Block G: Wika at ang Lipunan

Block G
Berba,Javier
Postrano,Lawrence
Block G: Wika at ang Lipunan
Daloy ng Presentasyon
Sinimula namin ang amin paguulat sa paraan ng isang laro: isang Crossword Puzzle kung saan huhulaan ng mga grupo ang mga mahalagang terminolohiya ukol sa aming paksa. Pagkatapos ng laro sinumula namin ang paguulat. Binahagi namin ang aming kaalaman sa paksa sa pagiisa ng bawat isa ng mga mahalagang terminolohiya o ideya.


Mga Impormasyon
Sa aming paguulat may lima kaming salita na inataasan na bigyan ng pansin, ang iyon ang Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, Wikang Pagkatuto at Lingua Franca.


Sa aming pagtalakay ng Wikang Pambansa ay sinabi namin na ito ay mahalaga para sa pag-iisa at pag-uunlad ng isang bansa sapagkat ito ay isang simbolo ng pagkakakilanlan ng isang lipunan. Pagkatapos nito ay binigay namin ang mga katangian ng isang wikang pambansa ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino.


Sa aming pagtalakay ng Wikang Opisyal, inuna namin ang pagpakita at pagbahagi ng mga batas na nagbibigay kahulugan kung ano ang Wikang Opisyal at ano Wikang Opisyal ng Pilipinas(Ph. Const. Article 14, section 7). Ang aming naging pangunahing deliyanasyon na linya sa Wikan Opisyal kumpara sa ibang mga wika ay ang paggamit niya sa Gobyerno at mga dokumento ng pamahalaan. Ibinihagi rin namin na ginagamit namin


Sa aming pagtalakay ng Wikang Panturo naman ay binigay namin bilang halimbawa ang wikang Filipino na siyang ginamit namin sa pagtatalakay. Pagkatapos ay binigay namin ang kasaysayan ng wikang panturo sa bansa simula sa panahon ng mga Amerikano, sa simula ng komonwelt, hanggang sa kasalukuyang panahon ng Mother Tongue Based Multilingual Education.


Ang Wikang pagkatuto naman ay aming tinalakay  bilang ang wika na ginagamit sa pakikipagtalastan at pagiintindi ng mga mag-aaral. Ito ay nagiiba sa bawat mag-aaral, at kadalasan ay sa kanilang inang wika.


Sa aming pagtalakay ng Lengua Franca ay sinabi namin na ito ay ang wika na siyang nagiging behikulo sa pagkakaunawaan ang mga taong may iba’t-ibang sariling wika. Nagbigay kami ng mga halimbawa ng mga rehiyonal at pambansang Lengua Franca.


Panganganinag

BERBA
1) Ang wika sa aking pananaw ay higit na komplikado kaysa sa paraan lang ng komunikasyon. 2) Para sa akin rin may iba’t ibang angkop ang mga wika depende sa kanyang gamit. 3) Mahalaga rin na upang umunlad ang bansa at maging mas matagumpay ang pakikipag ugnayan niya sa iba’t ibang bansa ang maging bukas rin sila sa paggamit ng ibang wika pa sa kaniyang lokal na wika. 4) Bagamat mahalaga rin upang maipatuloy ang pagpasa at pagaalaga ng isang kultura na patuloy mahalin at gamitin ng isang bansa ang kanyang sariling wika. 5) Ito ay upang patuloy maipasa sa mga batang henerasyon, patuloy umunlad ang wika at di mawala ang bahagi ng kultura. 6) Para rin maiwasan ang kaguluhan at ang di pagkakaintindihan, mahalaga na mapili ng isang bansa ang mga opisyal na wika na gagamitin ng isang bansa.  7) Para sa akin ang Wikang Pambansa ay isa sa mga pinakamahalagang aspeto ng isang bansa, dahil siya ang isa sa mga simbolo ng isang maunlad na bansa. 8) Ang Pambansang Wika ay ang nagpapakita ng katangian ng araw araw na pamumuhay ng mga tao. 9) Ang pambansang wika rin ay ang nagpapakita ng pagkakaisa ng isang bayan. 10) Napapakita rin ang kultura ng isang bansa sa kanyang wika at mga salita sa wika. 11) Pambansang wika rin ay mahalaga sa pagpanatili ng coordinasyon ay kaayusan sa pamamagitan ng mga tao sa iba’t iba. 12) Ang matino at maayos na pagpili ng Pambansang Wika ay mararamdaman ng lahat ng tao na kabilang sa bansa dahil ito ay pangkalahataan at pang araw-araw 13)  Ang Wikang Opisyal ay napakahalaga upang magkamaayos at matagumpay na pamahalaan. 14) Siya ay nagsisigurado na maayos ang pakikipagusap ng mga tao sa gobyerno. 15) Sinisigurado rin niya ang lahat ng mga dokumento ng gobyerno ay maibabasa at mauunawaan ng mga tao galing sa iibang gobyerno at bansa. 16) Sinisgurado rin ng wikang opisyal na ang mga salita at pangungusap na ginagamit sa gobyerno ay may antas ng pagkapormal at di salitang pang kalye laman. 17) Ang pinakamaapektuhan ng di maayos na pagpili ng wikang opisyal ay ang gobyerno at ang bansa bilang isang buong grupo at di yung mga indibidwal. 18) Wikang Panturo ay impluwensyal upang maayos ang pagmold ng mga susunod na henerasyon. 19) Ito rin ay mahalaga sa maayos na pagpasa ng mga kaalaman at mensahe. 20) Ito ay dahil anuman ang wika panturo ito ang gagamitin ng mga guro at sa mga eskwelahan. 21) Ang hindi maayos na pagpili ng wikang panturo ay makakaapekto sa mga estyudante dahil masmahihirapan sila kundi nila maintindihan ang mga wika na ginagamit sa pagturo. 22) Wikang pagkatuto naman ay mahalaga sa paguunawa ng estyudante ang mga tinuturo sa kanya. 23) Ito ay di pinipili ng batas at nagiiba depende sa tao at ang kanyang gusto. 24) Lengua Franca ay ang wika na nagsisilbing common sa mga taong galing sa iibaang pinaggalingan. 25) Ang pagkakaroon ng matinong lengua franca ay makakatulong sa maayos na pagugnayang at unawaan ng mga tao. 26) Ito ay nagaapply para sa lahat ng tao at di lamang para sa ispesipikong grupo. 27) Wika ay may madaming gamit at daming uri at di lamang ang ginagamit na midyum sa paguusap sa araw araw. 28) Madaming uri ang wika at ang bawat isa nila ay may pagkakaiba na gamit. 29) Napakamahalaga ang pagpili ng maayos ng wika na ito ng isang gobyerno upang maipakita at masimbolo ang kultura ng kanyang bansa at tao. 30) Kaya dapat rin irespeto ang mga batas at kautusan na binigay ukol dito upang talagang maalagaan ang ating mga wika at kultura.



POSTRANO
1) Ang wika ay makapangyarihan lamang sa hangang naiintindihan ito ng mga gumagamit nito. 2) Kapag nawawalan ng kahulugan ang wika ay nawawalan rin ito ng layunin. 3) Ngunit, sa paggamit ng wika ay nahuhugis rin ang kaisipan at kamalayan ng mga gumagamit nito. 4) Makikita sa wikang ginagamit ng isang lipunan ang isipan nito at kung ano ang pinangangahalagahan nito.5) Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ang isang maayos at mapag-isa na Wikang Pampbansa. 6) Binibigyan nito ang mga tao sa isang bansa ng isang buong diwa sa kanilang pakikipag-usap sa isa’t-isa. 7) Sa linyang ito, kailangan rin na maayos ang Wikang Opisyal ng isang bansa, sapagkat sa pamamagitan nito napapahayag ang istruktura ng batas at ang pamumuhay ng mga mamamayan. 8) Sa Wikang Opisyal ng isang bansa makikita kung anong wika ang pinahahalagahan at binibigyang respeto ng isang lipunan.9) Sa Wikang Panturo naman makikita ang wika ng katandaan at karanasan. 10) Sa wikang ito ibinabahagi ang kaalaman ng isang lipunan sa kabataan nito. 11) At sa kabilang panig, ang Wika ng Pagkatuto ay masasabing wika ng kabataan at wika ng mga makabagong ideya. 12) Sa wikang ito makikita ang mga nagbabagong wika ng lipunan. 13) Sa mga kasong ito ay makikita natin kung papaano kinakahon ang wika. 14) Makikita rin dito na ang wika ay kumakahon. 15) Ang mga taong may iba’t ibang sariling wika ay nakukulong sa paradaym na dinidikta ng kanilang wikang gamit. 16) Dahil dito ay nawawala ang pagkakaunawaan at nagsisimula ang sigalot, alitan, at pagkakasalungatan. 17) Ang wika ng isa ay di naiintindihan ng isa. 18) Ngunit, kahit na ang wika ay isang makapangyarihang instrumento sa paghahati-hati ng mga tao, ito rin ay isang makapangyarihang instrumento sa pagdudugtong-dugtong ng mga tao. 19) Ang Lengua Franca ay nagpapakita nito sapagkat ito ay nagsisilbing common ground o midyum of exchange para sa mga iba’t ibang wika na maaring may sumasalungat na diwa. 20) Sa pamamaraan ng paggamit ng Lengua Franca ay natatahi ang mga tagpi-tagping ideya sa iba’t ibang wika. 21) Dahil dito ay gumagawa ang mga tao ng pidgin at creole kapag walang umiiral na Lengua Franca sa isang lugar. 22) Sa panahon ay ang wikang ito ay baka maging wikang opisyal o iba pa. 23) Ang mahalaga ay ang kaisipan na ang wika ay may likas na paradaym 24) Kapag naisaisip na ito ay mas maiintindihan natin ang mga pangyayari tungkol sa wika at ang kahalagahan nito. 25) Makikita rin natin kung saan lumalabas ang mga sularinin na dulot sa kasalungatan sa wika. 26) Sa kabuuan, ang iba’t ibang klasipikasyon ng wika ay ginagamit sa pagbabahagi ng iba’t ibang diwa sa iba’t ibang paradaym. 27) At kahit na ang mga paradaym na to ay di maaring paghiwalayin ay magkaiba pa rin sila. 28) Ito ang dahilan kung bahit napahalaga na makilala ang mga Wikang Pampansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, Wika ng Pagkatuto, at Lengua Franca. 29) Ang pag-intindi ng mga ito ay nagbibigay ng mas malawak na kaalaman sa wika at sa iba’t ibang paggamit nito sa iba’t ibang sitwasyon. 30) Bilang isang iskolar ng agham, matematika at teknolohiya ay mahalaga ito sa akin sapagkat ito ay magagamit ko sa pagbahagi at pagtanggap ng mga ideya sa iba’t ibang awdyens at sitwasyon.


Saggunian


Juan, G. D. (2013, March 29). ANG EDUKASYONG BILINGGUWAL NG 1974 (1974-1986). Retrieved September 25, 2017, from https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-edukasyong-bilingguwal-ng-1974-1974-1986/


Coscolluela, J. (n.d.). WIKANG PANTURO. Retrieved September 25, 2017, from http://www.academia.edu/26502509/WIKANG_PANTURO


The Constitution of the Republic of the Philippines | GOVPH. (n.d.). Retrieved September 25, 2017, from http://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/1987-constitution/

Affairs, G. N. (n.d.). Kasaysayan ng Wikang Filipino. Retrieved September 25, 2017, from http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang-filipino/story/

Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon