Block F: Wika at ang Lipunan

Wika at ang Lipunan


DALOY NG PRESENTASYON

Pagtalakay ng Wikang Pambansa
Unang Gawain
Ang unang grupo ay inatasang gumawa ng tableau na magpapakita ng “Wikang Pambansa” na hindi naglalagay ng kanilang kamay sa kanilang dibdib.

Pagtalakay ng Wikang Opisyal
Ikalawang Gawain
Ang ikalawang grupo ay inatasang gumawa ng tableau na magpapakita ng tungkulin ng “Wikang Opisyal”. Ipinagbawal sa grupong ito na magkamayan.

Pagtalakay ng Wikang Panturo
Ikatlong Gawain
Ang ikatlong grupo ay inatasang gumawa ng tableau na magpapakita ng tungkulin ng wikang panturo. Ipinagbawal sa grupong ito ang paggamit ng pisara at ang pagtataas ng kamay na waring kumukumpas.

Pagtalakay ng Wika ng Pagkatuto
Ikaapat Gawain
Ang ikaapat ng grupo ay inatasang gumawa ng tableau na magpapakita ng tungkuling ginagampanan ng wika ng pagkatuto. Sa grupong ito, ipinagbawal ang paglalagay ng kamay na malapit sa mukha na waring nagiisip o ‘di kaya’y nagtataka.

Pagtalakay ng Lingua Franca
Ikalimang Gawain
Ang ikalimang grupo ay inatasang gumawa ng tableau na nagpapakita ng tungkulin na ginagampanan ng lingua franca. Para sa huling grupo, kinailangan nilang gawin ang kanilang tableau na nakataas ang isa sa kanilang mga paa.

MGA IMPORMASYON
  1. Tungkulin ng wika sa lipunan
  1. Tungkulin ng wika ayon kay Halliday
  • Interaksyunal
  • Instrumental
  • Regulatori
  • Pampersonal
  • Imahinatibo
  • Heuristiko
  • Impormatibo
  1. Tungkulin ng wika ayon kay Jacobson
  • Kognitibo
  • Conative
  • Emotive
  • Phatic
  • Metalinggual
  • Poetic
  1. Tungkulin ng wika ayon kay Robinson
  • Estetiko
  • Ludic
  1. Wika bilang:
  • Wikang Pambansa
  • Wikang Opisyal
  • Wikang Panturo
  • Wika ng Pagkatuto
  • Lingua Franca
  1. Wikang Pambansa
  1. Napagusapan natin na arbitraryo ang wika
  • Ang napiling wika sa Pilipinas ay Filipino
  1. Depinisyon
  • Ito ay isang wikang ginagamit ng halos lahat ng mga tao sa isang bansa
  • Ito ang pinakakaraniwang wika na ginagamit sa buong bansa
  1. Artikulo 14, Seksyon 6
  • “The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages.
  • Subject to provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system.”
  1. Wikang Opisyal
    1. Depinisyon
  • Ang wikang opisyal ay ginagamit sa komunikasyon at pagtuturo
  • Ito ay itinatalaga ng pamahalaan (Art. 14, Sec. 7)
  1. Artikulo 14, Seksyon 7
  • “For purposes of communication and instruction, the official languages of the Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English.
  • The regional languages are the auxiliary official languages in the regions and shall serve as auxiliary media of instruction therein.
  • Spanish and Arabic shall be promoted on a voluntary and optional basis.”
  1. Wikang Panturo
    1. Depinisyon
  • Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para sa kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan (L. Arceo, personal communication, September 18, 2013)
  1. Wika ng Pagkatuto
    1. Depinisyon
  • Ang wika ng pagkatuto naman ay ang wikang ginagamit ng mag-aaral sa kaniyang pakikipagtalastasan sa loob ng akademiya o paaralan, sa mga guro at kaklase, sa kaniyang pagbabasa. (L. Arceo, personal communication, September 18, 2013)
  1. Lingua Franca
    1. Depinisyon
  • Ito ang wikang ginagamit upang makapagusap ang dalawang taong magkaiba ang pangunahing wika.
  1. Epekto sa Lipunan
    1. Wikang Pambansa
  • Dahil ito ang wika na ginagamit na nakararaming tao, maraming ideya at opinyon ang naibabahagi sa wikang ito
  • Nagagamit sa impormal na diskusyon
  1. Wikang Opisyal
  • Ito ang wika na ginagamit sa mga libro na ginagamit panturo
  • Nangangailangan ito ng mas mataas na pagintindi sa wikang Filipino at Ingles
  • Maaring gamitin ang auxiliary official languages upang mas maiparating ang mensahe sa mga nakikinig
  1. Wikang Panturo
  • Dahil isasalin na guro ang mga librong kanyang binasa sa wikang kanyang gagamitin, kinakailangan niyang pagingatan na hindi mawawala ang orihinal na kahulugan ng kanyang paksa
  • Hinahayaan ng wikang panturo na magturo ang isang guro sa wikang komportable siyang gamitin
  1. Wikang Pagkatuto
  • Dahil ito ang wikang ginagamit ng mag-aaral sa loob ng paaralan na kanyang ginagamit upang makipagtalastasan, malaya niyang naipaparating ang kanyang mga ideya sa ibang tao
  1. Lingua Franca
  • Pinapadali nito ang daloy ng mga ideya sa pagitan ng dalawang taong mula sa magkaibang lugar at mayroong ibang wika

PANGANGANINAG
  1. Kyle Barber
Ang pag-aaral ng wika ay hindi lang nakapaloob sa isang vacuum.1 Pinatunayan ng aming grupo ito sa aming presentasyon ng mga manipestasyon ng wika sa lipunang Pilipino.2 Tulad ng isinaad sa taas, ang wika ay nakikita bilang wikang pambansa, opisyal, panturo, pagkatuto, at lingua franca.3 Malinaw naman ang mga depinisyon ng wikang pambansa at opisyal. Malinaw rin itong tinukoy sa Saligang Batas.4 Subalit, mahalagang alamin ang pinagkaiba ng dalawang tungkulin ng wika at ang mga implikasyon ng pagkakaibang ito sa Lipunan.5 Marahil na hindi pareho ang wikang pambansa at wikang opisyal dahil ang wikang pambansa  ay superset ng wikang opisyal.6 Sa Pilipinas, ang wikang pamansa ay di lamang ang wikang Filipino (Tagalog). 7 Bagkus, ito ay binubuo ng lahat ng lengguaheng ginagamit ng karamihan ng Pilipino. 8 Binubuo naman ng wikang opisyal ang wikang nais gamitin ng pamahalaan sa kanilang lathalan at diplomasya.9 Samakatuwid, ang wikang opisyal ay ang wikang kumakatawan sa bayan sa pandaigdig na larangan.10 Kaya, Ingles ang isa sa mga wikang opisyal.11 Delikado para sa mga gumagamit ng mga ibang wikang pambansa ang implikasyon ng paggamit ng iilang wika sa konteksto ng bansang ito.12 Mahirap para sa mga taga Bisaya o Mindanao na dumaan sa mga prosesong gobyerno tulad ng sa SSS o DFA dahil hindi wikang tinubuan ang ginagamit sa mga prosesong ito.13 Ang wikang opisyal bilang wikang pandiplomasya ay maaring magdulot rin ng mababang representasyon sa mga kababayang taga-silangan na hindi gaanong dalubhasa sa wikang opisyal.14

Dumako naman tayo sa wikang panturo at sa wikang pagkatuto.15 Nanggagaling ang wikang panturo sa wikang opisyal. Ito ay dahil inaareglo ng pamahalaan ang wika na ginagamit sa mga pamantasan.16 Kaya upang maging kahanay ng pamahalaan ang mga pamantasan sa pakikipag ugnayan, pinag-aangkop nila sa mga eskuwelahan ang opisyal na lengguwahe.17 Nakikita ito sa sistema ng edukasyon kung saan sa unang tatlong baitang ay mother tongue.18 Ang ginagamit bilang wikang panturo.19 Pero pagkalipas noon, kinakailangan gamitin ang Ingles, at, sa karamihan na pagkakataon, Filipino (Tagalog) sa pagtuturo.20 Ito ang paraan upang umangkop ang mga estudyante sa wikang opisyal.21 Nagiging problematik ito sa panig ng mga estudyante sapagkat ang kanilang wikang pagkatuto, ang tahimik na wika nasa isip ng mag-aaral sa pag-iintindi ng mga tinuturo, ay maaring nasa kinagisnang wika at hindi ang wikang panturo.22 Mahirap para sa mga estudyante na gustong ipahayang ang kanilang ideyang kung ang kanilang wikang pagkatuto ay hindi tulad ng wikang panturong inaasahan ng mga guro.23 Mas malubha pa kung ipinagbabawal na gamitin ang wikang kinagisnan sa pakikipag-ugnayan.24

  1. Danela Dagdag
Tinalakay namin sa aming pag-uulat ang limang tungkulin ng wika sa ating lipunan- wika bilang wikang pambansa, wikang opisyal, wikang panturo, wika ng pagkatuto, at lingua franca.1 Ang wikang pambansa ay ang siyang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang bansa.2 Ang wikang opisyal naman ang siyang wikang itinalaga ng pamahalaan na gagamitin sa pormal na komunikasyon at pagtuturo.3 Sa isang perpektong mundo, iisang wika lamang ang ginagamit para sa dalawang tungkuling ito.4 Masinsinang pag-aaral ang kinakailangan upang masabi kung ano ang wika na gagamitin bilang wikang pambansa at opisyal, at isa sa mga pinaka importanteng pamantayan upang matukoy ito ay ang dami ng mamamayang gumagamit nito.5 Nakakalungkot isipin na nakasulat mismo sa ating konstitusyon na ang ating wikang opisyal ay Ingles at Filipino.6 Napakaraming wika sa Pilipinas ngunit ito ang katunayan na mas pinapahalagahan pa natin ang wika ng mga banyaga kaysa sa ating sariling wika.7 Sa aking palagay, ito ay isang bunga ng colonial mentality.8 Kahit na matagal nang natapos ang pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa, nararamdaman pa rin natin ang kanilang presensya.9 Nawala man ang kanilang pisikal na anyo mula sa ating lupa, nanatili naman ang kanilang mga ideya’t paniniwala sa ating mga isipan.10 Sa kasalukuyan, napakalaganap ng impluwensya ng Amerika.11 Napakaraming produktong Pinoy sa merkado ngunit naaakit ang mga Pilipino sa mga bagay na gawa sa Estados Unidos.12 Maraming pelikulang Pinoy ngunit mas pumapatok sa takilya ang mga pelikulang mayroong Amerikanong artista.13 Iilang halimbawa lamang ito mula sa napakaraming sitwasyon kung saan malinaw ang epekto ng colonial mentality sa ating bansa.14
Naapektuhan rin ng ganitong pagiisip ang wikang panturo at wikang pagkatuto.15 Bilang wikang panturo, ang wikang napili ay ang siyang gagamitin sa loob ng akademiya.16 Sa Pilipinas, ang itinatalaga ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) ay Filipino, Ingles, at Mother Tongue.17 Sa kasalukuyan, ipinapatupad ng DepEd ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) kung saan hinihikayat na ituro ang mga asignatura sa wikang kinalakhan ng mga mag-aaral sa Kindergarten hanggang sa ikatlong baitang.18 Simula naman ng ikaapat na baitang, Ingles at Filipino na lamang ang mga wikang gagamitin sa pagtuturo.19 Sa aking palagay, hindi dapat nagtatapos ang paggamit ng mother tongue sa ikatlong baitang.20 Ito ay dahil sa likas na wika ng pagkatuto ng bawat magaaral.21 Ang wika ng pagkatuto ay ang wikang ginagamit ng isang magaaral upang tuluyang maunawaan ang impormasyong kanyang natatanggap.22 Ang bawat magaaral ay mayroong sariling wika ng pagkatuto dahil ito ang wika kung saan sila pinakakomportable at bihasa.23 Sa aking palagay, mas mabilis matututo ang mga estudyante kung hindi lilimitahan ang pagtuturo sa wikang Ingles at Filipino.24 Halimbawa, kung ang kinalakhang wika ng mag-aaral ay Cebuano, marahil ay Cebuano rin dapat ang pangunahing wikang gagamitin upang siya ay turuan.25 Saka lamang gagamitin ang Filipino kung mayroong mga salitang hindi maisalin sa Cebuano, at Ingles naman kapag ang mga salita ay walang katumbas sa Filipino.26
Nakikita ko ang napakaraming problemang maaaring manggaling mula sa mungkahi na laging bigyang prayoridad ang Filipino at mother tongue.27 Maraming magsasabi na Ingles ang ginagamit na wikang panturo dahil gusto nating makisabay sa pag-unlad at makasabay sa pamantayan ng ibang panig ng daigdig.28 Gusto nating maipakita ang kakayahan at galing ng mga Pilipino ngunit ang naiisip lang natin na paraan ay ang paghulma ng ating mga sarili sa imahe ng mga taong tinitingala natin.29 Para sa akin, hindi naman masama na naisin nating ipamalas ang kagalingan ng Pinoy, sa totoo, hinihikayat ko pa ito.30 Ayoko ko lang na kailangang isakripisyo natin ang ating pagkakakilanlan upang magawa ito.31 Oo, Ingles ang ginagamit ng buong mundo ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat sumunod nalang tayo at baguhin ang ating pamumuhay ayon sa kagustuhan ng iba.32 Dapat ay hindi tayo makuntento na mabuhay sa anino ng ibang bayan.33 Dapat ay gumising tayo sa mula sa ideya ng kalayaan na mayroon tayo ngayon.34 Dapat ay bigyang halaga natin ang ating pagkakakilanlan at patuloy nating palaguin ang ating wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw.35


  1. Paula Mabry Viray

Ang wika ay nakakapag-ugnay ng tao sa iba’t ibang paraan.1 Ito rin ay nakakaimpluwensiya sa lipunan.2 Nakakapagpasimula ito ng pagbabago gaano man ito kawalang halaga.3 Isang wikang pambansa ang nakilala dahil sa pagkakaisa ng mga taong nagsasalita nito.4 Ang pag-iral ng lingua franca ang nagpapatibay sa relasyong namamagitan sa dalawang magkaibang kultura.5
Bakit kailangang ihiwalay ang wikang panturo sa wika ng pagkatuto?6 Marahil ay dahil ang guro ay dapat na mas may pormal na pakikitungo sa kanyang mga estudyante dahil siya ang mas mayroong awtoridad.7 Marahil ay ito ang inatasan sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa pagtuturo.8 Marahil sa tingin niya, ang mga estudyante ay dapat matuto ng kung anong nakasabi sa aklat dahil ito ang “tama.”9 Maraming maaaring rason dito, ngunit may isang bagay na kaya kong masabi: walang rason upang ihiwalay ang dalawang ito.10 May dahilan kung bakit ang tawag sa isa ay “wika ng pagkatuto.”11 Dito natututo ang isang mag-aaral mula sa ibang kamag-aral.12 Ganito nila mas naiintindihan ang isang paksa.13 Sa katunayan nga, maraming mag-aaral ang mas natututo mula sa kanilang mga kamag-aral.14 Pero bakit?15 Sa tingin ko, ito ay dahil mas simple at hindi teknikal ang mga paliwanag ng mga mag-aaral.16 Sa paraan ng wika ng pagkatuto, kayang ipahatid ng isang mag-aaral na nakakaintindi ng aralin ang kanyang kaalaman sa isang kamag-aral na nahihirapang umintindi ng paksa.17 Walang saysay na magtanong sa gurong mahirap intindihin kahit na alam mo na siya ang mas may alam sa paksa.18 Ito ang dahilan kung bakit sa tingin ko ay dapat maghalo ang konsepto ng wikang panturo.19 Ang wikang panturo ng isang guro ay dapat nauugnay sa wika ng pagkatuto ng isang mag-aaral.20
Maliban doon, ang wika ay isang maimpluwensiyang bagay.21 Hindi natin ito dapat ibalewala.22 Hindi natin pwedeng basta bastang sabihin na “Ah ito ang gamitin natin dahil ito ang ginagamit ng iba.”23 Kailangan nating isaalang-alang ang kapakanan at kakayahang makaintindi ng ibang tao.24 Kailangan rin nating isipin kung anong pwedeng mangyari sa kinabukasan.25 Kung Ingles ang sinabi nating wikang panturo ng lahat ng guro, marahil ay sa paglipas ng panahon, mawawala sa isip natin ang kabuuan ng mga iba’t ibang wika sa Pilipinas.26 Nararapat lang na kilalanin natin ang kakayahan ng iba na makaintindi.27 Sa ganoon, maaaring tayo rin ay makaintindi hindi lamang sa kaso ng wika, kundi sa kaso rin ng pagiging tao.28 Ang lipunan ay mabilis magbago.29 Sana ay ang wika natin ay kabilang sa mga magiging positibong impluwensiya sa pagbabagong ito.30
KARAGDAG NA IMPORMASYON
Maaring silipin ang ginawang PowerPoint Presentation dito.

SANGGUNIAN
Lingua franca. (n.d.). Retrieved September 19, 2017, from
https://www.merriam-webster.com/dictionary/lingua franca

National language. (n.d.). Retrieved September 19, 2017, from
https://en.oxforddictionaries.com/definition/national_language

Official language. (n.d.). Retrieved September 19, 2017, from
http://dictionary.cambridge.org/dictionary/english/official-language

Philippine Const. art. 14,§ 6.
Philippine Const. art. 14,§ 7.


Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon