Block D: Arnis

Kumusta naman! Kami nga pala sina Yanna Banatao, Anne Espiritu, Alfonso Gavino, at Jay Lopez!

Itinalakay namin ang ating pambansang laro, Arnis!

Bukod rito, itinalakay natin ang problema ukol sa diskrimansyon sa mga Muslim. Ginawa naman namin ito sa pamamagitan ng moro-moro, isang dula mula sa panahon ng mga Kastila na nagpapakita ng laban ng mga Kristiyano at mga Muslim.

Sandali lang, heto ang aming papel:

Paksa
Ang Arnis sa Kasaysayan at Kultura ng Pilipinas
Isyu
Ang Diskriminasyon sa mga Muslim sa Kasalukuyan
Talakayan
  1. Kasaysayan ng relihiyong Islam
  2. Islam at Kristiyanismo sa Pilipinas
  3. Pananaw ng mga tao sa Muslim
  4. Halimbawa ng diskriminasyon sa mga Muslim sa kasalukuyan
Aktibidad/Workshop
    Dula (Moro - moro)
  1. Ang aming grupo ay gagawa ng isang dula na nakabatay sa isang katangian ng isang Moro-moro, ang labanan ng mga Muslim at Kristiyano.
  2. Bibigyan ang bawat estudyante ng yantok.
  3. Tuturuan ang mga estudyante ng 18 basic strike na ginagamit sa arnis.
  4. Pipili ng ilang estudyante upang ipakita sa klase ang natutunan na porma.
  5. Pagkatapos ng dula ay may mga papanooring video ukol sa diskriminasyon ng mga muslim.
  6. Tatalakayin ng grupo ang ilang mga ideya tungkol sa isyu at kung may oras pang natitira ay maaaring magkaroon ng open forum.
Materyales
  1. Mga yantok
  2. Props
  3. Laptop
  4. Speaker
  5. Projector
Iskedyul
    Lunes (8:20 - 9:10):
        8:20 - 8:45 Dula / Pagtatalakay ng Paksa sa Pananaliksik
        8:45 - 9:00 Pagtatalakay ng Isyu
        9:00 - 9:10 Paglalagom
    Martes/Huwebes (8:00 - 8:50):
        8:00 - 8:25 Dula / Pagtatalakay ng Paksa sa Pananaliksik
        8:25 - 8:40 Pagtatalakay ng Isyu
        8:40 - 8:50 Paglalagom
Sanggunian

N. Espino (Personal Communication)
  • Si Sir Nathan ang coach ng Alyabo, ang arnis club ng Pisay. Maraming taon na siyang nagtuturo ng arnis sa mga estudyante. Makakatulong siya sa amin sapagkat siya ay bihasa at may karanasan sa pagtuturo.

Esteban, C.P. (2009). Ang Pilipinas sa Makabagong Henerasyon: Bagong Serye ng Makabayan 5. Makati: The Bookmark, inc.
  • Ito ay isang libro kung saan ang isang bahagi nito ay tumatalakay sa kultura ng mga Muslim. Nakasaad din sa librong ito ang kasaysayan ng kanilang relihiyon. Mahalagang malaman ang kanilang kultura sapagkat maaring itong maging isa sa mga dahilan ng diskriminasyon sa kanila.

Lasco, L. (2011) Kalis: Ang Pilipinong sining ng pakikipaglaban noong dating panahon. Dalumat Ejournal, 2, 1-17. Retrieved from https://www.academia.edu/7785019/Kalis_The_Precolonial_Fighting_Art_of_the_Philippines
  • Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kasaysayan ng kalis o arnis. Tinatalakay nito ang arnis bilang “Filipino Martial Art”. Makakatutulong ito sa workshop sapagkat ang ang aming paksa ay tungkol sa arnis sa kasaysayan at kultura.

Rasul, A. (n. d.). Radicalisation of muslims in the Philippines. PDF. Nakuha mula sa http://www.kas.de/wf/doc/kas_12802-544-2-30.pdf?080116144143
  • Ito ay isang artikulo kung saan pinapakita kung paano nagsimula ang pagkakaroon ng mga teroristang grupo katulad ng MNLF sa timog ng Pilipinas. Ito ay makakatulong sa workshop sa kadahilanang pinapakita nito ang isang dahilan sa diskriminasyon ng mga Muslim.


     

Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon