Block G: Susing Salita
DALOY NG PRESENTASYON:
Noong ika-25 ng Setyembre 2017, nagpresenta ang grupo tungkol sa mga iba’t ibang susing salita. Ang mga sumusunod ang naging daloy ng presentasyon:
- Introduksyon
- Ipahayag ng mga susing salita
- Mother tongue
- Monolinggwalismo
- Bilinggwalismo
- Multilinggwalismo
- Code switching
- Pagpapahayag ng mga Isyu
- Laro
PAGTALAKAY SA PAKSA:
Mother Tongue
Ayon sa Webster (n.d) at Cambridge Dictionary (n.d.), ang mother tongue ang una nating natutunan na wika noong bata pa tayo. Hindi ito ang wika na natutunan natin sa eskwelahan. Ngunit, ang wika ay matatawag lamang na mother tongue kung ito ay ginagamit sa bahay, o madalas na ginagamit. Halimbawa, kung ang Filipino ang una mong natutunan, ngunit hindi ka magaling sa paggamit nito, at mas magaling ka mag-Ingles, Ingles ang iyong mother tongue.
Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, at Multilinggwalismo
Maaring maging bihasa ang isang tao sa isa o mas madaming wika. Monolinggwalismo ang tawag kung ang tao ay bihasa sa isang wika. Kung dalawa ang bihasang wika, ito ay bilinggwalismo. At ang huli, kung bihasa ang tao sa tatlo o was maraming wika, ang termino nito ay multilinggwalismo.
Code-switching
Ang code-switching ay nangyayari kapag ang tao ay gumagamit ng dalawa o higit pa sa dalawang wika at ito ay kanyang pinagsasama-sama. Ang halimbawa na madalas na ginagamit ng mga Pilipino ay ang pinaghalong Tagalog ang Ingles(English) na Taglish.
Isyu
Ayon kay Deutsch (1965), nakakaapekto ang antas ng tao sa lipunan sa kung paano at gaano kabilis matuto ang isang indibidwal ng bagong wika. Natuklasan niya sa kanyang pananaliksik, na mas nahihirapan matuto ang mga mahihirap ng bagong wika kumpara sa mga may kaya o mayaman.
Ang pangalawang isyu ay tungkol sa paggamit ng mother tongue. Ang mother tongue ay ang lenggwahe na mas naiintindihan, at ang lenggwahe kung saan ang tao ay natututo nang mas mabuti. Dahil rito, mahalaga pa rin ang paggamit ng mother tongue bilang wika ng pagtuturo kahit na ito ay hindi ginagamit ng kalahatan (Benson, 2002; Bialystok, 2001; King, & Mackey, 2007; Kosonen, 2005; Malone, 2003).
Laro
Ang grupo ay gumawa ng laro na ang layunin ay matuto ng bagong wika. Sa tulong ng aming mga kaibigan at magulang na marunong magsalita ng Bisaya, Bicolano, at Kapampangan, kami ay nakagawa ng mga pangungusap na ginamit sa laro. Ang laro ay may tatlong round, kung saan may tig-isang pangungusap. Sa kaliwa ng bawat slide sa presentasyon, kinakailangan nila isalin sa Filipino ang isang pangungusap sa nakasaad na wika sa slide. Sa kanan ng bawat slide, may diksyunaryong magiging gabay nila upang maisalin ang pangungusap. Ang grupo na mauunang isalin ang pangungusap kada round ay makakatanggap ng premyo. Ang mga sumusunod na larawan ang pinakita ng grupo sa klase sa laro na ito.
Figure 1. Unang round |
Figure 2. Premyo para sa unang round (Amazon, n.d.) |
Ang tamang sagot ay: Lami mukaon bisan maayo na.
Ang premyo ng nanalong grupo ay Dried Mangoes mula sa Cebu (Figure 2).
Figure 3. Pangalawang round |
Figure 4. Premyo para sa pangalawang round (Onestore, n.d.) |
Ang tamang sagot ay: Sa muyang harong, gulpo ako ning kamigo na hali sa iba’t-ibang lugar.
Ang premyo ng nanalong grupo ay Crispy Pili mula sa Bicol (Figure 4).
Figure 5. Pangatlong round |
Figure 6. Premyo para sa pangatlong round (Pampanga's Best, n.d.) |
Ang tamang sagot ay: Tin q sabyan… Manyaman matudtud pota.
Ang premyo ng nanalong grupo ay Pampanga’s Best Tocino mula sa Pampanga (Figure 6).
PANGANGANINAG:
Panganganinag ni Eins Amora
Ang panganganinag na ito ay tungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa edukasyon at sa pang araw-araw na buhay.1 Sa ating bansa, maraming mga tao ang bilinggwal o multilinggwal.2 Kaunti lamang ang mga monolinggwal, gawa na rin ng pagkakaroon ng maraming diyalekto sa Pilipinas.3 Bukod dito, ilang mga banyagang wika ang pumasok sa ating bansa na dulot ng pagsakop ng mga dayuhan sa atin.4 Isa sa mga ibang wika na laganap sa bansa ay ang wikang Ingles.5 Marami sa atin ang gumagamit nito kahit na ito ay isang banyagang wika.6
Ayon kay Villacorta, maraming naniniwala na mas magiging maunlad ang ating bansa kung ang lahat ay magiging bihasa sa paggamit ng wikang ito.7 Nakasaad rin sa kanyang teksto na karamihan sa mga Pilipino ay nagtiyatiyagang pag-aralan at gamitin ang Ingles upang maging mas kaaya-aya sa mga kompanyang nais nilang pasukan.8 Ayon pa sa manunulat, talagang mahalaga ang pagkabihasa sa lenggwaheng ito.9 Sa kabila ng tulong na maidudulot ng Ingles, ang pag-aaral at paggamit ng wikang pambansa ay mas makabubuti pa rin sa atin.10 Mahalaga ang wikang Ingles upang umusad at umunlad sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay sa bansa, ngunit hindi ito dapat maging dahilan upang mas gamitin ito kaysa ang wikang Filipino.11 Ito ay dahil ang ating wikang pambansa ay nakaugat sa ating kultura at tradisyon.12 Bukod dito, ang wikang Filipino ay bunga ng “kamalayan at paraan ng pag-iisip na bunga ng kolektibong karanasan” ng mga taong nanirahan sa ating bansa mula sa simula (Villacorta, n.d.).13 Samantala, ang wikang Ingles ay banyaga na may sariling pinagmulan, at hindi natin ito maiintindihan sa lebel ng ating pagkakaintindi sa ating sariling wikang pambansa.14
Sa artikulo naman ni de Villa, maraming mga halimbawa ang ipinakita na naglalayon na gamitin ang wikang pambansa bilang wika ng pagtuturo.15 Sa isa sa mga halimbawa ay nakita na mas natututo ang mga tao sa bansa gamit ang wikang pambansa kaysa sa wikang banyaga.16 Ito ay sang-ayon sa sinabi ni Villacorta na ang ating pambansang wika ay mas hawig sa mga katutubong wika, na maaaring naging sanhi ng resulta na nakuha sa halimbawa ni de Villa.17
Sa parehong artikulo ay lubhang naipakita na epektibo ang ating wika sa pagtuturo at pagkatuto ng mga tao, sa kabila ng mga paniniwala na ito ay hindi sapat upang gamitin sa paaralan.18 Ako ay sumasang-ayon sa sinabi ng dalawang awtor.19 Ang ibang wikang banyaga ay hindi mapipigilang lumaganap, ngunit hindi ito dapat maging dahilan upang kalimutan na ang ating sariling wika.20 Tulad ng sinabi ni Villacorta, ang ating wikang pambansa ay isang wikang nagtataglay ng kagandahan at kayamanan.21 Mas natututo tayo rito, ngunit ang mas pinipiling gamitin ng karamihan ngayon ay ang wikang Ingles.22 Kahit na importante ang pagkakaroon ng kasanayan sa wikang ito, mas makabubuti kung ang wikang Filipino ang gagamitin, hindi lamang sa paaralan, kundi pati sa pang araw-araw na komunikasyon.23 Hindi lamang tayo natututo nang mas maayos kung ito ay ating gagamitin, kundi pati na rin sa pakikipag-usap ay mas magiging madali ang paggamit ng wikang Filipino.24 Ang wikang Filipino ay kinokonsiderang lengua franca, o ang wikang dapat na magbubuklod sa lahat ng mga tao sa ating bansa.25 Kung patuloy nating paniniwalaan ang mga pag-iisip na nagsasabing hindi sapat ang wikang Filipino upang matuto ay magdudulot ito ng mas hindi pag-unlad ng ating bansa.26 Ito ay batay sa paliwanag ni Villacorta na kung ang isang bansa ay hindi nagbibigay-halaga sa wikang pambansa, ay hindi rin ito magbibigay ng halaga sa mga katutubong wika na sumasalamin sa kultura.27 Gaya rin ng sinabi niya, dapat na “pumanaw at mabura sa mapa ng daigdig” ang hindi magpapahalaga sa sariling wika.28 Ako ay naniniwala na ito ay ang magiging hantungan kung ating papalawigin ang hindi pagtangkilik sa sariling wika.29
Upang ibuod, ang kahalagahan ng wikang Ingles, at iba pang wikang banyaga, sa pag-unlad ay hindi sapat upang mapalitan nito ang ating sariling wika.30 Ang wikang Filipino ay isang wikang nagtataglay ng kagandahan at kayamanan, na dapat palaguin at gamitin para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.31
Panganganinag ni Jamaela Hombre
May mga tao na natuto magsalita ng ibang wika dahil gusto lamang nila. Isa rin sa mga dahilan nito ay ang globalisasyon, na kasama ng pagpasok ng bagong kultura ay ang pagpapakilala sa bagong wika. Isa sa mga wikang dayuhan na pumasok sa Pilipinas ay ang wikang Ingles. Dahil dito, karamihan ng mga Pilipino ay bilinggwal. Ngunit sa kasalukuyan, nagkakaroon ng mga isyu ukol sa globalisasyon, tulad ng pangingibabaw ng Ingles sa Filipino. Mula sa aking karanasan, ang halimbawa nito ay ang pagturo ng agham, matematika, at teknolohiya sa wikang Ingles. Sapagkat iniisip natin na ang Filipino ay hindi kasing kompleto ng wikang Ingles, kaya akala natin na hindi kailangan alagaan o protektahan ang ating pambansang wika.
Gayunman, ayon kay Villacorta, ang wikang Ingles ay mahalaga sa pag-unlad ng ating ekonomiya, ngunit hindi ito dahilan upang mapabayaan ang wikang Filipino. Ang mga sumusunod ang mga dahilan kung bakit kailangan alagaan ang atiing pambansang wika. Una, karamihan pa rin ng mga Pilipino ay hindi bihasa sa Ingles, sapagkat Filipino ang kanilang mother tongue. Samakatuwid, sa wikang Filipino, hindi nahihiya maipahiwatig ng mga Pilipino ang kanilang nararamdaman dahil mas kaunting mali ang kanilang nagagawa kompara sa pagsasalita sa wikang Ingles. Ito ay dahil mas madali tayo natututo sa wikang Filipino kaysa sa Ingles. Bukod pa rito, mas nagkakaisa ang mga mamamayan kung wikang Filipino ang ginagamit. Paalala, hindi solusyon ang maging magaling tayong lahat sa Ingles dahil dahil hindi tayo mabubuklod sa ibang bansa.
Pangalawa, ang ating pambansang wika ay kasing ganda ng ibang wika. Nakikita sa ating wika ang mataas na uri ng literatura at sining. Sinabi ni Villacorta kung pabaya ang isang bayan sa kanyang wika at kultura, ito ay “nararapat na pumanaw at mabura sa mapa ng daigdig.”
Pangatlo, Filipino ang ginagamit ng karamihan sa mga Pilipinong kapitalista, propesyonal, manager, manggagawa at iba pa. Ang mga nabanggit ay importante sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya o mga industriya. Kung Filipino ang ginagamit ng mga bumibili at ng mga nagbebenta, mauunawaan ng dalawa ang isa’t isa. Magiging resulta nito ang pagpapahigit ng kanilang produktidad.
Sinabi naman ni de Villa ang halaga ng Filipino bilang wikang panturo. Nagbigay siya ng mga halimbawa ng mga panahon kung kailan ginamit at hindi ginamit ang Filipino sa pagtuturo. Ipanakikita nito na mas natututo ang mga bata kung ang sariling wika ang ginagamit sa pagtuturo.
Mula sa eksperimento na isinagawa ni G. Bautista, mas natuto ang mga di-Tagalog na mag-aaral sa wikang Filipino. Ang posibleng dahilan dito ay ang mga wika sa Pilipinas ay magkakatulad sa ponetiko.
Pagkatapos ideklara ang Filipino bilang pambansang wika, mas gumanda ang pagtataguyod sa paggamit ng wikang Filipino. Hanggang ngayon, tulad ng University of the Philippines (UP), may ibang mga unibersidad at kolehiyo na pinapatuloy ang pagtataguyod ng wikang Filipino.
Dahil sa pag-unlad ng ating pambansang wika, nagamit itong sandata noong naranasan ang matinding kagipitan sa ating bansa. Naging malaking tulong ito sa pagpapalaganap ng damdaming makabayan sa mga mamamayan.
Panganganinag ni Perry Chua
Bago ko nabasa ang mga sulat tungkol sa kahalagahan ng iba’t ibang bahagi ng susing salita kagaya ng mother tongue at pagiging bilinggwal, akala ko na ang wika na ginagamit ng isang tao sa paglaki niya ay handi nagaapekto sa kanyang buhay. Noong nabasa ko ang mga artikulo na ito, natanto ko na nakakaimpluwensiya ito sobra sa pagbuo ng isang mamamayan.
Alam ko na ginawa na Ingles ang medyum ng pagtuturo ni GMA. Pinaliptan ito ni Noynoy para ihalo ang Ingles at mother tongue. Dito palang, nakikita na kung gaanong importante and wikang Ingles sa pagtuturo ng kabataan. Noong nabasa ko ang isinulat ni Villacorta, higit ko pa nalaman ang mga argumento ng dalawang panig sa labanan tungkol sa anong wikang gagamitin sa pagtuturo sa eskwela. Sinabi muna ni Villacorta ang mga rason kung bakit mahalaga ang wikang Ingles sa pagturo sa eskwela. Kasama dito ang mga importanteng salitang tungkol agham o teknolohiya. Ang mga puntong ito ay alam ng maraming tao. Subalit, noong pumunta ang paksa sa mga punto kung bakit mabuti ang Filipino, nagulat ako sa mga benepisyo ng Filipino bilang medyum ng pagtuturo. Ayon sa mga pananaliksik na binanggit ni Villacorte, mas mahusay at epektibo ang wikang Filipino kung gagamitin sa pugtuturo sa eskwelahan. Sa huli, ang mga pangunahing argumento ng bawat wika ay tig-iisa lamang. Sa panig ng wikang Ingles ang punto ng globalization. Importanteng importante ang wikang Ingles gusto gusto natin umunlad sa ibang bansa. Kitang kita to sa dami daming nating OFW. Maraming trabaho ay di nagagawa na hindi ginigamit ng mga susing salita na na sa wikang Ingles. Sa panig naman ng Filipino ang punto ng kultura. Ang wika ng isang bayan ay isang imporatanteng parte ng kanyang kultura. Kung nawala ang pagagamit ng Filipino sa ating bansa, mawawala din ang ating pagkakakilanlan bilang isang bayan. Para sa akin, importanteng importante parin ang Ingles dahil sa kahalagahan niya sa negosyo, lalo na kapag lumabas ka ng Pilipinas. Wala kang makikita na produkto na internasyonal na walang Ingles na pagsasalin. Kailangan ang wikang Ingles kahit anong gawin natin. Subalit, sumasangayon ako sa pagtuturo gamit ng wikang Filipino. Isang malaking tulong sa pagtratrabaho ang kaalaman ng wikang Filipino, lalo na kung magsisimula ka ng bagong negosyo.
Pagdating sa gawa ni de Villa, mas lumawak naman ang kaalaman ko tungkol sa kasaysayan ng wikang ginagamit sa kurikulum sa Pilipinas. Nakikita dito ang paglalaban ng grupo ng tao tungkol sa wikang gagamitin sa kurikulum. Nakikita yung halaga ng wikang Filipino at ng pag-uunlad ng Pilipinas para sa kanila. Dito natin nalalaman kung saan nangaling ang resulta na ginamit sa kasalukuyan na kurikulum. Hindi lamang base sa opinyon ang mga batas na sinusundan ng bansa ngayon. Kahit pagdating sa paksa ng medyum ng pagtuturo, marami at matagal ang oras na ginamit upang makarating sa sistema nating ginagamit ngayon. Dahil doon, ang aking tiwala sa sistema ay lumakas.
BISWAL NA PRESENTASYON:
Ito ang mga slides na ginamit sa presentasyon:
SANGGUNIAN:
Amazon. (n.d.). Naturally Delicious 7D Mangoes Tree Ripened Dried Mango. Retrieved
October 7, 2017, from https://www.amazon.com/Naturally-Delicious-7D-Mangoes-Ripened/dp/B002LL8Q2K
Benson, C. (2002). Real and potential benefits of bilingual progammes in developing
countries. International Journal of Bilingual Education and Bilingualism, 5 (6), 303-317. doi: 10.1080/13670050208667764
Bialystok, E. (2001). Bilingualism in development: Language, literacy, and cognition.
Cambridge: Cambridge University Press.
Definition of "mother tongue" - English Dictionary. (n.d.). Retrieved September 24, 2017,
from http://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/mother-tongue
Deutsch, M. (1965). The role of social class in language development and cognition.
Fajardo, D. (2012). Happy Conyo Day. Retrieved from
http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/270464/happy-conyo-day/story/
King, K., & Mackey, A. (2007). The bilingual edge: Why, when, and how to teach your
child a second language. New York: Collins.
Kosonen, K. (2005). Education in local languages: Policy and practice in Southeast Asia.
First languages first: Community-based literacy programmes for minority language contexts in Asia. Bangkok: UNESCO Bangkok.
WalterMart (n.d.). Bonakid pre-school powdered milk drink 1.2KG. Retrieved September
24, 2017, from http://www.grocerydelivery.com.ph/bonakid-pre-school-powdered-milk-drink-400g-3s.html
WhitneyLewisPhotography (2014). Mother like baby daughter. Retrieved from
Malone, D. L. (2003). Developing curriculum materials for endangered language
education: Lessons from the field. International Journal of Bilingual Education and Bilingualism, 6(5), 332. doi: 10.1080/13670050308667790
Mother tongue. (n.d.). Retrieved September 24, 2017, from
https://www.merriam-webster.com/dictionary/mothertongue
Onestore. (n.d.). Crispy pili. Retrieved October 7, 2017, from
http://onestore.ph/index.php/home/product_view/7934/Crispy-Pili
Pampanga’s Best. (n.d.). Tocino. Retrieved October 7, 2017, from
https://www.pampangasbest.com/product/tocino/#.Wdc1u2iCw2w
Comments
Post a Comment