pilipino. Sa kasalukuyan, mas tinatangkilik ang “boodle fight” kaysa sa “kamayan” dahil mas may dating at pagsubok itong dala.
Mga Pagdiriwang
Dahil na rin siguro sa mga magagandang karanasan na nabuo ng boodle fight, nagawa na rin itong isagawa sa iba’t ibang pagdiriwang sa buong bansa. Kasama na sa mga pagdiriwang na ito ang ilang kapistahan sa bansa, mga family reunion, food bazaars, at pati na rin sa mga pakain ng mga politiko.
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga kapistahang nagsasagawa ng boodle fight:
- Laoag Festival - May hawak ng World Record sa Pinakamaraming Nakilahok sa Isang Boodle Fight
- Bangus Festival ng Dagupan, Pangasinan
- Mangunguna Festival ng Bolinao, Batangas
Mga Pagkain sa Boodle Fight
Dahil isinasagawa ang boodle fight na kamayan, mga inihaw at piniritong pagkain ang kadalasang inihahanda. Ang kanin naman, na pinakamarami sa buong handa, ay ipinipwesto sa gitna at sa pahabang orientasyon upang madaling abutin ng lahat ng makikilahok. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pagkain sa boodle fight:
- Kanin (Puti o java)
- Inihaw na karne (manok, baboy)
- Lechong Baboy
- Inihaw na isda (bangus, tuna, tambakol)
- Sisig
- Lamang dagat (hipon, inihaw na pusit, alamasag, tapalang)
- Sariwang gulay (kamatis, pipino)
- Prutas (pakwan, mangga)
Ilang Paalala sa Paglahok sa Boodle Fight
- Siguraduhing maghugas ng kamay.
- Kumuha lamang ng kayang isubo.
- Iwasan ang paglipat-lipat ng pwesto. (Hindi kaakit-akit ang pagkain sa pwesto na nakainan na ng iba.)
- Iwasan ang pagkalat ng sawsawan. (Maaaring hindi gusto ng iba ang sawsawan.)
- Iwasan ang masyadong paghahalo-halo ng mga pagkain. (Upang maiwasan ang pagkain ng iba sa mga pagkaing may allergy sila.)
Kalagayan ng boodle fight sa bansa
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang boodle fight sa mga ilang kapistahan sa Pilipinas, family reunions, food bazaars, at mga pahanda ng mga politiko. Mayroon na ring mga restawran na nag-aalok ng boodle fight. Ang pinakamalapit at kilala na siguro sa mga ito ay ang Gerry’s Jeepney sa Diliman.
Dokumentasyon / Pagsasalaysay ng Naganap na Workshop
KAININAN NA! Masaya ang kinalabasan ng boodle fight dahil marami ang mga kumain. Nabusog ang aming mga kaklase at ito ay kitang kita sa kanilang mga ngiti habang kumakain.
Repleksyon
Sa panahon ngayon, madalang na naguusap ng matinuan ang mga magkakaibigan o kaya ang mga magkakamag-anak dahil sa teknolohiya. Ngunit, dahil sa boodle fight, naaanyayahan lahat na gamitin ang kamay kumain kaya’t nakakapagusap ng maayos ang mga tao at walang teknolohiya na sumasagabal sa interaksyon. Sa block C, ang napansin ng grupo namin ay, lahat ay nakikipag-usap sa isa’t isa sa hapag kainan. Makikita na masaya ang lahat habang kumakain at ito ay dahil sa: masarap na pagkain, magandang kapaligiran at masaya mga kasama. Sa madaling salita, binusog ng aming workshop ang mga tiyan at puso ng mga mag-aaral ng Block C.
Sanggunian
Ang mga sumusunod ay ang mga sanggunuan na nakatulong sa aming workshop. Kasama rin ang kaalamang aming nagamit o napulot sa bawat sanggunian.
Ang mga sumusunod ay ang mga sanggunuan na nakatulong sa aming workshop. Kasama rin ang kaalamang aming nagamit o napulot sa bawat sanggunian.
1. Manitoba Filipino Journal: The Pulse of Filipino Community Since 1987 Issue 28 Vol 23. It’s not a feast, It’s a boodle fight! http://filipinojournal.com/not-feast-boodle-fight/
Tinatalakay ng artikulong ito ang kulturang boodle fight ng mga Pinoy at kung paano ito napapanatili at nagagawa ng mga OFW. Nagbigay rin ang artikulo ng mga ulam na maaaring ihanda sa boodle fight. Magagamit namin ang sanggunian ito sa pagpili ng mga ulam na ihahanda at pati na rin sa presentasyon ng mga pagkain.
2. Food Finds Asia. How to Make (and Enjoy) a Backyard Boodle Fight ni Lizette Barreto-Gueco http://www.foodfindsasia.com/how-to-make-and-enjoy-a-backyard-boodle-fight/
Kasama sa artikulo ang ilang mga tips na makakatulong sa amin makapaghanda ng isang masarap at masayang boodle fight. Ilan dito ay ang paraan ng pagkakamay, lugar ng kainan at iba pa. Isasama ang mga payong ito sa talakayan.
3. Inquirer.net. The Boodle Fight ni Simeon Dumdum Jr.
http://newsinfo.inquirer.net/210027/the-boodle-fight
Nilalaman ng balita ang ilang kahulugan at ginagampanan ng boodle fight sa Pilipinas. Bukod pa rito, naktala rin sa balita ang isang karanasan ng isang Pilipino na bago sa konsepto ng boodle fight. Sa aming workshop, gagamitin ang sanggunian na ito upang talakayin ang tamang asal sa partisipasyon sa boodle fight.
4. BlauEarth. Boodle Fight Lunch. https://blauearth.com/2013/06/08/boodle-fight-lunch/
Makikita sa artikulong ito ang mga aktwal na larawan ng isang boodle fight. Ang posisyon ng mga pagkain, ulam, at prutas, ay kita sa bawat larawan. Magagamit namin ito sa pagpoposisyon ng mga pagkain para sa gaganaping boodle fight.
5. Certified Foodies. Our #ClaraOlePotluck Fiesta, Boodle Fight Style ni Michelle Ignacio
Ipinanaphayag ng artikulo ang isang karanasan kung saan naghanda sila ng boodle fight na may theme na Fiesta. Iuugnay namin ito sa mga fiesta sa Pilipinas na gumagamit ng boodle fight. Pagkatapos, iuugnay ito sa ginagampanan ng boodle fight sa kultura ng bansa at kung paano ito unti-unting nawawala.
6. Yummy. 5 Things Every Boodle Must Have
http://www.yummy.ph/lessons/prepping/5-things-every-pinoy-boodle-must-have-adv-con
Nakatala sa artikulong ito ang mga pangunahing pagkain na bumubuo sa boodle fight. Nariyan ang kanin, mga pritong ulam (para madaling kamayin, mga inihaw, gulay at salads, at inumin. Sa aming ihahanda, gagawin itong gabay sa pagpili ng mga ulam na isasama.
Iba pang sanggunian:
Angeles, J. (2012). Kakulangan sa Pagkain. Suliranin ng Pinas. Retrieved from: jonasblue.blogspot.com
Arvin. (2014). Food poisoning, lason pagkain o panis: Medication, gamot, pagkaon pan-os, causes, remedy. Buhay ofw. Retrieved from: buhayofw.com
Luzon, N. (2016). The world doesn't need to love filipino food. Food & drink. Retrieved from: esquiremag.ph.
Paraz, M. (2015). Why do Filipinos like American so much? Quora. Retrieved from: quora.com
Pineda, M., & Lopez-Quimpo, C. (2016). 50 dishes that define the Philippines. Culinary journeys. Retrieved from: edition.cnn.com
Taruc, J. (2015). Vamos a comer. GMA News Online. retrieved from: gmanetwork.com
Comments
Post a Comment