Block E: Iba't ibang Susing Salita
Block E: Iba't ibang Susing Salita
Oktubre 9, 2017
Pangkat 2: Dela Pena, Ilagan, Resma
Araw ng Presentasyon: Setyember 26, 2017
Pangkat 2: Dela Pena, Ilagan, Resma
Araw ng Presentasyon: Setyember 26, 2017
Daloy ng Presentasyon
- Panimula
- Mother-Tongue
- Kahulugan ng Mother-Tongue
- Halimbawa ng Mother-Tongue
- Bidyo #1 (BT: Pagtuturo sa eskwela gamit ang mother tongue...)
- Monolinggwalismo
- Kahulugan ng Monolinggwalismo
- Halimbawa ng Monolinggwalismo
- Bidyo #2 (Asian Americans Try to Speak their Native Language)
- Bilinggwalismo
- Kahulugan ng Bilinggwalismo
- Halimbawa ng Bilinggwalismo
- Multilinggwalismo
- Kahulugan ng Multilinggwalismo
- Halimbawa ng Bilinggwalismo
- Code-Switching
- Kahulugan ng Code-Switching
- Halimbawa ng Code-Switching
- Bidyo #3 (The benefits of a bilingual brain - Mia Nacamulli)
- Panapos
- Sanggunian
Pagtalakay sa mga Paksa
Mother Tongue
Monolinggwalismo- Ang wikang kinalakihan at ginagamit mula pagkabata. Ito ang 'default' na wika ni ginagamit pag-nagiisip at ang unang wikang nailalabas sa bibig kapag nakikipagusap.
- Ito ay nangangahulugang iisang wika lamang ang alam at ginagamit. Maaring maging halimbawa nito ang mga bansa o taong siyang gumagamit ng Ingles, na isang “global language". Karaniwan, ang mga taong monolinggwal ay siyang mas maraming alam na bokabularyo kumpara sa mga Bilingual.
Bilinggwalismo
- Ito ay nangangahulugang dalawang wika ang siyang binibigkas, naisusulat, at nababasa nang matatas. Napapaloob ito sa Multilinggwalismo. Karaniwan sa halimbawa para rito ay tayong mga Pilipino na kadalasang may kaalaman sa Ingles at Filipino
Multilinggwalismo
- Ito ay nangangahulugan higit sa isa ang wika na nabibigkas, naisusulat, at nababasa. Ilan sa mga kilalang personalidad na "multilinguist" ay sina Dr. Jose Rizal at Pope Francis.
Code-Switching
- Ito ang pagiiba ng wika o uri ng wika sa pakikipagusap.
- Hal. Taglish/Enggalog/Englog, Bisalog, Bisakol, Conyo
Biswal na Presentasyon
Mga Bidyo
Bidyo 1: "Pagtuturo sa eskwela gamit ang mother tongue, mas nakaka-engganyo sa mga estudyante"
Link: https://www.youtube.com/watch?v=nc29yODBMA4
Bidyo 2: "Asian Americans Try To Speak Their Native Language”
Link: https://www.youtube.com/watch?v=8IBfgUNpRsY&t=56s
Bidyo 3: "The benefits of a bilingual brain - Mia Nacamulli"
Link: https://www.youtube.com/watch?v=MMmOLN5zBLY
Bidyo 3: "The benefits of a bilingual brain - Mia Nacamulli"
Link: https://www.youtube.com/watch?v=MMmOLN5zBLY
Panganganinag
Kurt Ilagan:
Sa pagsasaliksik ng mga sanggunian para sa aming pag-uulat, marami-rami akong napagtanto at naisip. Ito ay sa kadahilanan na rin na gusto ko ang naiatas sa amin na paksa. Una, sa pagsasaliksik ukol sa mother-tongue, aking napagtanto na tayong mga Pilipino ay sadyang mga bilingwal na tao, at hindi maaring sabihin na ang mother-tongue nating lahat ay Filipino. Di katulad ng mga nasa bansang Amerika, na ang mother-tongue ay Ingles, at sa mga bansa sa Europa, tayong mga Pilipino ay maaaring magkaroon ng napakaraming mother-tongue. Hindi lang ito sa ating pagiging bilingwal at dahil sa impluwensya ng mga nanakop sa atin, kundi dahil na rin sa napakaraming mga wika ng ating bansa. Mula rin sa napagdiskursuhan sa klase, akin ding nalaman na ang kahit na tayong mga Pilipino ay maaring magkaroon ng maraming mother-tongue, mayroon at mayroon pa ring mangingibabaw ito, lalo na kapag tayo'y nagsasalita at nakikipag-usap. Isang halimbawa nito ay ,aaring sabihin ko na ang aking mother- tongue ay parehong Ingles at Filipino, ngunit, ang talagang siyang nauunang lumbabas sa aking bibig at isipan ay di maikakailang Filipino. Siguro't epekto na lamang ng aking mga kaklase't paaralan ay kung bakit nasasabi kong ang Ingles din ay aking mother-tongue. Bukod dito, hindi pa rin naman nawala sa aking isipan ang kalagayan ng iba sa ating mga kababayan. Partikular na rito ang mga taong mula sa mga katutubo't liblib na lugar. Kadalasan kasi'y isa lamang ang kanilang alam na wika, na nagreresulta sa kanilang pagiging mga "monolinguist", na tanging iisa lamang ang tiyak na alam na wika. Sa aking palagay, hindi naman nakasasama sa kanila ang pagiging ganito, bagkus, sa tingin ko'y mas nakabubuti ito sapagkat mas napahahalagahan nila ang kanilang tangingwika. Di tulad nating laki sa mga siyudad, kadalasan ay mas alam pa natin ang salitang banyaga, partikular na ang Ingles, kaysa sa wikang Filipino. Ang mga ito naman ang siyang nagreresulta sa code-switching, o pagpapalit ng wika. Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa wika, kadalasan ay code-switching ang kinahahantungan ng paraan ng pag-uusap ng mga 'taong milenyal'. Nangyayari ito kapag pinaghahalo't pinagsasama ang dalawa o isa pang wika. Halimbawa ng mga ito ay ang Taglish o Conyo, na kung saan ay Ingles at Filipino ang siyang pinagsasama. Ito ay madalas na ginagawa sa panahon ngayon, muli, ng mga taong milenyal. Bukod sa mga ito, meron pa rin naman mga iilan na mas maraming wika ang nalalaman. Sila ang mga bukod-tanging "multilinguists". Bagaman mayroon nang mga ganitong tao noon pa, mayroon pa rin naman ngayon. Sa aking palagay, ang mga taong ito ang siyang mas maraming oportunidad na lumawak ang kaalaman. Dahil na nga ito sa kanilang pagiging bihasa sa maraming wika. Bukod dito, napag-alaman na rin sa ilang mga pag-aaral na mas nagiging aktibo ang utak ng taong multilinguists. Ito ay dahil mas napapagana ang utak sapagkat mas napapaisip ito sa mas maraming wika. Bukod pa rito, sa tingin ko rin na ang mga "multilinguists" ay siyang dapat tularan ng lahat sapagkat sa aking palagay rin ay hindi laman natin dapat pahalagahan ang ating sariling wika. Dapat din natin na pahalagan ang wika bilang isang siyensiya't kaalaman na likas sa ating mga tao. Pero, sa huli, ang sa tingin ko pa rin ay dapat maging balanse tayo. Dahil, wala pa ring makakapalit sa ating wikang tinubuan at kinalakihan. Sa aking tingin din ay dapat nating isapuso ang kasabihang di umano'y nagmula sa pambasang bayaning si Jose Rizal. Sabi nga niya, "Ang hindi magmahal sa kanyang sariling wika, ay daig pa ang hayop at malansang isda." Nangangahulugan lamang din ito na malaya tayong gawin ang ating mga gusto't tahakin ang landas tungo sa ating ikasasaya. Ngunit, dapat ay huwag na huwag pa rin nating kalilimutan ang ating pinanggalingan.
Andrei Resma:
Ang aming paksa ay tumatalakay sa mga iba’t ibang susing salita na ukol sa mga klase ng pagkatuto ng wika. Para sa akin, hindi natin pwedeng husgahan ang kaalaman ng tao sa wika mula sa bilang ng mga wika na kaya niyang gamitin. Tayo dapat ay maging masaya sa kung ano mang wika ang ating nagagamit. Dapat ipagmalaki natin ang ating mga kakayahan sa wika at kung gaano kalalim ang ating pagkaintindi sa mga wikang ginagamit natin.
Ako ay namamangha na ayon sa mga klasipikasiyon na aming bianggit, mapapansin natin ang mga ‘pattern’ ng pagkatuto sa wika sa mga iba’t ibang rehiyon ng mundo. Tulad nga dito sa Pilipinas, karamihan sa ating populasyon ay bilingwal at marami pa ang mga multilingwal. Nakikita natin dito sa Pilipinas na mararaming mga wika na ginagamit sa mga suluk-sulukan ng ating bansa. Nakakatuwa na hindi iisa lamang ang wika na nangingibabaw sa ating bansa. Maraming mga wika na nangingibabaw depende lamang kung saang rehiyon ka nakatira dito sa Pilipinas. Hindi palaging Tagalog lamang ang iyong maririnig kapag ikaw ay pumupunta sa mga ibang probinsya sa bansa. Napapahalagahan ko na kahit mayroon tayong opisyal na wikang pambansa, marami paring mga ibang wika na malakas at madalas pang ginagamit dito sa Pilipinas.
Sa usapang wika, naniniwala ako na dapat mong gamitin ang wika kung saan ka komportable. Dapat hindi ka mapilit sa wika na iyong gamitin, hindi ka dapat nililimitahan sa iyong paraan ng ekspresyon. Wala namang masama sa pag-aaral at pag-gamit ng iba’t ibang wika, basta’t lagi mong naalala ang iyong mother-tongue. Ang wika ay inimbento para maboses natin ang ating mga damadamin at mga paniniwala, kaya dapat lamang na gamitin natin ang wika kung saan kayang-kaya natin isigaw ang nilalaman ng ating mga puso. Mabuti ang kakayahan na makipagusap gamit ang iba’t ibang wika, pero iisa parin ang wika kung saan kaya natin ipahayag ang ating sarili ng buo.
Ang pagkatuto ng maraming wika ay mabuti. Lumalawak ang ating paraan ng pagiisip sa bawat wika na ating natututunan. Para sa akin, mabuti para sa isang tao na marunong gumamit ng maraming wika, kahit dalawa lang man ito. Maraming mga benepisyo ang pagiging bilinggwal o multilinggwal. Ang mga benepisyo na ito ay makatutulong sa pangaraw-araw na buhay ng tao, mas lalawak ang kanyang kakahayan na kumonekta sa mga iba pang mga tao. Naniniwala rin ako na kung higit sa isa ang alam mong wika, lalong kukulay ang buhay mo. Dadami ang mga karanasan mo at lalawak ang iyong kaalaman sa mundo. Importante na tayo ay umalis sa ating ‘comfort zone’ pero dapat di natin mawala ang ating pagkakakilanlan.
Sa code switching naman, para sa akin ito ay mainam na pagsasanay. Maiiwasan natin ang mga usapan na ‘black and white’ at malalagyan natin ng kulay ang pangaraw-araw na pag-uusap. Sa code switching din nanggagaling ang mga ibang balbal na salita. Ang paghahalo-halo ng mga kultura ay nagbibigay ng ‘diversity’ sa mga wika. Tulad sa pagiging multilinggwal, importante at mahalaga ito basta hindi natin malilimot at matatalikuran ang ating natural na wika at kultura. Kahit gaano karaming pakinabang at kalamangan ang nadadala ng paghahalo at pagkatuto ng ibang kultura, mas-importante parin sa akin na sumunod sa ating natural na kakayahan.
Dome Dela Pena:
Sa kabuuan, masasabi kong marami akong natutunan sa paggawa ng proyektong ito. Lumawak ang aking karunungan ukol sa wikang Filipino, taong gumagamit, at mismong paggamit nito. Naiintindihan ko na ang mga masususing salita at ang aplikasyon nito sa ating wika. Nailagay ko ang sarili ko sa pananaw ng mga Asian-American na hindi maalam sa paggamit ng katutubong wika nila. Higit sa lahat, naipamahagi ko ang karunungan na ito sa aking mga kaklase at kaibigan. Nais ko pang pagyamanin ang aking kaalaman sa asignaturang ito sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-isipan nang mabuti ang mga konsepto ng social sciences ng wika.
Dome Dela Pena:
Noong binigay sa amin ang aming naatasang paksa para sa mahabang pagsusulit, ako ay nagulumihanan noong una, sapagka’t wala akong kaalaman ukol sa mga masususing salita. Sa katunayan ay hindi ko nga alam kung ano ang masusing salita. Habang nananaliksik ay onti-onti akong naliwanagan sa paksang ito. Ang mga masususing salita pala ay ang monolinggwalismo, bilinggwalismo, multilinggwalismo at mother tongue. Sa pagbabasa pa ng maraming mga sanggunian ay nalaman ko kung ano ang kahulugan ng mga salitang ito at kung paano ito nagagamit sa buhay.
Habang naghahanap ng mga bidyo na gagamitin para sa biswal na bahagi ng pagtatanghal ay nakahanap ang aming grupo ng bidyo ng mga monolinggwal na Asian-American na Ingles lamang ang wikang ginagamit. Sa bidyo, ang mga nasabing tao ay tinuruan ng mga salita at parirala sa mother tongue ng kanilang mga magulang na Asian. Karamihan sa kanila ay nagnanais na matuwa at ipagmalaki sila ng kanilang mga magulang sa paggamit ng kanilang katutubong wika. Bilang isang bilinggwal, malaki ang epekto sa akin ng bidyo na ito. Tulad ng mga tao sa bidyo, ako rin ay isang Asian. Ang pinagkaiba namin ay nagagamit ko ang wikang Filipino sa matatas na lebel. Napagtanto ko na paano kaya kung iisang wika lamang ang aking natutunan. Hindi ko makita kung ano ang magiging daloy ng aking buhay kung ayun man ang kinalabasan.
Nakahanap din kami ng bidyo ng isang pag-uulat ng balita. Inulat sa balita na magkakaroon daw ng mother tongue-based na pagtuturo sa mga nakababata na estudyante. Mula pre-school hanggang ikatlong baitang, ang mga guro ay magtuturo gamit ang mother tongue ng mag-aaral. Ayon sa balita, ang mga mag-aaral ay mas na-eenganyohang mag-aral gamit ang mother tongue. Mas madali rin daw matuto ang mga bata kapag gamit ang mother tongue. Para sa akin, ang proyektong ito ay isang kaso ng isang bagay na madali sabihin, ngunit mahirap ipatupad. Kakaunti lamang ang mga guro na talagang magaling magturo sa mother tongue. Mahihirapan nang sobra ang mga estudyante sa pagbabago ng wikang gamit sa pag-aaral mula mother tongue papuntang Ingles at Filipino. Maraming salita sa mother tongue ay walang direktang salin sa Ingles at Filipino. Para sa akin din ay hindi praktikal na gamiting ang mother tongue sa pagtuturo. Hindi sapat ang mga magandang dulot nito upang magbigyang-katwiran ang pagpapatupad ng prokeytong ito.
Sa kabuuan, masasabi kong marami akong natutunan sa paggawa ng proyektong ito. Lumawak ang aking karunungan ukol sa wikang Filipino, taong gumagamit, at mismong paggamit nito. Naiintindihan ko na ang mga masususing salita at ang aplikasyon nito sa ating wika. Nailagay ko ang sarili ko sa pananaw ng mga Asian-American na hindi maalam sa paggamit ng katutubong wika nila. Higit sa lahat, naipamahagi ko ang karunungan na ito sa aking mga kaklase at kaibigan. Nais ko pang pagyamanin ang aking kaalaman sa asignaturang ito sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-isipan nang mabuti ang mga konsepto ng social sciences ng wika.
Listahan ng Sanggunian
- Rizal's Famous Quotations. (n.d.). Retrieved October 09, 2017, from http://www.joserizal.ph/qt01.html
- Code-switching. (2017, October 04). Retrieved October 09, 2017, from https://en.wikipedia.org/wiki/Code-switching
- First language. (2017, October 02). Retrieved October 09, 2017, from https://en.wikipedia.org/wiki/First_language
- Monolingualism. (2017, September 28). Retrieved October 09, 2017, from https://en.wikipedia.org/wiki/Monolingualism
- Multilingualism. (2017, October 08). Retrieved October 09, 2017, from https://en.wikipedia.org/wiki/Multilingualism
- World language. (2017, October 02). Retrieved October 09, 2017, from https://en.wikipedia.org/wiki/World_language
- Taglish and Englog. (2017, August 31). Retrieved October 09, 2017, from https://simple.wikipedia.org/wiki/Taglish_and_Englog
- [GMA News]. (2013, August 4). BT: Pagtuturo sa eskwela gamit ang mother tongue, mas nakaka-engganyo sa mga estudyante [Video File]. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=nc29yODBMA4
- [Boldly]. (2016, April 29). Asian Americans Try To Speak Their Native Language [Video File]. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=8IBfgUNpRsY
- [TED-Ed]. (2015, June 23). The benefits of a bilingual brain - Mia Nacamulli [Video File]. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=MMmOLN5zBLY
Comments
Post a Comment