Block F: KWF - Komonwelt
KATOTOOHANAN, KAHUSAYAN, PAGLINGKOD
SOLOMON, Nathan 10 Oktubre 2017
FAJARDO, Lauren I-LT2
RODRIGUEZ, Maegan
Block F: KWF - Komonwelt
I. Daloy ng Presentasyon
Ang presentasyon ay sinimulan sa pagpapaliwanag ng mga instruksyon para sa laro. Ang klase ng Block F ay hinati sa limang grupo, at ang bawat pangkat ay mayroong lima hanggang anim na miyembro. Ang laro ay tulad ng isang quiz bee - makikipag-unahan ang bawat grupo sa pagsagot ng mga tanong na aming sasabihin at ipapakita sa projector screen. Ang unang grupo na magtaas ng kamay at sumagot ng tama ay bibigyan ng isang puntos, maliban sa ibang tanong na may mga bonus na punto. Ang grupo na makakakamit ng pinakamaraming puntos ay ang siyang panalo at bibigyan ng premyo. Pagkatapos ng paglalahad ng instruksyon, inumpisahan na ang diskusyon at laro.
Ang unang katanungan ay, “Sino ang itinuturing na ‘Ama ng Wikang Filipino’?” Ang tamang sagot ay si Manuel L. Quezon. Sumunod ang diskusyon tungkol sa kanya at kung bakit siya ang hinirangan ng titulong iyon. Sa pangalawang katanungan, kinailangan ibigay ang walong pangunahing wika sa panahon ng Komonwelt. Ang mga sagot dito ay Ilocano, Pangasinan, Kapampangan, Tagalog, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at Waray. Ipinahayag namin kung saang mga bahagi ng bansa ginamit ang mga wikang ito. Ang pangatlong tanong ay “Saang bahagi ng Pilipinas ginagamit ang Hiligaynon?”. Ang sagot dito ay sa kanlurang bahagi ng Visayas, ang Negros Occidental at Panay.
Ang sunod na katanungan ay humingi sa luma at kasalukuyang pangalan ng ahensiya sa pamahalaang namuno sa pagtatag ng wikang pambansa. Ayon sa pagkakabanggit, ang mga sagot para dito ay Surian ng Wikang Pambansa (SWP) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ipinaliwanag namin ang kanilang papel sa pagkakaroon natin ng wikang pambansa at kung sino-sino ang mga taong parte ng SWP noon. Sumunod, ay hiningi ang apat na batayan sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Ito-ito ang mga batayan: marami ang gumagamit, ginamit noong rebolusyon, ginagamit sa Maynila, at may pinakamalawak na panitikan. Ibinahagi rin namin ang mga isyu tungkol sa pagpili ng Tagalog bilang batayan.
Ang ikatlo sa huling tanong ay, “Sino ang nagsulat ng Balarila sa Wikang Filipino”? Ang tamang sagot ay si Lope K. Santos. Itinalakay namin ang kanyang ginampanan sa paglinang ng Wikang Pambansa. Ang kanyang balarila ay ikinumpara sa naunang ginawa ni Jose Rizal noon. Ang pampitong tanong ay hiningi ang pagkakaiba ng Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, at Wikang Panturo sa isa’t isa. Ang una ay pangkalahatang midyum; ang pangalawa ay ginagamit sa pamahalaan; at, ang pangatlo ay ginagamit sa pormal na edukasyon. Para sa huling tanong, ito ay “Totoo ba ang nakasaad sa Php 20 ukol sa Wikang Pambansa? Bakit?” Ang sagot dito ay hindi dahil hindi sa 1935 itinatag ang Wikang Pambansa, na ngayon ay may ngalang Filipino.
Pagkatapos ipakita ang mga pinagkunang sanggunian ay itinala ang mga puntos ng bawat grupo. Mayroong dalawang grupo na nagpantay para sa premiyo kaya’t hinati ang isang supot ng Nips tsokoleyt sa kanila. Natapos ang presentasyon at nagbigay ng maikling pagbubuo si G. Mae Lopez.
II. Pagtalakay sa Paksa
Manuel L. Quezon
Si Manuel L. Quezon, ang ikalawang presidente ng Pilipinas, ay naglingkod mula 1935 hanggang 1944 nang panahon ng Komonwelt. Siya ang itinuturing na “Ama ng Wikang Filipino,” dahil siya ang nanguna sa pagbuo ng wikang pambansa. Nakasaad sa Saligang Batas ng kanyang administrasyong ang layuning ito. Pati noong ika-27 ng Oktubre 1936, sa kanyang mensahe sa Unang Pambansang Asamblea, sinabi niyang ang Pilipinas ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”
Artikulo XIV, Seksyon 3
Sinasabi sa bahaging ito ng 1935 Saligang Batas na ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika...” Ang probisyong ito ay ipinaglaban ng mga delegado mula sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Nakita nila ang kahalagahan nito dahil ang mga pangunahing wika, pati wikang opisyal, noong panahong iyon ay Espanyol at Ingles.
Batas Komonwelt Blg. 184
Sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 184 na ipinasa noong 13 Nobyembre 1936, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Ang naging layunin ng ahensiya ay ang pag-aral “ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.”
Noong Komonwelt, ang mga pangunahing wika sa Pilipinas ay Ilocano, Pangasinan, Kapampangan, Tagalog, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at Waray. Ang Surian ay binuo ng 11 na miyembro. Ang bawat isa ay kumatawan sa isang pangunahing wika, dagdag ang isa para sa Maranao-Maguindanao at tig-isa pang sobra para sa Tagalog at Cebuano. Si Jaime C. de Veyra, kinatawan ng Hiligaynon, ang naging unang patnugot ng Surian. Kasama rin dito si Lope K. Santos, na naging mahalaga ang kontribusyon sa paglinang ng wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
Matapos ang isang taon ng pagpapasya, isinabatas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 13, 1937 na nagsasabing ang wikang Tagalog ang gagamitin bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Ang mga dahilan sa pagpili nito ay ang mga sumusunod:
- Ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mamamayan.
- Ito ay may pinakamalawak na panitikan.
- Ito ay ang wika ng Maynila, ang kabisera ng bansa at ang sentro ng pangangalakal.
- Ito ang wika na ginamit ng mga Katipunero noong rebolusyon.
Lope K. Santos
Si Lope K. Santos ang nagsilbing direktor ng Surian ng Wikang Pambansa sa mga taong 1941 hanggang 1945. Ang pangunahing tungkulin ng Surian noon ay ang pagbuo ng diksyunaryong English-Tagalog. Sa kanyang paglilingkod, nagdaos rin siya ng mga seminar ukol sa Tagalog. Pinakatampok si Santos sa pagsulat ng Balarila ng Wikang Pambansa. Ito ang basehan ng alpabeto (ABaKaDa) natin ngayon na binubuo ng 20 titik. Ito rin ang naging basehan sa tamang paggamit ng Tagalog (gramatika). Maaari itong ihalintulad sa balarila ni Jose Rizal noon, kung saan ang isang pagkakaiba ay makikita sa paggamit ng /g/ na may kilay para sa /ng/.
Batas Komonwelt Blg. 570
Noong Hunyo 7, 1940, ipinasa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na kumikilala sa
sa Wikang Pambansa ng mga Filipino bilang Wikang Opisyal simula ang Hulyo 4, 1946. Simula noon, mas naging malawak ang paggamit ng wikang pambansa. Hindi na lamang ito asignaturang itunuturo, kundi ang wika para sa mga mahalagang proseso ng pamahalaan.
Wikang Pambansa
Ang wikang pambansa ay ang pangkalahatang midyum ng komunikasyon.
Wikang Opisyal
Ang wikang opisyal ay ang wikang ginagamit ng pamahalaan sa pakikipagtalastasan sa kanyang sariling mamamayan at sa mga ibang bansa. Sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 570, naging wikang opisyal ang Filipino noong Hulyo 4, 1946.
Wikang Panturo
Ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa kasulukuyan, ang mga wikang panturo natin ay ang mother tongue ng mga estudyante mula kindergarten hanggang ikatlong baitang, at Ingles at Filipino sa ikaapat na baitang hanggang mataas na edukasyon.
III. Biswal na Presentasyon
Tingnan ang: https://docs.google.com/presentation/d/1assMppDxpdW73dFdkZhKsxFr2fzA763S2my7TElMMBI/edit?usp=sharing
IV. Panganganinag
Panganganinag ni Lauren:
Bilang isang estudyante sa Pilipinas na pinanganak sa Estados Unidos, nahirapan akong makipag-usap sa aking mga kamag-aral nang lumalaki ako. Sa unang baitang, nakikipagtalumpati na sila gamit ang wikang ginagamit nila habang buhay, samantalang nakikibaka pa akong lumikha ng isang maayos na pangungusap. Pinapagalitan ako sa Filipino at Sibika dahil wala akong makasagot na tanong. Pinapahiya ko ang aking sarili kapag pagkakataon ko nang magdasal sa harap ng klase. Iba ang tingin ng aking mga kamag-aral, at minsan pati ng aking mga guro, sa akin noon: Isang tahimik, natatakot, at nalilitong bata.
“Bakit hindi nalang pwedeng mag-Ingles palagi?” ang tinatanong sa sarili ko halos araw-araw. Siguro kung lahat nalang ay mag-Ingles, magiging mas madali ang buhay ko at mas marami ang makikipag-usap sa akin. Siguro mas maganda pa nga kung hindi kami lumipat sa Pilipinas. Nagkaroon ako ng sama ng loob para sa wikang hindi ko maintindihan. Habang nasa elementarya ako, hindi ako kailanmang naging sanay makipag-usap sa Filipino. Dahil halos lahat naman ng mga tao sa aking paaralan ay mga inglisera, hindi ito naging problema sa labas ng silid-aralan. Sa katotohanan, inakala ko na ginagamit lamang ng mga taong kasing edad ko ang Filipino kapag kinakailangan at hindi sa pakikipagtalastasan. Ngunit ang tingin ko sa Filipino ay nagbago noong pumasok ako sa Pisay, kung saan Filipino ang pangunahing wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Natanto ko na sobrang limitado ang pananaw ko sa bansa na inakala ko na ang mga taong kikilalanin ko sa Pisay ay parehas lamang sa mga taong nakilala ko noong bata ako.
Ngunit kahit mayroong mga pagkakaiba batay sa kung saan ang aming mga pinanggalingan, natuklasan ko rin na may mas maraming dahilan kung bakit kami ay magkakapareho. Habang humaba ang panahon ko sa Pisay, nawala ang pagkakaisip ko na may malaking pagkakaiba ang mga taong nagsasalita ng Ingles at ang mga taong nagsasalita ng Filipino. Bukod dito, may nais ko nang matuto ng Filipino. Nang nagiging mas mahusay ako sa pagsasalita nito, mas nararamdaman ko kung ano ang ibig sabihin pagiging isang Pilipino. Mas iniintindi ko na ang mga tradisyon, sining, at kultura na hindi ko napansin dati. Naging mulat rin ako sa mga mahalagang pangyayari sa ating bansa at ang mga maaaring maging kalabasan ng mga ito sa ating kinabukasan. Parang ako’y naging isang tunay na mamamayan ng Pilipinas.
Dati pinilit kong pakawalan ang wikang Filipino sa buhay ko ngunit hindi ako nakatakas kailanman. Ngunit ngayon, umaasa ako na sana hindi mawawalan sa mundo ang mga wikang Filipino kailanman. Ang mga Filipino noong panahon ng Komonwelt ay uhaw na uhaw na para makikilalanin ang sarili nilang mga wika bilang mga tunay na wikang pambansa, at hindi ang mga wikang dayuhan. Sila’y lumaban para sa ating kultura at identidad at sila’y nagtagumpay. Makikita rin natin ang epekto ng mga kaganapan noong panahon ng Komonwelt hanggang ngayon. Ngunit hanggang mawala ang mababang tingin sa mga ibang wika sa Pilipinas, tuloy ang laban para sa pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino. Hanggang kilala natin kung sino tayo bilang isang bansa at isang lahi, tuloy ang pagkalat ng kaalaman. Wala pang isang siglong nakalipas noong naging wikang opisyal ang Filipino. Sana’y may mahabang panahon sa kinabukasan upang ipakita natin sa daigdig kung sino nga ang mga Pilipino.
Panganganinag ni Maegan:
Sa aming presentasyon ko nalaman ang mga pinagdaanan ng aking mga kababayan noon sa pagpili ng isang Wikang Pambansa noon. Kung tutuusin, bihira ko lang mabigyan ng tuon ang ating pagkakaroon ng isang Wikang Pambansa. Nakakalungkot ito isipin dahil isang rason sa pagtatag nito ay ang ating pagkakalaya mula sa mga Espanyol. Mayroon man tayong opisyal na dokumento na nagsisilbing tibay para sa ating pagkaroon ng Wikang Pambansa, hindi naman ito ilinalalangkap ng mga Pilipino bilang sambayanan.
Sa paggawa ko pa lang ng repleksyon ko tungkol sa aming inihayag ay kailangan meron akong alalay sa aking pagsulat na si Google Translate. Marami ang nasasabi ng itong pahayag pa lamang dahil alam kong ang aking mga ibang kaklase ay ganito rin magsulat ng kanilang mga papel sa Pilipino. Dito ka mapapaisip kung may silbi ba talaga ang pagtatag ng isang ahensiya tulad ng Komisyon sa Wikang Filipino. Sa aming estudyante pa lamang ay makikita na hirap kaming gumamit ng Filipino.
Madalas kong naiisip kung naging likas na ba sa ating pagkatao bilang isang Pilipino ang pagkakaroon ng colonial mentality. Ito ay aking nabanggit dahil sa pagtatag pa lang ng Wikang Pambansa noong panahon ng Komonwelt ay may kontrobersiya na tungkol dito. May ibang nagsasabi na ito ay natatag lamang dahil tayo noon ay isang puppet government kaya’t sunud-sunuran lamang ang ating mga opisyal kung ano ang gusto ng mga Amerikano. Nakakalungkot man isipin, maaaring dito nanggaling ang ating hindi pagkamatatas sa pagsalita ng Filipino. Dahil tayo ay sunud-sunuran noon pa lamang, hindi na sumibol ang ating pagka-indibidwal bilang isang nasyon.
Kahit sinasabi ko ang aking opinyon tungkol sa Filipino, kinikilala ko rin naman ang aking bias na nanggagaling kung saan ako pinalaki at kung paano ako pinalaki ng aking mga magulang. Paminsan-minsan ay may sasabihing salita ang aking nanay o lola na hindi ko maintindihan dahil di ko alam ang kahulugan nito. Napapansin ko naman na dahil ako ay nasanay na gumamit ng Ingles mula sa aking paaralan noong elementaryo, hindi ko malalaman lahat ng kahulugan ng mga salitang Tagalog. Samantalang ang aking nanay at lola ay lumaki na hindi kinakailangan mag-Ingles sa kanilang mga paaralan. Isa pang dahilan ay ang aking pagkalaki sa Maynila. Dahil makitid pa ang aking alam sa mga ibang wika na ginagamit sa Pilipinas, ang aking opinyon tungkol sa Wikang Pambansa ay hindi ganoon matibay. Ito naman ay hindi naranasan ng mga pumili ng Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa dahil sila ay nanggaling sa iba’t-ibang parte ng bansa. Sa totoo lamang, dalawa lamang ang Tagalog mula sa grupong labing-isa na ipinaglaban na Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Ang ibang mga tao ay Hiligaynon, Ilocano, Tagalog, Cebuano, Waray, Bikol, Maranao-Maguindanao, Pangasinan, at Kapampangan.
Kahit na nahihirapan akong tanggapin ang kahalagahan ng Wikang Pambansa sa aking buhay, mahalaga pa rin na aking alamin ang mga dahilan kung bakit ito ay nanatiling isyu pa rin hanggang ngayon sa ating bansa. Alam kong ang ibang mga tao rin ay nahihirapan ngunit hanggang pinag-uusapan natin ang isyung ito, ito ay mananatiling makabuluhan sa ating mga isipan. Habang tumatagal ang diskurso ay mararapat lang na bigyan ito ng pansin ng Komisyon sa Wikang Filipino upang magawan ito ng paraan. Inaasahan ko lamang na hindi maging kampante ang mga susunod na henerasyon tungko sa isyung ito. Inaamin ko na ako ay nahulog na sa pagiging kampante ngunit ito’y mababago ko pa rin dahil ako ay bata pa lamang. Sa aking paglaki, sana’y maitatak ito sa puso at isip ng mga Pilipino: na hindi mamamatay ang kahalagahan ng Filipino bilang isang Wikang Pambansa. 28
Panganganinag ni Nathan:
Ang karamihan sa impormasyong ginamit namin ay mula sa Komisyon sa Wikang Filipino. Marami silang magagandang punto, subalit, malamang sa hindi, ang kanilang mga pananaw ay may bias upang mas mapabuti ang kanilang imahen sa publiko. Sa ilang mga sandali, nakalimutan ko ang iba’t ibang problemang nakapalibot sa wikang pambansa at ang konsepto nito. Naalala ko na lamang ito muli nang magtalakayan na sa klase.
Unang-una, ipinapalabas ng Komisyon sa kanilang paraan ng pagsulat na patas ang naging pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Sinaad pa nito na ang mga nagsulong sa ideya ay hindi mga Tagalog - isang bagay na hindi na dapat sinabi kung wala namang masama. Binanggit din ang pagsang-ayon ng iba’t ibang kasapi ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagpili ng Tagalog na tila wala silang isang problema rito. Subalit, kung titingnang maigi ang mga detalye, mapapaisip ang isa kung wala nga bang pamumulitikang naganap sa mga pangyayaring ito.
Ikalawa, ayon sa Surian ng Wikang Pambansa, ito ang mga naging dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan: ginagamit ito ng nakararami; ito ay may pinakamalawak na panitikan; ito ang wika ng Maynila; at, ito ang wikang ginamit ng mga Katipunero noong rebolusyon. Marami akong nakikitang problema rito dahil sa mas malalim na pagsusuri, hindi naging mainam ang kanilang pagdadahilan. Para sa unang punto, Cebuano ang may pinakamaraming tagasalita noong panahong iyon. Sa ikalawa naman, maaaring sabihin na kulang ang pagsasaliksik nila upang makarating sa konklusyon na Tagalog ang may pinakamalawak na panitikan. Napakayaman ng ating literatura, at hindi ito nalilimitahan sa wikang Tagalog lamang. Sabihin man nilang marami nang salita ang Tagalog na magbibigay-daan sa mas malinaw na komunikasyon, hindi ito sapat na dahilan. Sa ganitong pag-iisip, parang inilalagay nito ang kadalian ng pag-usap na mas higit kaysa kainaman ng mga gumagamit nito. Sa ikatlong punto, maaring itong tingnan na socioeconomic motive. Dahil Maynila ang kabisera at sentro ng kalakalan, masasabing ginawa ito upang ipakitang naka-aangat ang Tagalog dahil sa mga gumagamit nito. Hindi man lahat ng gumagamit dito ay mayaman, karamihan naman sa mayayaman noon ay gumamit ng Tagalog. Si Manuel L. Quezon, ang pinakamakapangyarihang Pilipino noong panahong iyon, ay isang Tagalog. Si Lope K. Santos, ang ikalawang direktor ng SWP ay isa ring Tagalog. Para sa huling punto, hindi lamang ang Katipunan ang lumaban para sa kalayaan ng ating bansa. Tila may konsepto ng sentralismo na kumikilos sa kanilang mga isip.
Ikatlo, gusto kong talakayin ang terminolohiyang “batayan.” Ang nakasaad sa batas ay magiging batayan lamang ang Tagalog ng wikang pambansa. Ngunit, sa kasulukuyan nitong kalagayan, Tagalog ang mismong wikang pambansa. Lahat ng aspeto ng Filipino - pagbaybay, gramatika, sintaks, atbp. - ay direktang hinango mula sa Tagalog. Halos walang mga salitang nagmula sa ibang wika ng Pilipinas..
Isa pang palaisipan ay ang mismong pamahalaan noong Komonwelt. Marami historiador ang tumatawag ditong puppet government ng Amerika. Hindi naman kalokohan ang kanilang sinasabi. Marami, kung hindi ang lahat, sa mga desisyon at kasunduan na ginawa sa panahong iyon ay naapektuhan ng impluwensiya ng Amerika. Madalas, sila pa ang kabilang partido sa mga kasunduang ito. Ang panimulain mismo ng Komonwelt ay mapasasailalim tayo sa Amerika, hangga’t kayanin na natin mamahala ng ating sarili, bago “lumaya.” Dahil dito, hindi kaya masasabi na ang mga taong nasa kapangyarihan noon ay puppet din talaga?
Bilang pagtatapos, gusto kong sabihin na ang pagkilala sa mga problemang ito ay unang hakbang pa lamang. Dapat ay may gawin tayo upang maiangat ang ating sitwasyon. Hindi maipagkakaila na marami sa mga Pilipinong hindi Tagalog ang may problema sa pagiging pambansang wika nito. Marahil, mahirap siguro lutasin ang problemang itong napakalayo na ang pinag-ugatan. Bagamat, kailangan pa rin natin subuking maghanap at mag-isip ng bagong solusyon. Sa ngayon, wala akong naiisip na tunay na patas na solusyon. Subalit, kung ang lahat ng Pilipino ay magsasama para pagnilayan ang isyung ito, mataas ang posibilidad na may solusyon tayong mahanap.
V. Mga Sanggunian
Amparado, R. (2016). Wikang pambansa, opisyal, at panturo. Retrieved October 3,
2017 from https://www.slideshare.net/RainierAmparado/wikang-pambansa-
opisyal-at-panturo
2017 from https://www.slideshare.net/RainierAmparado/wikang-pambansa-
opisyal-at-panturo
Añonuevo, R.T. (n.d.). Paglingon sa ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino. Komisyon sa Wikang Filipino. Retrieved October 3, 2017 from
http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
Belvez, P.M. (2015). Development of Filipino, the national language of the Philippines. National Commission for Culture and the Arts. Retrieved October 3, 2017 from
http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/development-of-filipino-the-
national-language-of-the-philippines/
http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-
disseminationscd/language-and-translation/development-of-filipino-the-
national-language-of-the-philippines/
Floro, A. (n.d.). Lope K. Santos ama ng balarila. Retrieved October 3, 2017 from
http://seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Reading_
http://seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Reading_
Lessons/LESSONS/lope_k.htm
Orttiz, A. (2013). Batas ng wikang Filipino. Retrieved October 3, 2017 from
https://www.slideshare.net/allanortiz/batas-ng-wikang-filipino
https://www.slideshare.net/allanortiz/batas-ng-wikang-filipino
Quezon, Manuel. “Speech of His Excellency Manuel L. Quezon, President of the
Philippines, on Filipino National Language.” Radiocast on Rizal Day, 30
December 1937, Malacañan Palace, Manila. Speech. Retrieved from
http://www.officialgazette.gov.ph/1937/12/30/speech-of-president-quezon-
on-filipino-national-language-december-30-1937/
Philippines, on Filipino National Language.” Radiocast on Rizal Day, 30
December 1937, Malacañan Palace, Manila. Speech. Retrieved from
http://www.officialgazette.gov.ph/1937/12/30/speech-of-president-quezon-
on-filipino-national-language-december-30-1937/
Comments
Post a Comment