Block G - KWF: Rebolusyon

BALETE, Thomas Spencer                                                                                                   10 Oktubre 2017
ONG, Wendell Lenard
VIERNES, Vivienne Angelica H.


  1. Daloy ng Presentasyon
  1. Ang Pag-uulat
Ang pangkat ay nag-ulat tungkol sa itinakdang paksa: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Rebolusyon. Tinalakay ng grupo ang mga mahahalagang detalye at pangyayari na bahagi ng Rebolusyon. Binigyan diin din ng presentasyon ang iba’t-ibang tauhan na malaki ang pakikibahagi sa pagpapatuloy ng himagsikan.
  1. Laro: Mensahero
  Lugar: Silid 2B ng SHBEx
  Panuntunan:
  1. Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat ng mga manlalaro
  2. Isang miyembro ng bawat grupo ay maghihintay sa labas ng silid at sa kanila lamang ibibigay ang mga papel na naglalaman ng mga sagot sa tanong
  3. Ang bawat miyembro ng mga pangkat ay mabibigyan ng takdang numero at ito ay katumbas sa posisyon na kanilang pupuntahan upang magsimula ang laro
  4. Ang tanong ay ibubulong ng tagapamuno ng laro sa mga maglalaro na nasa unang posisyon
  5. Ibubulong nila ang tanong sa mga manlalarong nasa sumunod na posisyon at ito ay maipagpatuloy hanggang makarating sa huling posisyon ang tanong
  6. Ang huling manlalaro ay lalabas ng silid upang sabihin ang tanong sa kanilang natitirang miyembro na hawak ang tatlong maaring sagot
  7. Ipapasa ng miyembrong ito ang tamang sagot pabalik hanggang makaabot ito sa miyembrong na sa unang posisyon
  8. Susuriin kung tama o mali ang sagot ng grupo pagdating ng tanog nasa ulo ng pila
  9. Ang unang pangkat na magbigay ng tamang sagot ay ang magiging matagumpay na pangkat at sila ang makakakuha ng premyo
  10. Mga dagdag na patakaran:
    1. Dapat walang naririnig ang mga tagapamuno ng laro galing sa mga manlalaro
    2. Bawal tumalon ang mensahe, dapat ang pagpasa nito ay sunod sunod ayon sa posisyon ng manlalaro
  1. Pagtalakay sa Paksa
Kasaysayan ng Wikang Filipino: Rebolusyon
Panahon ng Rebolusyong Pilipino
  • Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 na taon mula 1565 hanggang 1898.
  • Nasyonalismo - isang damdaming umusbong bunga nang labis na pang-aalipin,
pang-aalipusta, at diskriminasyon ng Kastila sa mga Pilipino
  • 1872 - taong nagsimula ang paghihimagsik
        - paglitaw ng mga kilusang propaganda → Nais nilang kilalanin ng Espanya ang
          Pilipinas bilang isang lalawigan nito (at hindi ang pagtatag ng Pilipinas bilang
          isang hiwalay na bansa)
  • Isang Bansa, Isang Diwa – ang sumibol na kaisipan sa mga Pilipinong manghihimagsik
     (laban sa mga Espanyol)
  • Pinili nilang gamitin ang wikang Tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula, kwento, liham, at talumpating nagpahayag ng mga masidhing damdamin laban sa mga Espanyol.
Mga Mahalagang Tauhan at Pangyayari
Katanungan: Ano ang buong pangalan ng tauhang nasa larawan?
(JOSÉ PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONSO REALONDA)
  • Jose Rizal - “Ang wika ay isang mabisang kasangkapan upang mapagbuklod ang mga
        kababayan.”
   - Sinulat ang mga sumusunod na akda:
  • Noli me Tangere - tumatalakay sa 1) kultura ng Pilipinas bilang isang
    kolonya ng Espanya, 2) mga nakasanayang bisyo ng
    mga Pilipino, at 3) pang-aabuso ng kapangyarihan
    ng mga pari.
  • La Solidaridad - nailathala noong Pebrero 19, 1899
- ang opisyal na pahayagan noong Pananahon ng
 Himagsikan → sinulat sa wikang Espanyol
- pinangunahan nina Jose Rizal, Graciano Lopez
 Jaena, at Marcelo H. Del Pilar
  • El Filibusterismo - ang kasunod na libro ng Noli Me Tangere
   - inialay ito para sa tatlong paring martir (GomBurZa)
1) Padre Jose Burgos
2) Padre Jacinto Zamora
3) Padre Mariano Gomez
Katanungan: Ano ang buong pangalan ng tauhang nasa larawan?
(ANDRES BONIFACIO)
  • Andres Bonifacio – ang nagtatag (at naging supremo) ng Katipunan
  • KKK - Kataastaasang, Kagalanggalang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
       - layunin niyang makamit ang ganap na kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan
         ng armadong himagsikan
  • Ang Kalayaan - sariling pahayagan ng Katipunan na isinulat sa wikang Tagalog
- nilalaman ang plano ng Katipunan → kinalat ito sa iba’t ibang
 mga karatig-bayan upang mapalaganap ang pwersa nito
Katanungan: Ano ang buong pangalan ng tauhang nasa larawan?
(EMILIO AGUINALDO)
  • Emilio Aguinaldo – ang nagtatag ng Unang Republika ng Pilipinasnaging unang
                                                           konkretong hakbang ng mga Pilipino laban sa kolonyalismo ng mga
                                                           Kastila
  • Unang Republika ng Pilipinas - nagsimula bilang isang gobyernong diktatoryal at
 pinalitan ng gobyernong rebolusyonaryo nang
 ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas
- nagtagal lamang ito ng isang buwan; kasabay nito ang
 pagtatag ng Konstitusyon ng Biak na Bato
Katanungan: Ano ang pinapakita ng larawang ito?
(BIAK NA BATO)
  • Konstitusyon ng Biak na Bato - pinagtibay noong 1899
- isinulat nina Isabelo Artachio at Felix Ferrer
- ginamit bilang modelo nito ang Konstitusyong
 Jimaguayu ng Cuba
- itinakda bilang opisyal na wika ang Tagalog, ngunit
 walang nakasaad na ito ang magiging wikang
 Pambansa → sinasabing ang pamamayani ng mga
                                                                               Ilustrado sa Asembleyang Konstitusyonal ang
                                                                               pangunahing dahilan nito

  1. Biswal na Presentasyon


  1. Panganganinag
Thomas Balete
Ang wika ay isa sa mga pinakamahalagang kasangkapan upang magkaunawaan at magkaisa ang isang lipunan. 1 Sa pagkakaroon nito, napapahayag ng maigi ang mga damdamin at kaisipan na kinakailangan sa sama-samang pag-unlad ng isang grupo ng tao. 2 Nabatid ko ang katotohanan nito nang magsagawa ang grupo ng pananaliksik ukol sa pahanon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. 3 Naging matagumpay ang mga Kastila sa kanilang pagsalakay sa atin dahil kinilala nila ang pagkakaroon ng kayamanan ng iba’t-ibang wika sa bansa natin. 4 Sa karaniwan, ang pagkakaroon ng maraming wika ay tanda ng isang maunlad na kultura, ngunit nagawang imanipula ito ng nga kastila para sa kanilang pakinabang. 5 Nagamit ng mga kastila sa atin ang istratehiya ng “Divide and conquer” kung saan isa-isa nilang sinasakop ang mga grupo ng pilipino. 6 Dahil sa paghiwa-hiwalay ng  mga lalawigang ito buhat ng baryasyon sa kanilang wika o kultura, madaling silang nasalakay ng mga kastila. 7 Ang sumunod namang hakbang  ng Espanya upang siguruhin na mananatili tayo sa kanilang kontrol, ginamit nila ang wikang Kastila upang hindi sila maintindihan ng mga karaniwang pilipino. 8 Ang wika ay daan upang magkaisa ang isang grupo ng tao ngunit ito rin ay maaring gamitin bilang isang mabisang hadlang sa patuloy na pag-unlad ng lipunan. 9
Ang panahon ng rebolusyon ay makabuluhan dahil dito umusbong ang diwa ng nasyonalismo ng karamihan sa mga pilipino. 10 Ito ang panahon na namulat ang bansa sa mga pangaabusong ginagawa sa kanila nga mga kastila. 11 Ito rin ang panahon na nagsagawa ang mga pilipino ng tiyak na aksyon laban sa hindi makatarungan na pagtrato sa kanila. 12 Madaling sabihin na nag-alsa ang mga pilipino at sa kalaunan ay nagwagi rin, ngunit kung susuriin natin ang konteksto ng panahon na iyon, mababatid natin na ito’y isang imposibleng gawain. 13 Sa panahon na iyon, higit na maunlad ang teknolohiya ng mga kastila. 14 Kumpara sa mga pilipino, marami silang pagkukunan ng mga armas at meron din silang pera upang bumili ng iba’t-ibang kasangkapan na pang-himagsikan. 15 Sa panahon na ito, karamihan ng mga pilipino ay may mga maliliit lamang na trabaho. 16 Ang  mga posisyon ng kapangyarihan ay madalas nabibigay sa mga kastila kaya’t walang kukunan ng suporta ang mga pilipino. 17 Mahirap din ang pagtipon-tipon ng armas na kakailanganin nila dahil lahat ng ito ay kailangan gawin ng patago. 18 Ang bawat pagkakataon ng pagpulong ng mga kasapi ng kilusan ay kailangan din gawing sikreto, kaya’t mabagal ang pagpaparami ng miyembro ng KKK sa simula ng himagsikan. 19 Tila lahat ng lamang sa labanang ito ay naibigay na sa mga kastila, maliban ang isa - ang pagkakaisa ng inang bayan. 20 Sa loob ng halos 300 na taong pagsakop ng Espanya sa bansa natin, bakit kaya hindi kailanman naging matagumpay ang mga pag-aalsa na nangyayari sa lahat ng dako ng Pilipinas? 21 Dahil ba ito sa nakatataas na intelek ng mga kastila? 20 Dahil ba ito sa dahilang likas na mas mababa ang kalidad ng mga pilipino? 21 Sa aking opinyon, ang tanging hadlang sa paglaya ng Pilipinas sa kamay ng Espanya ay ang pagkakaisa ng buong bansa bilang mga Pilipino. 22 Sa pagkakaroon natin ng sari-sariling wika at kultura, natural na nahahati tayo sa mga pangkatang panlipunan ayon sa mga paniniwala o kinasanayan natin. 23 Mababtid natin dito sa pag-aaral tungkol sa rebolusyon ng Pilipinas na kinakailangan lamang ang pagpupunyagi ng bawat isa sa mga pilipino, at makakamit natin ang anumang layunin na itatakda natin para sa ating sarili. 24 Ang wika ay isang instrumento upang maabot ang ideal na ito. 25 Itinakda ng konstitusyon ng Biak-na-Bato na ang opisyal na wika ay gagawing wikang Tagalog, ngunit ano kaya ang kabuluhan nito? 26 Ang pagkakaroon ng iisang wika ay magsasagawa ng pag-usbong sa nasyonalismong pag-iisip ng mga pilipino dahil ngayon na nakokompleto na ang identidad ng “Pilipinas”, nagiging mas maliwanag na rin ang pagiging isang “pilipino”. 27 Binibigay ng wika ang isang konseptong mapanghahawakan ng mga pilipino upang mabigkis ang kanilang pagkakakilanlan sa kakanyahan ng diwang Nasyonalismo. 28 Pagkatapos ng pananaliksik at pagsusuri nitong bahagi ng kasaysayan natin, napagtanto ko na ang wika ay hindi lamang isang behikulo upang makapagpahayag tayo ng ating mga damdamin at nais sabihin. 29 Ito ay isang napakaimportanteng bahagi ng isang bansa dahil ito ay magbibigay ng buhay sa lahat ng bahagi ng kultura at tradisyon nito. 30 Ito rin ang magbibigay sa mga mamamayan ng matatag na pagkakakilanlan sa pagiging bahagi nila sa bansang kinaroroonan nila. 31

Wendell Ong
Ang akala ko noong una'y alam ko na ang mga kailangang malaman upang talakayin ang paksang ito, ngunit sa pananaliksik, ako'y namulat.1 Ako'y nabighani sa laki ng epekto ng wikang Tagalog sa pagkakaisa ng atin bansa at ang laking itinulong nito upang makalaya sa sakop ng Kastila.2 Ayon kay Rep. Sy-Alvarado ay ang ang Republika ng Pilipinas o ang Republica Filipina ay ang Unang Republika ng Asya at Africa.3 Sa pananaliksik at pagaaral ukol sa paksang ito, ay tsaka ko lang nalaman kung gaano kaimportane ang wika sa paggawa ng ating repbulika.4 Nalaman ko na ang naging opisyal na wika ng bansa noong panahon ng rebolusyon ay ang wikang Tagalog.5 Ang wikang Tagalog ay pinili dahil karamihan ng rebolusyonaryo ay gumagamit na ng Tagalog, at upang maging maayos at organisado ang komunikasyon at ang mga kilos ng mga rebolusyonaryo.6 Kahit na may diperensiya sila sa isa't isa, ang mga rebolusyonaryo ay nagkaisa para sa isang dahilan, at ito ay para makalaya ang Pilipinas.7 Hinahangaan ko ang mga rebolusyonaryo dahil sa kanilang lakas ng loob at silang pagiging makabayan at silang paghandang mamatay para sa ating bansa.8 Napaisip lamang ako na "paano kung lahat ng Pilipino ngayon ay ganoon din."9

May isa problema akong nakita sa kasalukuyang mga Pilipino.10 Ito ay ang pagtrato nila sa wikang Pilipino.11 Madalas ay naiisip natin na mas mababa ang paggamit ng sariling wika at mas maganda ang paggamit ng Ingles o kaya't iba pang wika, ngunit ito ay hindi totoo.12 Sa pag-aaral ko ng paksang ito ay mas napapahalagaan ko ang ating wika.13 Nakita ko ang kagandahan ng ating wika at ang dami ng pinagdaanan nito.14 Nakita ko ang dami ng nagawa nito para sa atin at ang patuloy na pagtulong nito sa atin.15 Ang ating wika ay hindi mas mababa kaysa sa iba.16 Ito ay maganda.17 Ito ay representasyon ng ating kultura.18 Ito ay ipinapakita ang mga napagdaanan na ng ating bansa at ang kasaysayan natin.19 Ito ay representasyon natin bilang isang bansa, isang tao.20 Ito ay nag-iisa lamang.21

Marami akong nakuhang impormasyon at mga mahahalagang aralin sa paksang ito.22 Mas napahalagaan ko rin ang ating mga bayani at ang mga kanilang mga kontribusyon at ang mga sakripisyo nila para sa ating bansa.23 Ngunit may isang bagay na gusto kong uwiin sa huli ng lahat, at ito ang pag-aalala ng kahalagaan at ang mga nagawa ng ating wika.24 Dapat natin lahat tandaan ang importansya ng wika sa ating nakaraan.25 Dapat tandaan ang lakas ng ating wika, ang gamit ng ating wika sa kasalukuyan.26 At dapat din nating bigyan halaga ang wika sa kinabukasan ng ating bansa.27 Ang ating wika ay natatangi.28 Ang ating wika ay sinasabing salamin ng ating kultura, at naniniwala ako na ito rin ay salamin ng mga tao sa lipunan na iyon.29 Ang wika natin ay may marami nang pinagdaanan, at marami pa itong pagdadaraanin.30 Ito ay simbolismo ng ating pagkakaisa at ang ating pagiging espesyal at nakakaiba sa ibang mga lipunan.31 Ngayon ay mas masasabi kong Pilipino ako, masasabi ko ito nang mas walang hiya.32 Naniniwala ako na dapat ipagmalaki ang pagiging Piilipino.33 At sasabihin ko ngayon at paulit-ulit pa, ako'y Pilipino, at hindi ako nahihiyang sabihin ito.34

Vivienne Viernes
Sa pagtalakay ng aming paksa ay nagkaroon kami nang mas malalim na pagpapahalaga sa papel ng wika sa panahon ng rebolusyon. 1 Mas pinagtibay ito bilang ang ating pagkakakilanlan, kultura, at kaluluwa. 2 Malaki ang kanyang naiambag at malawak ang kanyang impluwensiya upang makamit ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Pilipino. 3 Ang pag-usbong ng rebolusyon ang siyang naging daan sa pagkakaroon ng iisang wikang umiiral. 4

Kadalasang natututunan lamang sa mga paaralan ang mga mahahalagang kaganapan at tauhan sa panahon ng himagsikan. 5 Aming naisapuso lamang ang pagkakasunod-sunod nito, ngunit hindi humihigit dito ang ating pagkakaintindi sa diwa ng paksa. 6 Ang patuloy na pagbasa ng panitikan at literatura ukol dito ay isang paraan upang saliksikin pa ang kahalagahan nito. 7

Kinakailangang alalahanin na bagama’t ang paghihimagsik ang siyang tumulak sa mga Pilipinong lumaban ay mayroon na tayong sariling kultura, prinsipyo, at konsepto ng wika. 8 Ginamit ito ng mga kilusang propaganda upang maging mulat ang lahat sa katotohanan. 9 Maliban sa mga armas, ito ang naging boses at sandata natin laban sa mga Kastila. 10 Ang pagpapalaganap at pagkalat nito ay naging daan upang maiparating sa mundo ang kalagayan ng Pilipinas. 11 Sinuportahan din nito ang ideya at damdamin ng nasyonalismo sa bansa. 12

Binigyan tayo ng kasarinlan at pag-asa ng wika. 13 Sa paniniwala nga ni Rizal, ito ay isang mabisang kasangkapan upang mapagbuklod ang mga kababayan. 14 Pinili nilang gamitin ang wikang Tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula, kwento, liham, at talumpating nagpahayag ng mga masidhing damdamin laban sa mga Espanyol. 15 Halimbawa na lamang nito ang La Solidaridad, Noli me
Tangere, El Filibusterismo, Kalayaan at iba pa. 16 Ito ay ang ating paraan ng komunikasyon sa kabila nang pagkakawatak-watak ng Pilipinas. 17 Dagdag pa rito ang mga grupong nagsulong sa pagsiklab ng damdaming paghihimagsik, gaya na lamang ng Katipunan. 18   
Ang pagpili ng wikang gagamitin ay desisyon ng mga karaniwang Pilipino. 19 Sinasabi mang ang Konstitusyon ng Biak na Bato ang siyang nagtakda nito, ang paggamit ng Tagalog ay sagisag ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Pilipino at hindi lamang ng pamahalaan. 20 Iba’t iba man ang katawagan sa mga grupong lumaban para sa kalayaan, iisa lamang ang kanilang layunin. 21 Subalit, magkakaroon lamang ito ng kahulugan kung maiuugnay natin ito sa kasalukuyan. 22 Naniniwala ako na karapat-dapat nating ipagmalaki at tangkilikin ang paggamit ng ating sariling wika sapagkat ang hakbang na ito ay lubos na makakatulong sa patuloy na pagtaguyod ng kapayapaan at pagkakaisa. 23
Huwag nating kalimutang tumingin sa ating pinanggalingan, sapagkat ito ay isang mahalagang yugto ng ating kasaysayan. 24 Ang wika ay higit sa isang instrumentong ginagamit sa pakikipag-usap. 25 Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit tayo ganito sa kasalukayan. 26 Ayon nga sa talumpati ni Sy-Alvarado, “Ang mga pangyayaring naganap at nabuo ang sumulat ng ating kasaysayang lumikha ng mga bayani at martir, ng mga mandirigma at paham, ng mga makata at siyentipiko, at ng mga manunulat at artista.” 27 Hindi rin nating masasabi na purong kasamaan lamang ang ibinunga nang pananakop ng mga Espanyol. 28 Tayo ay Pilipino dahil sa mga karanasang pinagdaanan natin, mabuti man o masama. 29 Minsan, kinakailangang tahakin ang mas masalimuot na daan at harapin ang mga pagsubok nito upang maantig tayong kumilos at manindigan para sa ating mga sarili. 30

  1. Listahan ng mga Sanggunian
Amparado, R. (2016). Kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng rebolusyong pilipino [PowerPoint Presentation]. Retrieved from https://www.slideshare.net/Rainier Amparado/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong-pilipino.
Aseremo, D.  (2013). Andres Bonifacio / KKK and Jose Rizal [Prezi Presentation]. Retrieved from https://prezi.com/r7cnmvckboer/andres-bonifacio-kkk-and-jose-rizal/?webgl=0.
Honra, A. (2016). Wika sa panahon ng rebolusyong pilipino [Prezi Presentation]. Retrieved from https://prezi.com/cc_mosnyuprj/wika-sa-panahon-ng-rebolusyong-pilipino/.
Library of Congress. (2011). Chronology - The world of 1898: The Spanish-American war.  Retrieved from https://www.loc.gov/rr/hispanic/1898/chronology.html.
Philippine History Org. (2017). Katipunan. Retrieved from http://www.philippine-history.org/ katipunan.htm.
Preceden Timeline Maker. (n.d.). Ang kasaysayan ng wikang pambansa. Retrieved from https://www.preceden.com/timelines/176825-ang-kasaysayan-ng-wikang-pambansa.


























Comments

Popular posts from this blog

BLOCK G: KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO: KOMONWELT

Block C: Ang Kape sa Pilipinas

Block F: Kasaysayan ng Wikang Filipino: Hapon