Block F Pilipino-Filipino
PILIPINO-FILIPINO
Flores, Magtulis, Oliveros
Block F
- Daloy ng Presentasyon
- Ipepresenta ang report ukol sa paksang Pilipino-Filipino (ang pagkakasunod-sunod ay umaayon sa daloy ng mga impormasyon na nasa ibaba)
- Laro
- Ang klase ay aatasang bumuo ng 3 grupo (9 na miyembro kada grupo). Ang bawat grupo ay magtatalaga ng numero 1-9 na tutugma sa kanilang mga miyembro.
Hal.
Numerong nakatalaga
|
Unang grupo
|
Pangalawang grupo
|
Pangatlong grupo
|
1
|
Nadene
|
Danela
|
Maegan
|
2
|
Nadine
|
Cebo
|
Cholo
|
3
|
Gabby
|
Gwen
|
Jami
|
- Isa sa mga reporter ang magsasabi ng tanong ukol sa report (Miles). Bibigyan ng 15 segundo ang bawat grupo upang pag-usapan ang kanilang sagot. Pagkalipas ng 15 segundo, sisigaw si Miles ng isang numero (1-9). Kung kaninoman nakatalaga ang numero na iyon sa bawat grupo ay nangangailangang tumakbo patungo kay Miles at hablutin ang panyo sa hawak-hawak niya. Ang nakakuha ng panyo ang siyang makakapagsabi ng sagot ng kaniyang grupo.
Hal.
Miles: Ano ang pangalan ng alagang pusa ni Nadene?
<15 segundo>
Miles: Numero 3!
*tatakbo sina Gabby, Gwen, at Jami patungo kay Miles*
*nahablot ni Gabby ang panyo*
Gabby: (sagot) Walang alagang pusa si Nadene
- Lokasyon: blob area
- MGA TANONG:
- Anong taong unang naglabas ng kautusan na tatawaging Pilipino ang wikang pambansa?
- 1959
- Ano ang basehan ng pag-develop ng wikang Filipino?
- Philippine and foreign languages
- Bakit F ang naging unang titik ng Filipino? (2 puntos)
- Hindi banyaga
- Kinikilala ang katutubong wika (ginagamit mula sa Cordilleras ng mga Ifugao hanggang sa mga B'laan sa Mindanao)
- Sino ang nagsabi ng #3?
- Dr. Purificacion Delima
- Kahit may maraming taong nag-ko-code-switching, hindi pa rin naging ang Filipino
- Fusion language
- Bonus/ Tie breaker: magbigay ng isang Philippine Constitution Article na tumatalakay sa pagbago ng Pilipino bilang Filipino
- (Phil. Const. art. 15 § 3)
- (Phil. Const. art. 14 § 6)
- Mga Impormasyon
KASAYSAYAN (AƱonuevo, n.d.)
- 13 Agosto 1959
- Naglabas ng kautusan ang Tanggapan ng Edukasyon na tawaging Pilipino ang Wikang Pambansa
- Pilipino - ibinatay nang malaki sa Tagalog
- Pilipino → Filipino
- Saligang Batas 1973
- “The National Assembly shall take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” (Phil. Const. art. 15 § 3)
- Saligang Batas 1987
- “The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages.” (Phil. Const. art. 14 § 6)
BAKIT NAGING FILIPINO?
- Sumasagisag ng pagyakap sa mga rehiyonal at katutubong wika
- Ayon kay Dr. Purificacion Delima ng KWF (Agoncillo & Manuel, 2015)
- Ang tunog F
- Hindi banyaga
- ginagamit mula sa Cordilleras ng mga Ifugao hanggang sa mga B'laan sa Mindanao
- Pilipino - parang Tagalog lang
- Tagalog alphabet : ABAKADA (20 titik)
- Hindi kasama ang mga ibang tunog na naririnig sa ibang wikang Filipino tulad ng F, V, at Z
- Ginawang F para makilala ang iba pang katutubong wika
- “Fusion language” (De Vos, n.d.)
SA KASALUKUYAN
- Ang Filipino ay kapareha pa rin ng Tagalog (Tagalog ng Maynila, sa karaniwan) (De Vos, n.d.)
- Pareho ang balarila
- Walang gaanong nadagdag na mga salita na galing sa mga ibang katutubong wika
- Kahit may maraming taong nag-ko-code-switching, hindi pa rin naging fusion language ang Filipino
- Panganganinag
- Magtulis
Sa unang panahon, ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino ayon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Dahil dito, ito ay nagdulot ng mga pagtatalo sa mga Pilipino kasi napaboran nila ang “Pilipino” kesa “Filipino”.
Sa katunayan, ang sinasabi ng karamihan ang mas makabayan raw ang “Pilipino” sa halip na “Filipino”. Ito ay dahil na rin sa mas popular na persepsiyon na ang "F" ay banyaga at kolonyal, habang ang "P" ay taal sa ating bansa. Ngunit sa isang kapasiyahang inilabas nitong Mayo 12, 2015, iginigiit ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na gamitin ang "Filipino," sa halip na "Pilipino," sa pagtukoy, hindi lang sa pambansang wika, kundi pati sa "tao at kultura ng Filipinas."
Paliwanag ng KWF, ang paggamit ng "Filipino" ay pagyakap sa mga rehiyonal at katutubong wika, dahil salungat sa alam ng nakararami, ang "F" ay hindi banyaga.Sa paggamit ng "Filipino" sa pagtukoy sa tao at kultura ng bansa, ani Delima, hindi lamang natin kinikilala ang mga wikang rehiyonal, kundi pinagyayaman pa natin ang ating pambansang wika.
Sa 1973 Konstitusyon, sinasabi na ang pambansang wika ay Fililpino, hanggang sa taon na 1987. Walang nagreklamo dahil hindi lamang sila sumunod para palitan ang Pilipino sa Filipino kundi dahil may rason kung bakit ito binago.
Aminado naman si John Enrico Torralba ng KWF na hindi madali at biglaan maipapatupad ang mga iminumungkahi ng komisyon, kahit na may legal na batayan at malalim na pananaliksik. Ito ay dahil aniya sa mga praktis sa paggamit ng wika na nakasanayan ng iba't ibang institusyon.Bilang tugon dito, magsasagawa ang KWF ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika mula Agosto 5-7. Tinatayang nasa 1,000 delagado – na binubuo ng mga guro, tagasaliksik, kagawad ng midya, at iba pa – ang lalahok sa kongresong ito tungkol sa wika, na huling ginawa 70 taon na ang nakalilipas. Layon ng pagpaplanong ito na matalakay nang husto ang mga solusyon sa suliraning pangwika sa bansa.
- Flores
Ayon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (1987), “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” (Phil. Const. art 14 § 6). Pero bakit nga ba Filipino - hindi Pilipino - ang tawag sa ating pambansang wika?
Noong taong 1959, naglabas ng kautusan ang Tanggapan ng Edukasyon na tawaging Pilipino ang ating wikang pambansa, ngunit noong panahon ni Marcos, iminungkahi ng gobyernong tawagin itong Filipino. Naisabatas ang pagpapalit ng pangalan noong 1987.
Ang rason ng pagpalit ay ang kagustuhan ng mga nakatataas na gawing mas likas pa ang ating wika. “Samantalang nalilinang, [ang Filipino] ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika” (Phil. Const. art 14 § 6). Tagalog ang naging batayan ng wikang Pilipino. Sa pagpapalit ng letrang P sa F, yinayakap natin ang mga iba pang wika sa Pilipinas. Ayon sa Kagawaran ng Wikang Filipino, mayroong mga katutubong wikang gumagamit ng tunog F. Anila, hindi ito banyaga. Ang pagpapalit ng pangalan ay sumisimbolo ng “pagpapayabong” ng ating wikang pambansa. Ang dating Pilipino na karaniwang nakabase sa Tagalog ng Maynila, ay tinawag nilang Filipino - na dapat ay isang wikang buhay, gumagamit ng mga salitang galing sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Dapat.
Sa kasamaang palad, walang masyadong nagawa ang ating lipunan para maisakatuparan ito. Ang Filipino ay parang Pilipino pa rin - nakabatay nang malaki sa Tagalog ng Maynila. Walang masyadong mga salitang nagagamit sa pang-araw-araw na galing sa mga katutubong wika. Ako sa sarili ko, wala akong gaanong alam na salitang hindi Tagalog o “Filipino”. Sa pang-araw-araw na pakikipag-usap, Tagalog ang aking gamit; Tagalog ang aking naririnig. Bukod sa kapiranggot kong nalalamang Bicolano na turo sa akin ng aking mga tiyahin sa panig ng aking ama, wala akong masyadong nalalamang katutubong salita. Hindi rin nakatutulong na sa eskwela, ang aking mga kamag-aral ay wala ring gaanong pagkakabilad sa mga iyon. Pare-pareho kami ng salita: Tagalog na may halong Ingles. Ang mga guro rin ay hindi rin gaanong gumagamit at nagpapakilala ng mga katutubong salita.
Nakalulungkot isipin na hindi naisakatuparan ang magandang layunin ng pagpapalit ng pangalan ng ating pambansang wika. Nasayang talaga ang magandang layunin ng pagpapalit nito dahil wala namang mga hakbang na ginagawa upang maisagawa ito. Gayunpaman, hindi lamang ang gobyerno ang may sala. Kasama sa problema tayong mga Pilipino mismo. Imbes na “mapayabong” pa natin ang ating wika, sa tingin ko’y nagtimik pa ito. Imbes na yakapin natin ang mga katutubong salita ay isinawalambahala natin sila para sa mga mas kahali-halinang banyagang salita.
Umaasa ako na sa hinaharap, mas magiging natibo pa ang wikang Filipino. Hindi lamang siya nakabase nang malaki sa Tagalog, pinagpapayaman din siya ng mga salitang galing sa mga katutubong wika.
- Oliveros
Mula noon pa man ay tinatamasa na ng mga Pilipino na magkaroon ng iisang wika para sa lahat. Makikita ang pagnanasang ito mula sa pagpapalabas ng kautusan noong Agosto 13, 1959 (AƱonuevo, n.d.) na tatawaging Pilipino ang wikang pambansa. Ang wikang ito ay nararapat na bumase sa Tagalog. Ngunit lumipas ang ilang taon at nagbago ang pangalan nito. Dahil ayon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (1987), “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” (Phil. Const. art 14 § 6). At hanggang ngayon ay atin pa ring tinatawag ito na Filipino.
Marahil ay sa pagkamakabayan ng mga Pilipino na ginusto nilang matawag kapareha ng kanilang wika. Di naman kaya’y dahil sa pag-aakalang banyaga ang letrang “F” ay hindi sumang-ayon ang karamihan. Ito ay hindi pinagsang-ayunan ng KWF, na nagsabing hindi banyaga ang “F”, at na ang Filipino ay para sa "tao at kultura ng Filipinas" (KWF, 2015). Ang F ay ginagamit sa malaking bahagi ng katutubong Pilipinas, ayon sa kanila. Naroroon nila nakuha ang ideya ng pagpapalit patungong “F” . Isinaad nila na isama ang katutubong ideya sa ating sariling wika sa pamamagitan ng paglagay ng isang katutubong letra sa pangalan ng ating wika.
Dito natin makikita na marahil ay maganda nga ang kaisapang pagbabagong ito. Hindi masamang isipin na ang wika ay hindi lamang nararapat nakasentro sa Tagalog. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin na isasakatuparan ang tunay na mensahe ng Filipino. At ano nga ba ang tunay na mensaheng ito?
Ang mensahe na sa pagkakaisa ng iba’t ibang wika at ng Tagalog ay maaring ang ating pambansang wika ay maging isang tunay na pagkakahalo-halo ng iba’t ibang kultura at wikang atin. “Samantalang nalilinang, [ang Filipino] ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika” (Phil. Const. art 14 § 6). Nararapat na tayo’y nagkaroon pa ng mas mayabong na wika kung ito ay nasunod.
Ang halos kabuuan ng Filipino ay nakabase pa rin sa Tagalog. Nakakalungkot isipin na sanang ginagamit ang ilan pang mga katutubong salita ng mga nagsasalita ng Filipino. Nasayang lamang ang pagnanasa nating magkaroon ng pagkakaisa gamit ang wika. Marahil ay kung tayo ay gumamit pa ng mas maraming salita na hindi lamang Tagalog ay magkakaroon tayo ng mas magandang pagkakaintindihan.
Maaaring dahil rin sa hindi pagkahalo ng katutubong wika sa ating pambansang wika ay nagkakaroon pa rin ng diskriminasyon. Marami pa ring tumuturing sa wikang sinasalita ng mga katutubo, o indigenous people, bilang mas mababa kumpara sa Filipino. Iniisip nila na dahil sa hindi masyadong ginagamit ng karamihan ang mga wikang ito ay hindi kagandahan ang kultura ng mga katutubo. Hindi nila nagugunita na napakaganda ng kulturang katutubo dahil ang sa kanila’y naiiba. Marami pa ngang katutubong wika na mas matanda pa sa Tagalog, kaya’t mas marami silang ambag sa literatura.
Nakakadismaya man na hindi yumabong ang ating wika ay nakakatuwang isipin na mas marami na ang nagkaka-interes sa iba pang wika ng Pilipinas. Halimbawa sa ngayon ang mga dumadayo sa mga workshops na nagtuturo ng Baybayin. Kasama rin ang mga bilingual na gumagawa ng mga kolokyal o balbal na salita, na minsa’y nagiging parte na ng wikang Filipino. Makikita na hindi nahuhuli ang lahat dahil mayroon pa rin tayong pagkakahalintulad, iba-iba man ang ating wika. Hindi man naging tunay na Filipino pang Filipinas ang ating wikang pambansa, ay tayong lahat ay nagakakaroon pa rin ng pagkakaisa. Dahil sa tayong lahat ay Pilipino.
**hindi pa nakakapagpresenta ang aming grupo kaya’t wala pang mga imahe
Listahan ng Mga Sanggunian
Agoncillo, B. & Manuel, M. (2015). What the ‘f’: Kung bakit ‘Filipino’, hindi ‘Pilipino’. Retrieved from http://news.abs-cbn.com/focus/08/01/15/what-f-kung-bakit-filipino-hindi-pilipino
Almario, V.S. Kung bakit naging Filipino ang Pilipino. Retrieved from http://kwf.gov.ph/kung-bakit-naging-filipino-ang-pilipino/
AƱonuevo, R.T. (n.d.). Paglingon sa ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino. Retrieved from http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
De Vos, F. (n.d.). Tagalog, Filipino, Pilipino: What’s the difference? Retrieved from http://learningtagalog.com/articles/tagalog_filipino_pilipino_difference.html
University of Hawai’i at Manoa (n.d.). Filipino, Pilipino, Pinoy, Pilipinas, Philippines - What's the difference? Retrieved from http://www.hawaii.edu/cps/filipino.html
Comments
Post a Comment