Block F: KWF: ESPANYA



Kasaysayan ng Wikang Filipino: ESPANYA
Abejuela || Dumayas || Lagman

Daloy ng Presentasyon

Sa araw ng aming presentasyon, nagbigay kami ng leksyon tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino noong panahon ng Espanya gamit muna ng isang powerpoint. Sa pagitan ng ibang slides, nagpakita rin kami ng dalawang maikling pelikula na nagsasabi rin ng mga impormasyon tungkol sa paksa. Sa gitna rin ng aming pagtatalakay ay nagkaroon kami ng larong Hangman, kung saan sinabi namin ang kahulugan ng ibang salitang mahalaga sa paksa at kailangan nila mahula ito sa pamamagitan ng pagsabi ng titik o ang salita mismo. Dahil lahat ng grupo ay nagkaroon ng pare-parehong puntos sa larong iyon, nagkaroon ng isa pang bagong laro sa huli ng lekson namin. Tinawag namin itong Tok Tok Manok kung saan bawat miyembro ay may itlog na hawak. Ang bawat itlog ay may tanong sa loob tungkol sa panahon ng Espanya kung saan may isang kaparehong tanong ang isang miyembro sa bawat grupo at ang unang numero na matawag at tamang makasagot ay mananalo. May nanalo naman agad na grupo at binigyan namin sila ng mga pagkain bilang premiyo.


·         Paliwanag ng paraan ng paggrupo
·         Bidyo ng aming Review Material
·         Introduksyon sa Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
è Bidyong may kanta: Magellan ni Yoyoy Villame
·         Mga Layunin ng mga Espanyol sa Pagsakop sa Pilipinas
è God o Relihiyon
è Gold o Kayamanan
§  Simula ng Unang Laro
è Glory o Kaluwalhatian
§  Katapusan ng Unang Laro
·         Mga pagbabago sa mga wika sa Pilipinas
·         Ikalawang Laro
·         Ikatlong Laro (hindi natuloy sa araw ng presentasyon)
·         Pagbigay ng mga premyo sa grupong panalo




Pagtalakay

· Marso 16, 1521. Ito ang araw na unang nagkaharapan ang mga Espanyol at Pilipino dahil sa paglakbay ni Ferdinand Magellan.
            
 · Pebrero 13, 1656. Dumating si Miguel Lopez de Legazpi kasama ang anim na Agustinong           mga prayle sapagkat ang isa sa mga layunin ng Espanya ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
            · Layunin ng mga taga-Espanya:
a. God
b. Gold
c. Glory
            · Paghihiwalay
o Ang mga katutubo ng bawat rehiyon ay may iba’t-ibang wika na ginagamit. Lahat ng mga wikang iyon ay nagmumula sa pananalitang Silangang Indian (ngayon ay tinatawag na Malayo) at ay halo-halong ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipagkalakalan.
§ Halimbawa: Sa Luzon…
Tagalog
124000
Ilocano
75000
Bicolano
37000
Pangasinan
24000
Pampanga
75000
Ibanag
96000
O Ayaw nito ng mga Espanyol dahil nakakahilo daw ang paghahalo ng mga wika kaya ay pinagbawalan ang pakikipaglakalan ng iba’t-ibang rehiyon.
            · GOD
o Naging institusyong pang-edukasyon ang mga prayleng espanyol. Ang mga misyonero ang naging mga guro sa mga lugar na sakop nila.
O 27 Abril 1594: Inutos ni Haring Felipe II na ihati ang lupa ng Pilipinas sa apat na Ordeng misyonero
§ Ang apat ay may hati sa mga lupaing Tagalog at sa mga karatig na probinsya ng Maynila
§ Agustino at Heswita – mga islang Bisayan
§ Agustino – Ilokos at Pampanga
§ Dominiko – mga Chinese, probinsyang Pangasinan at Cagayan
§ Pransiskano – Camarines
o Ang bawat orden ay may sariling hawak na mga lugar na may spesipikong wika na ginagamit at dahil dito, nalimita ang lingguwaheng pag-aaralan ng mga misyonero
o Nagsulat ng mga diksyunaryo ang mga prayle upang mas mabilis na matutunan ang katutubong wika
§ Fray Juan de Quinones (Agustino) – bumuo ng unang gramatika sa Tagalog; ikinomisyon siya na magsulat ng isang gramatika, isang diksiyonaryo at isang katesismo sa wikang Tagalog.
            · GLORY
o Ang tingin ng mga Espanyol sa wika ng mga katutubo ay parehas sa pananaw nila sa mga nagsasalita nito: INDIO
§ Barbariko
§ hindi sibilisado
§ pagano (PAGAN à taong may hawak na paniniwalang naiiba sa mga pangunahing relihiyon sa mundo)
o Pero kahit na mababa ang tingin nila sa wika ng mga katutubong Filipino, mas pinili nilang aralin ito kaysa naman ituro ang wikang Espanyol sa kanila dahil:
§ Ipinapakita nila na masyado prestihiyoso ang wikang Espanyol.
§ Maiintindihan ng mga Pilipino ang mga Espanyol kapag ituro sa kanila ang Espanyol at hindi na sila maloloko.
§ XMas mapapalapit at makukuha ang tiwala ng mga Pilipino kapag ang katutubong wika ang ginagamit sa pagturo ng Doctrina Christiana.
o ALAM NIYO BA? Pananiniwalaan na ang mga lalaking nasa edad 25 – 30 ay mas epektibong makatututo ng wika!
            · GOLD
o Kahit na mas marami ang taong nagsasalita ng Bisaya, nabigyang empasis ang pag-aaral sa Tagalog dahil naging importante ang Maynila sa BALAKONG IMPERYAL ng Espanya.
o Marami ang mga librong nailimbag sa Tagalog kaysa sa Bisaya, Bicol at Kapampangan.
§ Doctrina Christiana – bilingguwal; Espanol at Tagalog/Chinese at Espanol
· Nanatili ang ibang mga salitang Espanol sa tekstong Filipino dahil ito ang mga susing konsepto sa aklat.
· Iniiwasang itulad ang mga ideya ng Kristiyano sa kultong pagano.
· Ang ilang mga salitang konsepto ay: Dios, Trinidad, Espiritu Santo, Virgen Maria, ang Papa, gracia, pecado, cruz, infierno, santa iglesia, Domingo, at iba pang pangalan ng sakramento.

o 1593:
§ inilimbag ang unang aklat sa Pilipinas gamit ang silograpiko
§ Doctrina Christiana –  bilingguwal; Espanol at Tagalog/Chinese at Espanol
· Nanatili ang ibang mga salitang Espanol sa tekstong Filipino dahil ito ang mga susing konsepto sa aklat.
· Iniiwasang itulad ang mga ideya ng Kristiyano sa kultong pagano.
· Ang ilang mga salitang konsepto ay: Dios, Trinidad, Espiritu Santo, Virgen Maria, ang Papa, gracia, pecado, cruz, infierno, santa iglesia, Domingo, at iba pang pangalan ng sakramento.
§ Tinuturong si Fray Juan de Plasencia daw ang awtor ng Doctrina Christiana na inilimbag sa Pilipinas, at inirebisa ni Fray Juan de Oliver
· Pagbabago
o Syempre ay hindi naman inaral ng mga Espanyol ang baybayin.
o “Inayos” nila ang paraan ng pagsulat na ginagamit noon
§ Mga simbolo na dating ginagamit ng ating mga ninuno à napalitan ng Alpabetong Romano na may 5 patinig at 15 na katinig
§ A, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y
o Nagdagdag rin sila ng mga maka-Kastila na mga salita
 Lapiz
Lapis
Febrero
Pebrero
Marzo
Marso
Junio
Hunyo
Carne
Karne
Medio
Medyo
Coche
Kotse
Calle
Kalye
Paño
Panyo
Como esta
Kumusta
            · Sa Katagalan…
o Gusto ng Hari ng Espanya [Felipe II] na matutunan ng mga Pilipino ang wikang espanyol (Marso 2, 1634)
§ Tutol ang mga prayle dito
§ Sang-ayon dito sina Gobernador Tello at Haring Carlos I (sa pagturo ng doktrinang Kristiyana)
§ Kailangan daw maging bilinggwal ang mga Pilipino
o Dekrito #1 ni Haring Carlos II: Ituro ang wikang Kastila sa mga katutubo. May parusa para sa mga hinid susunod
o Disyembre 29, 1792 à Dekrito #2 ni Haring Carlos IV: Gamitin sa lahat na mga paaralan ang wikang Kastila

Mga Laro
A)    Hangman (Unang Laro)
      Ito ay isa sa mga pinakakilalang laro. May mga blankong nakasulat sa pisara at ang bawat blanko ay nagrerepresenta sa isang titik sa isa o higit pang mga salita. Ang salitang mabubuo ng mga ito ay mga empasis sa presentasyon. Huhulaan ng mga mag-aaral ang mga titik na posibleng ginamit sa salita

B)    TOK TOK MANOK (Ikalawang Laro)
1.    Ang mga grupo ay batay sa mga pangkat sa presentasyon, 3 miyembro kada pangkat. 1 representative from each group plays
2.    Bawat player ay bibigyan ng 3 itlog na may numero.
3.    Ang mga itlog ay may tanong na nilalaman sa loob ng isang papel. May 9 na tanong. Ang bawat tanong ay pwede mahanap sa 3 itlog. (Halimbawa, ang unang tanong ay maaaring nasa itlog na may numerong 23, 14 at 9)
4.    May raffle, at yung mga itlog na natawag sa round na iyon ang pwedeng buksan.
5.    Paunahang bubuksan at sasagot ang mga manlalaro kada round. Ang may gustong sumagot ay kailangang tumalon at sumigaw ng “TIKTILAOK!!!”
6.    Ibubulong lamang ang sagot. Kung marami ang nakatama: 1st: 5 puntos, 2nd: 3puntos,  3rd: 1puntos)
7.    Kung mali ang sagot nilang tatlo, sasabihin out loud ang tanong, pwede isteal ng iba pero kailangan pa rin nila tumalon at sumigaw ng TIKTILAOK. (Makakakuha ng 7 na puntos ang makakasagot ng tanong)
8.    Bawal umilit ng pagsagot.
9.    Ang grupong makakakuha ng pinakamataas na puntos ay itataguring panalo sa laro.


Biswal na Presentasyon
PPT [PDF]: https://drive.google.com/open?id=0BygyOEQ-SioaM0dBWHpEMTRGR0E
Bidyo: https://drive.google.com/open?id=0BygyOEQ-SioaN1FfRUhIUkd4WXM
Review Material: https://drive.google.com/open?id=0BygyOEQ-SioabzYxZHN2b1RrM2M 
Mga Larawan: https://drive.google.com/open?id=0BygyOEQ-SioaYWRycmpFbE9EbU0
   
 
Panganganinag
A)    Nicole Abejuela

Nakakapagtaka pag-isipan kung ano ang magiging estado ng mga wika sa Pilipinas kung hindi ito naimpluwensyahan ng mga Espanyol. Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang pinatutunguan ang ating mga wika. May sariling bokabularyo na ang ating mga ninuno na ginamit nila sa pakikipagkalakalan. Mayroon na ring Baybayin noon na kilala ng lahat at may iba’t-ibang baryasyon. Binago ng mga Kastila ang direksyon ng ganap na landas ng pag-unlad ng ating wika. Tinuruan nila ng balikong pag-iisip ang mga Pilipino upang mapalitan nila ang ating pananaw ng pag-unlad. Pinuwersa nila ang kanilang bersyon ng kaunlaran. Sinabi nila na ang pagiging sibilisado ay ang pagkakaroon ng sentralisadong wika. Pero, ang ating mga ninuno ay nagkaroon naman ng sistema at katahimikan kahit na wala ito. Ang susi sa pagkakaisa ay hindi konpormidad. Gawin nating pare-parehas ang ating wika dahil magkakaiba tayo. Ito siguro ang pang-karaniwang pag-iisip noon. Ang mga Pilipino ay kakaiba. Para sa ating mga ninuno, ang pagkakaunawaan sa kabila ng pagkakaiba ay ang tunay na pagkakaisa ng isang bansa. Magkakaiba tayo kaya ay respetuhin at aralin natin ang kultura at wika ng isa’t-isa.

Para sa akin, karamihan sa mga reporma na naisagawa ng mga Kastila, mula sa pagbago ng paraan ng pagsulat hanggang sa mismong mga salita, ay nakasira sa kultura ng ating mga ninuno.  Ang una sa mga hindi ko gusto sa mga nangyari ay ang walang respeto na pagtrato sa Baybayin.  Sana man lang ay hinayaan nila na matutunan at gamitin ng mga Pilipino ang Baybayin bukod sa Alpabetong Romano. Sa totoo lang, sa kasalukuyan ay pinag-iisipan ko na mag-aral ng pagsulat gamit ang Baybayin sapagkat naintriga ako sa mga ugat ng kultura ng mga Pilipino. Ang ikalawa ay striktong pagbawal na makipagkalakalan ng mga lalawigan sapagkat ay magkakahalo-halo ang mga wika sa Pilipinas. Ang pagiging makulay natin sa aspeto ng wika ay nagpapakita na ating pagiging malikhain at matalino. Nahilo raw ang mga Espanyol sa baryati ng ating wika. Ayaw nila aminin na sila ang tamad sapagkat hindi nila kaya kabisaduhin ang lahat ng wikang iyon. Mayroon akong kasiyahan na raramdaman sa tuwing naiisip ko na paiba-iba ang ginagamit kong wika sa pakikipag-usap sa isang grupo ng tao tapos ay nagkakaunawaan pa rin kami. Pagliko ko sa aking kaliwa ay nakikipag-usap ako gamit ang wikang Tagalog, at sa kaliwa naman ang wikang Cebuano. Nais ko ngang matutunan ang ibang wika ng mga rehiyon sa Pilipinas. Siguro kung hindi nangialam ang mga mananakop ay naging mas makulay pa ang ating mga wika ngayon.

Sa kabila nito ay sang-ayon naman ako sa ilan sa mga nagawa nila para sa progreso ng literatura. Isang halimbawa nito ay ang pag-utos ng mga Hari ng Espanya na matutunan ng mga Pilipino ang wikang Kastila. Naipakita nito na may karapatan din ang mga Pilipino na gumamit ng wika ng mga Espanyol. Sa mga dekrito na ito ay naging hindi na ganoon kababa ang tingin sa mga ninuno natin. Ikalawa ay ang pagpapakilala nila sa paglimbag ng mga libro sa Pilipinas, na nasimulan ng Doctrina Christiana. Syempre, may unting tutol ako dito. Maganda man na nagkaroon tayo ng teknolohiya dahil dito, sa tingin ko ay kahit hindi tayo tinulungan ng mga Kastila ay malalaman din naman natin ito sa paglipas ng panahon. Sana ay nahanap natin ang teknolohiya na ito sa sarili nating oras at panahon, nang walang impluwensya ng iba.


B)    Charisse Lagman

Malaki ang naitulong ng mga Espanyol sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Sila ang nagdala ng teknolohiyang panlimbag ng unang libro sa Pilipinas. Pinag-aralan nila ang iba't-ibang wika ng mga katutubo. Nagsulat din sila ng mga diksyunaryo ng gramatika para sa mga ito. Dala rin nila ang relihiyong Kristiyano na ngayon ay malaking bahagi ng kultura ng Pilipinas. Dahil sa impluwensya ng relihiyong Kristiyano, marami ang mga hiniram na salita na galing Kastila na walang katumbas sa orihinal na katutubong wika. Ang mga kasong ito ay nagpapahiwatig na nakadulot ng maganda ang pagsakop ng Espanyol sa wika.
Ngunit mayroong mga hindi magandang naidulot ang pananakop na ito. Hindi pare-pareho ang pinagtutuunan ng pansin ng mga misyonero sa mga wika. Kundi dahil sentro ang Maynila sa kalakaran, ang Bisaya ang mas iuunlad na wika dahil mas maraming tao ang nagsasalita nito. Mas kaunti ang mga librong inilimbag sa ibang wika na hindi Tagalog. At dahil dito, isa paring malaking isyu ang pagdedeklara ng Tagalog bilang wikang pambansa.
Sa pagsaliksik para sa presetasyong ito, nalaman kong nakatulong pala ang pananakop ng Espanyol sa wikang Filipino at kung hindi dahil sa kanila ay wala tayong librong nasusulat ukol sa gramatika at magkakagulo-gulo ang iba't-ibang wika na nasa Pilipinas. Nakakapanibago rin ang malaman ko na ibinase ng mga Espanyol ang mag-iisip nila sa mga Pilipino sa pagkakaiba ng relihiyon. Inakala ko na ito ay ibabase sa kultura at teknolohiya. Barbariko ang tingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino noon dahil iba ang kanilang kultura at gawain.Maitutulad din natin iyan sa mga sitwasyong gumaganap sa mundo. Ang racism na nanghuhusga ng tao batay sa kanilang kutis dahil naiiba ito sa kanila.
May mga binago rin ang mga Espanyol na hindi ko rin nagustuhan. Ang pagroromantisismo ng alpabetong orihinal na baybayin ay ginawa upang madali ang pagbasa ng mga misyonero dito. Ang baybayin ay isang kakaibang alpabeto na para sa ating bansa. Ang pag-iiba ng paraan ng pagsulat ng mga salita ay parang pag-iba ng kultura, na nangyari nga sa pananakop ng Espanya.
Sa pagsasaliksik ukol sa panahon ng Espanya, marami pala ang bahagi ng kaysayan ng wika ang hindi nakasulat sa mga karaniwang libro. Kinailangan talagang maghanap ng mabuti para sa mga sanggunian na ibabase ang presentasyon. Ihinihikayat ko na basahin ang mga tungkol dito dahil malalaman dito kung bakit napiling palaganapin ang mga wika. At sana hindi maging hadlang ang pagkumbaba ng mga Espanyol sa paggamit ng wikang Pilipino.

C)    Gwen Dumayas

Sinakop tayo ng mga Kastila ng napakahabang panahon.1 Dahil dito, tunay na malaki ang impluwensiya ng mga Espanyol sa mga FIlipino kahit sa kasalukuyan.2 Makikita natin ito kahit sa mga simpleng bagay man lang tulad ng mga salita.3 Ilang halimbawa nito ay ang kamusta, lapis, karne, panyo, at iba pa.4 Kahit na marami silang masasamang ginawa sa atin, marami paring mga bagay ang nabago.5 Kasama na dito ng ating wika, kultura, at paraan ng pamumuhay.6 Nakakalungkot na hindi lahat ng tao ay edukado tungkol sa mga nangyari sa ating bansa noong panahong ito.7 Importante sana na maging mulat ang bawat Pilipino sa mga pangayari noon upang matutunan nila ang mga importanteng pagbabago sa impluwensiya ng mga Espanyol sa atin.8
Sa aking pagsasaliksik, natutunan ko na may tatlong pangunahing layunin ang Espanya dati para sa Pilipinas.9 Ang mga kabilang dito ay ang God, Gold, at Glory.10 Masasabing malaking bagay pala talaga ang Kristiyanismo para sa mga Kastila dati at importante para sa kanila na mapalaganap ito.11 Ang mga prayle at misyonero ay nagsilbing guro ng mga tao sa mga sakop nilang lugar.12
Mababa ang pagtingin ng mga Espanyol sa mga FIlipino noong panahon ng pagsasakop nila sa atin.13 Tumutol ang mga prayle sa pagturo ng wikang Espanyol sa atin.14 Dahil sila ang may kapangyarihan noong panahong ito, ito ay natupad naman.15 Sa aking palagay, ito ay isang matalinong istratehiya dahil alam nilang kapag matutunan ng mga Pilipino ang wika nila, hindi na nila tayo maloloko sa mga laro-laro nila sa atin.16 Ngunit nakakatuwa na nagsikap parin ang mga Pilipino na intindihin ang wikang Espanyol.17
Bukod sa wika, malaki din ang impluwensiya ng mga Kastila sa ating alpabeto.18 Ang alpabetong ginagamit natin bago pa man dumating ang mga Kastila ay Romano.19 Nagbago naman ito noong dumating sila at naging Abecedario na.20 Habang panahon nagbago na ulit at naging alpabetong Romano.21 Ayon kay Jose Rizal (1899), maraming mga titik at pantig na kasama na hindi naman talaga kailangan o hindi naman talaga importante sa atin dahil hindi naman natin ito ginagamit sa ating mga salita.22 Minsan, ito rin ay dahil panggulo lang ito sa pagbabaybay at abala pa ito sa kung saan sanay ang mga Pilipino kaya nahihirapan tayo.23 Ilang halimbawa ng mga pantig ay ga, ge, gua, gue, gui, at iba pa.24 Sa aking palagay ay totoo naman nga na hindi ito mabisa sa ating paggamit ng mga salita at abala lang ito sa atin.25
Ang panahon ng Kastila ay isa ngang tunay na panahon ng pagbabago.26 Ngunit dahil lang marami silang masasamang naidulot sa atin, ay hindi ibig sabihin na wala namang mabuti rin.27 Ang tatlondaang taon na pagsakop sa atin ay ang naghugis sa kung ano tayo ngayon. Makikita natin na mga Pilipino parin tayo at ang mahalaga ay sama-sama parin tayo sa isang bansa.28 Isang makapangyarihang kadahilanan na sa tingin ko kung bakit hindi tayo lumingon sa sarili nating bansa ay ang ating wika.29 Dapat talaga ay hindi natin kalimutan ang kahalagahan nito dahil importante ito sa ating pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.30 At ang komunikasyon naman ay ang susi sa pagtutulong-tulong natin sa kapwa nating Pilipino at unti-unti na ring para umunlad ang ating bansa.31

Mga Sanggunian

De Leon, M. (2015, June 3). Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol.
Retrieved September 24, 2017, from https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar /pagbabago-sa-lipunan-at-kultura-sa-panahon-ng-espanyol


Kasaysayan ng Pambansang Wika: Panahon ng Espanyol at Panahon ng
mga Amerikano. Retrieved September 17, 2017, from https://www.academia.edu/
27066735/MODULE_1_KASAYSAYAN_NG_PAMBANSANG_WIKA_PANAHON_
NG_ESPANYOL_AT_PANAHON_NG_AMERIKANO


Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng mga Espanyol. (2016, August 23). Retrieved
wikang-pambansa-sa-panahon-ng-mga-espanyol


Pamatin, A. (n.d.). Kasaysayan ng Wikang Filipino. Retrieved September 17, 2017, from
https://www.academia.edu/7593747/Kasaysayan_ng_wikang_filipino

Phelan, J. (2017). Lingguwistika sa Filipinas at mga Misyonerong Espanyol, 1565 - 1700. In
Introduksiyon sa Leksikograpiya sa Filipinas (pp. 219-233). Maynila: Komisyon sa
Wikang Filipino.Mendoza, R. (n.d.).


Ramos, J. (2016, July 26). Kasaysayan ng Wikang Filipino sa Panahon ng Espanyol. Retrieved
September 17, 2017, from https://prezi.com/glweo-nrvdhv/kasaysayan-ng-wika-sa-
panahon-ng-espanyol/


Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon