Block C: Pagsiyasat sa mga Grafiti’t Miyural bilang Anyo ng Sining Biswal

Mabuhay! Kami sina Larkin Dumelod, Timothy Romero, Rio Constantino, at Sarah Yu. Nais naming ibahagi ang aming mga naranasan at natutunan mula sa aming workshop, na ang pokus ay ang mga grapiti't miyural bilang isang uri ng sining biswal.


Kopya ng Final na Plano



  1. Paksa: Pagsiyasat sa mga Grafiti’t Miyural bilang Anyo ng Sining Biswal
  2. Isyu: Grafiti’t Miyural bilang Pagpapahayag o Ekspresyon
  3. Talakayan
      1. Kahulugan at Halimbawa ng Sining Biswal
      2. Grafiti at Miyural bilang Modernong Anyo ng Sining Biswal
      3. Mga Uri at Halimbawa ng mga Grafiti at Miyural sa Metro Manila
      4. Mga Kilalang Pilipinong Pintor ng mga Grafiti at Miyural
  4. Aktibidad/Workshop
    1. Lumatag ng apat o limang (illustration board) sa labas na may pahayagan sa ilalim. Ihanda din ang mga iba pang materyales.
    2. Ipaliwanag sa klase kung paanong gamitin ang mga inihandang stensil.
    3. Ipamahagi ang mga pinta at plastik sa mga kaklase.
    4. Payagan ang mga kaklase ng subukin ang paggamit ng stensil.
    5. Magpakita din ng iba’t ibang paraang gumamit ang pinta.
  5. Materyales
    1. Illustration board
    2. Markers
    3. Spray paint
    4. Papel na stensil
    5. Maliit na mga plastik bag
    6. Acrylic paint
  6. Iskedyul
    1. Aktibidad/Workshop - 25 minuto
    2. Panayam - 25 minuto
      1. Kahulugan at Halimbawa ng Sining Biswal - ~3 minuto
      2. Grafiti at Miyural bilang Modernong Anyo ng Sining Biswal - ~5 minuto
      3. Mga Halimbawa ng mga Grafiti at Miyural sa Metro Manila - ~3 minuto
      4. Mga Kilalang Pilipinong Pintor ng mga Grafiti at Miyural - ~3 minuto
    3. Pagligpit


Hand-out


Ang grapiti at miyural ay dalawang uri ng sining biswal, na kadalasang ginagawa sa mga pampublikong lugar. Kumpara sa dating mga gawain na gumagamit ng canvas o papel bilang midyum ng panguguhit, ginagamit naman nitong dalawang uri ng sining anumang kalatagan o surface, gaya ng isang pader. Para magawa nila ang kanilang mga guhit, ang mga “street artists” ay kadalasan gumagamit ng spray-paint, marker, lapis, stickers, at iba pang kasangkapan na madaling gamitin sa mga pampublikong lugar.


  • Kahulugan ng Grapiti Ang Grapiti ay nangaling sa salitang Italiano na Graffere, na ang ibig sabihin ay pagkalmutin ang isang kalatagan o surface. Isa itong uri ng “street art” na may halong katangiang mapanira, kaya’t madalas na itinuturing anyo ng bandalismo o pagrerebelde. Ngunit, hindi matatangal ang isang gawaing grapiti sa lugar kung saan ito ipinaskil na hindi rin masisira ang mensaheng pinapahayag nito. Isa ito sa mga importanteng katangian ng grapiti kung saan makikita ang pagkakaiba na to sa tradisyunal na pagpipinta.
  • Kasaysayan ng Grapiti Nagsimula ang modernong grapiti o “street art” sa New York noong 1970 sa mga ipinipinta na mural sa mga dumadaan na tren. Isa sa mga malaking impluwensiya sa grapiti ang estetik at kultura ng “Beat Generation”, isang kilusang pampanitikan na ang pokus ay pulika’t kulturang Amerikano matapos ang WWII. Kasami din dito ang mga gawain ni Andy Warhol, Roy Lichenstein, at iba pang sikat na ‘pop artist’ noong 1970s. At sa huli, napakalaki rin ang impluwensiya ng mga hip-hop artists sa grapiti dahil sa parehas nilang rebeldeng katangian.
  • Uri ng Grapiti Tag Ang pinakamadaling istilo ng grapiti. Gumagamit lang siya ng isang kulay para maguhit ang pangalan o “identifier” ng isang street artist. Throwup/Throwie Katulad ng tag, ang throwie ay ang pangalan ng street artist, ngunit ngayon nakaguhit gamit dalawang kulay at pabilog na titik. Blockbuster Ang blockbuster naman ay isang malaking throwie na ginawa gamit mga letrang may hugis parisukat. Kadalasan gumagamit ng “roller” ang mga street artist para marami silang maguhit sa loob ng maikling oras. Wildstyle Ang Wildstyle ay isang detalyadong throwie na mahirap basahin dahil sa pagamit nito ng mga hugis pana at pukpok sa kanyang mga letra na naiintindihan lang nga mga street artist. Heaven Masasabing Heaven ang gawain ng isang street artist kung nakaguhit ito sa isang lugar napakahirap puntahan, gaya ng billboard sa larawang ito. Maraming makukuhang respeto ang isang street artist na nakagawa ng Heaven dahil sa hirap na kailangan para matapos ito. Piece Ang piece ay isang larawan na ginawa “free hand”. Kadalasan marami itong kulay at matagal gawin, at gaya ng Heaven malaki ang respetong makukuha ng street artist na nakagawa ng Piece dahil sa kagalingan at katapangan na kinakailangan para matapos ito. Poster/Wheat Paste Ang Poster ay ginagawa sa bahay tapos linalagay sa lugar na gusto ng street artist. Tinatawag din itong Wheat Paste dahil sa uri ng pandikit na madalas ginagamit para dito. Sticker/Slap Ang Sticker ay parang Poster, ngunit mas maliit. Stencil Isa sa pinakamdaling (at para sa iba, pinakatamad) na paraan para gumawa ng grapiti ay ang pagamit ng Stencil. Ang kailangan lang ay maglagay ng spray paint sa taas ng Stencil, at dagdag pa, pwede rin ‘tong gamitin na paulit-ulit.


Mga ibang pintor ng grapiti sa Pilipinas

Hepe
buen151.jpg
Marami sa mga miyural ni Hepe ay nakalagay sa campus ng UP-Diliman. Madalas siyang gumamit ng uod sa kanyang mga larawan para batikusin ang mga pulis na sa kanyang pananaw ay bulok.

Lee Salvador Para kay Lee Salvador, ang Street Art ay isang paraan para maparating at mabigyan ng paraang makilahok sa sining ang mga taong walang pera para makapasok sa gallery. Ang kanyang mga larawan ng mga halimaw ay sumisimbolo sa mababang moralidad.

Brian Barrios Si Brian Barrios ay isang miyembro ng Anakbayan na gumagamit ng miyrual para mapahayag mga sosyopolitikal na paksa, gaya ng kanyang poster laban kay President Marcos. Marami sa mga mural niya ay naglalarawan ng mga emosyonal na eksena sa pagitan ng mga tao. Gerilya Ang mga gawain ng Gerilya, isang grupo ng mga pintor ng grapiti, ay inspirado ng kultura’t kasaysayan ng Pilipinas, gaya ng miyural ni Lapu-Lapu sa larawang ito. Ginagamit nila ang pagpipinta bilang pagproprotesta laban sa mga isyung pampulitika gaya ng korapsyon sa Pork Barrel at sa militarisasyon ng mga unibersidad.




Kahalagan ng Grapiti

Ang pang-unahing pang-gamit ng grapity ay and pagproprotesta. Dahil nakaguhit ito sa mga pampublikong lugar, madali lang kunin ang pansin ng mga dumadaan para tingnan at intindihan ang anumang paksa na linalahad ng isang grapiti. Isa siyang “Editoryal ng Lansangan”, dahil nakapagpapalaganap ng kamalayan ang grapiti ukol sa mga isyung sosyoplitikal at nakakapag-udyok ng damdamin. At kagaya ng anumang sining, ang grapiti ay salamin rin sa kultura ng lugar kung saan ito ipininta, lalong lalo na para sa grapiti ang mensahe ay nakatali sa lugar kung saan ito ipinaskil.





Konklusyon

Bilang konklusyon, ang street art ay maituturing isang lehitimong anyo ng sining biswal dulot ng tatlong dahilan. Una ay katulad ng ibang mga uri ng sining biswal, sila’y may layuning magpaganda ng kapaligiran. Ang street art, lalo na ang mga piece graffiti, ay nakapagbibigay ng buhay sa lungsod.

Pangalawa, gaya ng ibang mga anyo ng sining biswal, ang pagbuo ng mga grapiti’t miyural ay nangangailangan rin ng pagsasanay. Kung tutuusin, may karagdagan pa ngang hamon at kabigatan ang pagkumpleto ng street art sapagka’t mayroong posibilidad na mahuli ang isang pintor ng mga awtoridad. Sa gayong ito, hindi lamang talento sa pagguhit ang kailangan ng isang street artist; kailangan ring mabilis siyang gumalaw at magtrabaho. Sa ilang mga kaso pa, mapanganib ang pagbuo ng street art. Halimbawa nito ang pagbuo ng mga heaven grafitti, na pinipinta sa mga gilid ng mga tulay at sa mga matataas na bahagi ng mga gusali. Ang kahandaan ng mga street artist na ilagay ang kanilang mga sarili sa panganib para lamang makapagpinta ay katunayan ng kanilang dedikasyon sa kanilang craft. Dahil sa pagsasakripisyong ginagawa ng mga nasabing artist, karapat-dapat na tawaging sining ang street art.

Ikatlo, gaya ng ibang mga sining biswal, epektib ring midyum ng mga impormasyon at ekspresyon ang street art. Gamit ang grapiti’t miyural, ang mga street artist ay nakapagpapahiwatig ang mga street artist ng impormasyon at nakapaguudyok rin ng damdamin. Sa ibang salita, ang street art ay hindi lamang nakapagpapaganda ng paligid, ngunit nakapagpapaisip at nakapagpaparamdam rin sa mga tagapagmasid. Dahil sa ganitong katangian ng street art ay maaaring gamitin bilang editoryal ng lansangan, na makapagkakalat ng mga opinyon at kamalayan ukol sa mga isyung sosyopulitikal. Sa gayong ito, naisasalamin ng mga grapiti’t miyural ang kultura’t kalagayan ng pook o bansa kung saan natatagpuan ang mga ito.

Bilang wakas, ang street art ay isang uri ng sining na nakapagpapaganda ng paligid, pinaghihirapan ng mga artist, at may kakayahang magtaglay ng makabuluhang mga mensahe.


Rekomendasyon

Inirekomenda ng pangkat na ipahayag din ang isyu ng grapiti at miyural sa konteksto ng ibang bansa din, dahil maaring iba ang pananaw nila sa uri ng sining na ito. Bukod sa paghahanap ng iba pang sanggunian, maaari ring mangasiwa ng mga pakikipanayam sa mga propesyonal o eksperto sa sining, o mga taong na halos dumadaan sa mga grapiti o miyural.




Salamat sa inyong pagbabasa! Nasiyahan kami sa paggawa ng aktibidad na ito, at sana rin mayroon kayong natutunan tungkol sa aming paksa.

--Larkin, Tim, Rio, & Sarah



Sanggunian

Allen, J. (n.d.) 9 Game-Changing Moments in the History of Street Art. Mentalfloss.com. Retrieved 17 May 2017, from http://mentalfloss.com/article/58725/9-game-changing-moments-history-street-art


Akbar, A. (2008). Graffiti: Street art – or crime?. The Independent. Retrieved from http://www.independent.co.uk/arts-entertainment/art/features/graffiti-street-art-ndash-or-crime-868736.html


Bajar, K. (2017). Manila’s mean streets: 7 Filipino street artists – part 3 | Art Radar. Artradarjournal.com. Retrieved 17 May 2017, from http://artradarjournal.com/2014/05/16/manilas-mean-streets-7-filipino-street-artists-part-3/


Boaz, D. (2012). Separation of Art and State. The New York Times. Retrieved from https://www.nytimes.com/roomfordebate/2012/05/01/how-to-fund-the-arts-in-america/separation-of-art-and-state


Bryant, B. The Importance of Fine Arts Education. Katyisd.org. Retrieved 17 May 2017, from http://www.katyisd.org/dept/finearts/Pages/The-Importance-of-Fine-Arts-Education-.aspx


Cowen, T. (2012). How the United States Funds the Arts (3rd ed.). Washington, DC: National Endowment for the Arts. Retrieved from https://www.arts.gov/sites/default/files/how-the-us-funds-the-arts.pdf


de la Paz, C. (2009). Modern Graffiti Artist: HEPE : Philippine Art, Culture and Antiquities. Artesdelasfilipinas.com. Retrieved 17 May 2017, from http://www.artesdelasfilipinas.com/archives/71/modern-graffiti-artist-hepe


DeNotto, M. (2014). Street art and graffiti: Resources for online study. College & Research Libraries News, 75(4), 208-211. doi:http://dx.doi.org/10.5860/crln.75.4.9109


Riggle, N. A. (2010). Street art: The transfiguration of the commonplaces. The Journal of Aesthetics and Art Criticism, 68(3), 243-257.


Salcedo, E. (2014). Pinto Museum’s art management philosophy. Philippines Daily Inquirer. Retrieved from http://business.inquirer.net/173765/pinto-museums-art-management-philosophy


Visconti, L. M., Sherry, J. F., Borghini, S., & Anderson, L. (2010). Street art, sweet art? Reclaiming the “public” in public place. Journal of Consumer Research, 37(3), 511-529.


White, A. (2014). From primitive to integral: the evolution of graffiti art. Journal of Conscious Evolution, 11, 1-13.


Alonso, A. (1998). Urban graffiti on the city landscape. San Diego State University.


10 Controversial Works by Filipino Artists. (2015). Spot. Retrieved from http://www.spot.ph/arts-culture/64332/10-controversial-works-by-filipino-artists



Apendiks Apendiks A Mga grafiti sa Maginhawa Street



Apendiks B

Sir Maed a huge mistake.jpg
Sir Maed a huge mistake (1).jpg
Sir Maed a huge mistake (2).jpg
Sir Maed a huge mistake (3).jpg
Sir Maed a huge mistake (4).jpg
Sir Maed a huge mistake (16).jpg
Sir Maed a huge mistake (17).jpg
Sir Maed a huge mistake (5).jpg
Sir Maed a huge mistake (18).jpg
Sir Maed a huge mistake (6).jpg
Sir Maed a huge mistake (7).jpg
Sir Maed a huge mistake (8).jpg
Sir Maed a huge mistake (9).jpg
Sir Maed a huge mistake (10).jpg
Sir Maed a huge mistake (11).jpg
Sir Maed a huge mistake (12).jpg
Sir Maed a huge mistake (13).jpg
Sir Maed a huge mistake (14).jpg
Sir Maed a huge mistake (15).jpg

Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon