Block E: KWF Espanya
AALA, Marie Ericka Grace O.
ESPIRITU, Emmanuel
OBDIN, Regulus Altair
Kasaysayan ng Wikang Filipino sa Panahon ng Kastila
- Daloy ng Presentasyon
- Charades
Maglalaro ng charades gamit ang hiram na salita ng Filipino na galing sa wikang Kastila. Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Pipili ng isang volunteer galing sa grupo para sa bawat salita. Ang may pinakamaraming puntos ang mananalo.
- Lapis
- Kutsara
- Silya
- Busina
- Sorbetes
- Pamilya
- Lengguahe
- Kusina
- Powerpoint
Ang powerpoint presentation ay naglalaman ng lahat ng impormasyon ukol sa Kasyasayan ng Wikang Filipino sa Panahon ng Espanya.
- Pagtalakay sa Paksa
Kaligirang Kasaysayan
Pagdating ng mga Kastila
Ang mga Kastila ay naglayag dahil sa gusto nilang mahanap ang sinasabing Spice Islands. Pinagkamalan ng mga Kastila ang Pilipinas bilang Spice Islands at ang pagdating nila sa ating baybayin ay nagsimula sa tatlong daang taong pagsakop. Ang naging layunin ng mga Kastila ay ang tatlong G’s: Gold, Glory at God.
Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagresulta sa pagsira at pagsunog ng mga nakasulat sa panitikan ng mga katutubo. Ang mga sulatin na ito ay nakasulat sa Baybayin na binubuo ng 14 na katinig at 3 na patinig. Ang sistemang pagsusulat na ito ay naging hadlang sa paglaganap ng mga Kastila ng Kristiyanismo. Pinalabas na ang wika ng mga katutubong Filipino ay sinasalita ng mga di sibilisado lamang.
Ipinakilala nila ang alpabetong Romano o Abecedario na binubuo ng 15 na katinig at 5 na patinig. Ngunit, itinuro lamang ito sa mga indiyo. Ang sinasalitang wika noong panahon na iyon ay tinawag na bernakular.
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Nagtatag ng mga paaralan sa bansa upang mapalaganap ang kristyanismo. Iba’t-ibang orden ang dumapo sa ating bansa. Ang Augustinian(1565), Franciscano (1577), Jesuitas (1581), Dominicano (1587), Recoletos (1606) at Benedictine (1891). Inaral ng mga misyonero ang mga wika ng mga katutubong Pilipino upang mapalaganap ang Kristiyanismo. Ang mga prayle sa orden na ito ang may hawak ng edukasyon ng mga Filipino.
Ipinakilala nila ang iba’t-ibang akda tungkol sa Kristyanismo katulad ng dalit na may apat na linya na may 8 na pantig sa bawat linya. Ito ay ukol sa mga santo at santa. Ang nobena ay mga dasal na nanghihingi ng pabor na ginagawa sa loob ng siyam na araw. Ang awit ay kinakanta ng mabagal habang tinutugtog ang gitara o bandurya. May 12 na pantig at nagbibigay ito ng mga aral na madalas ukol sa mga bayani. Ang korido ay ukol sa kasaysayan. Ito ay may walong pantig at ito ay nagpapawili.
- Panganganinag
AALA, Ericka
Kapag narinig mo ang salitang Kastila, ang una mong maaalala ay ang pagsakop ng Kastila sa atin na itinuro noong nasa elementarya palang tayo. Ang paninirahan nila sa ating lupain ay umabot ng tatlong daang taon. Sa tagal na ito, ang impluwensiya ng mga Kastila ay makikita natin sa bawat sulok ng ating pagka-Filipino. Ang salitang Filipino mismo ay di nanggaling sa atin, ito ang ibinigay na pangalan sa atin ng mga Kastila.
Napakaraming aspeto ng kanilang kultura ang ipinakilala nila sa atin. Karamihan nito ay makikita pa rin natin ngayon sa pang araw-araw na buhay. Ang mga mabuting asal katulad ng pagbigay galang sa mga babae, ang pagmano sa nakakatanda, at ang pagsabi ng ‘po’ ay ilang lamang sa mga impluwensiya nila. Ang relihiyong Kristyanismo na kanilang napalaganap sa bansa ay makikita din natin. Ang pagdayo sa misa bawa’t Linggo at ang paggalang sa mga pari at mga santo.
Sa edukasyon naman ay ipinakilala nila ang alpabetong Romano sa atin. Ayon kay Rizal, tatlo lamang sa bawat sanlibong bata ang nakapag-aral ng Kastila. Nahirapan din ang mga Filipino sa pag-salita ng mga pantig katulad ng ca, ce, ci, sapagkat hindi ito present sa dating pagsulat sa baybayin. Dahil itinuro lamang ito sa mga mayayaman, malaking bahagi ng populasyon ay di makapagsalita o makabasa ng mga sulatin sa wikang ito. Karamihan din sa mga aklat na inilimbag ay nakasulat sa wikang Kastila, kaya’t kakaunti lamang ang makaunawa nito.
Ipinakita na mas mababa ang tingin sa mga Filipino kaysa sa mga Espanya. Ang kataka-taka dito ay hanggang ngayon, ganito pa rin ang ating sitwasyon. Ang mga may pribilehiyo upang makapag-aral sa mga magagandang paaralan ay ang mga may pera lamang. Ubod ng dami pa ring mga Filipino, lalo na sa mga probinsiya sa ibang bahagi ng Pilipinas ay di makasulat o makabasa sa kinilalang pambansang wika, ang Filipino. Gustuhin man natin o hindi, ang pera at lagay sa buhay ay malaking aspeto sa pag-aaral. Ito’y nakakalungkot dahil dalawang siglo na ang nakalipas ng tayo’y lumaya sa hawak ng Espanya at ganito pa rin ang ating sitwasyon ng karamihan ng mga Filipino.
Ang lahat ng ito ay nag-impluwensya sa mga sulatin ng maraming mga Filipino. Karamihan ng mga akda ay tungkol sa Kristyanismo o sa mga kahirapan na dinanas sa panahong ito.
Hanggang ngayon, pinagsasabihan pa rin ang mga nakababata na huwag kalimutan na magbigay galang sa nakakatanda. Ang paggalang ay isa sa pinakaimportanteng asal na dapat mayroon ang isang Filipino. Maliban diyan, ang paggiging magiliw ay nakikita natin kapag may dumarating na bisita, palaging nakalabas ang pinakamasarap na pagkain. Sinasabi din na ang pagtuto ng wikang Espanya ay madali lamang, dahil karamihan sa mga salita na mayroon tayo ay nanggaling sa kanilang wika.
Malabo ang linya sa ating pagka-Filipino at pagigging isang bansa na sinakop ng Espanya. Ano kaya ang nangyari sa atin kung di tayo sinakop? Ang mga asal natin ay mag-iiba. Ang mga paniniwala natin ay mag-iiba. Hindi ko na maisip ang isang Pilipinas na di dumaan sa tatlong siglo sa ilalim ng Espanya. Ngunit, sana ay makamit natin ang isang Pilipinas na tunay na Pilipinas.
ESPIRITU, Emmanuel
Ang paksa ng aming grupo ay Wika ng Pilipinas sa panahon ng Kastila.(1) Kami’y nagpalaro ng charades na nakapokus sa mga salitang hiram na galing sa espanyol.(2) Aming tinalakay nang kaunti ang kasaysayan ng pagbabago ng mga pag-uutos ng iba’t ibang hari na iturong wika at ang dalawang paraan ng pagsulat na ginamit noong panahon na iyon.(3) Amin ding tinalakay ang mga panitikang pansimbahan tulad ng Doctrina Christiana na silang naging pinakamatibay na ebidensya ng pagkakaroon ng sistema ng pagsulat ng mga katutubong pinoy.(4) Tinalakay ni Sir Mae ang bernakular na siyang tinawag sa mga katutubong wikang sinalita sa Pilipinas.(5)
Unang nakapunta ang mga Kastila sa Pilipinas noong 1500’s.(6) Ang pagsakop na ginawa nila ay di lamang sa pisikal kundi pati sa kultura.(7) Kanilang tinalo ang mga katutubo sa labanan ngunit liban pa doon ay pinalaganap nila ang kristiyanismo.(8) Sa pamamagitan ng relihiyon, mas lalong nagkahiwalay ang mga Pilipino sa sumusunod sa Kastila at sa hindi.(9) Noong pinalaganap ng mga Kastila ang Kristiyanismo, hindi nila magagawang gamitin ang wikang Kastila upang makipag-usap sa mga katutubo.(10) Ang mga maaari nilang gawin ay ituro ang wikang kastila sa mga katutubo o aralin ang wika nila. (11) Ang napili nilang gawin ay aralin ang wika ng mga katutubo.(12) Ginamit nila ang kanilang kaalaman upang maisalin sa wika na maiintindihan ng mga katutubo ang mga panitikan ng simbahan.(13) Ang sentral at sinasabing pinakaunang libro na nailimbag sa Pilipinas ay ang Doctrina Christiana.(14) Upang maintindihan ito ng mga katutubo ay naisulat ito sa baybayin, na siyang gamit nila. (15)
Mula sa presentasyon naming ay nalaman ko na sadyang napakagaling ngunit napakasama ng mga Kastila.(16) Sinira nila ang mga panitikan ng mga katutubo na karamihan ay mahahanap lang sa mga dahon at kahoy.(17) Ginawa pa nilang mababaw ang mga wika ng mga katutubo.(18) Hindi sila ganap na nagtagumpay dahil ang mga katutubo ay sanay nang magpasa ng karunungan nang pasalindila.(19) Naging mapaminsala sila sa ating kultura ngunit sa wika ay iba ang naging epekto.(20) Marami silang naidagdag sa wika natin.(21) Hindi nagsama ang dalawang wika dahil siniguro nilang hiwalay ang paggamit nito.(22) Bernakuar ang gamit ng mga indio habang Espanyol sa mga Kastila at Filipino.(23)
Ayon kay Dr. Jose Rizal sa “Hinggil sa Bagong Palatitikan ng Wikang Tagalog”, ang mga Kastila ang nagdala ng mga bagong titik na naidagdag sa’ting wika.(24) Mula sa 3 patinig at 17 katinig ay naging 5 patinig at 23 katinig. (25)
Sa pagbabago ng wika noong dumating ang mga Kastila, masasabi mong buhay ito.(26) Kahit na ginawa itong mababa, wika parin ito at marami ang gumagamit.(27) Sa panahon natin ngayon ay ginagamit parin ito at hindi lang dayalek ng mga wikang ingles at espanyol.(28) Makikita lamang ang presensya ng mga hiram na salita ngunit sarili parin itong wika.(29) Hindi natigil ang paggamit nito hanggang sa panahon natin at hanggang ngayon ay nagbabago parin ito.(30)
OBDIN, Regulus Altair
Makikita sa aming paksa ang kapangyarihan ng wika upang mapagkahiwalay at mapagkaisa ang mga tao.1 Aking napagtanto na ang wika ay isang mahalagang instrumento noong panahon ng mga mananakop at sa kasalukuyan.2 Ang wika noong panahon ng pananakop ng Kastila ay ginamit ng mga Kastila upang tayo ay dahan-dahang masakop.3 Doon makikita ang kapangyarihan ng wika upang tayo’y mapaghiwalay sa ilalim ng ideya ng relihiyon.4 Tayo nga ay nagkaisa sa relihiyon ngunit naghiwalay naman bilang mga Pilipino na myay sariling kultura, pagkatao, at boses.5 Ginamit naman ito ng ating mga ninuno upang labanan ang kanilang pananakop at magkaisa.6 Kitang-kita sa mga bayani natin noon ang kapangyarihan ng wika.7
Gamit ang wika, sila’y lumaban ng patago, dahan-dahang pinaplano ang paglaban sa mga Kastila.8 Ang Katipunan ay gumamit ng mga lihim na salita sa kanilang organisasyon upang makapagtago sa mga Kastila.9 Ang Katipunan ay gumawa rin ng sarili nilang alpabeto para sa mga lihim nilang mga mensahe sa isa’t-isa.10 Lumaganap din noon ang diyaryo na naglalaman ng mga hinaing ng mga mamamayan ukol sa mga ginagawa ng mga Kastila.11 Makikita sa mga panahong iyon ang kakayahan ng Pilipino na gamitin ang wika upang mapahayag ang kanilang mga damdamin upang impluwensyahan ang iba para kumilos.12 Masasabi ko na aking inpinagmamalaki ang ating mga bayani na ginamit ang wika sa abot ng kanilang makakaya.13 Dapat rin naman mapahalagahan ang mga natutunan natin sa mga Kastila.14 Dahil sa kanila, mas napayaman ang ating kultura.15 Makikita pa rin sa kasalukuyan ang mga bagay-bagay na naipasa sa atin ng mga Kastila gaya ng iba’t-ibang mga salita at mga uri ng panitikan na tumatalakay sa relihiyon.16
Ang mga panahong iyon ay puno nga ng bakbakan pero ang kaunlaran sa wika na natamo pagkatapos ay walang katulad.17 Ang lebel ng paggamit ng wika noon ay talagang napagisipan at ginabayan ng malalim na pagaaral.18 Isang magandang halimbawa nito ay ang mga gawa ni Rizal na hanggang ngayon ay hindi ko parin malilimutan.19 Nais kong pakapagsulat gaya niya kahit na iasng maikling istorya lamang.20 Nakakapagbiagay ng
inspirasyon ang mga iba’t-ibang akda galing sa panahon ng gma Kastila sapagkat sila’y puno ng lalim at mga ideya na nakakamulat sa isipan.21
Ayon kay Dr. Jose Rizal sa kaniyang akda na “Hinggil sa Bagong Palatitikan ng Wikang
Tagalog”, nadagdagan ang bilang ng letra na ating ginagamit sa pagsulat sa tulong ng mga Kastila.22 Ito ay nagbigay daan para sa ating pagintindi ng kanilang wika na naging gabay rin sa kanilang pananakop sa atin.23 Ang dagdag na mga letra ay nagsilbing hakbang upang palakihin ang sakop ng ating sariling wika. 24 Dahil may pagkakatulad ang mga letra na dinagdag sa letra ng wika ng ibang mga bansa, naging mas madali intindihin ang mga wika nila. 25 Sapagkat nakaraan naman na ang mga ginawa nila, dapat lang na bigyan parin ng pansin ang naging tulong ng mga Kastila sa pagdagdag sa kultura at wika natin. 26 Hindi maitatanggi na ang kultura natin ngayon ay nakasentro sa mga turo nila sa atin. 27 Mula sa pagkain, ugali, paniniwala, hanggang sa salita ay may malaking parte galing sa mga Kastila. 28 Ang tanging hiling ko nalang ay sana ang wika ay gamitin para sa pagkakaisa lamang. 29 Sa kasalukuyan, marami sa ating mga kababayan ay nagkakahiwalay dahil sa wika. 30 Bilang isang may alam, responsibilidad natin na gamitin ng tama ang wika para magpalaganap ng mga ideya na makakatulong sa ating kapwa para labanan ang mapanghusgang lipunan. 31
- Sanggunian
Mendoza, R. (2017). Module 1: Kasaysayan ng Pambansang WIka: Panahon ng Espanyol at
Panahon ng Amerikano.
Mendoza, Z.M., Romero, M.L., Ang Wika sa Iba’t-Ibang Panahon. Ang Kasaysayan ng
Wikang FIlipino sa Bawat Panahon o Yugto.
Moller, A. (2007). Wika at Lipunan sa Pilipinas. Mula sa: www.germanlipa.de
Panganiban, J.V., Panganiban, C.V., Matute, G.E.(1992). Panitikan ng Pilipinas. Bede’s
Publishing House, 4, 48-79
Rubin, L.T., Casanova, A.P., Gonzales, L.F. Marin, L.C., Semorlan, T.P. (2006).“Panitikan sa
Pilipinas”. Rex Bookstore. Lungsod ng Quezon.
Rubrico, J.G. (2009). Linggwistiks sa Pilipinas sa loob ng 100 taon. Philippine Linguistics.
Mula sa: www.languangelinks.org
Comments
Post a Comment