Block G: Ang Wikang Filipino noong Panahon ng mga Amerikano



Truth, Excellence, Service

OKUBO, Christine Joy C. 10 October 2017
QUISTO, Romeo Jose B. Filipino 5
SANTOS, Gian Mark

  1. Daloy ng Presentasyon
    1. Paguulat
Ang grupo ay nag-ulat ng kanilang presentasyon tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino sa panahon ng Amerikano.

    1. English-Only
Panuntunan:
  • Ang klase ay mahahati sa limang grupo na may lima hanggang anim na miyembro.
  • Ang bawat grupo ay pipili ng isang kinatawan bilang taga-taas ng kamay.
  • Mayroong mga Filipino tongue-twisters na ipapakita at paunahan ang bawat grupo na magtaas ng kamay at bigkasin ang tongue-twister pati na rin ang translation nito sa Ingles.



  1. Pagtalakay sa Paksa

Ang Unang Yugto: Paghahangad ng Kalayaan ng mga Pilipino
  • Dumating ang mga Amerikano noong 1898 sa pamumuno ni Almirante Dewey. Nagtatag ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas na pinamunuan ng mga sundalong Amerikano - Thomasites.
  • Mga pampublikong paaralan; Pag-usbong ng mga Thomasites

Pag-alam sa mga pangangailangan ng Pilipinas
William McKinley
  • Presidente ng Estados Unidos (1897-1901)
  • Itinatag ang Schurman Commission; pangangailangan ng paaralan at wikang panturo



William Cameron Forbes
  • Gobernador-Heneral ng Pilipinas (1909-1913)



Bakit ipinagbawal ang wikang lokal sa mga paaralan?
  • Suliraning administratibo
  • Rehiyonalismo sa halip ng nasyonalismo
  • Hindi magandang pakinggan
  • Malaki na ang nagasta sa Ingles
  • Ingles ang wika ng pangangalakal

Paggamit sa bernakular sa pagtuturo
George Butte
  • Bise Gobernador-Heneral ng Pilipinas
  • 1931: Paggamit ng bernakular na wika sa unang apat na taon ng pag-aaral
  • Mga sang-ayon kay Butte: Jorge Bocobo at Maximo Kalaw
Mga pag-aaral, sarbey, at eksperimento
Henry Jones Ford
"Gaya ng makikita, ang gobyerno  ay gumastos ng milyon- milyon para maisulong ang paggamit ng Ingles  upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol  at mga dayalek sa mga ordinaryong usapan,  at ang Ingles ang sinasalita ay kay hirap  makilala na Ingles na nga.”

Najeeb Mitri Saleeby at Paul Monroe
“Kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular.”

Ikalawang Yugto
Panahon ng Romantisismo sa Panitikan. (1920s)
  • Sumibol ang nasyonalismo sa panitikan
  • Romantisismo ng Kanluran - PAG-IBIG; emosyunal, pagkamoralistiko, kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, imahinasyon at kalayaang pansarili.
  • Sumikat rin ang mga akda tungkol sa mga romantikong bayani.
  • Nagbibigay ng aral batay sa ipinangangaral ng rehiliyong Kristiyanismo
    • Parusahan ang masama. Gantimpalaan ang mabuti.
  • Mga Samahang Manunulat
    • Aklatang Bayan
      • Sumikat ang mga nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan.
      • Hinahati na ang mga nobela sa mga kabanata
      • Mga Manunulat:
        • Jose Corazon de Jesus - “Makata ng Puso”
        • Lope K. Santos - “Makata ng Buhay”
        • Pedro Gatmaitan
        • Iñigo Ed Regalado
        • Florentino Collantes
        • Julian Cruz Balmaceda
    • Ilaw at Panitik
      • Nagsimula sa paglitaw ng magasing Liwayway noong 1922
      • Panahon ng pagpapalaganap at popularasyon
      • Mahilig parin ang mga tao sa mga kuwentong pag-ibig
      • Mga Manunulat:
        • Amado V. Hernandez
        • Julian Cruz Balmaceda
        • Ildefonso Santos
IkatlongYugto
Panahon ng Malasariling Pamahalaan
  • Nagkaroon ng Wikang Pambansa
  • Manuel Luis Quezon - “Ama ng Wikang Pambansa”

  1. Biswal na Presentasyon: http://bit.ly/Wika-PanahonNgAmerikano
  2. Panganganinag
Romeo Quisto:
Ang mga Amerikano ang nagpalaya sa atin mula sa mapang-abusong mga Kastila.1 Dahil dito, naramdaman ng mga Filipino na sila ay malaya na.2 Sila ngayon ay maaari ng magsulat ng kahit ano lalo na tungkol sa kasakiman ng mga Kastila at tungkol sa rehiliyong Kristiyano.3 Pinalaganap rin ng mga Amerikano ang pampublikong edukasyon para sa mga Filipino.4

Naging malaya man tayo sa mga Kastila, nagkaroon naman tayo ng bagong mga paglilingkuran.5 Kung iisipin natin ay mukha namang mabubuti ang natulong ng mga Amerikano sa mga Filipino.6 Pero mabuti nga ba sila?7 Noong panahon ng kanilang pagsakop, makikita natin na ang mga Amerikano ay nahirapan makipagtalastasan sa lahat ng mga Filipino.8 Nahirapan sila intindihin tayo dahil may iba’t ibang wika na ginagamit.9 Imbis na tayo ang intindihin nila sa ating lupain, tayo ang natuto ng kanilang wika.10 Ipinatupad din ng mga Amerikano ang batas sedisyon para hindi makakapagsulat ang mga Filipino laban sa mga Amerikano.11 Sa paraang ito, walang manunulat ang maaaring magsulat laban sa mga Amerikano at walang sisiklab na himagsikan laban sa mga Amerikano.12

Maraming naging epekto sa panitikan ang natulong ng pagdating ng mga Amerikano sa ating lupain.13 Ito ang simula ng pagpalaganap ng romantisismo sa panitikan.14 Maraming manunulat ang gumawa ng mga akda ukol sa iba’t ibang bagay tungkol sa emosyunal, pagkamoralistiko, kagandahan at kapangyarihan ng kalikasan, imahinasyon at kalayaang pansarili.15 Maaari na rin sila magsulat ng malaya tungkol sa rehiliyong Kristiyanismo sapagkat wala na ang mga Kastila na nagpipigil sa kanila noon.16 Pag-ibig ang pinakamahilig talakayin ng mga manunulat noon.17 Nauso rin ang mga romantikong bayani na nagpapakita ng mga magagandang katangian na nais gayahin ng mga Filipino.18 Naging malaking impluwensiya ang estilo ng panunulat ng mga Amerikano.19 Ito ay dahil mga Amerikano na ang nagtuturo sa mga paaralan.20 Natuto rin ang mga manunulat na humiram ng mga salita sa kanilang mga akda.21

Sa aking palagay ang Amerikano ang pinakanakatulong sa ating bansa kumpara sa ibang mga sumakop sa atin.22 Sila ang naging gabay sa pag-unlad ng ating bansa.23 Ang watak-watak na bansa ay natulungan nila magkaroon ng pagkakaisa.24 Ito ay dahil sa pag-implementa ng Ingles sa iba’t ibang rehiyon at ito ang naging tulay sa pakikipagtalastasan.25 Tayo ay kanilang tinulungan hanggang sa maaari na nating patakbuhin ang sarili nating bansa.26 Nakakalungkot lamang na isipin na tayo ay tinulungan lamang ng mga Amerikano para sa kanilang makasariling kagustuhin.27 Sa panahon rin ng Amerikano  nagsimula ang globalisasyon sa Pilipinas.28 Onting-onti naisip ng ibang Filipino na mas nakakataas na wika ang Ingles kaysa sa Filipino.29 Dahil dito, mas ginusto ng iba na gumamit ng Ingles kaysa sa sarili nilang wika.30


Christine Okubo:
Ang pananakop ng mga Amerikano ay isa sa mga panahong bumago sa kasaysayan ng wika ng Pilipinas.1 Isang malaking impluwensya ng mga Amerikano ay ang pagpapadala ng Thomasites upang maging mga guro sa mga pampublikong paaralan sa buong Pilipinas.2 Maraming isyu ang umusbong kagaya ng pagpili ng wika ng instruksyon.3 Ang unang yugto ay mailalarawan bilang panahon ng rebelyon.4 Ang mga Pilipino ay naghangad at lumaban para sa kalayaan mula sa kamay ng mga dayuhan.5 Ito ay nakita din sa paglaban ng ilang mga Pilipino para sa wika.6 Ang kabutihan ng paggamit ng bernakular para sa pagkatuto sa unang apat na taon ng pag-aaral ay iminungkahi ng mga Pilipinong tulad nila Maximo Kalaw at Jorge Bocobo.7 Para sa akin, ito ay nararapat lamang sapagkat wala pang isang dekada ang mga Amerikano sa kapuluan ay gusto na nilang baguhin ang mother tongue ng mga Pilipino.8 Maganda ang layunin ng mga dayuhan pagdating sa edukasyon.9 Ang kamalian lamang ay mas lalong hindi matututo ang mga katutubo kung ang mga importanteng konseptong kanilang itinuturo ay nasa wikang Ingles.10 Ang wikang Ingles noon ay hindi pa lubos na naiintindihan.11

Ang ikalawang yugto ay isinulat bilang panahon ng pag-usbong ng romantisismo sa panitikan.12 Ang mga akda ay ukol sa pag-ibig, pagkamoralistiko, at kalayaang pansarili.13 Ang kagandahan ng kapaligiran ay kasama din sa mga elemento ng panitikan noong panahon na iyon.14 Sa panahong ito umusbong ang ilan sa mga hinahangaang manunulat na Pilipino hanggang ngayon.15 Isang halimbawa ay si Alejandro G. Abadilla na sumulat ng tulang “Ako ang Daigdig”.16 Ito ang paborito kong tula sa Filipino.17 Ang mga salitang “Ako ang daigdig, ako ang tula…” ay nagmula sa tulang ito.18 Ipinapahayag ng tula na ikaw ang sumusulat sa iyong tula kaya ikaw ang daigdig ng tula.19 Ang tulang ito ay isang uri ng “free-form” poetry.20 Hindi ito sumusunod sa nakasanayang sukat at tugma.21 Napakamakapangyarihan ng mensahe nito na maaari tayong hindi sumunod sa tradisyunal at gamitin ang ating pnsariling kalayaan at imahinasyon.22 Ang  istilo ng pagsulat ng “Ako ang Daigdig” ay nagbigay-daan sa pagkilala sa mga “free-form” poetry bilang uri ng tula.23 Isa ding personalidad sa panahong ito ay si Lope K. Santos.24 Nakilala rin ang iba pang uri ng mga sining tulad ng sarswela. Sa ikalawang yugto umusbong ang mas malayang mga pahayagan at panitikan.25 Para sa akin, ang yugtong ito ay isa sa mga pinaka-mahalagang panahon sa kasaysayan ng wika ng Pilipinas.26 Ang sining sa pagsulat at pagtatanghal ay nakilala at malaki ang epekto ng mga ito hanggang sa kasalukuyan.27

Ang ikatlong yugto ay ang Komonwelt.28 Ang una kong naiisip sa salitang ito ay si Manuel L. Quezon.29 Sa kanyang administrasyon itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).30 Masasabing ang Pilipinas ay naghangad na ng kalayaan at pagkakaisa sa wika nang panahong ito.31 Ang komisyon ay ang nagdala sa atin sa kinaroroonan ng ating wikang pambansa ngayon.32

Sa kabuuan, ang panahon ng mga Amerikano ay napakamakabuluhan pagdating sa ebolusyon ng ating wika.33 Ito ay naging progresibong panahon ng pagkamalikhain sa sining ng pagsulat.34 Masasabing ang wikang pambansa at mga bernakular ay pinahalagahan at lubos na minahal ng Pilipino.35

Gian Santos:
Natapos ang malupit na pananakop sa atin ng mga Espanyol dahil sa tulong ng mga Amerikano.1 Ang mga Amerikano ang tumulong sa atin para makalaya sa pananakop ng Espanyol.2 Salamat sa mga Amerikano, sumikat ang libre o murang edukasyon para sa mga Pilipino.3 Matapos nilang palayain ang Pilipinas, tinulungan pa tayo maging mas mabuting bansa.4 Ang mga Amerikano ang tumulong sa mga Pilipino upang mapumunuan ang kanilang sarili.5 Isang paraan nito ay ang pagbibigay ng pampublikong edukasyon.6 Noong panahon ng mga Kastila ay sadyang pinagbawal na makapag-aral ang mga Pilipino ngunit sa panahon ng Amerikano ay nakapag-aral sila.7 Ito ay nagbigay daan tungo sa ikagaganda ng kamalayan ng mga Pilipino sa panahon na iyon.8 Nangyari rin sa panahon ito ang unang beses na subukin ng bansa magkaroon ng pambansang wika.9 Si Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa, ang namuno sa pagsubok ng pambansang wika.10 Sa kalaunan, napili ang Tagalog bilang pambansang wika.11

Dahil sa mga kagagawan ng mga ating mga ninuno, nahihirapan akong gumawa ng reaksiyon sa aming presentasyon.12  Nahihirapan ako dito pero mabuti nang nangyari ang mga nangyari sapagkat tumino ang eduksayon ng pangkaraniwang Pilipino.13 Isa ako dun sa mga Pilipinong tumino.14  Mag-init ng mantika at ilagay sa malaking kaldero at magdagdag ng bawang at sibuyas.15 Maghalo ng kamatis at white wine at lagyan ng pampalasa tulad ng parsley, asin, basil at laurel.16 Paghalu-haluin ang talangka, tahong, hipon, at klam sa isa pang kaldero.17 Takpan ito at lutuin sa katamtamang init hanggang sa bumukas ang mga klam.18 Ang paborito kong kakanin ay ang pilipit sapagkat masaya sabihin ang salitang pilipit.19 Isang halimbawa ng bundok ay ang bundok  na may taas na walong libo’t walong daan at apat na pung walong metro.20

Sa pangkalahatan, masasabi nating naging mahalaga ang papel ng pananakop ng mga Amerikano sa wikang Filipino.21 Ang mga Amerikano ang nagsimula ng sunod-sunod na magagandang pangyayari sa bansa. 22 Una ang pagpalaya sa atin sa pananakop ng Espanyol.23 Sunod ang paglaganap ng libreng edukasyon para sa mga pangkaraniwang Pilipino.24 Dahil sa libreng edukasyon at sa pagigging malaya natin, dumali ang buhay ng Pilipinas at mas madali tayong umasenso.25 Hanggang ngayon, dama pa rin natin ang mga pinag-hirapan ng mga tao.26 Di na gaanong marami ang nahihirapang tao ngayon.27 Tulad nalang ng sinabi ng tito ko sa akin: “Wag mo gawing pangarap, gawin mong plano ”28 Sinasabi niya na mas magandang sabihin na may plano kang gawin ang isang bagay kaysa sa gusto mo lang ito mangyari.29 Malapit ito sa sinabi ni Mahatma Gandhi na “Be the change you want to see in the world”.30


  1. Mga Sanggunian
Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).“Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore.Lungsod ng Quezon.

Pinagyamang Pluma 11 Komunikasyon at Pananaliksik

Mendoza, R. (n.d.). KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA: PANAHON NG ESPANYOL AT PANAHON NG AMERIKANO. Retrieved from
https://www.academia.edu/27066735/MODULE_1_KASAYSAYAN_NG_PAMBANSANG_WIKA_PANAHON_NG_ESPANYOL_AT_PANAHON_NG_AMERIKANO?auto=download

Torres, C. (n.d.). Public & reusable Create your own Make a copy Share Embed Like Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Amerikano. Retrieved from https://prezi.com/fslel3fvbiee/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-sa-panahon-ng-amerikano/

Panahon ng Amerikano. (n.d.). Retrieved from https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-amerikano.html

PHOTO SOURCES:
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1664/today-in-philippine-history-may-12-1932-forbes-warned-granting-philippine-independence-might-result-in-oligarchy
https://www.census.gov/history/www/through_the_decades/overview/1900.html
http://tarlton.law.utexas.edu/early-deans/george-c-butte
http://www.retrato.com.ph/list.asp?subject=71
http://nadeaubarlow.com/america-english-only-movement-is-short-sighted/
http://mandirigma.org/?p=3141

Comments

Popular posts from this blog

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon

Block E: Iba't ibang Susing Salita

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT