Block E: KWF - Rebolusyon

  1. Daloy ng presentasyon

    1. Laro: “Capture the Flag”
Lugar: PSHS Field

Detalye:
  1. Mahahati ang klase sa dalawang grupo: Ang KKK at ang mga Espanyol
    1. Para sa mga grouping, bubunot ang bawat isa ng token kung saan nakasaad kung sila ay magiging kasapi ng KKK o mga Espanyol.
  2. Layunin ng laro na makakuha ng pinakamaraming puntos.
    1. Isang watawat ay katumbas ng isang puntos.
  3. Para makakuha ng isang watawat, kinakailangang matagumpay na maipasa ang isang sikretong mensahe na ibibigay ng mga reporter sa unang kinatawan ng grupo. Ang unang membro lang ang lalapit; ang ibang mga membro ay dapat nakalinya paikot ng oval sa field.
    1. Ngunit, may isang hindi inaasahang elemento ang laro o “twist”:
      1. Ang mensahe na ibibigay sa mga Espanyol ay nasa wikang Kastila
      2. Habang  ang mensahe na ibibigay sa mga KKK ay alinsulod sa unang alpabeto ng Katipunan.
    2. Ipapasa ang mensahe galing sa una hanggang sa huling miyembrong nakapila. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-uusap ng mga miyembrong hindi magkasunod sa pila. Kapag ito ay hindi sinunod, awtimatikong “disqualified” ang grupo para sa “round” na iyon
    3. Dahil nakapalibot ang grupo sa oval, kailangan tumakbo papunta sa susunod na miyembro.
    4. Ang pinakahuling kinatawan ay bibigyan ng isang kodigo
      1. Listahan ng mga salitang Kastila na ginamit sa mensahe na may katumbas sa Filipino para sa grupong Espanyol
      2. Isang kopya ng alpabeto o “code” ng Katipunan na may katumbas na “totoong” alpabeto para sa grupong KKK
  4. Ang mga reporter ay nakabantay sa grandstand; ang unang grupo na makakabigay ng kumpletong mensahe na nakasalin sa Filipino ay makakakuha ng watawat.
  5. Ang unang grupo na makakakuha ng dalawang puntos ay panalo!
    1. Sila ay makakatanggap ng isang gantimpala o prize.

    1. Pagtatalakay
       
        Dito ibabahagi ng mga reporter ang paksa at karagdagang impormasyon ukol sa
paksa. Gagamit ng powerpoint presentation (PPT) ang grupo. Gagawin ito sa back lobby ng SHB.

  1. Mga Impormasyon
   
Kasaysayan ng Wikang Filipino:  Rebolusyon

  1. Kampanya para sa Reporma (Agoncillo, 1990)
    1. Mga Insulares
    2. Mga Repormista
      1. Graciano Lopez Jaena (Ilo-ilo)
        1. Fray Botod (botod - lalaking may malaking tiyan, Hiligaynon) (Constantino, 1997)
        2. Mahusay na tagapagsalita / orador
          1. 1882, laban kay Fr. Ramon Martinez Vigil
        3. 1889, naging patnugot ng La Solidaridad
        4. 1891, pinalimbag ang mga talumpati at artikulo sa Discursos y Articulos Varios
        5. Enero 20, 1896, namatay sa tuberculosis
      2. Marcelo H. Del Pilar (Bulacan)
        1. Mahusay sa Tagalog, epektibo upang mamulat ang publiko at mabuhay ang diwang nasyonalismo
        2. 1882, itinayo ang Diariong Tagalog (ngunit hindi nagtagal)
        3. 1888, panunulat ng pamplet at satiriko
          1. Caingat Cayo, Dasalan at Toksohan, Dupluhan at maraming pang iba
        4. Hulyo 4, 1896, namatay sa gutom at lamig at kawalan ng sigarilyo gosh what even is happening
      3. Jose Rizal (Laguna)
        1. 8 taong gulang, Sa Aking Kabata
        2. 18 taong gulang, A la Juventud Filipina
        3. 26 taong gulang, Noli Me Tangere
        4. 1891, El Filibusterismo
        5. Disyembre 30, 1896, binaril
    3. La Solidaridad
      1. Pebrero 15, 1889
      2. Lopez Jaena - Unang patnugot
      3. Del Pilar - naging patnugot Disyembre 1889
      4. Kada 15 na araw
    4. La Liga Filipina
      1. Una, La Propaganda
      2. Hulyo 3, 1892, Tondo
        1. Ambrosio Salvador (Pangulo), Agustin de la Rosa (Piskal), Bonifacio Arevalo (Ingat-yaman), Deodato Arellano (Kalihim)
    5. Pagkabigo ng Kampanhya para sa Reporma
      1. Walang nangyari, masyadong nakatuon sa sariling problema ang Espanya; Sol hinigitan ng La Politica de Espana en Filipinas
      2. Kulang sa kagamitan, pera para sa Sol, walang nagyari uli
      3. Mga propagandista mismo nag-aaway-away
  2. Si Bonifacio at ang Katipunan (Agoncillo, 1990)
    1. Pagtatag sa Katipunan
      1. Hulyo 7, 1892
      2. Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan nang manga Anak nang Bayan o Katipunan
        1. Blood compact
        2. Tatsulok na pamamaraan / Triangle method
          1. Orihinal na miyembro ay maghihikayat ng dalawang bagong miyembro na hindi magkakilala
          2. Entrance fee: 1 real fuerte (25c)
          3. Monthly due: medio real (12c)
    2. Mga Layunin ng Katipunan
      1. Politikal
        1. Paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya
      2. Moral
        1. Pagturo ng magagandang asal , tamang pangangalaga ng katawan, tamang pakikipagtungo sa kapwa tao
      3. Sibiko
        1. Self-help, proteksyon para sa mahirap at inaapi
    3. Istruktura ng Katipunan
      1. Tatlong sangay (Quirino, 1964)
        1. Kataastaasang Sanggunian (Supreme Council)
        2. Sangguniang Balangay (Provincial Council)
        3. Kataastaasang Sanggunian (Popular Council)
*Sangguniang Hukuman (Judicial Council)

Andres Bonifacio
Supremo
Pio Valenzuela
Fiscal and Physician
Emilio Jacinto
Secretary
Vicente Molina
Treasurer
Enrique Pacheco
Councilors
Pantaleon Torres
Balbino Florentino
Francisco Carreon
Hermenegildo Reyes

    1. Pagiging kasapi
      1. Tatlong grado
        1. Katipon
          1. Itim na talukbong
          2. Tatsulok ng puting ribbon “Z. Ll. B.”
            1. “A. ng B.” - Anak ng Bayan, password
        2. Kawal
          1. Berde, puting tatsulok na may linya, “Z. Ll. B.”
          2. Medalyang nakakwintas na may letrang K sa Baybayin, espada at watawat
          3. Password: Gom-Bur-Za
        3. Bayani
          1. Pulang maskara, sat sash na may berdeng disenyo
K.
K.    K.
Z.     Ll.    B.
          1. Password: Rizal
Mga watawat ng tatlong grado ng Katipunan. Larawan mula kay Agoncillo (1996)

Gumamit ng lihim na alpabeto ang Katipunan upang makatakas sa mga Espanyol. (Agoncillo, 1990)
Spanish Alphabet
Katipunan Alphabet
Spanish Alphabet
Katipunan Alphabet
A
Z
M
V
B
B
N
I
C
O
O
C
D
D
P
P
E
Q
Q
E
F
H
R
R
G
G
S
S
H
F
T
S
I
Ñ
U
X
J
L
V
M
K
K
W
W
L
J
X
U
LL
N
Y
Y

Nang madiskubre ang KKK at ang sikretong alpabeto (Agosto 21, 1896) sa Balintawak, pinalitan ito ni Bonifacio: (Agoncillo, 1990)

Spanish Alphabet
Katipunan Code
Spanish Alphabet
Katipunan Code
A
+
N
12
B
23
Ñ
11
C
22
O
:
D
21
P
10
E
--
Q
9
F
20
R
8
G
19
S
7
H
18
T
6
I
X
U
=
J
17
V
5
K
16
W
4
L
15
X
3
LL
14
Y
2
M
13
Z
1

Nabago ito muli pagkatapos ng Kumbensyon sa Tejeros, Marso 22,1897 (Agoncillo, 1990)

Spanish Alphabet
Katipunan Alphabet
Spanish Alphabet
Katipunan Alphabet
A
D
N
M
B
C
Ñ
LL
C
B
O
R
D
A
P
Q
E
H
Q
P
F
G
R
O
G
F
S
V
H
E
T
U
I
L
U
T
J
K
W
Z
K
J
X
Y
L
I
Y
X
LL
Ñ
Z
W
M
N


     
       C.  Republika ng Biak-na-Bato (Agoncillo, 1997)
    1. Hulyo 1897, “To the Brave Sons of the Philippines”
      1. Manipesto mula kay Emilio Aguinaldo
        1. Kalagayan ng digmaan laban sa Espanya sa Cavite
        2. Proklamasyon ng mga hiling ng mga rebolusyonaryo
    2. Mayo 31, 1897, pagtatayo ng republikang republikano
    3. Nobyembre 1, 1897, pagpirma sa “Provisional Constitution of the Republic of the Philippines”
Konstitusyon ng Biyak-na-Bato
        1. Hindi orihinal na akda nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho
        2. Halaw mula sa Cuban Constitutions
        3. Batas at probisyon ukol sa pambansang konseho at mg opisyal
        4. Ayon sa Artikulo VIII, “Tagalog shall be the official language of the Republic” (Agoncillo, 1997, p.15).
        5. Maituturing na “Bill of Rights”, apat na artikulo lamang
        6. “Provisional” o pansamantala lamang, dalawang taon na pagpapatupad kung hindi pa natatapos ang rebolusyon sa panahon na iyon
* Simbolo ng pag-asa para sa mga rebolusyonaryo

       D.  Republika ng Malolos (Agoncillo, 1990)
    1. Mayo 24, 1898, pagtalaga ni Aguinaldo ng diktaturya
    2. Enero 23, 1899, pagtalaga ng Republika ng Malolos (Constantino, 1997)
      1. Republika ay ebidensya ng pagkalaya at tagumpay matapos ang ilang taong paghihirap ng mga Pilipino
    3. Malolos Constitution
      1. Idinetalye ang teritoryo ng Pilipinas, sangay ng pamahalaan at pagiging estado ng bansa
      2. “Article 93. The use of languages spoken in the Philippines shall be optional. Their use cannot be regulated except by virtue of law, and solely for acts of public authority and in the courts. For these acts the Spanish language may be used in the meantime” (

  1. Panganganinag

    1. Kerlynne Ferrer
Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, at Emilio Jacinto - iilan lamang sila sa mga dakilang repormista, propagandista at rebolusyonaryo na naging susi upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Espanya. (1) Pinasinayanan nina Jaena, Del Pilar, at Rizal ang kampanya para sa mga reporma tulad ng pagiging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, pagkakaroon ng representasyon sa Cortes, sekyularisasyon, pantay-pantay na karapatan ng mga Pilipino at Kastila, at kalayaan sa pamamahayag. (2) Sinubukang ipaabot nina Jaena ang mga hinaing at hinihinging reporma sa Espanya sa pamamagitan ng pahayagan na La Solidaridad, mga talumpati, artikulo at iba pa. (3) Bagama’t hindi naging matagumpay ang kilusang propaganda sa mga layuning ito, nagawa naman nilang mapalaganap ang mga ebidensya ng kawalan ng hustisya at paghihirap ng mga Pilipino sa kamay ng mga pananakop sa pamamagitan ng mga akdang isinulat sa panahon na ito. (4) Bunga rin ng mga akdang ito ay mas maraming Pilipinong mulat sa kondisyon ng bansa, at oportnidad upang bumangon at magkaisa. (5)

Matapos ang kabiguan ng mapayapang kilusang propaganda, sumunod naman si Andres Bonifacio at ang Katipunan. (6) Naging hudyat ito ng pag-aalsang naging laganap sa buong Pilipinas laban sa Espanya para sa kalayaan ng Pilipinas. (7) Ilan sa mga naging makabuluhang pangyayari sa rebolusyon ay ang Kumbensyon sa Tejeros, pagkamatay ni Bonifacio, Kasunduan ng Biak-na-Bato, Digmaang Espanyol-Amerikano, Labanan sa Look ng Maynila, Kasunduan sa Paris, pagtatag ng Republika ng Malolos at pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas. (8)

Sa bawat mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na nabanggit, naging susing instrumento ang wikang Filipino. (9) Una, ang wika ay naging instrumento para sa kamulatan. (10) Isinalin ang mga akda nina Jaena, del Pilar, at Rizal sa Filipino upang maipadala ito sa Pilipinas at makalikom ng mas maraming mambabasa ng mga ito. (11) Dahil sa mga ito, namayani at nag-alab ang diwang nasyonalismo sa mga Pilipinong nakapiid sa ilalim ng mga malupit na mananakop. (12)  Pangalawa, ang wika ay naging midyum para sa pagbatid ng mga reporma. (13) Sa pamamagitan ng pahayagang La Solidaridad, napalimbag ang mga repormang hinihingi ng mga propagandista. (14) Kahit hindi nakuha ang inaasahang bunga ng kilusan, nagbigay daan ito para sa malakihang pag-aalsa ng bayan. (15) Kaya’t pangatlo, ang wika ay naging mahalaga sa pagsasagawa ng maayos at matagumpay na pag-aalsa. (16) Gumamit ng lihim na alpabeto at “code” ang Katipunan upang hindi matuklasan ng mga Kastila ang lihim na organisasyon. (17) At huli, ang wika ay isa sa mga mahalagang simbolo ng kalayaan at instrumento ng mga lumaya. (18)

    Sa panahon ng rebolusyon, unang nagkaroon ng konstitusyon ang Pilipinas kung saan nakadetalye ang mga batas at karapatan ng mga Pilipino. (19) Nangangahulugan ito na palapit na ng palapit ang Pilipinas sa pagkamit ng tunay na kalayaan. (20) Ebidensya rin ang pagkakaroon ng konstitusyon na ito na may sariling pamahalaan ang Pilipinas. (21) Ayon sa Konstitusyon ng Malolos Titulo IV Artikulo 93, opsyonal ang paggamit ng sariling wika sa Pilipinas. (22) Hindi ito umano mapapamahalaan ng batas, at sa mga opisyal na dokumento at korte ang wikang Kastila pa rin ang dapat gamitin. (23) Subalit, kinakailangan tandaan na kahit naging pansamantala ang naging Unang Republika ng Pilipinas, hindi matatawaran nito ang naging implikasyon at tagumpay ng pagiging Unang Republika ng Asya. (24) Sapagkat, ayon nga kay Rep Sy-ALvarado sa isang talumpati, ang pagtalaga sa republikang ito ay bunga ng ilang taong paghihirap ng ating mga ninuno na inasam ang kalayaang pinaghirapan. (25)

    Bagkus, naging mahalagang elemento noong panahon ng rebolusyon ang wikang Filipino. (26) Sa kasalukuyan, talos ang mga naging epekto ng pagbabago ng wikang Filipino sa panahong ito. (27) Mayaman sa mga pahayag na gumigising sa diwang nasyonalismo at pagmamahal sa bayan at kapwa Pilipino ang mga natatanging akda sa panahon na ito. (28)

    Habang nagbabaliktanaw sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng rebolusyon, lalo sa panahon ng reporma, pag-aalsa at kasunod na paglaya, sumagi sa aking isipan ang mga naging sakripisyo ng mga bayani tulad nina Jaena, del Pilar, Rizal, Bonifacio. (29) Naaalala ko ang labis na paghihirap ng mga Pilipino nakakulong sa selda ng kolonyalismo. (30) Bilang mga manunulat, sina Jaena, del Pilar, Rizal, Bonifacio at marami pang iba ay gumamit ng wika upang, una maihatid ang mga hinaing at ninanais na reporma sa Espanya; pangalawa upang mapalaganap ang mga ng kuwento ng paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila; at pangatlo upang magkaisa ang isang bayang dumadaing at nais makalaya. (31) Nakita ko rin ang naging papel ng wika sa panahon ng rebolusyon. (32)

Bilang kabataan, kinakailangan na manatiling buhay sa puso at isipan ang diwang nasyonalismong namayani sa panahon ng rebolusyon, upang hindi na muli maulit ang mga paghihirap na naranasan sa panahon na iyon. (33) Kinakailangan na ating mapahalagahan ang mga naging ambag ng mga bayani tulad nina Jaena, Rizal, at Bonifacio. (34) Maaaring mapahalagahan ito sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayang Pilipino. (35) Pag-aaral nang mabuti, paggalang sa mga magulang, pagsunod sa batas at pagsasagawa ng mga karapatan alinsulod sa Konstitusyon ay iilan lamang sa mga aksyon ng mabuting Pilipino. (36) Sa panahon ngayon na laganap ang “fake news” at mga “internet troll”, kinakailangan ang kaugalian ng mga repormista at rebolusyonaryo na gumamit noon ng wika para sa makabayang layunin at upang makapagdulot ng mga pagbabago na maaaring makatulong sa pag-unlad ng bansa. (37)


    1. Jalyssa Fermo
Ang ating wika ay palaging nagbabago at naiiba. (1) Kahit anong panahon man ang lumipas, kahit anong pangyayaring dumaan sa Pilipinas, ang wikang Filipino ay palaging umuunlad.(2) Isang napakamagandang halimbawa ng pagbabago na ito ay ang nangyari sa rebolusyonaryong panahon.(3)

Noong panahon na ito, napakahigpit na ng hawak ng Espanya sa ating bansa.(4) Halimbawa, halos lahat ng tao ay marunong ng Espanyol.(5) Kapag hindi mo ito natutunan, ang tingin sayo ay walang alam at hindi edukado.(6) Noon din, ang may kapangyarihan talaga sa bansa ay ang mga Kastila lamang at wala ka makikitang mga “indio” na may mataasa na posisyon sa kanilang sariling bansa. (7) Ang baba talaga ng tingnan ng mga dayuhan sa mga Pilipino. (8) Dumating na din sa punto na ganito na rin ang tingin ng ating mga kabayan sa kanilang sarili. (9)

May ilang mga Pilipino na sawa na sa pag-aabuso at paghihirap. (10) Ang kanilang pangalan ay nakasulat sa kasaysayan ng ating bansa.(11) Si Jose Rizal, Andres Bonifacio,  Emilio Jacinto, Apolinario Mabini -- sila ang napasimuno ng ating kalayaan galing sa Espanya. (12) Nagsimula ang rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol, at dahil dito, nagsimula na rin ang rebolusyon ng ating wika.(13) Dahil sa ating napakagaling na wika, nakapaglaban tayo para sa ating napakagaling na bansa.(14)

Naging instrumento ito ng pagkalat ng katotohanan sa buong bansa.(15) Ang mga repormista, katulad ni Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, at ang ating pambansang bayani si Jose Rizal, ay gumamit ng mga salita para lumaban sa mapang-api. (16) Ang mga gawa nila, katulad ng La Liga Filipina, La Solilaridad, at syempre, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ay ang mga rason kung bakit tumibok ulit ang mga puso ng ibang mga Pilipino para sa kanilang bayan. (17) Ang sulat ng mga repormista ay gumising sa mga tao na dapat hindi pumayag sila na inaapi sila ng mga tao na iba ang nasyonalidad. (18) Ang lider ng Katipunan, si Andres Bonifacio, ay sinasabing kumuha ng inspirasyon sa gawa ni Dr. Jose Rizal.(19) Ang wika ay naging importante din sa mismong Katipunan at ang pag-aalsa dahil gumamit ng mga koda at kodigo para hindi sila malaman ng mga Kastila. (20)

Sa isang talumpati ni Rep. Sy-Alvarado, nabangit niya na “ang sabik na paghihintay at mainit na paghahanda at pagtanggap sa pinakaaabangang dakilang araw ng pagsilang ng ating Republika ay patunay lamang kung paano pinahahalagahan ng ating mga ninuno ang tagumpay na kanilang pinagsumakitang makamit pagkatapos ng mahabang panahon ng pagtitiis at paghihimagsik.”(21) Dahil sa ating mga bayani na nagmahl saang ating bansa, nakarating na tayo sa bayan natin ngayon.(22)

Nakalagay sa 1897 Malolos Constitution na ang opisyal na wika ng Pilipinas ay Tagalog.(23) Dito nakikita na ang simula ng pagbabago ng wika ng Pilipinas pagkatapos ng panahon ng Kastila.(24) Sa ating gawain, marami din akong natutunan.(25) Para sa akin, ang wika ay napaka-importante at kailangan talaga ipagmalaki ito.(26) Katulad na nabanggit kanina, ito ay isa sa rason kung bakit malaya tayo ngayon sa Espanya. (27) Natutunan ko ang halaga ng aking wika, at kung paano ito ginamit sa rebolusyonaryong panahon. (28) Nagpapa-isip din ako na kung hindi natuto ang ating mga ninuno paano gamitin ang ating wika para sa kanilang gustong gawin, hindi talaga tayo makakaunlad bilang isang bayan. (29) Kailangan talaga natin mahalin at gamitin ang ating wika katulad ng ating mga bayani. (30)

    1. Paolo Mutuc

Ang Pilipinas sa panahon ng rebolusyon ay magulo. Laganap ang pagdanak ng dugo at tila nawawala ang kaunting pag-asa na natitira sa mga mata ng Pilipino. Dahil sa katakutan na nararamdaman ng mga Pilipino, wala silang magawa hinggil sa kanilang nasasaksi. Subalit, may ilang mga matatapang na Pilipino na umangal sa kanilang mga mananakop. Kahit alam nilang kaya silang saktan at patayin, umangal pa rin sila. Naghimagsik sila gamit ang iba’t-ibang paraan. Isang paraan ay ang pag-gamit ng wika. Ang halimbawa nito ay ang paghihimagsik nina Graciano Jaena at Marcelo del Pilar. Tinakbo nila ang La Solidaridad, isang rebolusyonaryong organisasyong na nagpalaganap ng balita ukol sa mga maling pagkatrato sa Pilipino ng mga Español. Maraming maimpluwensiyang tao ang nagsulat dito. Kabilang sa mga nagsulat ay sina Antonio Luna at Antonio Regidor. Subalit, pagkatapos ng ilang taong pagpopondo dito, naubusan si del Pilar ng pera at tinigil ang pagkagawa ng mga bagong papel. Namatay si del Pilar sa
Para sa akin, lahat ng taong umalsa laban sa mga Español ay bayani. Nilabanan nila ang sarili nilang takot at nakita nila ang totoong kalagayan ng kanilang inang bayan at may ginawa sila. Para sa akin, hindi lang dapat si Dr. Rizal ang iisipin pag ang rebolusyon ay pinaguusapan. Dapat rin nating alalahanin ang lahat na nagsakripisyo at naglaban para tuluyang paghiwalayin ang Pilipinas sa España.

Sa kabilang dako, malaki ang naitulong ng rebolusyon sa wika. Sa panahong ito, nakilala ng mga Pilipino ang pagmamahal sa sariling wika. Nasaksi nila ang diskriminasyong naidulot ng pagkaintindi at pagkausap sa banyagang wika dala ng mga mananakop. Lumaki ang puwang sa pamamagitan ng mayayaman at karaniwang tao. Naging mas importante o mas mataas ang mga nakakapagsalita ng Español kumpara sa mga hindi nakakasalita nito. Nasira ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Dahil sa pagkasakop ng bansa, nagkawatak-watak ang mga bayang dati ay nagkakaisa.

Pagkatapos ng lahat ng nagawa ng mga Pilipinong rebolusyonaryo, ang Pilipinas ay binili ng Estados Unidos mula sa Español. Subalit nabigyan ang Pilipinas ng mas maluwag na kadena, ang Pilipinas ay naka-kadena pa rin. Sa paglaya ng Pilipinas sa España, nabigyan ito ng pagkakataong gumawa ng sariling republika. Ang unang republika. Dito ay nadiklerang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Republika ng Pilipinas.

  1. Listahan ng mga sanggunian
Agoncillo, T.A. (1990). History of the Filipino people. (8th ed.). Quezon City, Philippines: Garo
Tech Books Inc.
Agoncillo, T.A. (1996). The revolt of the masses: The story of Bonifacio and the Katipunan.
Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press
Agoncillo, T.A. (1997). Malolos: The crisis of the republic. Quezon City, Philippines: University
of the Philippines Press
Constantino, R. (1997). Ang bagong lumipas - I. Quezon City, Philippines: University of the
Philippines Press
Mabini, A. (1899). 1899 Constitution of the Republic of the Philippines (Malolos Convention).
Philippine History. (2005). La Solidaridad & La Liga Filipina. Retrived October 10, 2017 from
Quirino, C. (1964). Minutes of the Katipunan. Manila, Philippines: National Heroes Commission
The Philippine Revolution. (2006). La Solidaridad. Retrived October 10, 2017 from

Comments

Popular posts from this blog

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon

Block E: Iba't ibang Susing Salita

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT