Block G: KWF: Pilipino-Filipino
Gawa nina: AVISO, Matthew | CRUZ, Margaret Esther | DE VILLA, Alyanna ng Block G
A. Daloy ng Presentasyon
Ang aming grupo ay hindi pa nakakapagpresenta, ngunit ito ang mga bagay na nais naming gagawin sa araw ng aming presentasyon:
1. Maghahanda kami ng aming mga gagamitin para sa presentasyon.2. Tatalakayin namin ang paksa na itinalaga sa amin sa tulong ng aming mga biswal na presentasyon (makikita sa ibaba). Uunahin namin ang maiksing buod ng mga pangyayari bago naging Filipino ang ating pambansang wika. Pagkatapos nito ay tatalakayin namin ang mga mahahalagang tao at konsepto na may kaugnayan sa Pilipino-Filipino.3. Sa dulo ng aming presentasyon ay magkakaroon ng isang laro, kung saan ang mga mananalo ay magtatamo ng mga premyo. Hindi pa namin maaaring sabihin kung ano ang mangyayari sa palaro.
B. Pagtalakay sa Paksa
Ito ang aming nalakip na mga impormasyon.
Si Manuel L. Quezon ay ang tinuturing “Ama ng Wikang Filipino” sapagkat sa kanyang pamumuno nagsimula ang pagbuo ng Wikang Pambansa. Sinabi niya na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay nararapat na magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.
Ito ang mga pangyayaring naganap bago tuluyang naging Filipino ang ating pambansang wika:
- 1935 Konstitusyon Artikulo 14, Seksiyon 3: “Hangga’t hindi ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy na gagamiting opisyal”
- Nobyembre 13, 1936: Itinatag ng Batasang Pambansa Blg. 184 ang Suriang Wikang Pambansa (SWP). Pinili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
- Hunyo 7, 1940: Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas.
- Agosto 3, 1959: Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong na tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.”
- 1973 Konstitusyon Artikulo 15, Seksiyon 2 at 3: “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."
- 1986: Pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at sa naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.
- 1987 Konstitusyon (Panahon ng Rebolusyonaryong Gobyerno: Pangulong Corazon C. Aquino): Binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
- Mayo 12, 2015: Iginigiit ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na gamitin ang "Filipino," sa halip na "Pilipino," sa pagtukoy, hindi lang sa pambansang wika, kundi pati sa "tao at kultura ng Filipinas."
Surian ng Wikang Pambansa
- Si Norberto Romualdez ay ang dating batikang mahistrado na sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Tinakdaan siya na magsaliksik, mag-aral, magpasiya kung aling wikang katutubo ng Pilipinas ang dapat maging batayan ng wikang pambansa, at bumuo ng isang diksiyonaryo at gramatika at iba pang patnubay para sa paggamit at pagtuturo ng wikang pambansa.
Kung Bakit Naging Pilipino ang Tagalog
- Ito ang nirekomenda ng Committee on Official Language ng Kumbensiyong Konstitusyonal.
- Sinabi rin ni Najib Mitry Saleeby na ang wikang Tagalog ay may kahigitan kaysa sa mga ibang katutubong wika, sa kadakilaan at kaunlaran ng wikang ito. Malaki din ang relasyon nito sa sentro ng kalakalan ng bansa at sa mga pabansang bayani.
- Hindi sumangayon ang mga ibang delegado galing sa iba’t ibang rehiyon sa mabilisang pagpili ng wikang Tagalog bilang batayan ng wikang Pilipino at natalo ang mga sumangayon sa wikang Tagalog sa botohan.
- Noong taong 1939 pinili ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa alinsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon. at tinawag itong ‘Pilipino’ sa bisa ng atas pangkagawaran ni Kalihim Jose E. Romero noong 13 Agosto 1959, na inilabas para sa nalalapit na Linggo ng Wika.
Pagkakaiba ng Pilipino at Tagalog
- Dahilan ng Pagkakaiba: Ang Tagalog ay ang wikang katutubo ng mga Tagalog at hinirang noong 1939 na maging batayan ng wikang pambansa alinsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon. Ang Pilipino ay pangalang itinawag sa nabuong wikang pambansa sa bisa ng atas pangkagawaran ni Kalihim Jose E. Romero noong 13 Agosto 1959
- Dahilan ng Kawalan ng Pagkakaiba: Ang wikang tinawag na Pilipino noong 1959 ay nagtataglay pa rin ng mga katangian ng Tagalog. Kaya may mga akusasyon ng purismo, o pagiging purong Tagalog ng wikang Filipino.
Kung Bakit Tinawag Na Wikang Filipino ang Wikang Pilipino
- Nais nitong ihiwalay ang Wikang Pambansa sa batik na Tagalog ng “Pilipino.”
- Nasa pangalan ng “Filipino” samakatuwid ang panukala noon at ngayon na mula sa batayang Tagalog ay aktibong ilahok sa pag-unlad ng Wikang Pambansa ang mga wikang katutubo ng Filipinas.
“In the process of its growth and diffusion, Tagalog will incorporate words from the other dialects, and as it becomes more and more the language of the nation, it will become less and less the dialect of Manila, dropping elements that are peculiarly local, and standardizing itself to meet national need and to express national life and culture.”
(Trinidad A. Rojo, 1937)
- Buod: Ang Wikang Filipino ay mananatiling Tagalog sa ubod ngunit may mga matatawarang halò mula sa mga wikang katutubo ng Filipino
Pagkakaiba ng Pilipino at Filipino
Pilipino
- Nakabatay lamang sa iisang dayalekto (Tagalog)
- Nagsisimula sa titik P sapagkat walang titik F ang abakada. (Walang tunog na F sa Tagalog.)
Filipino
- Bukod sa dayalektong Tagalog, kinakailangan din na ang lahat ng umiiral na mga dayalekto at wika (Ingles, Kastila, Intsik at mga wikang katutubo) ay mabigyan na rin ng pagkakataon na makisangkot at maging batayan sa pagpapaunlad at paglinang sa ating wikang pambansa, ang wikang Filipino.
Kung Bakit Hindi Na Lang Halo-halo ng mga Wikang Katutubo ang Wikang Pambansa
- Ayon kay Geruncio Lacuesta, ang tinawag niyang “Filipino” o “Manila lingua franca” ay may halo-halong salita mula sa iba’t ibang wika, lalo na sa Ingles, Espanyol, Ilokano, at kolokyal na Tagalog Maynila. Nag-organisa si G. Lacuesta ng unang Anti-Purist Conference noong 22–26 Oktubre 1966 at humatak ito ng mga kapanalig na kaaway ng SWP. Ang ikalawang kumperensiya ay idinaos noong 13 Enero 1968 sa UP. Sa loob ng taóng iyon ay naitatag ang Modernizing the Language Approach Movement (MOLAM).
- Ngunit ayon kay Rojo:
“We do not believe that anyone has any idea of how such a fusion is to be accomplished. We have never seen a single concrete suggestion. It would be possible for a linguist familiar with Philippine languages to evolve such a fused dialect, but we doubt if anyone would ever use it.”
- Mali ang pag-akusa ng purismo dahil hindi isinaalang-alang ng mga kaaway ng Pilipino na hindi maaaring ganap na maiba ang isang wika sa naging batayang wika nitó.
Tungkulin ng mga Estudyante sa Paglinang ng Pambansang Wika
- Sa mga huling taon ng Dekada ‘60, umiral ang militanteng aktibismo ng mga estudyante laban sa tinuturing na imperyalismong kultura.
- Aktibismo ng mga estudyante: mga samahang kagaya ng Kabataang Makabayan (KM) at Samahan ng Demokratikong Kabataan (SDK) ay naglunsad ng mga protesta laban sa mga “kaskla-suklam na kasunduan” sa pamamagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
- Wikang Pilipino ang ginamit noon sa mga pahayagan at pagwelga sapagkat naniniwala silang ang paglaya natin sa wikang Ingles ay simula ng paglaya natin sa Estados Unidos.
Kasalukuyang mga Kontrobersiya sa KWF
- Naging kontrobersyal ang pagmungkahi ng KWF na palitan ng "Filipinas" ang kasalukuyang pantukoy sa bansa na "Pilipinas" dahil sa maraming institusyon na ang naitatag gamit ang "Pilipinas." Dahil nga pantukoy ito sa pangalan ng bansa at sa dami na rin ng institusyong gumamit ng "Pilipinas," mangangailangan na ng batas para maipatupad ito.
- Bukod sa legalidad, ipinasok din ni Dr. Purificacion Delima, kagawad ng KWF, ang usapin ng "consistency" sa mga opisyal na katawagan dahil Filipino ang tawag natin sa wika, habang Pilipino ang tawag sa tao.
C. Biswal na Presentasyon
D. Panganganinag
Matthew Aviso
Naalala ko na noong mga unang linggo ng Filipino sa taong ito, naging paksa na ang bias sa Tagalog bilang basehan ng Pambansang Wika.1 Sa aking pagsasaliksik para sa LT1 ko lamang nalaman na may tawag pala dito - purismo.2 Ito ang pagiging purong Tagalog ng wikang Filipino (Almario, 2014).3 Bagamat ako’y isang Tagalog, nararamdaman ko kasi na hindi naging makatarungan na Tagalog ang basehan para sa Filipino.4
Dinahilan ko na ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagkakaunawaan, hindi nagkakaisa, at naghihirap ang Pilipinas ay dahil sa kakulangan natin ng isang tunay na pinaghalo-halong wika.5 Sa pag-aaral ko na lamang napagtanto na hindi ito posible.6 Nasabi nga Trinidad A. Rojo, “It would be possible for a linguist familiar with Philippine languages to evolve such a fused dialect, but we doubt if anyone would ever use it.”7
Oo nga naman, sino ang gagamit ng halo-halong wika sa mga opsiyal na dokumento kung sa pang-araw-araw na pag-uusap ng mga Pilipino ay sari-sariling wika rin naman ang ginagamit ng bawat rehiyon.8 Ang ganitong konsepto ay makatutulong lamang sa mga edukado’t mayayaman na may kakayahan aralin ang lingwistiko sa likod ng pinaghalong wika.9 Ang halo-halong wika ay hindi makatutulong kung hindi makahahadlang pa sa kaunlaran.10
Bukod dito, nalaman ko rin na, sa katunayan, malaki ang pinagkaiba ng kasalukuyang anyo ng Filipino sa bokabularyo ng Tagalog noong 1930s.11 Ibig sabihin, hindi “purong” Tagalog ang wikang Filipino.12
Sa aking patuloy na pananaliksik, nakabuo ako ng panibagong kuro-kuro.13 Oo, mayroong isyung pang-wika na nakahahadalang sa pag-unlad ng Pilipinas ngunit hindi ito ang purismo ng wikang Filipino.14 Ito ay ang pagtangkilik sa isang banyagang wika: Ingles. Ito’y isang napakalaking “oo nga, no?” para sa akin.15
Isa sa mga konseptong natutunan ko sa Pisay ay ang imperyalismong kultura.16 Ito ang patuloy na pagsalakay ng mga dayuhan sa ating mga isip at gawa.17 Ito ay resulta ng neo-colonialism, sapagkat hindi man tayo talagang sinasakop ng ibang bansa ay para pa rin tayong mga kolonya nila.18
Nalaman ko na noong dekada ‘60, mayroong serye ng protesta laban sa imperyalismong kultura.19 Dinala ng mga estudyante sa kalsada ang hindi nila pagtutol sa mga isyung kagaya ng Philippine-US Trade Agreement, Laurel-Langley Agreement, Military Bases Agreement ng 1947, at Mutual Defense Treaty ng 1951 (Almario, n.d.).20 Ngunit ang isa sa pinakamahalagang ginawa nila laban dito ay ang paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga karatula’t sigaw.21
Maaaring hindi ito mukhang mahalaga.22 Maaari namang sabihing, “Pilipino tayo kaya, natural, Filipino ang kanilang mga gagamitin.”23 Ngunit ilagay natin sa konteksto.24
Ang mga naglunsad ng protesta ay mga estudyanteng galing sa UP, Ateneo, at PUP.25 Sila’y mga edukado at ang umiiral na ideya ng edukado mula noon hanggang ngayon ay isang taong magaling sa Ingles.25 Kaya kung tatalakayin ang isang pang-intelektwal sa paksa kagaya ng imperyalismo, madalas ginagamit ang banyagang wika.26 Ngunit upang sumulong ng isang rebolusyong makabayan, kailangan ding gamitin ang sariling wika.27
Ang paggamit ng wikang Filipino sa rebolusyon ay pagtrato sa wikang ito bilang isang intelektwal na wika.28 Sa pag-protesta gamit ang wikang Filipino, tila sinasabi nila, “Tama na ang pang-aabuso sa aming mga mamamayan, pagsalakay sa aming mga isipan, at pagmamanipula ng aming kultura.”29
Napagtanto ko na, bilang estudyante, kung nais kong magsulong ng pagbabago sa aking bayan, kailangan kong makiisa rito sa lahat ng aspeto - isa na rito ang wika.30 Kailangan kong gamiting ang Filipino sa pang-araw-araw at pagtalakay ng mga intelektwal na bagay upang maiangat ang wikang Filipino sa pedestal.31
Margaret Esther C. Cruz
Napakaraming mga nakalilitong pakahulugan ang nabubuo ukol sa ating wika.1 Maaaring dahil ito sa ating kasaysayan na tila ay nakalilito rin.2 Maraming tanong ang nabubuo dahil sa kagustuhan nating malinawan kung ano nga ba ang ating pambansang wika at paano ito naging ganito.3 Isa sa mga pangkaraniwang tanong tungkol sa ating wika ay kung ano nga ba talaga ang ating pambansang wika; kung ito ba ay Tagalog, Pilipino o Filipino.4 Sa mga nakaraang miting ay nagkaroon ng mga talakayan tungkol sa ating wika.5 Natalakay naman sa mga diskusyong ito ang pagkakaiba ng Filipino at Tagalog, ngunit nakalilito pa rin kung ano ang pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino.6
Ang mga naunang paksa na tinalakay sa loob klase ay tumutugon sa kasaysayan ng ating wika sa mas mga naunang panahon.7 Masasabi ko na hindi ito ganoon nakakuha ng aking interes dahil na rin sa hindi ito masyadong bago para sa akin.8 Hindi ko rin masyadong nakita ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon.9 Ngunit, ang aming paksa na tungkol sa panahon ng Pilipino-Filipino ay nakakuha ng aking interes dahil na rin sa isa ito sa mga konsepto ng hindi ko masyadong napagtutuunan ng pansin noon, ngunit nakapagtataka nga talaga kung ano ba ang nangyari sa ating wika at kung bakit ito “Filipino” ngayon.10
Sinabi ni Manuel L. Quezon na “ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”11 Dahil dito ay masasabi kong isang tungkulin natin na makabuo at makapili ng isang pambansang wika na maaari maging representasyon ng ating bansa.12 Noon pa man, naging batayan na ng ating pambansang wika ang Tagalog dahil sa karamihan ng mga mamamayan na nagsasalita nito.13 Nagkaroon ng mga oposisyon dito dahil tinuturi nilang mga purista ang mga sumangayon sa paggamit ng Tagalog bilang pambansang wika.14 Hanggang ngayon, isa pa rin sa pinakakaraniwang wika na sinasalita ay ang Tagalog, kaya minsan ay napagkakamalian rin ito bilang ating pambansang wika.15
Ipinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas.16 Ngunit inutos na tawagin itong Pilipino paglipas ng panahon.17 Noong 1987 ay binago na naman ito at ginawa itong wikang Filipino.18 Dahil sa mga teknikal na rason, nagiging seryosong isyu kung ano nga ba talaga ang pagkakaiba nito, at kung ano nga ba talaga ang dapat nating naging Pambansang Wika.19
Ang mga tanong na nabanggit ko ay nasagot nang gawin namin ang aktibidades na ito.20 Sa proyektong ito ay mas nalinawan ako sa kasaysayan ng ating wika.21 Nalaman ko rin ang kahalagahan ng pagkilala sa kung ano ang ating pambansang wika.22 Napagtanto ko na mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng Filipino, Pilipino at Tagalog, dahil isa ito sa mga pinakakaraniwang miskonsepsyon.23 Bago pa man namin gawin ang proyektong ito, hindi ko masyadong nababatid kung ano man ang pinagkaiba nila, ngunit ngayon ay mas malinaw na ito para sa akin.24 Sa panahon ng paggawa namin ng proyektong ito, ang dami kong natuklasan na mga kahanga-hangang bagay, kasama na ang transisyon mula sa Filipino papunta sa Pilipino at ang pagbalik nito sa Filipino.25
Ngunit, mayroon pa ring ilang katanungan ang hindi nasasagot.26 Isa dito ay ang kung paano natin matutugunan ang problema sa “consistency” sa pagtukoy natin sa wika bilang Filipino at sa paggamit natin ng P sa ibang mga bagay.27 Mahirap ring isipin kung paano magiging buo ang kaalaman at malilinawan ang ating mamamayan sa kalagayan ng ating wika ngayon.28 Ito ay dahil nararamdaman ko isang malaking problema na hindi natin alam kung ano nga ba ang pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino.29
<sir hindi ako sure kung tama yung source ahuhu hindi ko siya mahanap http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/Isang-Sariling-Wika-Filipino.pdf p. 27-37>
Pagkatapos kong malinawan sa kasaysayan ng wikang Filipino, ang pagkakaroon ng mga ideya ukol sa pagpapaunlad ng ating wika ay aking natuklasan sa artikulo ni Virgilio S. Almario.30
“Hindi táyo dapat mapiit,sa kung ano ang wika ngayon. Walang wikang perpekto; kailangang isunod ang wika sa nagbabagong pangangailangan ng mga gumagámit nitó; kailangang baguhin ang wika upang maging higit na episyente at kapaki-pakinabang sa mga gumagámit nitó.”
Ito ang pinakapangunahing konsepto na aking natutunan sa kanyang akda.31 Sumasangayon ako sa pahayag na ito dahil totoo namang dapat lamang tayo umangkop sa kung ano ang nasa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran.32 Dahil na rin sa pag-usbong ng maraming mga wika sa ating bansa, nararapat lamang na maging maayos ang pakikipagugnayan natin sa mga tao.33 Isang magandang konsepto ang pagpaplanong wika na binigyangdiin sa artikulo.34 Isa sa mga layunin nito ay ang pagyamanin ating pambansang wika.35 Kamangha-manghang ideya rin ang pagmodernisa ng ating wika kasabay ang nasyonalisasyon dahil na rin sa may kakaunting pagkakaiba sa mga konseptong ito.36 Sa kabuuan, isang magandang hakbang ito sa paggawa ng solusyon sa mga problema ng wika at maaaring ito narin ang paraan upang magkaroon ng higit na episyente at kapaki-pakinabang na wika.37
Sa kabuuran, isang magandang paksa na pag-aralan ang transisyon mula sa Pilipino patungo sa Filipino.30 Dahil rito ay namulat ako sa kung ano nga ba talaga ang ating wika at ang mga napagdaanan ng mga tao sa pagpili ng ating wikang pambansa.31 Higit sa lahat, napakabuti ring pagaralan natin kung paano natin pagagandahin at pauunlarin ang ating wika.31
Alyanna de Villa
Ang usapang Pilipino-Filipino ay isang paksang hindi ko masyadong naiintidihan noon pa man.1 Ang alam ko lang ay nagbago ang Pilipino at naging Filipino.2 Hindi nga ako sigurado nung una kung ano nga ang nauna sa dalawang ito.3 Inakala ko binago ang Pilipino papuntang Filipino sapagkat impluwensya ito ng mga dayuhan, ngunit nagkamali ako sa aking sariling paniniwala.4
Una sa lahat, ikinagulat ko ang pagpili sa wikang Tagalog noon ng Committee on Official Language ng Kumbensiyong Konstitusyonal (Almario, 2014).5 Sa aking kaalaman mas maraming tao ang nagsasalita ng Cebuano o Kabisayanan kaysa sa mga taong nagsasalita ng Tagalog.6 Inisip ko magiging pambansang wika ang wikang malimit na sinasalita ng mga tao sa bansa (Santos, 2016).7 Hindi ko alam ang wikang ginamit sa himagsikan, ng mga pambansang bayani, sa ulong-bayan, o kung ang kaunlaran nito, ang magiging batayan para sa pagpili ng wikang Tagalog -sir binabasa niyo ba ito- bilang pambansang wika.8 Sa kabilang bahagi, ito naman ay hindi agad napatupad dahil sa di-pagsangayon ng mga rehiyonalist na delagado.9 Kahit hanggang ngayon ay meron paring mga taong hindi sang-ayon sa paggamit ng wikang Tagalog bilang batayan para sa wikang Pambansa.10 Siguro pinapakita nito ang komplikadong bahagi ng pagpili ng pambansang wika, sapagkat ito nga ay isang mabigat na paksa na kailangan magawa sa ilalim ng patas na pagpili.11
Ang pagpalitan ng Pilipino at Filipino ay nagpapakita ng kapatasan at bukas-isip ng mga Filipino ukol sa kanilang wika at ideolohiya.12 Hindi nila ginawa ang desisyon na ito base lang sa kanilang sariling kaalaman o opiniyon.13 Halos lahat ng tao sa bansa ay nirespekto ang desisyon ng mga opisyal.14 Ang mga eskwelahan sa Pilipinas ay nagtuturo ng Tagalog bukod sa kanilang sairling wika, kaya alam nating ang desisyong maging batayan ang Tagalog sa Filipino ay pinahahalagahan ng bayan.15
Sa pag-aral at paggawa nitong aktibidad na ito ay nakatuto ako ng maraming bagay at kaalaman ukol sa historya ng wika sa ating bansa.16 Maraming bagay, katulad ng kahulugan ng Pilipino at Filipino, ay nagpabago ng aking tingin sa historya ng wika natin.17 Hindi ko aakalin na napili ng husto ang Tagalog bilang wikang pambansa, o ang pagpalit ng P to F ang nangangahulugan sa pag-alis ng pagka-’Tagalog’ ng Filipino.18 Marami talagang bagay ang nagtatago sa katotohanan ng mga paksang hindi masyadong pinaguusapan.19 Lahat nito ay nagbigay kaalaman sa akin hindi lang ukol sa kasaysayan ng wika ngunit pati na rin sa pag-iisip ng mga Pilipino noon.20 Ang pagalam ng pagkaiba ng Pilipino at Filipino sa isa’t isa ay makakatulong sa pagpapahalaga ng kasaysayan ng wika natin.21 Masasabi natin na may kumpiyansa na ang mga tao sa pagturo nila ng dahilan tungkol sa Pilipino o Filipino.22
Natutuwa ako sapagkat kahit kagagaling lang ng Pilipino sa sakop ng Espanya at noon ay sinasakop pa ng mga Amerikano, binigyan nila halaga ang usapang wikang pambansa.23 Pinapakita nito na hindi nakalimutan ng mga Filipino noon ang mga importanteng bahagi ng pagka-nasyonalismo nila.24 Naniniwala ako na ang pagdesisyon nila na maayos ang wikang pambansa ng mapayapa ay nakatulong talaga sa pag-isa at sama-sama ng Pilipinas noong panahon na iyon, at lalo’t na ngayon.25
Sa kalahatan, ang pag-aral at pag-alam sa kaibahan at kasaysayan ng Pilipino-Filipino ay makakatulong sa mga Filipino maunawa at mapahalagahan ang wikang pambansa natin ngayon.26 Tayo lahat, kasama na ako dyaan, ang makikinabang sa kaalaman ng kasaysayan ng wikang Filipino.27 Katulad ng pagdebate, pagturo, pagusap, o anuman uri ng komunikasyon, maaari nating mapalaganap ang kaalaman nito upang hindi tayo mabuhay mangmang sa ating sariling wika.28 Malaking kahihiyan na hindi natin alamin ang kasaysayan ng sarili nating wika.29 Sa pagtuto nito ay maaaring mas mabuo ang pagkatao natin bilang isang mamamayan ng Pilipinas.30
E. Listahan ng mga Sanggunian
Agoncillo, B. & Manuel, M. (2015, August 1). What the 'F': Kung bakit 'Filipino', hindi 'Pilipino'. ABS-CBN News. Retrieved from http://news.abs-cbn.com/focus/08/01/15/what-f-kung-bakit-filipino-hindi-pilipino
Almario, V. S. (2014). Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa. San Miguel, Manila: Komisyon sa Wikang Filipino. Retrieved from http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/FAQ_2.4.15-1.pdf
Almario, V. S. (n.d.). Kung bakit naging filipino ang pilipino. Komisyon ng Wikang Filipino. Retrieved from http://kwf.gov.ph/kung-bakit-naging-filipino-ang-pilipino/
Almario, V. S. (n.d.). Kung bakit naging pilipino ang tagalog. Komisyon ng Wikang Filipino. Retrieved from http://kwf.gov.ph/kung-bakit-naging-pilipino-ang-tagalog/
Aspa, M. J., Gonzalgo, J., Silang, S., & Hibek, J. (2011, June 16). Konstitusyonal na batayan ng wikang pambansa [SlideShare slides]. Retrieved from https://www.slideshare.net/MjAspa/konstitusyonal-na-batayan-ng-wikang-pambansa-8427306
GMA News. (2013, August 2). Ang alamat ng wikang filipino ni Virgilio 'Rio Alma' Almario. GMA News Online. Retrieved from http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/320384/ang-alamat-ng-wikang-filipino-ni-virgilio-rio-alma-almario/story/
Santos, T. U. (2016, February 28). Identidad-pangunahing suliranin sa pagsusulong ng wikang filipino. The Varsitarian. Retrieved from http://varsitarian.net/filipino/20160228/identidad-pangunahing_suliranin_sa_pagsusulong_ng_wikang_filipino
Comments
Post a Comment