Block E: Wika sa Lipunang Pilipino
- Daloy ng Presentasyon at Pagtalakay sa Paksa
Sa
simula ng aming pagbabahagi, pinaglaro ng aming pangkat ang Block E. Sa aming
palaro, nais naming ipakita ang kahalagahan ng wika sa isang lipunan. Ang bawat
grupo ay representasyon ng isang lipunan at ang kanilang mga salita ay
representasyon ng kanilang wika.
Sa
larong ito, mas mauunawaan ng mga miyembro ng mga grupo na higit na mapapadali
ang mga gawain kung may wikang nagbubuklod sa isang lipunan. Dagdag pa rito,
mas madaling ayusin ang mga di-pagkakaunawaan sa tulong ng wika.
Matapos
ang laro, bumalik ang Block E sa silid-aralan at sinimulan na namin ang aming
pagbabahagi. Ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang aming tinalakay ay: Wikang
Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, Wikang Pagkatuto, at Lenggua Franca.
Sa gitna ng talakayan ay nagpakita kami ng isang bidyo na ipinapakita ang
kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino.
Ang
unang paksang aming itinalakay ay ang wikang pambansa. Ang wikang pambansa ay
ang wikang ginagamit at nagbubuklod sa isang lipunan. Ito ay arbitraryo:
pinagkaisahan ng mga mamamayan ng lipunan. Higit sa lahat, sumisimbulo ito sa
kultura ng isang lipunan, at nagsisilbing daan para sa kaunlaran nito
(Gonzalez, 2009).
Kahit
tinaguriang wikang pambansa ang Filipino, hindi lamang ito ang tinataguriang
wikang opisyal sa ating bansa. Para maturing na wikang opisyal ang isang wika,
ito ay dapat ginagamit sa lahat ng mga aktibidad at dokumentong opisyal ng
pamahalaan.
Ikatlo—ang
wikang panturo. Ito ay ginagamit upang ibahagi ang mga kaalaman. Gamit ang
wikang ito, naipapasa ang mga ideya ukol sa iba’t-ibang mga paksa. Ang wikang
panturo ang ginagamit ng mga guro upang turuan at maunawaan ng mga mag-aaral
ang talakayin.
Sa
kabilang banda, ang wikang pagkatuto naman ang ginagamit ng mga mag-aaral upang
intindihin ang mga ideyang natatanggap ng kanilang isipan. Ito ang wikang
ginagamit upang mas lalong suriin ang mga pangyayari sa kanilang kapaligiran.
Huli,
ang lenggua franca ay ginagamit ng mga tao mula sa iba’t-ibang lahi upang
makisalamuha sa isa’t-isa. Ito rin ay tinatawag na bridge language, na kumokonekta sa mga taong iba-iba ang
pinanggalingan. Ito ay maaaring maging kombinasyon ng dalawa o higat pang mga
wika.
- Biswal
na Presentasyon:
- Panganganinag:
Facon:
Ang
komunikasyon ay ang pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang lipunan. Isa
ito sa mga nagsisilbing tungkulin na dapat gampanan o tugunan ng wika. Dahil
dito ang wika sa lipunan ay maaaring hatiin sa limang kategorya: wikang
pambansa at lenggua franca, para magbuklod; wikang panturo at pagkatuto, para sa
pagpasa ng kaalaman; at wikang opisyal, para mag-organisa. Ito ang nagpapadali
sa buhay natin. Ang komunikasyon ay nagiging mabisa dahil rin dito.
Para
sa akin, ang mga wika sa Pilipinas ay ang nagsisilbing balakid sa patuloy-tuloy
na pag-unlad ng bansa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pagkakaisa ay
hindi nakikita sa bayan. Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga wika, ang mga ideya at
kaalaman ay hindi napapasa ng mahusay. Ito ay nakakaapekto sa pagiging
produktibo natin. Ang pagkakahati sa lahi ay patuloy na nararanasan.
Ang
Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng mga taong galing sa iba’t ibang
lahi. Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga katutubo ay may sari-saring
wika. Sa mahabang mga siglong nagdaan nang pananalakay ng iba’t ibang mga dayuhan,
naging isang malaking suliranin sa bayan ang makapagpatupad at magpahayag ng
iisang pambansang wika na maguugnay sa isa’t isa. Lalo na, iba’t ibang lahi
ang matatagpuan sa mga karatig na mga pulo na bumubuo sa ating bansa. Nang
madagdagan ang ating kaalaman ukol sa pagpapalaganap ng “Wikang Filipino”
bilang isang daluyang komunikasyon sa kasalukuyang panahon, mas lalong naging
mahirap matugunan sa isipan ang pagkakaroon ng iisa lamang wika. Dahil na rin
ito sa ating kasaysayan na kung saan nagbigay-daan sa pagturo at pag-alam ng
sari-saring mga wika at pati ang ibang mga dayuhang wika, tulad ng Kastila at
Ingles.
Maaaring
sabihin na ang pagbalangkas ng Filipino ay hindi kinasiyahan sa kadahilanang
hindi raw ito isang mabuting representasyon ng mga mamamayan. Bagkus ang
karamihan ng wikang Filipino ay nakabase lamang sa wikang Tagalog. Ito ay
nagbunga sa pag-alma ng ibang mga pangkat-etniko tulad ng mga Cebuano at
Ilokano. Dahil dito mapapansin natin na hangang sa kasulukuyang panahon, ang
mga mamamayan ay hati pa rin pagdating sa aspeto ng lengwahe. Makikita ang
higit na pagtangkilik ng iba sa wikang Ingles o kaya naman sa kanilang “mother
tongue” kaysa sa ating wikang pambansa.
Dahil
sa pagtangkilik sa wikang banyaga, nagkaroon ng paniniwala na ang Ingles ay mas
angat kaysa sa Filipino. Ito ay nagdulot sa estigma na kapag hindi ka marunong
mag-Ingles o kaya’y mali ang gramatika, ikaw ay huhusgahan na hindi edukado at
hindi pakikinggan ang iyong mga ideya. Mapapansin na mas paniniwalaan ang isang
artikulo na nasa wikang banyaga kaysa sa wikang Filipino. Ang resulta nito ay
ang kakaunting artikulo at pananaliksik na papel na nailimbag sa wikang
Filipino. Ang pagsulong sa larangan ng syensya ay bumabagal din. Ang
sirkulasyon ng mga ideya at kaalaman ay hindi masyadong mabisa.
Ang
mga nasabing sanhi sa itaas ay kabilang sa mga salik kung bakit ang Pilipinas
ay isang kabiguan sa pagiging isang nasyon. Ang pagkakaisa ng buong kapuluuan
ay hindi masyadong ramdam. Masakit mang sabihin, ang wikang Filipino, na ating
wikang pambansa, ay hindi gaanong kalakas o kainam upang pagbuklorin ang bawat
Pilipino.
Kiunisala:
Habang nagsasaliksik tungkol sa aming paksa, maraming mga tanong na
pumasok sa aking isipan. Bakit pa kailangan talakayin ang pagkakaiba ng mga uri
ng wikang ito? Hindi ba pareho lang ang wikang pambansa at wikang opisyal? At
ang lenggua franca, hindi ba paulit-ulit nang tinuro sa nakaraang mga taon?
Naguluhan
ako, ngunit tinuloy ko parin ang aking pananaliksik, dahil lamang nais kong
makamit ang mataas na marka. At sa kaunting pagbabasa sa iba’t-ibang
sanggunian, nasagot ang mga tanong na bumagabag sa isip ko. Mula sa aking
pananaliksik, hindi lamang ako nakakuha ng bagong impormasyon—ngunit nabatid ko
na dapat kong palawakin ang aking pananaw tungkol sa mga paksang katulad nito.
Labag man ito sa aking kalooban, inaamin ko na masyadong mababaw nga ang
aking pagtingin sa paksang aming tinalakay.
Bakit pa kailangan talakayin ang pagkakaiba ng mga uri ng wikang ito? Ito
ang unang tanong na pumasok sa aking isip bago pa man ako magsimulang
manaliksik. Dumaan ako sa maraming mga pook-sapot at nagsuri ng iba’t-ibang mga
sanggunian. Napansin kong kaunti o halos wala akong nalalaman tungkol sa
pagkakaiba sa paggamit ng mga wikang madalas kong naririnig o sinasalita.
Una sa lahat, oo, magkaiba ang wikang pambansa at ang wikang opisyal.
Matagal nang tinaguriang wikang pambansa ang wikang Filipino dito sa Pilipinas.
Ngunit kahit ito ang wikang pambansa, madalas ay hindi ito ang wikang ginagamit
ng ating pamahalaan. Napansin ko rin na ang wikang opisyal ay maaaring magbago
depende sa lokasyong pinamumunuan ng isang pamahalaan.
Ang ating pamahalaang pambansa ay madalas gumamit ng wikang Ingles sa
kanilang mga opisyal na gawain, dahil mahirap isalin ang ilan sa mga terminong
ginagamit sa gobyerno. Ang mga lokal na pamahalaan naman ay maaaring gumamit ng
kanilang mga wika o diyalektong pangunahing ginagamit ng mga tao sa lugar na
iyon.
Ang lenggua franca naman, kung aking iisipin, ay paulit-ulit nang naituro
sa nakaraang mga taon. Tinanong ko sa aking sarili kung bakit ito’y kailangan
ituro muli, at sinagot naman ito ng aking pagkatanto. Sa dami ng mga beses na
narinig ko ang mga salitang “lenggua franca” mula sa aking mga guro sa
Filipino, tila hindi ko maalala kung ano ito. Siguro nga, ang paulit-ulit na
pagbabanggit sa mga araling ito ay tumutulong upang maunwaang lubos ang
kanilang mga kahulugan.
At sa dulo ng lahat, matapos ang aking pananaliksik, marami akong mga
napagtanto at nalaman tungkol sa ating wika. Bilang bahagi ng lipunan at ng
kulturang Pilipino, nararapat lamang na tayo ay maging edukado sa mga paksang
itinatalakay ang mga ito. Mahalagang malaman natin ang mga wastong mga
terminong gamitin upang tukuyin ang iba’t-ibang paggamit sa wika. Mahalaga ring
hindi lamang isaulo, ngunit intindihin rin, ang mga kahulugan at mga konseptong
itinatalakay tungkol sa ating wika.
Matuto sana tayong magtanong tungkol sa ating wika. Higit sa lahat,
matuto sana tayong magsumikap hanapin ang mga kasagutan, hindi lamang hintayin
na lumapit ang mga kasagutan sa atin.
Sa dulo ng aking pananaliksik, maraming mga tanong na nasagot ng aking
mga sanggunian. Bakit pa kailangan talakayin ang pagkakaiba ng mga uri ng
wikang ito? Hindi ba pareho lang ang wikang pambansa at wikang opisyal? At ang
lenggua franca, hindi ba paulit-ulit nang tinuro sa nakaraang mga taon? Kahit
nasagot na ang aking mga tanong, mukhang nais ko paring manaliksik pa muli.
Pacheco:
Nalaman ko ang importante ng wika
at ang wika sa lipunang Pilipino. Kung di
Kami gumawa ang presentasyon na ito
talaga wala akong malalaman tungkol sa ibat ibang uri ng wika. Mas malinaw na
ang pananaw ko tungkol sa wika. Mas alam ko ang konteksto ng pagkagamit ng
ingles bilang wikang opisyal din sa Pilipinas.
- Listahan ng mga Sanggunian
(hindi bababa sa dalawa bawat miyembro, APA format)
Facon:
Gonzalez, A. (2009). Ang kahalagahan ng wikang pambansa sa
pagbubuo ng kakanyahang
Pilipino. Malay, 22(1), 1-5. Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=7949
Quito, E. (1987). Ang kaugnayan ng wikang pambansa at
edukasyon. Malay, 6(2), 135-194.
Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=7737
Kiunisala:
Acelajado, M. (1994). Ang pagtuturo ng matematika sa wikang
Filipino. Malay, 12(1), 1-23.
Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=7801
Geronimo, J. Y. (2015, August 8).
Filipino: ‘Pambansang Wika, Pero Hindi Wikang Opisyal’.
Rappler News. Retrieved from
https://www.rappler.com/nation/101966-filipino-wikang-opisyal
Pacheco:
Nordquist, Richard. (2016, February 9). lingua franca.
Retrieved from
LANGFOCUS(N/A)”Filipino (Tagalog) – the Lingua Franca of a
Hugely Diverse Country”.
retrieved from
http://langfocus.com/language-geography/filipino-tagalog-the-lingua-franca-of-a-hugely-diverse-country/
Comments
Post a Comment